HDT 4

1290 Words
MAYA Pagpasok namin sa loob ay dumerecho muna kami sa kuwarto upang ayusin ang mga gamit naming dala. Tinulungan din ako ni Sir Felip na bitbitin ang mga maleta namin pa-akyat sa magiging kuwarto ni Lola na katapat lang ng aking kuwarto. Pansamantalang sinamahan ni Lola Ising si Madam Lola sa labas upang makapag-usap ang dalawang matanda. Paglapag ni Sir Felip ng mga bag ay kaagad ko siyang hinarang. “S-sir…maari po ba kayong magpaliwanag kung bakit niyo sinabi na girlfriend niyo ako? Diba girlfriend niyo yung kasama niyo kagabi? Bakit hindi na lang po siya ang sinama niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin kaya umisang hakbang ako pa-atras sa kanya. “I’m sorry kung kailangan kong gawin yun. Matagal na kasi akong kinukulit ni Lola Ising na ipakilala ang girlfriend ko. Yung kasama ko kagabi hindi ko yun girlfriend.” Awang ang labi na tinignan ko siya. “Hindi niyo siya girlfriend? P-pero diba—” “She’s not my girlfriend, wala kaming label and she agreed na intimate relationship lang ang meron kami.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nagsisimula na talaga akong ma-offend sa kanya. Magdadala siya ng babae sa kuwarto niya tapos wala pala silang label? “Please pumayag ka na, kahit dito lang. Pagbalik natin sa city balik na tayo sa dati.” “Paano po si Lola Fina?” pahabol na tanong ko sa kanya. “Hindi naman niya sasabihin yun, baka nga naniniwala na si Grandma na may relasyon tayong dalawa.” Nakangisi niyang sabi niya sa akin. Napabuntong hininga ako. “Okay, wala na rin naman akong magagawa.” Sumusukong sabi ko. “Great. Let’s go, baka inaantay na nila tayo.” Aya niya sa akin. “Wait! Bakit dito mo nilagay ang maleta mo? Wala na bang ibang kuwarto?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ito lang ang guest room at yung katapat na kuwarto ni grandma. Si Lola Ising naman ang kasama niya sa kuwarto dahil under renovation pa yung iba. Okay lang yan hindi naman ako nangangat. Sa sofa na lamang ako matutulog kung hindi ka comfortable.” Paliwanag niya. Ayoko man pero wala na akong magagawa dahil naka-oo na ako sa kanya. Wala naman siguro siyang gagawin na masama sa akin. Sabay kaming lumabas ng kuwarto. Lumabas kami ng bahay at nakita namin sila Lola Ising at Lola Fina na nag-uusap sa may gazebo. “Naku! Andito na pala ang mag-irog.” Masayang sabi ni Lola Ising. Nag-init ang aking pisngi nang nakangiting tinignan ako ni Sir Felip. “Ang daming foods ah?” bulalas ni Sir Felip nang makalapit na kami sa kanila dahil sa dami ng fresh cooked seafood na nasa harapan namin. “Syempre pinahanda ko kaagad yan para sa inyo. Para sa iyo apo at sa girlfriend mo. Kaya lang hindi na matitikman ni Fina.” Malungkot na saad niya. Nakakapagsalita pa naman si Lola Fina ngunit hindi na ito gaano. Mahina na rin siya. Siguro dala ng katandaan at sakit. “Don’t worry Lola Ising. Kahit ganyan si Grandma I’m sure masaya siyang pumasyal kami dito.” Wika ni Sir Felip. Naupo kami sa kawayan na upuan. Pinagsaluhan namin ang hinanda nilang pagkain. At talagang nag-enjoy ako dahil napakasarap nito. Hindi ko nagawang makakain ng ganito sa abroad. “Gusto mo pa?” alok ni sir Felip nang kumuha siya ng malaking crab. Mas masarap kasi kapag nakakamay tapos sabaw pa ng buko ang pantulak namin. “Tama na busog na ako.” Ini-umang niya sa bibig ko ang laman ng crab. “Eat more para tumaba ka.” Kami na lamang ang natira dahil mabilis na natapos ang mga kasabay namin. Inakyat na din ni Lola Ising si Lola Fina. “Ang dami ko na ngang nakain, baka ma-impatcho na ako Sir—este Felip.” Pagtatama ko. Bilin niya kasi sa akin kanina. Huwag ko siyang tatawagin na sir dahil baka mahalata daw ni Lola Ising. “Babe kailangan mong kumain para tumaba ka at mas gumanda.” Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin ng babe. Hindi ako sanay dahil amo ko pa rin siya. Kahit maya na lang sana ang itawag niya sa akin okay na ako doon. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” Kumuha siya ng tissue at pinunas sa kanyang pisngi at labi. “Wala po, nanibago lang ako kasi tinawag niyo akong babe. Naiilang talaga ako lalo pa’t—” “Pasensya na, kung ayaw mo sasabihin ko na lang kay lola—” “Hoy teka!” pigil ko sa kanya nang akma siyang tatayo. “Hindi ko naman sinabing ayoko naiilang lang ako dahil alam mo na?” Bumalik siya sa pagkaka-upo at kumuha naman ng shrimp. Isinubo niya ulit sa bibig ko. “Kumain pa tayo, say ahhhh…” Sumihap ako at sinubo ang pagkain. Bahala na, sa mangyayari… Pagkatapos naming kumain ay umakyat muna ako sa itaas upang tignan si Lola Fina. Pagpasok ko sa kanyang kuwarto at mahimbing pala ang tulog nito. “Ako na ang mag-aalaga sa kanya, malakas pa naman ako. Puntahan mo na ang irog mo doon. Mamangka kayo, maligo or manghuli kayo ng isda. Puwede niyo rin libutin ang isla. Para naman masulit niyo ang bakasyon niyo. Kaya ko namang alagaan si Fina.” Nakangiting wika ni Lola Ising habang inaayos ang tray na may lamang arrozcaldo. Lumabas kaming dalawa sa kanyang kuwarto at sinamahan ko siya sa kusina. “Lola, apo niyo rin po si Felip?” usisa ko sa kanya dahil hindi nasabi sa akin ni Felip kung ano ba talaga si Lola Ising sa kanya. “Oo, anak ko ang mommy ni Felip. Nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa aksidente. Kami na ni Fina ang nag-alaga sa kanya.” Sagot niya sa akin. Ako sana ang maghuhugas ng pingan na pinagkainan ni Lola Fina ngunit ayaw naman niya. “Ganun po ba…pareho pala kami ni Felip wala nang magulang.” Malungkot na saad ko. “Ganun talaga, diyos lang ang nakaka-alam kung kailan niya tayo kukunin. Ang mahalaga naging maganda ang pamamalagi natin dito sa lupa at gumawa tayo ng mabuti sa ating kapwa.” Nakangiting sagot niya. Masarap talaga kumausap ng matanda dahil marami na silang experience sa buhay. “Salamat po Lola Ising sa pagtangap niyo sa akin.” “Naku! Eh ikaw pa? Eh mahal na mahal ka ng apo ko!” hirit niya. Nakaka-guilty tuloy dahil kailangan pa naming magsinungaling sa kanya upang hindi na daw nito kulitin si Sir Felip na mag-asawa. Nang sa ganun kapag nawala daw sila ni Lola Fina at alam nilang nasa maayos na kalagayan si Felip. Bumalik ako sa kuwarto ko upang magpalit ng short at t-shirt. Balak ko kasing magtampisaw mamaya sa dagat. Pero napansin ko ang maleta ni Sir kaya minabuti kong ayusin ito sa cabinet pati na rin ang mga gamit ko nang sa ganun hindi na siya mahirapan na kalkalin ang maleta niya mamaya. Ngunit nang buksan ko ang maleta ay bumungad sa akin ang isang baril. Isasarado ko sana ito ngunit nagulat ako nang bumukas ang pinto. “What are you doing?” seryosong tanong niya sa akin. “A-ahh…aayusin ko sana yung mga gamit mo sa cabinet—” Lumapit siya at sinara ang maleta. Inilagay niya ito sa ibabaw ng cabinet. “I’m not angry, meron ako noon for security purposes. Tara sa labas samahan mo akong mag-swimming.” Aya niya sa akin. Tumayo ako sa kama at inabot ko ang kamay ko sa kanya bago kami lumabas ng kuwarto. Kinabahan ako nang makita ko ang bagay na yun. Ngunit sabi niya for security lang daw kaya pilit kong kinalma ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD