NATIGILAN si Leigh nang makita niya si Mikael na may kausap na babae sa mismong hallway ng kumpanya papunta sa conference hall. Pinagmasdan ni Leigh ang mukha ni Mikael at nakita niya kung gaano ito kaseryoso. She seldom saw Mikael's serious face lalo na kapag silang dalawa lamang ang magkasama. Palaging nakangiti sa kaniya si Mikael kaya parang naninibago na siya kung nakikita niyang seryoso ang mukha nito at masungit.
"I already told you, Miss Ramos. Ang trabaho mo ang atupagin mo. Stop wasting your time with me." Inis na sabi ni Mikael na ikinangiti ni Leigh.
Pero kahit alam niyang hindi interesado si Mikael sa ibang babae, nakaramdam pa rin siya ng inis at ...selos?
Muling tinignan ni Leigh ang dalawang nag-uusap. Mikael had already left the woman. At doon lamang niya napagtanto na ang babae ay si Camille. Ang Director ng Human Resources Management. Halatang naiinis ito.
"Magiging akin ka rin." Sambit ni Camille na narinig naman si Leigh.
Natawa ng mahina si Leigh saka nilagpasan ang babae. Wala siyang balak na kausapin ito. May narinig na siya tungkol kay Camille at si Flor pa ang nagsabi sa kaniya. May gusto si Camille kay Mikael pero hindi ito pinapansin ng binata.
Leigh smiled. Sinundan niya si Mikael upang asarin ito.
Naabutan niya si Mikael na umiinom ito ng malamig na tubig mula sa water dispenser.
Leigh smiled and walked towards Mikael. "Are you okay? You looked pissed." Aniya na kunwaring hindi alam ang dahilan kung bakit ito naiinis.
"That woman kept on pestering me. Akala ko tumigil na siya pero heto na naman ngayon. Kung hindi lang siya magaling na empleyado matagal ko na siyang tinaggal." Inis na saad ni Mikael saka unupo sa swivel chair nito.
Pumunta naman si Leigh sa likuran ng binata saka minasahe ang ulo ni Mikael.
Mikael closed his eyes. "That feels good, my love."
Ngumiti si Leigh saka bumaba ang kamay niya sa may dibdib ni Mikael. Ibababa pa niya sana ang kamay pero nahawakan ito ni Mikael.
"Leigh, don't start something that you won't finish at the end. I'm telling you that it won't be good for me. I've been being tortured since we started to have that no-label relationship. Maawa ka naman sa akin." Mikael begged.
Kumunot ang nuo ni Leigh. "Wala naman akong ginagawa, ah." Depensa niya sa sarili.
"Alam mo sa sarili mo kung ano ang gusto mong gawin, Leigh." Sabi ni Mikael saka hinalikan ang kamay ni Leigh na hawak niya.
Ngumiti si Leigh. "Pero maganda si Camille, ah. Bagay kayo."
"I don't like her behavior," Seryosong saad ni Mikael. "Physical character and background don’t matter to me. Manners, behavior, and attitude are important."
"Hmm...mukhang mabait talaga ang magulang mo, ah." Komento ni Leigh saka napatango pa.
"Huh?"
"Nasabi kong mabait ang magulang mo dahil lumaki kang marespesto at alam mo ang responsibilidad mo."
Napangiti si Mikael dahil sa sinabi ni Leigh. "Yeah, my parents are indeed nice people." Aniya.
"I could see it—" naputol si Leigh sa pagsasalita nang may hyper na boses ang narinig nila.
"Magandang buhay!"
Parehong nagulat ang dalawa kaya mabilis silang napatingin sa nagsalita.
Nagtaka si Leigh kung sino ang babaeng dumating.
Halata naman sa bagong dating na babae na natigilan ito at napatingin sa posisyon ni Mikael at ang babaeng nakayakap rito mula sa likuran.
While Mikael showed a bored expression. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" tanong niya at mabilis na pinigilan si Leigh sa balak nitong pagkalas sa pagkakayakap nito sa leeg niya.
"Who's she?" Mavielyn asked her nephew-brother.
"My love." Tugon ni Mikael.
Natawa naman si Mavielyn dahil halatang ipinagmamalaki ni Mikael ang 'my love' daw nito.
Palihim naman na kinurot ni Leigh si Mikael sa tagiliran saka siya umayos ng tayo. "Babalik na ako sa trabaho ko."
"Wait." Pigil ni Mikael sa dalaga. "Ate, si Leigh, sekretarya ko and..." He cleared his throat. "A special friend." Then Mikael glanced at Leigh. "This is Ate Mavielyn. Half-sister siya ng dad ko pero Ate ang tawag namin sa kaniya."
Mavielyn immediately extended her hand to shake hands. "Hi, nice to meet you."
Ngumiti si Leigh. "Nice to meet you too, Ma'am."
"Just Ate Mavielyn or Ate Mav. You're Mikael's special friend. So," she smiled, "I hope we can be close."
Nahihiya namang ngumiti si Leigh saka tumango na lang. Masasabi niyang mabait rin ang Ate ni Mikael na si Mavielyn.
Nagpaalam si Leigh na babalik na ito sa trabaho at nang makalabas ito mula sa opisina ni Mikael, tinudyo agad ni Mavielyn ang binata.
"Siya pala, ah. Ang ganda niya. Hindi na ako magtataka. So, what's the real score between you? Kailan ang kasal?" Excited na tanong ni Mavielyn.
Mikael looked at his sister dryly. "Really, Ate? Kasal agad? Hindi mo man lang ba tatanungin kung paano kami nagkakilala at—"
Mavielyn raised her hand to stop her brother from talking. "Hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga ngayon ay mauna kang ikasal kaysa sa akin." She crossed her arms over her chest. Umupo siya sa may sofa.
Kumuha naman si Mikael ng maiinom at ibinigay sa Ate Mavielyn niya.
"Bakit, Ate? Kinulit ka na naman ba ni Lola Zoey?" Tanong niya. Wala ng bago doon. Her Ate Mavielyn was already twenty-nine. Malapit na itong magpaalam sa kalendaryo pero hanggang ngayon ay wala pa itong pinapakilalang boyfriend sa kanila.
"Argh! Laging tinatanong ni Mommy kung kailan daw ba ako magpapakasal. Eh, wala naman akong boyfriend. Paano ako magpapakasal?" Inis na saad ni Mavielyn.
"Maghanap ka?" Patanong na sagot ni Mikael.
Tinignan naman ni Mavielyn ng masama si Mikael. "Ayaw kong maghanap, okay? Gusto ko sila ang humanap sa akin."
Tumaas ang kilay ni Mikael. "How's Odysseus?" He asked suddenly.
Kumunot naman ang nuo ni Mavielyn. "Bakit mo siya tinatanong sa akin? Paano siya nasali sa usapan natin? At teka bakit napunta sa akin ang topic? Balik tayo sa 'yo. You and Leigh..." She smiled knowingly at Mikael.
Mikael sighed heavily. "Sort of complicated."
Nag-isang linya ang kilay ni Mavielyn. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya kay Mikael.
"Our feelings are mutual."
"And?" Mavielyn asked impatiently.
"She doesn't want to have a label on our relationship. Naiintindihan ko naman siya. She had a son and her priority was her son over her own happiness." Saad ni Mikael.
Sandaling pinagmasdan ni Mavielyn ang kapatid. "You agreed?" She asked.
Mikael nodded. "I like her so much. And I wanted to be with her." Puno ng kaseryosohan niyang saad.
Mavielyn inwardly smiled. Kilala niya si Mikael. Hindi ito nakikipaglokohan sa isang relasyon. Kaya wala ito walang naging girlfriend, eh. Pikahin ito sa babae. Gusto nito na kapag pumasok ito sa isang relasyon ay seryoso at walang lokohan.
At sa nakikita niya kay Mikael. Seryoso ito kay Leigh. Mikael was willing to endure the no-label relationship just to be with the woman she liked. Like pa nga ba 'yon? Eh, halatang in love na si Mikael.
"Oh, well. Basta ba huwag mong hayaan na lokohin ka at paglaruan, Mikael." Bilin ni Mavielyn saka nagpaalam na sa kapatid na pamangkin na niya. Pero syempre bago siya umalis ay nakipag-chikahan muna siya kay Leigh ng ilang minuto.
Hinatid naman ni Mikael ang Ate Mavielyn niya hanggang sa may elavator. Pero kailangan pa niya itong hilain palayo kay Leigh dahil masyado na itong maraming sinasabi. Nakakahiya naman kay Leigh.
"Don't worry ikaw pa lang ang naging girlfriend niya!" Pahabol pa na wika ni Mavileyn kay Leigh bago tuluyang sumara ang elevator.
Nahilot na lamang ni Mikael ang sentido saka naglakad papapit kay Leigh. "Sorry about that. My sister was really annoying."
"Annoying but sweet." Sabi naman ni Leigh na may bahid ng ngiti sa kaniyang mga labi.
"That’s my sister. Siya ang half-sister ni Daddy pero parang anak na ang turing sa kaniya ni Dad. So, I call her ‘Ate’. Nakakainis nga, eh. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya. Pagpasensiyahan mo na.”
Natawa naman si Leigh. “Well, she’s beautiful. And I think I like her."
Mabilis na hinawakan ni Mikael ang braso ni Leigh. "You like her?"
Leigh rolled her eyes. "Of course, not romantically." Napailing siya saka tinulak si Mikael pabalik sa loob ng opisina nito. "Ipagpatuloy muna ang iyong trabaho."
Walang nagawa si Mikael kundi ang bumalik sa loob ng kaniyang opisina upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho.
NANG sumapit ang hapon, magkasabay si Leigh at Flor na lumabas ng gusali. Naunang sumakay si Leigh sa sasakyan ni Mikael at nasa likuran naman ng sasakyan ni Mikael ang sasakyan ng asawa ni Flor.
Flor's husband looked at Leigh. He smiled and said, "It's been three years, huh? You changed a lot, Leigh." Aniya.
Then he honked to get his wife's attention. Nakafocus kasi ito sa cellphone nito at mukhang hindi siya nito napansin. Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha ni Flor nang makita siya nito.
Flor immediately got in the car, cupped his face and kissed him on his lips. He automatically smiled at his wife's sweet gesture. Parang nawala na ang pagod niya dahil sa paghalik sa kaniya ng asawa kaya naman hinawakan niya ang batok nito saka siya naman ang humalik sa asawa.
"Hmm...Gab..." Mahinang sambit ni Flor.
Gabriel smiled and let go of his wife's lips. "I want to make love with you."
"Later."
Lumawak ang ngiti ni Gabriel saka pinaandar ang makina ng sasakyan. "Let's go home."
Tumango si Flor.
Meanwhile, Leigh and Mikael arrive at their apartment. Leigh went to her apartment and changed into her working clothes. Pagkatapos niyang magpalit ay pumunta siya sa flat ni Mikael. Naabutan niya ang binata na nagluluto.
Leigh automatically smiled. Though they don't have a label on their relationship, she could say that she is happy. Alam niyang dismayado si Mikael nang sabihin niya rito na wala muna silang label pero nagpapasalamat na lamang siya na naintindihan ni Mikael ang gusto niyang mangyari.
Umupo si Leigh sa may upuan at nangalumbaba habang pinagmamasdan si Mikael.
"Staring is rude, Leigh."
"I'm not staring at you."
"You are." Giit ni Mikael.
"Should I stare at someone else?" Leigh asked. Teasing Mikael. She doesn't have any plans to look at someone else.
Mikael's face darkened. Pinatay niya ang gasul saka mabilis na tinahak ang distansiya nila ni Leigh.
Natigilan naman si Leigh nang makita niya ang madilik na mukha ni Mikael. "Mikael..."
Kinabig ni Mikael ang batok ni Leigh saka ito mapusok na hinalikan sa labi. Kaagad namang pumikit si Leigh at tinugon ang mapusok na halik ng binata sa kaniya. Leigh's weight was light, so it was easy for Mikael to carry her.
Habang naghahalikan silang dalawa, pinaupo ni Mikael si Leigh sa may lamesa at pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita nito.
Their kiss deepened.
"Don't you dare think of other man, Leigh." Seryosong saad ni Mikael ng sandaling maghiwalay ang labi nilang dalawa.
"Anong gagawin mo kung sakali?" Tanong naman ni Leigh saka ipinalibot ang braso sa leeg ng binata.
Tumaas ang sulok ng labi ni Mikael. And his face darkened again. "I will kill him."
Nagulat naman si Leigh dahil sa sinabi ng binata. "That's not you."
Ngumiti si Mikael at muling hinalikan ang dalaga.
Leigh could feel through their pressed bodies that Mikael's friend down there hardened.
They kissed fervently as if there was no tomorrow.
Pero si Mikael ang unang pumutol sa halikan nilang dalawa.
"Stay still." Ani Mikael habang hinihingal at kasulukuyan ring kinakalma ang sarili.
"You're hard."
Mikael buried his face in Leigh's neck. "Give me a minute to calm down."
Leigh was actually amused that Mikael did his best to control himself. Hindi ito nagpadala sa nararamdaman nito.
"Leigh."
"Hmm?"
"I love you, my love," Mikael confessed and kissed Leigh on her cheek. "Mahal na mahal kita."
A tear escaped from Leigh's eyes. A small smile appeared on her lips, but she couldn't say those three magic words. I love you.