CHAPTER 11

1599 Words
PAGKAGISING ni Mikael, ang ulo niya agad ang nasapo niya. Ang sakit ng ulo niya. Sobra. Para itong pinukpok sa sakit. He groaned and got up. Natigilan siya nang makita niyang wala siya sa loob ng kaniyang kwarto. Looking at the arrangement of the living room, this is not his living room. This is Leigh’s living room. Nagtaka si Mikael kung ano paano siya nakarating dito sa apartment ni Leigh. Ang maalala niya lamang ay nag-iinuman sila ng mga kaibigan niya. How did I end up here? Then he heard a movement from the kitchen. Tumayo siya kahit pa nahihilo siya at pumunta sa kusina ni Leigh. Nakita niya ang dalaga na nagluluto. “Leigh.” Kaagad na humarap ito sa kaniya. “Gising ka na pala.” Sabi ni Leigh. “Bakit nandito ako?” tanong ni Mikael. Sabi ko na nga ba. Wala itong maalala. “Pumunta ka dito.” Tugon ni Leigh. Kumunot ang nuo ni Mikael at napakamot sa batok. “Hindi ko maalala.” Leigh already expected it. Alam niyang walang maalala si Mikael pagkagising nito. Kaya naman kahit pa paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyaring paghalik nito sa kaniya na tinugon naman niya, kumilos siya na parang normal lang. She acted as if Mikael hadn’t done anything to her last night. “Coffee?” Leigh asked. Tumango si Mikael. “Thank you.” Then he groaned. “Ang sakit ng ulo ko.” “Bakit ka kasi uminom?” tanong ni Leigh habang nagtitimpla ng kape. “Pinuntahan ako ng mga kumag kahapon. Then we got drank.” Ani Mikael. Minamasahe niya ang sariling ulo para kahit papaano ay matanggal ang sakit. Inilapag naman ni Leigh ang kape sa harapan ni Mikael saka binalikan ang niluluto. “Thanks.” Lumingon si Leigh kay Mikael. “Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot para mawala ang sakit ng ulo mo. Mabuti na lang at linggo ngayon.” Aniya. Or more on sermon niya sa binata. Mikael pouted. “Bakit parang galit ka?” tanong niya sa dalaga. He looked down and stared at his coffee. Leigh sighed. “Hindi ako galit.” Sabi niya. Nag-angat ng tingin si Mikael. “Pero halata naman sa boses mo na sinesermunan mo ako. Sige na hindi na ako iinom sa susunod.” Tumalikod si Leigh saka hinarap ang niluluto. A small smile appeared on her lips. Sandali niyang sinulyapan si Mikael na nagkakape. Ramdam niya kasi ang tingin nito sa kaniya. “What?” Umiling si Mikael saka nag-iwas ng tingin. He was thinking about Leigh and he couldn’t help himself but to stare at Leigh’s sexy back. Tumikhim siya dahil pakiramdam niya ay nag-iiba na ang takbo ng utak niya. Mabilis niyang inubos ang kape saka nagpaalam kay Leigh. “Maliligo lang ako.” “Balik ka rito mamaya. Sabay na tayong mag-breakfast.” Tumango si Mikael saka nagmamadaling umalis. Nang makalabas siya ng apartment ni Leigh nakita niya ang mga kaibigan na nasa labas mismo ng pinto. They were all grinning. “You slept here last night, Kuya.” Said Mikhail while grinning, teasing his elder brother. “So, did you confess?” Odysseus asked. Hindi pinansin ni Mikael ang mga kaibigan at naglakad papasok sa sariling apartment. Sumunod naman ang mga kaibigan niya sa kaniya habang kinukulit siya kung kumusta ang gabi niya. “I don’t know.” Nasabi lamang ni Mikael saka pumasok sa sariling kwarto. He took a bath and after taking a bath, he wore clothes and went out of his room. Natigilan pa siya nang makita ang mga kaibigan niya kasama ang kapatid niya na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya. “Hindi pa kayo umuwi?” “Well,” Wayne smiled, “gusto nilang makilala ang Leigh mo.” “Mahiya nga kayo.” Sabi naman ni Mikael. “Ako na ang nagsasabi hindi kayo welcome sa apartment niya.” “Ikinakahiya mo ba kami, Kuya?” tanong ni Mikhail. Umiling si Mikael. “Nope. Hindi kita kinakahiya pero ang mga katabi mo ang kinakahiya ko.” Sabi niya. “Ang sama talaga ng ugali ng Kuya mo, Mikhail.” Ani Dylan. Tumawa si Mikhail saka mabilis na tumayo. Tumabi siya sa Kuya Mikael niya at yumakap sa braso nito. Kaagad na tinignan ni Mikael ang buhok ni Mikhail. “Naligo ka na?” Tumango si Mikhail. “Pero masakit ang ulo ko, Kuya.” Kaagad na hinawakan ni Mikael ang ulo ng kapatid. Nagkatinginan na lamang ang mga kaibigan ni Mikael. Though Mikael was rude to them, he was good to his family. Sa ibang tao lang talaga masama ang ugali ni Mikael pero mabait naman ito. If they ask a favor from Mikael, he would always help them. Nagtaka pa si Mikael nang narinig niyang tumunog ang doorbell ng flat niya. Nagtatanong na tinignan niya ang mga kaibigan. Mabilis na tumayo si Wayne. “Nagpadeliver kami ng pagkain.” “So, will you introduce your Leigh to us, Mik?” tanong ni Odysseus. “Gusto lang naming makilala ang babaeng nagpatibok sa mabato mong puso.” Napabuga ng hangin si Mikael saka tumingin kay Gabriel. “Send Mikhail home later.” Tumango si Gabriel. “Yes, Boss.” “So, come on.” Wayne showed the paper bags he was holding. Mikael sighed in defeat. “Let’s go.” NAGULAT si Leigh nang mapagbuksan niya ang pinto si Mikael at may kasama ang mga ito. They were all handsome men, but Mikael was the most handsome. Nailing ni Leigh ang ulo dahil kung anu-ano ang pumapasok sa kaniyang isipan. Mikael had an apologizing look. “Sorry, they are my friends, and they wanted to meet you.” “May dala kaming pagkain.” Masiglang sabi ni Wayne saka ngumiwi. “Take out nga lang.” Leigh looked at Mikael. “Sorry.” Mikael apologized. “I…” Ngumiti si Leigh. “It’s okay.” Mikael observed Leigh’s expression. Hindi nagbago ang expression nito maliban sa nagulat ito kanina. Tumikhim siya. “Anyway, this is my brother, Mikhail Elliot.” Pakilala niya sa kapatid niya. Mikhail waved his hand. “Hi, Ate.” Bati niya. Leigh smiled and nodded her head. Then Mikael’s friends introduced themselves. “Dylan Atienza-Ignacio.” “Odysseus Ignacio-Atienza.” Inakbayan niya si Dylan. “We’re brothers.” Naguluhan si Leigh. “His father is my father.” Odysseus pointed to Dylan. “And my father is his father.” Kaagad namang nakuha ni Leigh kung ano ang ibig sabihin ni Odysseus kaya naman tumango na lamang siya. “Everyone this is Leigh.” Pakilala naman ni Mikael sa dalaga saka tinignan ang mga kaibigan. “Mahiya kayo. Nasa ibang bahay kayo. Huwag kayong maingay.” Aniya. “Pasok kayo.” Aya naman ni Leigh. Pumasok naman ang kapatid at kaibigan ni Mikael. “So, we were curious, Miss Leigh.” Sabi ni Odysseus. “Anong relasyon niyo ni Mikael?” tanong niya. Naging maingay na siya kahit naman tahimik lang siya talaga. Pero nakakainteres kasi na malaman kung ano ba talaga ang mayroon kay Mikael at sa sekretarya nito. Inumang ni Mikael ang kamao kay Odysseus. “He’s my boss and, at the same time, we are friends.” Sagot ni Leigh. “Friends?” Dylan didn’t believe it. “Don’t listen to them.” Sabi naman ni Mikael kay Leigh. But Leigh still answered Dylan. “Yeah, we’re friends.” So, the breakfast wasn’t only for Mikael and Leigh, but they dined with Mikael’s friends. And somehow Leigh found it fun because Mikael’s friends were noisy. Marami ang mga itong kalokohang pinagsasabi habang kumakain sila ng agahan. Leigh could only find herself laughing because of their jokes. After breakfast and washing the dishes that Mikael’s friends insisted on finishing, Mikael’s friends left. Umalis na rin si Mikhail at hinatid ito ni Gabriel. Tanging ang naiwan lamang ay si Mikael na ngayon ay pinapainom ni Leigh ng gamot para sa sakit ng ulo. “Sorry about that. Maingay talaga sila.” Hingi ni Mikael ng paumanhin. Ngumiti si Leigh. “It’s okay. Masaya naman silang kasama.” Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mikael. He was jealous because Leigh was happy with his friends. Kumuyom ang kamay niya. Hindi na siya nagsalita dahil wala naman siyang karapatang magreklamo. They are only friends. They are not into romantic relationships. At isa pa siya ang nag-alok ng pakikipagkaibigan kay Leigh. So, he needs to sulk it up and doesn’t have the right to complain. Mikael could only sigh his jealousy. “So, are you happy with me?” he couldn’t help but ask. “Huh?” Umiling si Mikael. “Babalik na ako sa apartment ko. I wanted to rest.” “Okay.” Then Leigh’s attention was caught by her cellphone when it rang. Pinulot niya ang cellphone at sinagot ang tawag. “Hello, Maeve.” “Mommy!” Masiglang saad ng nasa kabilang linya. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Leigh nang marinig ang boses ng kaniyang anak. “Hi, baby.” “Mommy, I miss you.” “I miss you too, baby.” Mikael stopped in his tracks and stared at Leigh. The Leigh in front of him now was an affectionate woman talking to someone on the other line. But he knew it was her son whom she was talking with. So, Mikael didn’t make any fuss. Tahimik siyang umalis ng flat ni Leigh saka bumalik sa sarili niyang apartment. That day, Mikael rested and the next morning, he went to work again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD