HDT 8

1048 Words
MAYA Nagising ako dahil sa narinig kong malakas na iyak. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinansin si Sir Felip na tulog din sa tabi ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto at kaagad akong nagpunta sa katapat na kuwarto ni Madam Lola. Bukas ang pinto at mas lalong lumakas ang iyak ni Lola Ising. Nadatnan ko siyang ginigising si Madam Lola. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko. “Grandma!” Napunta kay Sir Felip ang tingin ko nang bigla siyang pumasok at lapitan si Madam Lola. Pilit niya din itong ginigising ngunit hindi na rin ito muling dumilat pa. Tinignan din niya ang pulso nito at nang mapagtanto niyang wala na si Madam Lola Fina at niyakap na niya lang ang matanda. Pati ako ay hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa tagpo na aking nakita. At masakit sa akin dahil napalapit na rin ako sa kanya. “Madam Lola…” humihikbing sambit ko. Nilapitan ko si Lola Ising at niyakap ko siya. Wala na si Madam Lola…wala na siya…tuluyan na niyang iniwan si Felip. Hinalikan niya ito sa noo at mahigpit na iniyakap ang katawan sa kanya. Hindi man siya umiiyak kagaya namin ni Lola Ising ramdam ko ang pighati na nararamdaman niya. Ganito lang kaiksi ang buhay nang tao. At lahat tayo sa mundo ay pansamantala lang na namamalagi dito. Darating ang araw na babawian din tayo ng buhay. Masakit man mawalan ng minamahal darating din ang oras na makakayanan din tangapin ang lahat. Nanatiling walang imik si Sir Felip maghapon. Nagsasalita lang siya kapag may kailangan na asikasuhin sa magiging lamay ni Lola Fina. Nagdecide din si Felip na ipa-cremate na ito at itapon sa dagat ang kanyang mga abo. Yun ang kahilingan nito kay Lola Ising bago ito mawala. Sabi ni Lola Ising. Nasa dagat din daw itinapon ang mga abo ng asawa nito kaya doon din niya nais mahimlay. Nanatili ako sa tabi ni Felip habang ginagawa ang buong proseso. Ayokong maramdaman na wala siyang karamay dahil nangako ako kay Lola na hindi ko siya iiwan. “Felip, magpahinga ka muna. Para bukas may lakas ka kapag dinala na natin si Madam Lola sa dagat.” Wika ko sa kanya. Inilagak ang mga abo ni Lola dito din sa bahay. May mga pailan-ilan na nagpupunta dito. Mga malalayong kamag-anak nila na tumutulong din sa pag-aasikaso ng mga bisita. Nakilala ko nga ang mga pinsan niya. Dahil sa tuwing may nadating ipinapakilala ako ni Lola Ising bilang girlfriend ni Felip. “Ikaw? Ayaw mo bang magpahinga? I know your tired too.” Umiling ako sa kanya. “Naka-idlip na ako kanina. Ikaw ang inaalala ko dahil hindi ka pa rin umaalis sa tabi ni Lola Fina.” Wika ko sa kanya. Tumayo siya at napahawak siya sa akin dahil nawalan siya ng balanse. “Maari mo ba akong ihatid sa kwarto?” Hindi na ako sumagot pa at inakay ko na siya pa-akyat sa kuwarto namin. Nang maipasok ko siya ay sinara ko ang pinto at nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako. “I-Ito yung araw na kinatatakutan ko…ang maiwan akong mag-isa…ang mawala si Grandma…iniwan na nila ako…” paos na sambit niya. Hinagod ko ang kanyang likuran at hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Ganitong-ganito din ang naramdaman ko noon nang mawala si Inay at Itay natakot akong mabuhay sa mundo. Natakot akong harapin ang bukas. At natakot akong mapabayaan ko si Mary at mapariwara kami. Kaya alam ko ang nararamdaman niya. “Felip, hindi kita iiwan. Nandito pa kami ni Lola Ising…malalagpasan mo din ang takot mo.” Pag-alo ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghot niya at mas mahigpit niya akong niyakap. Hinayaan ko siya hangang matapos na siyang umiyak. Siya yung taong akala mo hindi naapektuhan sa pagkawala ni Lola Fina. Ngunit deep inside he’s broken. At ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya. Ang damayan siya sa lahat ng oras. Pagkatapos ay pinahiga ko na siya sa kama. Inintay ko siyang makatulog bago ako lumabas ulit upang asikasuhin ang mga bisita. Hangang sa kinagabihan ay dinalaw na ako ng antok. Naupo ako sa upuan at sumandal dahil tulog na rin ang ibang bisita. Naramdaman ko na lamang ang pagpatong ng tela sa likuran ko at nang magising ako ay nakatayo na si Felip sa harapan ko. Hinawakan ko ang kumot na inilagay niya sa akin. “Nakatulog ka na ba?” Marahan siyang tumango. Isinandal niya ako sa kanyang balikat. “Get rest.” Sambit niya. Namumungay ang mga matang tumango at pumikit na rin ako para makapagpahinga. Kinabukasan ng hapon ay nakahanda na ang bangka na gagamitin ni Felip para isaboy ang mga abo ni Lola Fina. Parang sumasabay sa lungkot ang makulimlim na langit dahil sa pagtatago ng araw kahit malapit nang magtanghali. Lumabas kami sa bahay na bitbit ang mga abo niya. Bumuhos ang mahinang ulan at kasabay nito ang bigat ng nararamdaman naming lahat dahil sa pagkawala niya. Lahat kami ay nakasuot ng itim. “Samahan mo ako please…” usal niya nang maka-akyat na siya sa bangka. Dapat ay magpapaiwan ako sa dalampasigan ngunit nais niya akong samahan siya kaya sumampa na rin ako sa bangka. Nang makasampa si Lola Ising ay nagsimula na rin nilang patakbuhin ito sa gitna ng dagat. Sa bawat sagwan ng dalawang bangkero ay naghihintay naman kami kung saan niya ibubuhos ang abo nito. Hawak ko ang puting rosas na tanda ng aking pamamaalam sa kanya. Sa maiksing panahon na inalagaan ko siya ay itinuring ko siyang pamilya. Kaya masakit din sa akin ang pagkawala niya. Sakit na hindi basta-basta nawawala at maghihilom. Hiling ko lang ay maging mapayapa ang kanyang kaluluwa kung saan man siya naroon kasama ang kanyang asawa. Nang makarating kami sa gitna ay sinimulan nang isaboy ni Felip ang kanyang abo. Bawat pagtapon niya sa dagat ay ang patuloy na pagbagsak ng kanyang luha. Nanatili akong nakatayo sa tabi niya at hinahagod ang likuran ni Lola Ising na ngayon ay tumatangis na din. Paalam Lola Fina, yung pangako ko sayo. Pipilitin kong matupad sa abot ng makakaya ko. Hindi ko iiwan si Felip hangat gusto niya akong manatili sa kanyang tabi. Pinahid ko ang aking luha at inihagis ko ang puting rosas sa dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD