MAYA
Hightide na nang makababa kami kaya kahit nasa malapit lang ay parang malalim na ito.
“Let’s go!” aya niya sa akin.
“Ikaw na lang, parang ayokong magbasa eh.” taboy ko sa kanya nang nasa gilid na kami ng pampang. Dito niya kasi ako inaya at mas malalim dito at malalaki din ang bato. Hindi naman mainit ang sikat ng araw at malamig pa ang ihip ng hangin. Tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok habang pinagmamasdan siyang nag-uumpisa nang maghubad.
Napatingin ako sa kanyang katawan at hindi ko maiwasan na titigan ito dahil sa mga peklat na nakita ko sa kanyang likod.
Nilingon niya ako at nag-iwas ako ng tingin.
“Sorry po.” Wika ko sa kanya. Baka kasi akalain niyang pinagnanasahan ko siya. Curious lang naman ako sa nakita ko.
“Don’t worry, bata pa ako nang makuha ko ang mga pilat na ito.” Sambit niya. Inabot niya sa akin ang white t-shirt niya.
“Kung hindi ka maliligo, hawakan mo na lang yan.” Nakangiting sabi niya sabay dive sa ilalim ng tubig na ikinagulat ko dahil medyo tumalsik pa sa akin at tubig dagat sa pagtalon niya.
Pinanuod ko ang paglangoy niya sa ilalim. Hangang sa hindi ko na siya makita. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan siya aahon ngunit hindi ko siya makita.
“S-Sir Felip?” usal ko nang ilang minuto na ay hindi ko pa rin siya nakikita hangang sa nanlamig ang katawan ko nang bigla siyang nakataob na lumutang.
“S-sir!”
Namalayan ko na lamang na nabitawan ko na ang damit niya at mabilis akong tumalon sa tubig. Upang puntahan siya. Binilisan ko ang paglangoy sa ilalim hangang makita ko na siya. Nang makalapit ako sa kanya ay mabilis kong hinawakan ang kanyang mukha.
“Sir! Felip! Felip!” tawag ko sa kanya ngunit hindi siya gumigising. Lalo pa akong natakot sa ipinapakita niya kaya akmang hihilain ko na siya patungo sa tabing dagat ngunit naramdaman ko ang pagalaw niya at paghapit sa katawan ko kaya hindi ko napigilan ang mapahiyaw.
“Sir naman eh!” inis na sabi ko dahil tinawanan niya lang ang naging reaksyon ko.
“Isang ‘sir’ mo pa sa akin hahalikan na kita.” Banta niya ngunit mas ikinasimangot ko. Paano na ba naman kasi akala ko talaga nalunod na siya paano niya nagagawang tumagal nang hindi humihinga? Ilang minute din yun kaya nag-aalala na ako sa kanya ng labis.
“Hindi na, pero sana naman huwag mo nang ulitin yun.” Nakasimangot kong sabi sa kanya. Iniwanan ko siya at lumangoy ako patungo sa mga bato. Inis na naupo ako. Sumunod siya sa akin at lumapit sa harapan ko.
“Sorry na, hindi ko akalain na mag-alala ka.” Seryosong sabi niya.
“Sir, kahit tuta ang tumalon at malunod diyan sasagipin ko ikaw pa kaya?” litanya ko sa kanya.
“Akala ko pa naman may ibang dahilan.” Naiiling na sabi niya. Umahon din siya at naupo sa tabi ko. Isang dipa ang layo naming dalawa.
“Gusto ko lang malaman, iniisip mo pa rin ba ang ex mo at kapatid mo?” usisa niya kaya nilingon ko siya.
“Bakit naman po? Yung kapatid ko, syempre. Kapatid ko pa rin siya. Kaya lang…hindi ko pa kayang harapin sila. Masyado akong nasaktan. Umasa kasi ako na uuwi ako dito upang lumagay sa tahimik. Yun pala naging magulo lang ang lahat. Nawalan ng saysay ang ginawa kong sakripisyo sa ibang bansa. Kahit ako na ang nasaktan ako parin ang sinisisi ni Mark. Ako na nga ang nagpakahirap sa ibang bansa ng anim na taon. Ang hindi ko pag-uwi ang ginawa niyang dahilan kaya ipinagpalit niya ako.”
Mapait akong ngumiti sa kanya. Hindi na ako naiiyak dahil naubos na ang aking luha. Ngunit nandito pa rin ang sakit dahil sa hirap ng pinagdaanan ko sa ibang bansa. Matugunan ko lamang ang pangangailangan nilang dalawa. Pero sa huli…naging katawa-tawa lang ako.
“Naniniwala ka ba na may mga bagay na nangyayari kahit hindi natin gusto para turuan tayo sa buhay?”
Tumango ako sa kanya.
“Oo naman…inisip ko na lamang na baka may ibang para sa akin. O hindi kaya…baka talagang walang gustong ibigay si lord.” Natatawang sabi ko sa kanya. Hindi na ganun kasikip at kabigat sa dibdib. Siguro dahil unti-unti ko na ring natatangap ang lahat.
Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Habang nilalaro ng mga paa namin ang malamig na tubig sa dagat.
“Hindi ako naniniwala sa destiny, mas naniniwala akong tayo ang gumagawa noon. Pinili ng ex mo mahalin ang kapatid mo at saktan ka yun ang totoo. Dahil kung hindi niya yun ginawa. Eh di sana kasal na kayo ngayon.” Wika niya sa akin. Bumaling ako ng tingin sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata. Seryoso niyang sinabi yun sa akin at kung tutuusin tama siya.
“Huwag nan ga natin pag-usapan yun! Past is past! Lumangoy na lang tayo! Paunahan sa kabilang pampang!”
Mabilis akong tumalon kahit hindi ko pa siya naririnig na pumapayag. At sumisid ako at lumangoy sa ilalim. Ngunit nang umibabaw ako ay nakita ko na siyang nauuna sa akin.
“Hoy! Ang daya mo!” sigaw ko sa kanya. Tumigil siya sa paglangoy at lumingon sa akin.
“Kapag nauna ako! Hahalikan kita!” malakas na sabi niyang umabot sa pandinig ko.
Hahalikan niya ako?
Mabilis akong lumangoy upang habulin siya ngunit malayo pala at napagod na ako ngunit siya tuloy-tuloy lang sa paglangoy hangang sa makarating sa kabilang pampang.
Mabagal na ang naging paglangoy ko dahil sa pagod. Habang siya ay hinihintay na lamang ang pagdating ko.
“Ang lakas ng loob mong hamunin ako ha? Hindi mo alam champion ako sa swimming competition noong college.”
Hingal na binawi ko ang lakas ko sa ibabaw ng bato. Ang sakit ng hita ko at napagod ako ng husto. Kaya naman pala ang galing niyang sumisid. Bakit kasi naisipan ko pa yun?
“Now, dahil nanalo ako. May utang ka sa akin na halik—”
“Teka? Pumayag ba ako?” reklamo ko sa kanya.
“Don’t worry next time na lang ako maniningil.” Nakangising sabi niya sa akin. Aangal pa sana ako ngunit umalis na siya.
“Si—Felip! Saan kapupunta?!” tawag ko sa kanya. Umahon ako at sumunod sa kanya. Hangang sa may makita akong malaking bato.
“May cave dito. Gusto mong makita?” tanong niya sa akin nang nasa bungad kami ng bato.
“Madulas ba? Baka masugatan tayo diyan.” Pigil ko sa kanya.
“No, just hold my hand.”
Siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at iginiya niya ako sa loob ng sinasabi niyang cave. Tumalon kami sa tubig at may maliit na siwang na kasya lang ang tao na pinasok namin. Hangang sa loob ay may tubig pa rin. Malamig dito sa loob at marami akong nakikitang puting nakadikit sa bato at mga shells hangang sa buhangin na ang tumambad sa amin.
“Puwede ka lang pumasok dito kapag hindi malakas ang alon. Dahil may bubuhos na tubig diyan sa itaas. At hangang dito sa loob ang tubig.” Wika niya sa akin.
“Ang ganda…” bulalak ko nang tamaan ng sikat ng araw ang butas sa itaas at lumiwanag ang mga bato na parang makinang na diamante. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuweba hangang sa bumaba ang tingin ko sa kanya. Na-isara ko ang naka-awang kong labi nang titigan niya ako.
“A-ang ganda dito ha! Puwede mag-picture tapos i-post sa social media?” tanong ko upang magkaroon kami ng pag-uusapan. Humakbang siya papalapit sa akin.
“Forget everything about him.” Sambit niya. Nagulat na lamang ako nang pumaikot ang kanyang kamay sa aking beywang at hinawakan niya ang aking pisngi. Sa bilis ng ginawa niya. Nasa pag-proseso ng isip ko ang huling salitang sinabi niya.
Ang kalimutan ko na si Mark…
Napapikit ako nang magsimulang gumalaw ang kanyang labi. Nagawa niyang makapasok sa nakasara kong labi at naramdaman ko ang kanyang dila sa bibig ko.
Hindi ko alam kung bakit tila nadadarang ako sa ginagawa niya. At hindi ko siya magawang itulak. Sa halip ay ikinawit ko pa ang aking kamay sa kanyang leeg at nakipaglaban din ako ng halik sa kanya. Alipin kami sa sandali hangang sa nagsimulang gumapang ang kanyang kamay sa aking puwet at pinisil niya ito. Kaya napadilat ako at naitulak ko siya.
“Tingin ko kailangan na nating bumalik!”
Nagmamadali ko siyang iniwan at lumabas ako ng kuweba. Nag-init ang aking pisngi at nahiya ako sa naging pagtugon ko sa kanya kaya hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na lamang ako sa paglakad hangang makarating ako sa bahay.