MAYA
Kanina pa ako pagising-gising, namamahay siguro ako kaya hindi naging maayos ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon at iniwasan na gumawa ng ingay dahil katabi ko lamang siya. Mabuti na lamang at malawak ang higaan namin kaya kahit paano ay hindi kami masyadong malapit sa isat’-isa. Nang makaupo ako sa kama at dahan-dahan din akong tumayo baka kasi magising siya. Mukhang mahimbing pa naman ang tulog niya. Kahit walang aircon dito sa loob ay sadyang malamig sa kuwarto at himalang wala ding mga lamok. Paisa-isang hakbang na tinungo ko ang labas ng kuwarto dahil plano kong silipin si Madam Lola kung maayos ba ang pahinga nito. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at pagkatapos at nagpunta naman ako sa pinto nila Madam Lola. Maingat ko ding binuksan at sumilip ako ng kaunti.
Tahimik sa kuwarto at tulog na tulog na rin sila kaya isinara ko na lamang ang pinto. Nagpasya akong bumaba muna upang magpahangin. Nakatayo lang ako sa tabi ng bahay habang sinasamyo ang malamig na hangin. Napapayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Isa din sa kung bakit hindi ko magawang makatulog ay dahil sa sinabi ni Sir Felip sa akin kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaunawa ko. Pero, he wants me to stay. Hindi naman niya sinabi kung bakit.
Sana lamang bigyan pa si Madam Lola ng mahabang buhay. Sa ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung paano ako magsisimulang muli kapag nawalan ako ng trabaho.
Napabuntung hininga ako dahil sa malalim na pag-iisip. Napabaling ako sa kaliwa ko at muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko siyang nakatayo. Kaya napahawak ako sa aking dibdib.
“Si—Felip? Nagising ba kita nang umalis ako?” Kinabahan na tanong ko sa kanya.
“Mababaw lang ang tulog ko. Kaya alam kong lumabas ka.” Sagot niya habang nakatingin sa dagat. Humahampas kasi ang alon sa dalampasigan at sobrang liwanag din ng mga bituin. Parang ang sarap lang tumambay.
“Gusto niyo ba nang maiinom? Ikukuha ko kayo.” Tanong ko sa kanya dahil plano ko din sanang magtimpla ng kape.
“I want coffee.” Sambit niya. Kaagad din akong nagpaalam sa kanya upang magtimpla ng kape. Pagkatapos ay nilagay ko sa isang tray ang dalawang tasa. Pagkalabas ko ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Nakita ko na lamang siyang nakatayo sa gilid ng dalampasigan sa tabi ng kubo kaya doon ako nagtungo.
“Ito na yung kape mo.” Wika ko sa kanya.
Ipinatong ko ang tray na dala ko sa ibabaw ng kawayan na mesa at naupo ako. Lumapit siya sa kubo at naupo din. Kinuha ko ang tasa ko at nagsimula akong humigop ng kape.
“Anong iniisip mo kanina?” usisa niya.
“Ha? Ako? Wala naman…” naiilang na sagot ko sa kanya. Sa totoo lang naiilang pa din ako dahil sa nangyari sa amin kanina sa kuweba. Kaya lang patay malisya ko lamang na hinaharap pa din siya dahil wala naman akong choice.
“Iniisip mo pa rin ba ang ex mo?”
“Hindi no! Sige na nga! Kasi…”
“Suminghap ako at nagbuga ng hangin sa dibdib. Pakiramdam ko kasi hindi ako makahinga ng maayos. Hanga’t hindi ko ito inilalabas.
“Iniisip ko lang kung balak mo ba akong gawing care giver mo kaya ayaw mo akong paalisin.” Kamot ulo kong tanong sa kanya.
“What? Is that what you think?” kunot noo na tanong niya sa akin.
“Ehem! Oo? Hindi ko sure.” nagdadalawang isip na sagot ko.
“Yung nangyari sa atin sa cave—”
“Ha? Wala yun kalimutan mo na. Siguro nabigla ka lamang kaya mo ginawa—”
“No.” muling putol niya sa sasabihin ko. Awang ang labi kong tinignan siya at ganun din siya sa akin.
“I kissed you, because I like you. I don’t know why, how and when did it start.”
“Sir naman, kakauwi mo pa nga lang ng babae kagabi—”
“Walang nangyari sa amin. I tried but I keep on seeing you whenever I close my eyes that’s why I stop.”
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi kaya matuluyan ako nito kapag ininom ko pa itong kape ko.
“Ikaw? Gusto mo ba ako?”
Sunod-sunod akong umiling. Hindi dahil sa nagpapakipot ako pero hindi pa ito ang tamang panahon para mag-umpisa ng isang relasyon. Wala pang isang buwan nang malaman kong ang fiancé ko ay nakabuntis at kapatid ko pa. Paano ko malalaman kung tunay itong nararamdaman ko sa kanya o paghanga lang?
Napangisi siya sa naging reaction ko. Ngisi na parang nakakatakot at the same time parang disappointed sa akin dahil mabilis kong tinapat siya.
“Why? Hindi ka pa rin ba nakakamove on?” tanong niya na ikinailing ko ulit.
“Then why?”
Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga.
“Ang love hindi yan parang pagpapalit lang ng damit. It takes time para ma-develop ang feelings sa isang tao. Dapat sure ka na sa nararamdaman mo bago ka sumubok na magmahal. Dahil kung hindi ka ready na magmahal at masaktan. Hindi magwowork out ang relasyon.”
“I like your answer. Pinatunayan mo lang na hindi ka easy to get at nadala lang sa halik ko. I even thought na mag-ye-yes ka. Pero hindi ata effective sa’yo ang kaguwapuhan ko. Dahil kung yung mga babaeng humahabol sa akin. Paniguradong hindi na sila nagdalawang isip pa na sumagot.” Paliwanag niya. Sinubukan lang pala niya ako kung mahuhulog ako sa bitag niya. Hindi naman ako galit dahil yun naman talaga ang totoo. Mahirap magpadalos-dalos lalo pa’t pareho na kaming adult. Once na pumayag akong maging girlfriend niya for sure gagawin na din namin ang bagay na yun at hindi pa ako handa.
“Take your time to consider my feelings for you. I can wait. But not forever.” Sagot niya sabay higop ng kape. Inubos ko na rin ang kape ko dahil medyo malamig na din ito.
Pagkatapos naming magkape ay kinuha ko na ang tasa niya at bumalik kami sa loob ng bahay.
Nauna siyang umakyat sa kuwarto. Sana lamang pag-akyat ko tulog na rin siya. Nagpangap pa naman akong tulog kanina para iwasan na makausap siya.
Pagpasok ko ay nakita ko siyang nagtitipa sa kanyang laptop.
“Go back to sleep mahaba pa ang gabi.” Wika niya sa akin. Nahiga ako sa kama at nakaharap ako sa kanya. Nakasuot siya ng salamin sa mata habang seryosong nagtitipa sa laptop niya. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan siya kaya nagkumot ako hangang ilong para hindi ako mahalata na nakatingin sa kanya.
Hindi totoong hindi ako nagu-guwapuhan sa kanya. Kaya lang, natrauma na ata ako kay Mark at nasa isip ko nang baka hindi siya magiging faithful sa akin. Teka? Bakit ko pala iniisip ang bagay na yun?
“Wala ka bang itatanong?”
Napadilat akong muli nang marinig ko siyang nagsalita. Kakapikit ko pa lang sana pero nahuli niya ata ako.
“K-kasi…sabi mo…gusto moa ko diba? Bakit? Anong nagustuhan mo sa akin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung uso pa ba ngayon ang mayaman at mahirap na relasyon pero hindi ko mahanap kung ano ang nagustuhan niya sa akin dahil isang hamak na caregiver lang naman ako.
“I don’t know.” Sagot niya. Ibinaba ko ang kumot sa leeg ko.
“Hindi mo alam? Puwede ba yun?”
Tumigil siya sa pagtitipa ng laptop at tinangal niya ang kanyang salamin upang tumingin sa akin.
“Matulog ka na, alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na titigan ka lang? Kaya habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Mabuti pang matulog ka na okay?”
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya agad din akong nagtalukbong ng kumot. Mabilis ang t***k ng puso ko ngunit pinilit kong kumalma hangang sa bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyan akong nakatulog.