HDT 6

1255 Words
MAYA Lumipas ang maghapon ni- anino ni Sir Felip ay hindi ko nakikita. Wala din naman akong mukhang ihaharap sa kanya dahil pumayag akong makipaghalikan sa kanya sa kuweba. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili dahil pansamantala akong nakalimot sa kung ano ba talaga ang lugar ko dito sa pamilya nila. Maigi na rin yun pero nasaan kaya siya? Abala din kasi ako sa pag-alalaga kay madam lola pagkatapos kong magbihis kanina dahil may iba pang ginagawa si Lola Ising at kailangan ko din tumulong. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para magbakasyon. “Madam? Ano po yun?” tanong ko sa kanya nang senyasan niya akong lumapit. “I-I want to see the sunset…” sambit niya. “Sige po ilalabas po kita.” wika ko sa kanya. Kinuhanan ko siya ng kumot dahil baka malamigan siya sa labas. Pagkatapos ay itinulak ko na pababa ang kanyang wheelchair. Hindi naman mahirap para sa akin na mag-isang ibaba si Madam Lola Fina dahil meron talagang daanan ng wheelchair sa loob ng bahay nila katabi ito ng hagdanan. Kailangan ko lang mag-ingat na hindi kami sumubsub na dalawa. Nasalubong namin sa sala si Lola Ising na may bitbit na mga gulay. “Saan kayo pupunta?” tanong niya sa akin. “Lola Ising, gusto po niyang makita ang sunset.” “Ah ganun ba? Huwag kayong magtatagal at malamig na okay?” Tumango ako sa kanya at maayos na nagpaalam. Paglabas namin ay dinirecho ko siya sa dalampasigan. Mabuti na lamang at hangang dito ang semento sa harapan di na namin kailangan pang magpunta sa buhanginan dahil dito palamang tanaw na namin ang nagkukulay kahel na langit. “Ang ganda po…” nakangiting sambit ko. Pakiramdam ko may dalang kapanatagan talaga ang dala ng mga ganitong tanawin. Yung parang sa sobrang calm ng dagat at nag-aagaw na mga kulay ng langit ay napakagandang manatili sa ganitong lugar. “M-maya…” Lumuhod ako sa harapan ni Madam lola para marinig ko ang sinasabi niya. “Ano po yun?” Dahan-dahan niyang sinalat ang aking kamay na nakahawak sa arm rest ng wheelchair niya at pinisil ito. “K-kapag nawala na ako…ikaw na ang bahala sa apo ko…” “Po? Madam naman, huwag naman po kayong ganyan. Gagaling pa kayo saka bata pa po kayo—” “M-maya…kaunti na lang natitira kong oras sa mundo…ang apo ko…kailangan niya ng babaeng magmamahal sa kanya…maaring nakikita mo siyang nakangiti…ngunit hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan…” nahihirapan na sabi niya. Ngayon ko lamang siya narinig ng mahabang salita. “Madam—” “Huwag siyang iiwan…mangako ka sa akin na kahit anong mangyari…hindi mo siya iiwan…” habilin niya. Nangilid ang aking luha dahil sa sinabi niya. Palagi na lamang ganito ang matatanda na inaalagaan ko. Palaging naghahabilin na parang alam na nila kung kailan sila mawawala at masakit ito para sa akin. Pinahid ko ang aking luha sa pisngi. “Pangako po…hindi ko siya iiwan.” Walang kasiguraduhan na sagot ko. Gusto ko lang siyang mapanatag ang loob niya sa kung ano man ang iniisip niya. “Salamat…” nakangiting sambit niya. Ipinatong ko ang kamay ko sa kanya. At saka ko pa lamang napansin na nasa likuran na pala niya si Sir Felip. Narinig kaya niya ang mga sinabi ni Lola Fina? Tatawagin ko na sana siya ngunit tumalikod siya sa amin at pumasok sa loob ng bahay. Tumayo ako at inayos ang kumot na ginawa kong balabal sa kanyang katawan dahil malamig nga ang hangin. Nang nag-aagaw na ang dilim ay muli kaming bumalik sa loob ng bahay. Ipinasok ko siya sa kuwarto niya at naroon na din si Lola Ising para pakainin siya. “Sige na, kumain na kayo ng hapunan at ako na dito.” Wika niya sa akin. Napilitan akong lumabas ng pinto at nagtama ang mata naming dalawa dahil kakalabas lang din pala niya sa kuwarto. “Let’s eat.” Malamig niyang sabi sa akin at nauna siyang maglakad pababa. Napansin ko ang kamay niyang nakabalot ng puting bandage. Kaya agad akong sumunod sa kanya. “Anong nangyari sa kamay mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Nothing.” Naninibago ako sa paraan nang pagtrato niya sa akin ngayon. Hindi kaya galit siya dahil sa ginawa ko sa kanya sa kuweba? Walang imik akong nakasunod sa likuran niya. Napakalapad ng kanyang likod at balikat. Inaamin kong malakas din ang hatid niyang charisma sa akin ngunit ayokong mangahas na makaramdam ng hindi tama dahil sa huli baka ako lang din ang masaktan. Nang makarating kami sa dining table ay kami lang palang dalawa. Mabuti na lamang at tatlong putahe lang ang nakahain dahil hindi namin kayang ubusin na kaming dalawa lang at sayang ang grasya. May sinigang na shrimp. Sinugba na isda at meron ding karne. Naiilang na naupo ako sa tapat niya. Nagipon muna ako ng hangin sa dibdib. Dahil kanina pa ako nanlalamig sa paraan ng tingin niya sa akin. Walang imik kami sa isa’t-isa ngunit ramdam ko ang paminsan-minsan niyang tingin sa akin. Pinilit ko na lamang lumunok dahil kapag nagtatama ang mata naming dalawa parang pareho kaming may nais sabihin sa isa’t-isa. Makalipas ng ilang minuto ay nauna na siyang magpaalam sa akin. Ako naman ay nagligpit ng pinagkainan naming dalawa. Nakalimutan kongi isa nga pala ang kuwarto namin kaya makikita ko pa rin siya mamaya. Dumalaw muna ako kay Madam Lola. “Magpahinga ka na, mamaya din matutulog na si Fina.” Sabi ni Lola Ising. “Samahan ko na po kayong magbantay dito Lola Ising.” Suhestion ko ngunit umiling siya. “Kaya ko na ito, malakas pa ako. Saka maliit lang ang espasyo ng higaan dito kaya doon ka na matulog sa kuwarto niyo.” Seryosong taboy niya sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang lumabas ng silid. Nagdadalawang isip pa akong pihitin ang doorknob kaya malalim muna akong bumuntong hininga. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na siyang nakatayo sa veranda. Nilingon niya ako kaya nakita ko ang baso ng alak na hawak niya. Pumasok ako sa loob at marahan na sinara ang pinto. “Don’t be scared. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina.” Narinig kong sabi niya habang nakatalikod sa akin. “H-ha?” ulit ko kahit narinig ko naman. Lumingon siya sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napa-atras ako ngunit nakorner niya ako sa likod ng pinto. “S-sir—I mean Felip…” “Nabigla lang ako kanina, at hindi ko na yun uulitin.” Wika niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking mukha pababa sa aking labi. Parang gustong lumabas ng puso ko sa lakas ng t***k nito. “But, don’t make a promise to someone kung hindi mo kayang tuparin.” Wika niya bago niya ako tinalikuran. Napahawak ako sa aking dibdib. Akala ko talaga kakapusin na ako ng hininga. Dahil pigil ang akong huminga sa malalim niyang pagtitig. Nasa isang kuwarto kaming dalawa at nakakahiya naman sa matatanda kapag sumigaw ako kaya sana lamang ay mapangatawanan niya ang sinabi niya. Naalala ko tuloy ang mga pangako namin noon ni Mark sa isa’t-isa. Pero wala kahit isa doon ang natupad. “Alam mo naman kung bakit ko sinabi yun diba?” katwiran ko na ikinalingon niya sa akin. “Gusto kong mapanatag ang isip niya.” Dagdag ko pa. Inubos niya ang laman ng alak sa baso niya at bumaling siya sa akin. “Then don’t leave me. That’s your promise.” Sambit niya na ikina-awang ng aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD