MAYA
“Pagkatapos ng pagmamaalam namin kay Lola Fina ay isa-isa na ring nag-uwian ang mga tao. Si Lola Ising ay abala sa pagliligpit ng kuwarto ni Lola Fina kaya tinulungan ko muna siya.
“Ako na po dito Lola, magpahinga na po kayo.” Wika ko sa kanya.
“Naku! Maya, ikaw na lang ang magpahinga at kanina ka pa nag-aasikaso ng mga bisita. Kaya ko na ito, puntahan mo na lamang si Felip. At tanungin mo siya kung anong gusto niyang hapunan nang makapagluto na ako.” Taboy niya sa akin kaya lumabas na din ako ng kuwarto. Nagpunta ako sa kuwarto ngunit wala siya doon kaya napasilip ako sa veranda. At nakita ko siyang nasa dalampasigan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nagpasya akong puntahan siya dahil baka kailangan niya ng kausap.
“F-Felip?” bahagya siyang lumingon sa akin ngunit bumalik din ang mga mata niya sa dagat. Lumapit ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Habang malalim ang iniisip. Nililipad pa ng hangin ang may kahabaan niyang kulot na buhok. Tinutubuan na rin siya ng balbas at bigote sa ilang araw namin na pananatili dito. Ngunit mas lalo itong nakadagdag sa appeal niya.
“I’m okay, we need to go back tomorrow kaya sinulit ko na ang ilang oras natin dito.” Wika niya kahit hindi ko pa siya tinatanong. Babalik na pala kami ng Maynila. Life must go on ika nga. Tumatakbo ang oras at marami na din siguro siyang trabaho sa opisina kaya kailangan na naming bumalik.
“Masaya na si Lola Fina, dahil kasama na niya ang asawa niya.” Nakangiting sabi ko. Nilingon niya ako at mariin niya akong tinitigan.
“So do you believe, in life after death in heaven?” he asked.
“Oo naman, siguro hindi tayo pare-pareho ng faith, pero ang mahalaga naniniwala tayo na may diyos na palaging gumagabay sa ating buhay.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Nabura ang ngiti ko sa labi nang seryoso pa rin niya akong tinignan.
“Really? Iba kasi ang paniniwala ko. Kung may diyos bakit hinahayaan niyang magdusa ang mga inosenteng tao? Kung may diyos bakit hindi siya nakikinig sa mga dasal ng taong nangangailangan sa kanya. Kung may diyos…sana hindi niya ako hinayaan na mabuhay ng ganito.” Pahayag niya na hindi ko maunawaan. Pakiramdam ko hindi na naman siya si Felip na nakilala ko. Pakiramdam ko ibang tao na naman siya.
“Ang diyos lang ang makakasagot ng lahat ng tanong mo. Pero naniniwala ako na lahat ng bagay ay palaging may dahilan kaya nangyayari sa isang tao. Ang mahalaga kahit ano pa man ang mangyari. Always remember that your faith is always greater than your fears.” Wika ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at tinalikuran niya ako.
“Hoy Felip!” tawag ko ngunit hindi niya ako nililingon kaya hinabol ko siya at hinawakan ko ang braso niya. Napatigil siya sa paghakbang at lumingon sa akin.
“A-ah kasi pinapatanong ni Lola Ising kung ano daw ang gusto mong dinner.” Kamot ulo kong tanong sa kanya.
“Kahit ano.” Tipid na sagot niya at pagkatapos ay binitawan ko na ang kamay niya.
“Wala namang kahit ano sa ref.” nakangusong usal ko. I know he’s having a hard time kaya ayoko nang magpakalungkot sa pagkawala ni Lola Fina. Iniisip ko na lamang na masaya na siya kung saan man siya naroroon.
Hapon na nang tumulong akong magluto. Nilaga ang lulutuin namin kaya nagpresenta akong maghiwa ng mga gulay habang si Lola Ising naman ay nagluluto ng iba pang putahe ng karne.
Naghihiwa ako ng sibuyas nang biglang may nagsalita sa tenga ko. Kinalabutan ako at nagulat kaya namali ako ng diin sa hawak kong kutsilyo.
“Aw! Ang sakit!” naiiyak at impit na daing ko nang masugatan ako sa kamay. Kinuha niya ang kamay ko at tinignan ang pagtulo ng dugo. Kung hindi niya ako ginulat hindi sana ako masusugatan.
“Ano ka ba—”
Nagulat ako nang isubo niya ang daliri ko sa kanyang bibig.
“Anong ginagawa mo? Akin na nga!”
Hinila ko ang daliri ko at dinala sa gripo upang hugasan ng tubig.
“Malalim ba? Ako na diyan gamutin mo muna yan.” Wika ni Lola Ising. Hinawakan ni Felip ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng kitchen.
“You’re so dumb.” Litaniya niya nang iupo niya ako sa sofa.
“Ano? Ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino kaya ang biglang susulpot ang mambubulong sa tenga?!” inis na sabi ko sa kanya.
“Stay there, kukuha ako ng medical kit.”
Patuloy pa rin sa pagtulo ng dugo ang daliri ko. Sobrang hapdi at ang sakit kaya. Parang malapit na ata sa buto.
“Akin na.”
Hinila niya ang kamay ko at naupo siya sa tabi ko. Kumuha siya ng gamot at inilagay sa sugat ko pagkatapos ay tinalian niya ito ng bandage.
“Sorry…nasaktan ka nang dahil sa ginawa ko.” Seryosong sabi niya habang inaayos ang pagtatali sa sugat ko.
“Okay lang, huwag mo na lamang uulitin. Paano kung nasaks*k kita ng hawak kong knife?”
“Hindi yan mangyayari.”
Kunot ang noo akong napatingin sa kanya. Daig pa niya ang weather dahil sa paiba-iba ng kanyang ugali. Hindi kaya may ganun talaga siyang character? Ang alam ko may ganung sakit eh, hindi ko lang alam ang tawag. Huwag naman sana.
Pagkatapos niya akong gamutin ay bumalik na kami sa dining table para maghanda ng dinner.
“La? Sumama ka na sa amin sa Maynila.” Wika ni Felip sa kanya habang kumakain kami.
“Hindi na apo, matanda na ako at mas gusto kong dito na lamang sa isla. Tahimik, malayo sa ingay ng suidad at isa pa mas malapit dito ang mga tiyo at tiya mo. Anytime puwede nila akong dalawin dito.” Wika niya. May isang pamilya naman na nakatira din dito at tumutulong kay Lola Ising sa paglilinis ng bahay at pagtatanim din ng gulay. Meron ding mga inaalagaan na hayop at mas maganda naman talaga dito. Kaya siguro ayaw niyang sumama sa amin sa pagbalik sa Maynila.
“Kayo po ang bahala, dadalawin na lamang namin kayo ni Maya.” Pagpayag niya.
“Abay oo naman! Dalawin niyo ako ha? At sana naman pagbalik niyo dito may laman na yang tiyan ni Maya—”
Nasamid ako sa sinabi ni Lola Ising kaya inihit ako ng ubo. Mabuti na lamang at inabutan ako ng tubig ni Felip.
“Bakit nabigla ka ba?” natatawang tanong ni Lola. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng anak lalo pa kay Felip. At isa pa Malabo pa ang relasyon naming dalawa kaya nga nagulat talaga ako nang sabihin niya yun.
“H-hindi naman po Lola…” nakangiwing sabi ko sa kanya.
“Ay naku, ang hina talaga nitong si Felip. Kailan ba kayo gagawa? Nang magkaroon naman ng maliit na halak-hak ang bahay na ito?”
“As soon as possible Lola.” Sagot ni Felip na ikina-awang ng aking labi.