IT WAS MONDAY. The first day of the week. Mas nauna pa si Mikael na nakarating sa opisina kaysa kay Leigh. Hindi sila nagsabay dahil baka may makakita na naman sa kanila at ayaw ni Leigh na magdagdagan ang tsismis tungkol sa kanilang dalawa.
But upon opening his laptop, Mikael received an email. The email contains threats. Alam na niya agad kung sino ang nagpadala sa kaniya ng banta na ‘yon kaya hindi na niya pinansin.
Habang hindi pinapansin ni Mikael ang banta sa buhay niya, parami naman ng parami ang banta na dumadating. Ngunit ang mahalaga kay Mikael ay ang kaligtasan ng kaniyang pamilya kaya naman pinadoble niya ang secret security ng mga ito. Ayaw niyang may masamang mangyari sa pamilya niya.
Lumipas ang mga araw at hindi tumigil ang Mafia sa pagpapadala sa kaniya ng mga death threats. Dylan had already offered some help and referred him to Dylan’s friend, the Chief of Police, Ezekeil Velasco.
Thanks to Chief Velasco nalaman niya ang tungkol sa ibang gawain ng Mafia. Maliban sa mga pagpapabagsak nila ng mga kumpanya, involved rin sila sa human trafficking, drug crimes, kidnapping, rape, murder, corporate crimes, embezzlement, and prostitution. At hindi basta sindikato ang mga ito. Isa raw itong organisasyon na mahirap huliin dahil marami itong kasama na matataas na opisyal ng gobyerno at pribadong indibiwal sa loob at labas man ng bansa.
“Kaya naman nahihirapan kaming huliin sila.” Ani Chief Velasco. “Sa totoo lang walang masyadong nakakaalam sa organisasyon nila dahil ang organisasyon nila ay sangay ng iba’t-ibang grupo. Wala ring nakakaalam kung sino ang lider ng Mafia.”
Mikael sighed. “They put a hit on my father three years ago when he was investigating them. So, I continued to investigate it. At inasahan ko na hindi madali ang lahat.”
Chief Velasco inwardly smiled. “Kung gusto mong pabagsakin ang isang organisasyon, kailangan mo munang patayin ang puno nito.” Aniya ng may ibang kahulugan. “But as for you, before they kill you, they would destroy your Empire first.”
Umiling si Mikael. “I won’t let that happen, Chief.”
“Dylan said you’re stubborn.” Ani Chief Velasco. “So, I won’t stop you, but I need your cooperation regarding the Mafia.”
Tumango si Mikael. “You have my word.”
Nang makaalis si Mikael, kinuha ni Chief Velasco ang nakatagong cellphone sa drawer ng kaniyang lamesa at tinawagan ang isang numero doon. Ilang ring lang ay sinagot na siya ng tinatawagan niya.
“Chief, Mr. Salazar to cooperate with us but in the name of the police department.”
“Good. Kailangan nating malaman kung nasaan na ang dating Chief ng Crimson Rose. Kung may alam ba siya at kung nasa kaniya rin ba ang Black Book na nakuha noon ng Chief.” Anang nasa kabilang linya.
“Yes, Chief.”
“But don’t pressure him. I’ll kill you if you pressure him.” Malamig na banta ng Chief.
Napalunok si Chief Velasco sa banta sa kaniya ng Chief. “Yes, Chief.”
When the call ended, he blew a loud breath. The former and current Chief of the Crimson Rose Organization are nice people, but the current Chief is more ruthless compared to the previous one.
Chief Velasco sighed and shook his head.
TAHIMIK si Mikael habang kumakain sila ng dinner ni Leigh. Nagtaka naman si Leigh dahil hindi naman ganito ang binata kapag magkasama sila lalo na kapag kumakain silang dalawa.
“Mikael.” Tawag ni Leigh sa kaibigan.
Kaahad namang tumingin si Mikael kay Leigh. “Ano ‘yon?”
“Ayos ka lang ba? May problema ka ba?” concerned na tanong ni Leigh. Medyo nag-aalala siya para rito.
Umiling si Mikael. “May iniisip lang ako. Don’t worry about me.”
“Are you sure?”
Tumango si Mikael.
Suddenly, Leigh’s phone rang. Kaagad niyang sinagot nang makita kung sino ang tumatawag. Her smile became bright, and she greeted the person on the other line.
“Mommy!”
Leigh chuckled. Ini-loudspeaker niya ang tawag dahil hindi siya makakain kapag hawak niya ang phone niya. “Excuse me.” Aniya kay Mikael.
Tumango naman si Mikael.
So, Leigh talked to her son while eating.
“Mommy, kailan ka po uuwi?”
Natigilan si Mikael nang marinig niya ang boses ng bata. Somewhat the kid’s voice made him stilled. Hindi niya namalayan na napatigil na pala siya sa pagkain at pinakinggan niya ang boses ng bata.
“Hindi ko alam, baby, eh.” Tugon ni Leigh sa anak. She could already picture her son pouting. Ngumiti siya.
“Mommy, miss na kita.”
“Yeah, I miss you too, baby.”
“Mommy, malapit na pong matapos ang school. Can I come to you?” Acezekiel asked.
“Yeah, sure.” Wika naman ni Leigh. “I’ll introduce you to someone.”
“Sino po, Mommy?” Nagtatakang tanong ng bata.
Mikael wasn’t hoping. Pero abot hanggang tainga ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ni Leigh.
“A special friend, Ace.” Sabay tingin kay Mikael. “And be nice, okay?”
“Okay po, Mommy. But I have a question po.”
“What is it?” tanong ni Leigh sa anak at uminom ng tubig.
“Mommy, you mentioned that someone is a special friend. Is he a man or a woman?”
Mikael could tell that Leigh’s son was smart. The kid was talking like he was already an adult.
“Man.”
“Is he going to be my daddy?” The kid innocently asked.
Napaubo si Leigh.
Natawa naman ng mahina si Mikael saka nakangising tinignan si Leigh.
Umiwas naman ng tingin si Leigh dahil pakiramdam niya ay namumula siya. “Baby, don’t say something like that. It was embarrassing.”
“Mommy, there is no embarrassment about it. As long as you are happy. Your happiness matters. You don’t have to worry about me.” Ani Acezekiel.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Leigh dahil sa sinabi ng anak. “Ikaw na bata ka talaga.” Napailing siya. “Matulog ka na. Alam kong malalim na ang gabi diyan, anak.”
“Sige po, mommy. Love you po.”
“Love you too.”
Leigh smiled after ending the call. Then she looked at Mikael. “Sorry about that.”
Ngumiti naman si Mikael. “It’s okay. Your son’s voice makes me calm. I don’t know why.” Aniya.
Sandaling natigilan si Leigh sa sinabi ni Mikael pero kapagkuwan ngumiti siya. “Pero gusto mo bang makilala ang anak ko?”
Tumango si Mikael. “Of course, it would be great if I met him.” Aniya habang nakangiti.
Pagkatapos nilang kumain, tinulungan ni Mikael si Leigh na maghugas at ayusin ang kusina. After tidying up the kitchen, they went to the living room and watched a movie. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa.
“May tanong ako. Don’t be offended. I was just curious.” Wika ni Mikael.
Leigh glanced at Mikael. “Ano ‘yon?”
“Where’s your son’s father?” Maingat na tanong ni Mikael.
Leigh stilled and stared at Mikael.
Sa hindi pagsasalita ni Leigh at pagtitig nito sa kaniya, naisip agad ni Mikael baka nakikipag-argumento na si Leigh sa isipan nito. “It’s okay kung ayaw mong sagutin. Naiintindihan ko.”
Leigh sighed and smiled a little. “I don’t know. He left.”
Napatango si Mikael at hindi na nag-usisa pa. Baka hindi komportable si Leigh at magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan.
“I hope that he won’t come back.” Seryosong saad ni Mikael.
“Huh?”
Ngumiti lang si Mikael saka humiga sa sofa at ginawang unan ang hita ni Leigh. “I wish that he wouldn’t come back so that I could stay by your side.”
Leigh was stunned by Mikael’s words. “Mikael…”
Mikael looked at Leigh. “Lalayuan mo ba ako kung sasabihin ko na gusto kita?” Deretso niyang saad.
Napatitig si Leigh kay Mikael. Shocked was shown in her face. “M-mikael…” Hindi niya inaasahan ang sasabihin iyon ng binata sa kaniya.
Bumangon si Mikael saka hinawakan ang kamay ni Leigh. “Gusto kita.” Pag-amin niya sa tunay niyang nararamdaman.
Kumurap si Leigh. “Pero ilang buwan pa lamang tayong magkakilala, Mikael.”
“Gusto kita matagal na.”
Lumaki ang mata ni Leigh. “M-matagal na?”
Nag-iwas ng tingin si Mikael dahil bigla siyang nahiya para sa sarili. “Matagal na kitang gusto, Leigh.”
“Pero hindi kita gusto.” Ani Leigh. Pero gusto niyang bawiin ang sinabi niya nang makita niya ang pagkadismaya at sakit sa mata ni Mikael pero huli na dahil nasabi na niya.
Ngumiti si Mikael. “It doesn’t matter if you like me or not. Basta gusto kita. Sana lang hindi mo ako layuan.”
Umiling si Leigh. “As long as you are still comfortable with me, and I hope that we will remain as friends. And you will respect me for who I am.”
Tumango si Mikael. “Oo naman. Magkaibigan pa rin tayo.” Nginitian niya si Leigh. “Pero sigurado ka bang wala kang gusto sa akin?” pang-aasar na tanong niya sa dalaga.
Sa tanong ni Mikael, naalala tuloy ni Leigh ang ginawa nitong paghalik sa kaniya noong nalasing ito. Hinampas niya si Mikael ng unan.
Hindi umilag si Mikael at sinalo lang naman ang unan na hinampas sa kaniya ni Leigh habang tumatawa.
“I have a son, Mikael. And my top priority now is my son.” Saad ni Leigh at ngumiti.
Napatigil si Mikael at seryosong tumingin kay Leigh. Hinawakan niya ang kamay nito. Not in an intimate way but in a gentle way. “I know, but if you don’t like me, I still want to meet your son. Malay mo in the future mahulog ang loob mo sa akin.” Inilapit niya ang mukha niya kay Leigh. “Posible naman hindi ba?”
Leigh rolled her eyes and pushed Mikael. “Ang kapal ng mukha mo.”
“Yeah, I have a thick face.” Ani Mikael. Then he added, “at masama rin ang ugali ko. Huwag kang magulat, ah.”
Kumunot ang nuo ni Leigh nang may maalala siya. “Sabi ni Wayne noon masama raw ang ugali mo. Pero base sa pagkakilala ko sa ‘yo mabait ka naman.”
Napailing si Mikael. “Maniwala ka sa kaniya. Except to my family, I am really rude to other people.”
“Pero mabait ka sa akin?”
Mikael touched Leigh’s nose. “It’s because I like you.” He chuckled. “Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa akin, hindi ko akalain na ma-friendzone ako.” Napailing siya.
Kumunot naman ang nuo ni Leigh saka kinurot ang braso ni Mikael. “Huwag mo akong paringgan. At least nga naging honest ako sa ‘yo.”
“Aray! Masakit naman, Leigh.” Hinawakan ni Mikael ang kamay ni Leigh na nakakurot sa braso niya pero hindi niya tinanggal ang kamay nito na nakakurot sa kaniyang braso.
Leigh glared at Mikael. Itinigil niya ang pagkurot sa braso ni Mikael. Napatingin siya sa binata at isang katanungan ang nabuo sa kaniyang isipan. Don’t I like him? My feelings contradict of what I had said earlier.