It was already lunchtime when Flor went to Leigh's work station. Inaya niya itong kumain sila ng lunch. Pumayag naman agad si Leigh pero may napansin siya sa kaibigan. Mukha yatang blooming ito pero mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
Ngumiti si Flor at biglang kiniliti si Leigh. She was expecting Leigh to squeal, but it didn't happen. Instead, she looked at her.
Flor peace signed. "Sorry. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, eh."
"Oh." Umiling si Leigh. "Iniisip ko lang ang anak ko. I miss him."
Namilog ang mata ni Flor sa gulat. "May anak ka na?"
Tumango si Leigh. "Oo. Five years old na siya ngayon."
"Ay sana all." Sambit ni Flor. "Kami kasi ni Gabriel ay wala pa hanggang ngayon. Isang taon na kaming kasal pero hindi pa rin kami binibigyan."
Ngumiti naman si Leigh. "Darating rin. Maghintay lang kayo."
Tumango si Flor saka yumakap sa braso ni Leigh. "Blooming ka ngayon. Mukhang inlove ka, ah."
Natigilan si Leigh saka napatingin kay Flor. "Inlove?"
Pumasok silang dalawa sa elevator. Flor pushed the first-floor button where the cafeteria of the company was located.
Nakakalokong ngumiti si Flor saka pabulong na nagsalita. "Si Sir Mikael ba 'yan?"
Bahagyang kinurot ni Leigh si Flor. "Ikaw ang tsismosa mo."
Flor rolled her eyes. She snickered. "Leigh, kalat na sa buong Empire ang tungkol sa inyo ng boss natin. FYI, someone saw the two of you. At 'yon kumalat na rito. Hindi ako tsismosa, ah. Sadyang matalas lang ang pandinig ko tungkol sa 'yo. At tsismis ang lumalapit sa akin."
Si Leigh naman ang umikot ang mata. "Wala akong pakialam sa mga tsismosa na 'yan. May importante akong kailangang gawin." Nang may maalala siya. Tumingin siya kay Flor. "How can you say that you love someone?"
Kinilig naman si Flor dahil sa tanong ng kaibigan. Alam niya kung bakit ito nagtatanong ng ganun. She chuckled and pulled Leigh out of the elevator when it opened. "Sasabihin ko habang kumakain tayo." Aniya.
"Bakit parang iba ang ngiti mo?" Ani Leigh.
Flor just smiled.
Pumasok ang dalawa sa loob ng cafeteria, kumuha ng makakakain saka naghanap ng bakanteng pwesto. While eating, sinagot ni Flor ang tanong sa kaniya ni Leigh.
"Hindi ko sasagutin ng direkta ang tanong mo pero tatanungin kita. Does your heart beat so faster than normal whenever you see him, when he is near, or he is doing something intimate to you?"
Napatigil si Leigh sa pagsubo ng pagkain. Napaisip siya at nang maisip niyang naramdaman niya ang sinasabi ni Flor, tumango siya. "Mabilis nga."
Pumalakpak si Flor. "Then do you feel safe, secure, and comfortable with him?"
Leigh nodded.
"Then do you appreciate the small things he does for you? Like the time and attention he was giving you?"
Tumango ulit si Leigh.
Ngumiti si Flor ng malawak. "I won't say that you are in love, but I advise you to feel it yourself, so it will be genuine. Wala ng thrill kapag sinabi ko."
"Mas lalo akong napaisip dahil sa mga sinabi mo." Sabi ni Leigh at uminom siya ng tubig.
Ngumiti si Flor ng matamis. "Hindi naman kasi mahirap mahalin ang isang Mikael Salazar." Maloko niyang saad.
Napaubo tuloy si Leigh dahil sa sinabi ni Flor. "I didn't tell you it was him."
"You said it yourself."
Kumunot ang nuo ni Leigh. "Kailan?"
"Ngayon lang. Leigh, nahuli na kita. At isa pa magkaibigan na tayo. Medyo alam ko na ang ibang kilos mo. My husband is a lawyer, and he taught me how to read people's emotions and observe them. At sa tingin ko sa 'yo ngayon tama ang sinabi ko." Sabi ni Flor na bahid ng pagkaseryoso ang boses nito.
Leigh sighed and stared at Flor. For the first time she met Flor, she thought of her as an innocent and naive woman. Pero pagkatapos niyang marinig na ang asawa nito ang nagturo rito kung paano bumasa sa emosyon ng ibang tao, nagkaroon siya ng hinala. Flor's husband is not simple.
And for the first time, habang tinitignan niya si Flor, nasagot na ang matagal na katanungan sa kaniyang isipan. Ang kamukha ni Flor, kaya pamilyar ito nang una silang magkita. Talagang kamukha ni Flor ang isang tao na kilala niya. Could it be that Flor is his twin sister?
Kaya naman naghintay si Leigh ng pagkakataon upang makakuha ng buhok ni Flor. Habang nasa elevator sila pabalik sa kanilang working station, pa simple siyang kumuha ng buhok ni Flor. Mukhang hindi naman ito naramdaman ng kaibigan niya.
Unang lumabas si Flor sa elevator dahil sa marketing department ito habang siya ay sa Vice Chairman's office. Pagkaupo niya sa kaniyang upuan, inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang isang tao na pinagkakatiwalaan niya.
"Milady." Maeve greeted her from the other line.
"Maeve, may ipapagawa ako sa 'yo pero huwag mong ipagsabi sa iba lalo na kay Rhett. I have a sample here. Ipapadala ko na lang sa 'yo diyan sa Spain. Get some of Rhett's hair strands and run some DNA tests." Seryosong saad ni Leigh.
"Milady?" Halatang nagulat si Maeve sa utos sa kaniya ng Milady niya.
"Maeve, I don't want to explain now. Tapusin mo muna ang DNA test na pinapagawa ko."
Though naguguluhan pa rin si Maeve, ginawa niya ang utos ng Milady niya. "Magpadala ka ng tauhan natin upang kunin ang hair sample."
"Yes, milady."
Leigh ended the call and took a deep breath. Sana tama ang hinala niya. Pero malakas ang kutob niya na tama ang hinala niya.
"Leigh."
Mabilis siyang napatingin sa may pinto nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Mikael.
"Yes, Sir?"
"Come into my office."
Sa pag-aakalang trabaho ang dahilan kung bakit siya pinapaunta ni Mikael sa office nito ay nagkamali siya dahil pagpasok niya loob ng opisina ni Mikael,ini-lock nito ang pinto, hinawakan nito ang dalawang kamay niya at saka siya isinandal sa pinto. Mikael kissed her and felt betrayed by her own body because she responded to Mikael's kiss.
Walang label ang relasyon nila pero nagyayakapan at naghahalikan sila na parang magboyfriend at maggirlfriend. Pero kung ayaw naman niya ang ginagawa sa kaniya ni Mikael sana baka itinulak na niya ito o di kaya ay nasuntok na niya ito. Pero hindi eh. Kusang tumutugon ang katawan niya sa bawat yakap at halik sa kaniya ni Mikael.
I guess this is love.
Gustong matawa ni Leigh sa mismong sarili dahil sinabi niya kay Mikael na hindi niya ito gusto pero heto siya ngayon ay hulog na ang loob niya rito.
"Mikael..." Leigh called Mikael's name softly. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng halikan ni Mikael ang leeg niya. "Hmm..."
She was thankful that Mikael was a gentleman. Maliban sa halik at yakap, wala na itong ginagawang iba at hindi nito hinihiling na magtalik silang dalawa. Though sometimes, they sleep in the same bed, they don't do anything that would cross the line. Just hug and kiss. Hindi pa kasi siya handa na gawin ang bagay na 'yon.
Ibinaon ni Mikael ang mukha niya sa leeg ni Leigh. "I miss you, my love."
Natigilan si Leigh dahil sa sinambit ni Mikael. "What did you say?"
Umayos ng tayo si Mikael. "I miss you, my love."
Leigh blushed but scolded Mikael. "Huwag mo akong tawaging ganun."
Mikael shrugged nonchalantly. "I will call you by that endearment." He touched Leigh's nose and leaned to kiss the tip of her nose. "We've been together for one week with no label relationship. Pero matagal na kitang gustong tawaging ganun." Ngumiti siya. "Let me, please." He pouted.
Natawa si Leigh dahil sa ginawa ni Mikael. Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Bahala ka nga. Pero kapag nasa trabaho tayo huwag mo akong tawagin sa endearment na 'yon. That would be awkward for me."
"Okay." Tumango si Mikael. "Anong gagawin mo na?"
"Work. I need to arrange your schedule. May mga appointment ka rin sa mga susunod na araw."
Mikael sighed. "Pagod na ako."
Umiling si Leigh. "Cheer up, Sir. You have to work. Teka, bakit mo nga pala ako pinapunta rito sa opisina mo?"
Ngumiti si Mikael saka napakamot sa sariling batok. "Gusto lang kitang halikan."
Hinampas ni Leigh ang braso ni Mikael.
"But I'm exhausted, my love. Kiss me again. So that my tiredness will be gone."
Tumaas ang kilay ni Leigh. Realization hit her. "So, you kiss me because you're tired."
Tumango si Mikael pero agad ding umiling. Niyakap niya ang dalaga. "I really miss you."
Umikot ang mata ni Leigh saka bahagyang itinulak si Mikael. "Magtrabaho ka na. Remember you're the vice chairman of this Empire. You have to work hard."
Mikael pouted. "Can we sleep together again tonight?" He asked. Then he raised his right hand. "Promise, I'll be a gentleman. Magtatabi lang tayong matulog wala ng ibang gagawin."
Leigh stared at Mikael.
For some reason kinabahan si Mikael sa uri ng tingin sa kaniya ni Leigh. Sa uri kasi ng tingin sa kaniya ng dalaga ay parang binabasa nito ang nasa isipan niya.
"Okay." Sabi ni Leigh saka binuksan ang pinto. "Babalik na ako sa trabaho ko." Paalam niya.
Nang makalabas si Leigh sa opisina ni Mikael napasuntok siya sa hangin. Looking forward tonight, ganado siyang nagtrabaho.
Napapailing naman si Leigh habang nagtatrabaho dahil hindi siya makapaniwala na tinawag siya ni Mikael sa opisina nito upang halikan niya. Medyo kinilig naman siya dahil nitong nga nakaraang araw ay mas lalong naging sweet sa kaniya si Mikael. Masaya siya habang kasama niya si Mikael at sana hindi dumating ang panahon na mapuputol ang kasiyahan niyang 'yon dahil sa responsibilidad na mayroon siya.
Leigh sighed sadly. Tumingin siya sa nakasarang pinto ng opisina ni Mikael. "Would you hate me if I told you who I really am?" She asked into the thin air.
Muling napabuntong hininga si Leigh saka nagpatuloy sa pagtatrabaho. Ngunit sa totoo lamang ay matagal na niyang tinaggap ang maaaring kakalabasan ng relasyon nila ni Mikael. Kaya ginusto niya na huwag bigyan ng label ang relasyon nilang dalawa. She wanted to be with Mikael, but she knew that it wouldn't happen. Because she was only here to protect him from his enemies.
Napahawak si Leigh sa tapat ng kaniyang dibdib naninikip ito. She felt pain and she didn't know why. A kind of pain that caused sadness. Dahil batid niya isang araw ay aalis siya ng walang paalam at iiwan niya si Mikael.
"And when that time came, I knew Mikael would hate me."
But even if it was impossible to happen, Leigh's wish was to be with Mikael. Together.