Kabanata 28

2466 Words
SHEINA Eto na nga ba ang sinasabi ko. Napakalaki kong tanga. At hindi lang yun, ang sama-sama ko pa. Nag-bounce back na ngayon sa akin ang mga plano ko. Oh my God na lang talaga. Bakit kasi na-in love pa ako sa lalaking 'to? Crush ko lang siya eh. Kumpiyansa pa ako na hanggang doon lang ang nararamdaman ko, lalo na at nagkaroon nga kami ng issue sa pagitan naming dalawa. So akala ko talaga safe na ako. Pero yun ang pagkakamali ko. Hay nako. Hindi ko talaga akalain na aabot sa ganito. Gusto ko lang naman na maibalik ang good image ko sa mga tagarito sa amin. At paano ko gagawin yun? Siyempre kailangan kong maging close kay Jeron. Kailangan kong maging malapit sa kanya dahil kapag yun ang nangyari, makikita ng mga tao na okay naman pala si Jeron sa akin. At kung okay sa akin ang doctor na naka-assign dito sa amin, then unti-unti ring babalik ang magandang reputasyon ko bilang isang traditional healer.  Eh kaso nga nalaman ko na gusto niya pala talaga ako. So ako naman eh kinuha ko na ang pagkakataong iyon para sa advantage ko. Kung magiging jowa ko kasi siya, hindi lang gaganda ang image ko, baka makatulong pa siya sa pagbebenta ko ng cocnut oil at mga herbal na gamot. And then baka tulungan niya rin akong makapag-abroad 'di ba? Napakagandang plano na eh. Tapos kapag nakuha ko na ang mga bagay na yun, saka ako makikipaghiwalay sa kanya. Kapag oras na para mangibang bansa ako, saka ko siya kakausapin nang masinsinan at sasabihing nakikipaghiwalay na ako sa kanya, dahil hindi naman magwo-work ang long distance relationship eh. Personally, ayoko ng ganoong setup. Hindi ko yata kaya ang ganoon. Lalo pa't kailangan niyo ng constant communication kapag nasa isang long distance relationship kayo. Tingin ko lang na hindi ako magiging consistent sa ganoon. Kaya naman napakagandang excuse sana noon kapag makikipaghiwalay na ako kay Jeron. At naisip ko non, para sa kanya rin naman iyon. Ipu-push ko siyang bumalik na lang ng Maynila at tyanggapin na lang iyong alok sa kanya doon ng isang malaking hospital na nakatakdang magtayo ng bagong ospital nila. Deserve niya rin naman ang ma-promote sa ganoon kalaki at kaimportanteng posisyon. Yan ang original plan ko. Kaya napaka-confident kong makipagrelasyon kay Jeron noong inalok ko siya, dahil akala ko hindi mawawala ang inis ko sa kanya noon. Akala ko desrve niya ang gagawin ko sa kanya dahil sa 'ginawa' niya rin sa akin. Pero nagkamali ako. maling-mali. Kaya naman hindi na ako magkada-ugaga sa kakaisip ngayong kung ano na ang gagawin ko. Mas lalo pa akong na-guilty nang mag-almusal kami, dahil nagluto pa siya ng full course breakfast. Siyemrpe, na-impress ako na ang galing niyang magluto, kahit itlog, hotdog, at pancakes lang naman ang mga yun. Para sa isang lalaking napaka-busy katulad niya, isang nakaka-impress pa rin na bagay na sisiw lang sa kanya ang ipagluto ako ng breakfast.  At nang papasok na siya sa work niya, nagbilin pa siya sa akin kaagad. "Babe, what if bukas ka na lang magpunta sa police station?" suggestion niya dahil naka-sched akong magpunta ngayon doon para finally ay magbigay na ng statement ko sa kanila. "Para ako na ang sumama sa 'yo doon. I'm worried about what they will ask you kasi. Baka hindi sila mag-ingat sa mga itatanong sa 'yo." "Naku, ayos lang. Nakapagsabi na rin kasi ako na ngayon ako pupunta. And don't worry, sasamahan naman ako nina Larry at Claire. Kaya 'wag ka nang mag-alala." Sumimangot naman siya doon. "Bakit ba kailangan niyang sumama? Ni Larry, I mean? Hindi naman siya kailangan doon," nguso niya. Natawa naman ako dahil napaka-cute niya doon sa pagkakasabi niya. "Eh alam mo naman yun. Hindi yun papayag na hindi siya sasama. Baka pareho kayo kasi ng iniisip na baka kung ano-ano na lang ang itanong sa akin ng mga pulis. Eh Criminology graduate nga siya, 'di ba. Kaya malamang alam niya kung ano ang mga itatanong sa akin ng mga pulis. Kaya siguro gustong-gusto niyang sumama. Eh ako naman, naisip kong maganda ngang kasama siya dahil close siya sa mga pulis doon sa station eh. Mas mapapadali ang gagawin kong pagibibigay ng statement ko sa kanila." "Kung sa bagay," aniya na nakanguso pa rin. "Okay lang naman sa akin na sumama siya, pero ayoko na nandoon siya na wala ako. Dapat nandoon din ako eh." "Ay sus, kung nagseselos ka, Jeron, 'wag na dahil hindi ko naman gusto iyong si Larry, ano ka ba. Kung hindi ko siya pinatulan noon, lalo naman ngayon." "Hindi naman ako natatakot na baka ipagpalit mo ako sa kanya," sagot niya. "Naks, ganyan dapat, confident," sabi ko at hinalikan ko na siya sa cheeks niya,. Naglakad na kasi siya palabas ng pinto ng bahay ko para pumasok na siya sa trabaho niya.  "Yes babe, kasi alam ko naman hindi mo nga siya gusto, kaya hindi iyon ang issue ko sa kanya. Ang sa akin lang, iyong ginagawa niya para sa 'yo, ako na dapat ang gumagawa noon eh. Kasi ako ang boyfriend mo. It sucks that another man have to accompany you there because I have work." Hindi ko alam na mas kikiligin pa ako sa kanya dahil sa mga sinasabi niya. Nakaka-touch kasi 'yung sinabi niya. Tama nga naman, kasi dapat talaga siya ang kasama ko eh. Hindi nga naman magandang tingnan na ibang lalaki ang sasama sa akin doon, lalo na sa kanya. Sure ako na sasama ang loob niya kapag wala akong sabihin sa kanya para pagaanin ang loob niya, dahil may point talaga siya. "Okay, Jeron, point taken. Pero 'wag mo na isipin yan. Alam ko naman na kung hindi ka lang busy ngayon eh ikaw mismo ang sasama sa akin. It's the thought that counts naman eh. Hindi rin naman kasi pwedeng unahin mo ito kaysa sa trabaho mo eh nakasalalay sa trabaho mo ang buhay ng mga tao rito. You're a professional kaya hindi naman pwedeng hindi pang professional ang mga galawan mo, 'di ba?" Tumango siya doon. "Yeah. Sometimes I hate that I am this busy because I'm a doctor, pero kung hindi rin naman ako naging doktor ay hindi rin naman kita makikilala." "Cheesy mo sa part na yan," biro ko. "Hayaan mo na lang kasi. babawi na lang ako. Mamayang hapon, how about mag-date ulit tayo? Doon ulit sa Talisay. Miss ko na street foods doon eh." Malaki na ang ngiti niya ngayon dahil sa suggestion ko. "Okay, babe. Deal. May tinuro ring masarap na kainan sa akin si Raffy kaya balak ko talagang dalhin ka ulit doon. Na-excite tuloy ako bigla." "O sige na, ganoon na lang ang gawin natin. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa." "Okay, babe. Pero bago ako umalis, can I kiss you again?" "Huh? Yun lang ba?" tanong ko and then hinalikan ko ulit siya sa lips niya. Namumula na ang buong mukha niya, at ang cute niya lang kapag kinikilig siya kasi napaka-obvious naman niya. Hindi maitatago ang kilig niya eh. Kaya itinulak ko na siya palabas ng bahay para makaalis na siya, dahil baka mauwi na naman kaming dalawa sa make out session at mahirap na. *** Sinundo ako nina Claire at Larry ilang minuto pagkaalis ni Jeron. May inarkila pang service si Larry na tricycle dahil tatlo kami, at hindi naman kami kasyang lahat sa motor niya. Kinakabahan man, pinush ko na lang ang pagbibigay ng statement sa mga pulis para matapos na. And as what we expected, sumentro sa tatay ko ang mga tanong nila sa akin. Nasa tabi ko ang mga kaibigan ko habang tinatanong ako ng pulis na humahawak sa kaso at mabait at maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. Yun nga lang, hindi ko nagugustuhan na ang dami nilang tinatanong tungkol kay Tatay. Eh kahit nga ako ay walang alam sa naging buhay niya ngayon. "Wala kayong kumunikasyon ng tatay mo sa ngayon, Miss Gonzales? Hindi ba siya nagpaparamdam sa 'yo?" Hindi ako agad nakasagot doon. Alam ko kasi na dapat banggitin ko iyong part na nakita ko siyang nakamasid sa akin mula sa malayo, pero ewan ko ba at nakapag-decide ako na hindi na sabihin sa kanila yun. Pakiramdam ko kasi kapag sinabi ko yun ay mas lalaki lang ang usapin tungkol sa tatay ko, eh ayoko nga na umabot pa sa ganoon.  "Matagal na pong wala akong komunikasyon sa kanya," sabi ko na lang. Hindi rin naman nag-react sina Claire at Larry dahil hindi ko rin naman nasabi sa kanila ang tungkol sa pagpapakita sa akin ng ama ko. "Mula ng iwan niya kami, hindi na siya nagparamdam pa." "Kung ganoon, wala kang alam sa recent whereabouts ng tatay mo, right?" Tumango ako. "Yun nga po ang sinabi ko. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya o patay na Kung hindi pa nga ako sinugod ng Gregorio na yun, hindi ko pa malalaman na buhay pa siya." Tinitigan ako nang maigi ng pulis na nagi-interview sa akin. "Miss Gonzales, may classified info kami tungkol sa tatay mo, at kung gusto mong marinig iyon sa amin, pwede naming sabihin sa 'yo, dahil biktima ka rin naman ng sitwasyong kinakasangkutan niya. Para na rin makap[ag-ingat ka. Pero nasa sa iyo yan. Nakatanggap kasi kami ng text message mula sa nobyo mo, mula kay Doc de Veyra, na nagsasabi na kung pwede ay 'wag ka naming bigyan ng stress dahil nga raw sa results ng stress defrieing sa 'yo. Kaya kung ayaw mo, hindi mo kailangang malaman ang tungkol sa info sa ama mo." Tumaas ang kilay ko sa mga narinig ko. "wait, nag-text sa inyo si Jeron?" Napangiti doon ang pulis sa tanong ko. "Tama ka, Miss Gonzales. Tinext kami ng nobyo mo. Nakailang send pa nga siya eh. basically, ang sinasabi niya ay magdahan-dahan daw kami sa mga itatanong namin sa inyo dahil nga sa nature ng topic na sensitive sa 'yo. Pero actually Maam, alam na namin iyon. Nasabihan na kami nitong si Larry." Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko. Bakit nag-text pa ang lalaking yun dito sa pulis na kausap ko? At kailan niya ginawa yun? Bakit hindi ko man lang natunugan na gagawin niya iyon? Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano, pero grabe naman iyon! Effort kung effort! Naramdaman ko naman bigla ang kamay ni Larry sa balikat ko. Niyuyugyog niya na pala iyon dahil kinakausap niya yata ako kanina pa pero hindi ko siya sinasagot. "Sheina, okay ka lang ba?" tanong niya. Kahit si Claire ay nakatingin na rin sa akin.  "Ah oo... Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" Poker face lang siya nang sagutin ang tanong ko. "Ang sabi ko, maganda sana kung tatanngapin mo ang offer nila sa 'yo," sabi niya sabay nguso sa pulis na kausap ko. "Mas maganda kung alam mo ang tungkol sa Tatay mo para kung sakali mang magpakita siya ulit ay alam mo ang gagawin mo---" Kaagad namang sumingit sa usapan namin si Claire. "Pero 'wag kang ma-pressure, Ate. Kung masyadong mabigat para sa iyo ang tungkol doon, hindi mo naman kailangang malaman ang tungkol doon." Tumango na rin si Larry dahil mukhang hindi niya rin ako pipilitin. "Kung gusto mo, ako na lang ang aalam sa classified info, tapos sasabihin ko na lang sa 'yo kapag ready ka na. Okay ba?" "Ah eh... sige..." Pumayag na rin ako dahil feeling ko kailangan din talaga na may alam ako sa nangyayari sa tatay ko. Mahirap na. Baka bumalik na naman siya tapos may gagawin pala siya na ikakapahamak ko pa ulit. Ang totoo niyan, gusto ko naman talaga na malaman ang kung ano mang alam ng mga pulis tungkol sa tatay ko. May idea pa nga ako kung ano yun eh. kaya lang, naisip ko rin na nag-effort pa talaga si jeron na mg-send ng text messages sa mga pulis para i-remind sila na sensitive ang issue na iyan sa akin, at sobrang na-appreciate ko yun. Kaya naman nakapag-decide na ako. Si Larry na lang muna ang bahala sa info na yun kung ano man yun. Kaya naiwan siya sa opisina habang kami ni Claire ay naghintay sa labas. Niyaya niya akong magtingin-tingin sa malpit na ukay-ukayan at pumayag na rin naman ako para makapaglibang ako. Tinext na lang namin si Larry kung nasaan kami para doon niya na lang kami puntahan. Puro naman kami chika ni Claire habang namimili kami ng damit.  "Grabe si Doc Jeron 'no?" sabi sa akin ni Claire. "Kinilig ako doon sa ginawa niya, 'Te. Kahit hindi mo alam ay gumagawa siya ng mga bagay para sa ikabubuti mo." "Yun na nga eh," sagot kong kaagad na namula. "Napansin mo naman siguro na nag-space out ako kanina doon. Kasalanan yun ni Jeron. Hindi man lang ako na-warningan ng lalaking yun na gagawin niya pala yun!" "Kaya nga eh! I mean, ginawa rin naman ni Kuya Larry yun for you," aniya. "Sinabi niya rin sa mga kaibigan niyang pulis ang tungkol doon sa sitwasyon mo. Pero iba pa rin 'yung effort ni Doc Jeron! Hindi ka man niya nasamahan, may ginawa pa rin siya for you! Ang swerte mo talaga, Ate! Ito na yata ang epekto sa 'yo ng Miracle water!" Natawa ako doon dahil alam niya naman na hindi ko talaga nainom iyong Miracle Water na yun. Pero kaagad din akong huminto sa pagtawa nang ma-realize ko na sobrang nagki-care sa akin si Jeron, pero ako, ano itong ginagawa ko sa kanya? Niloloko ko lang siya. "Ate Sheina, may problema ba?" "Ah... nagi-guilty lang ako," sabi ko sa kanya. "Claire, pwede ba kitang pagsabihan ng sekreto?" sabi ko pa na medyo kinakabahan din dahil baka ma-judge din ako ng best friend ko.  "Oo naman. Tungkol saan ba?" "Tungkol sa relasyon namin ni Jeron," sagot ko naman. Pagkasabi ko noon ay kaagad akong hinila ni Claire sa isang sulok kung saan maraming mga naka-hanger na damit ang nandoon. Hindi kami masyadong napapansin dito sa spot na ito kaya magandang magchikahan dito. "Spill the tea na, Ate. Ano ba ang meron?" At yun na nga. Sinabi ko na sa kanya ang totoo. Kung bakit ko jinowa si Jeron, at kung ano ba talaga ang mga plano ko sa aming dalawa. Siyempre naloka si Claire, lalo na sa part na balak ko ring hiwalayan si Jeron kapag paalis na ako ng bansa. napansinghap pa nga siya nang malakas, at akala ko nagiging over dramatic lang siya, pero umiling siya kaaagad at itinuro ang likuran ko. Para naman akong naestatwa sa ginawa niya dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. May tao sa likod ko, at malamang narinig nito ang lahat ng mga sinabi ko. Namumutla man, lumingon na ako at nakita ko si Larry na nakakunot ang noo sa akin at napailing pa sabay walk out. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD