HDT 10

1298 Words
MAYA “Bakit ang tahimik mo?” usisa niya sa akin habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Maynila. Minabuti namin na madilim pa lamang ay umalis nang sa ganun ay hindi kami abutin ng trapik sa kalsada. “Na-guilty ako dahil sa ginawa nating pagsisinungaling kay Lola Ising. Sana inamin mo na lamang ang totoo bago tayo umalis.” Wika ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana dahil papasikat na ang araw. “Hindi mo kailangan na ma-guilty, ibibigay namin ang gusto niya eh.” Mabilis na lumipat sa kanya ang mga mata ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi na parang sinusubukan lang siguro ako kung papatulan ko siya sa hirit niya. “Sir Felip, baka nakakalimutan niyo na wala na tayo sa isla at tapos na ang pagpapangap natin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. “I know, but you don’t have a choice dahil nangako ka kay Grandma na hindi mo ako iiwan remember?” pagpapaalala niya. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi ko. “Nangako akong hindi kita iiwan pero wala akong ibang pinangako sa kanya ano?” litanya ko sa kanya. “Malalaman natin.” nakangising sambit niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at natulog na lamang ako. Pagkarating namin sa bahay ay nabuhay na naman ang lungkot. Alam na ng mga kasambahay ang nangyari at pati sila ay nakiramay din kay Felip. Mas marami akong alaala ni Lola Fina dito. Kaya kahit saan ako tumingin ay naalala ko siya. Ngunit kailangan namin na magpatuloy. Pumasok ako sa kuwarto niya dahil marami akong kailangan na iligpit at itapon na mga ginamit niya. Ngunit naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang lapitan niya ang malaking larawan na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ni Lola Fina. Kinuha niya ito at pinagmasdan. Naitanong ko na din ito kay Lola Fina. Kasama sa larawan ang mga magulang niya si Lola at ang asawa nito. Si Felip naman ang nasa gitna nila. Narinig ko ang pagsinghot niya at pagkatapos ay dinala niya ang larawan palabas. Alam ko ang nararamdaman niyang sakit dahil ngayon pareho na kaming ulila. Walang sandalan at walang malapitan na pamilya. Sa una mahirap, ngunit makakasanayan na lamang ang lungkot at darating ka na lamang sa puntong maiisip mo na lamang na kung buhay pa sila. Hindi siguro ganito kahirap. “Magpatulong ka kay Kiray na ilagay sa bodega ang mga gamit ni Grandma. Pagkatapos ay magpahinga ka na.” Sambit niya bago niya ako iwanan. Kahit malungkot sa buong bahay ay ginawa namin ang inutos niya. Sa tulong ni Kiray ay nalinis namin ang buong kuwarto ni Lola Fina. At pagkatapos ay pumasok na ako sa kuwarto ko upang magpahinga. Kinagabihan ay lumabas ako upang tumulong sa paghahanda ng hapunan. Dahil wala na si Lola, wala na rin naman akong gagawin pa dito. “Lumabas na ba si Sir Felip?” usisa ko kay Kiray na abala sa paghahalo ng mga niluluto niya. “Hindi pa nga eh, ayaw din niyang magpaabala.” nakasimangot niyang sabi. Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan niyang kumain. Noong nasa isla kami kaunti lang siya kumain. Nag-alala ako na baka malipasan siya ng gutom kaya nang maluto ang hapunan ay dinalhan ko na lamang siya sa kanyang kuwarto. “Sir Felip?” tawag ko sa kanya. Ilang sandali lamang ay bumukas ang pinto. Bumungad siya sa akin. Magulo ang buhok at suot lang ang itim niyang roba. Amoy na amoy ko agad ang alak sa kanyang hininga. “Why?” seryosong tanong niya sa akin. “Kumain ka na.” wika ko sa kanya. “Ayoko, ibaba mo na lamang yan.” Pagmamatigas niya. Nagpumilit akong pumasok sa loob at binanga ko pa siya. Ipinatong ko sa table ang dala kong pagkain. “Kung makikita ka ni Lola Fina sa ganitong kalagayan malulungkot siya. Kaya please…kahit kaunti kumain ka.” Pagpipilit ko sa kanya. Paalis na sana ako ngunit nagulat ako nang bigla niya akong yakapin sa likuran. “Huwag kang umalis, sabayan mo akong kumain. Please?” Binitawan niya ako at lumingon ako sa kanya. “Okay, dadalhin ko ang food ko dito.” Tipid akong ngumiti sa kanya saka ako umalis. Pagbalik ko ay dala ko na ang isa pang tray. Nang sa ganun sabay kaming kumain dahil yun ang nais niya. Napansin ko pa ang mga bote ng alak sa tabi ng bed niya. Kahit sarili niya hindi na niya maalagaan dahil sa pagkawala ni Lola Fina. Para siyang bumalik sa pagkabata na iniwan ng magulang at naghahanap ng kalinga. Kaya ayoko siyang itaboy kahit pakiramdam ko wala akong magawa kundi ang sumunod dahil kailangan niya ako. Kailangan niya ng taong masasandalan sa lungkot na nararamdaman niya. Tahimik kaming kumain hangang sa matapos. Hindi man niya naubos atleast mas marami na siyang nakain kumpara doon sa isla. “Puwede bang bumalik ka dito?” Tumango ako sa kanya at pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay bumalik na ulit ako sa itaas. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko na siya makita kaya sumilip ako sa banyo. Nakita ko siyang nakahiga sa bath tub at nakapikit. Parang nagrerelax siya kaya isasara ko na sana ang pinto ngunit bigla siyang nagsalita. “Please come here.” Suminghap ako at pumasok sa loob ng banyo. Lumapit ako sa kanyang nakatakip ang mga mata. “Hey? Open your eyes, I’m not naked.” Sambit niya. Ibinuka ko ang isang kamay ko upang sumilip kung totoo nga. At nakahinga ako ng maluwag nang makitang may suot siyang putting sando at mabula din ang tubig kaya hindi ko kita ang pang-ibaba niyang boxer short. Itinaas niya ang kamay niya at may bagay siyang inabot sa akin. “A-anong gagawin ko dito?” nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ang razor na binigay niya. “Can you shave me?” wika niya sabay abot ulit ng cream na binasa ko pa kung para saan. “Ako? Aahitan kita?” Pumikit siya at tumango. Inangat niya ang kanyang baba. Suminghap ako at naupo sa gilid ng bath tub. “Hindi ako marunong mag-ahit baka masugatan kita.” Nagdadalawang isip na sabi ko sa kanya. Napadilat siya at nagtama ang mata naming dalawa. “Hindi ka marunong mag-shave?” tanong niya sabay nguso sa ibaba ko. Nang makuha ko ang pinupunto niya ay nahampas ko siya ng cream sa noo niya. “Ouch!” sigaw niya na ikinagulat ko din. “Sorry! Ikaw kasi ang bastos mo!” bulalas ko sa kanya. Hawak niya ang nasaktan at namumula na ngayong noo niya. “Asan ang bastos doon? Tinanong ko lang naman kung shave or not?” asik niya habang nakangiwi. “That’s a private things hindi mo dapat tinatanong ang bagay na yan!” litanya ko sa kanya. Ibinaba niya ang kamay niya at kita ko pa ang bakas ang ng ginawa ko. Napalakas ata ang hampas ko. “It doesn’t matter kung shaved or not. I know how to eat it.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nag-init ang aking pisngi at ipinatong ang razor at cream sa tabi ng bath tub niya. “Ikaw na ang mag-ahit sa sarili mo! Pervert!” Akmang aalis na ako ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin. “Ahhh!” Nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa gilid ng bath tub hangang sa tuluyan akong nahulog at napaupo sa kanyang tiyan. Nabasa na ako ng tuluyan at napuno pa ako ng bula. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ngunit hindi nang-aasar kundi seryosong mukha niya ang bumungad sa akin na halos isang dangkal ang layo. “Maya…hindi mo pa nagagawa ang pinagagawa ko sayo. And you can’t escape from me.” Nang-aakit na sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD