SHEINA
Kung alam ko lang na magiging madalas ang halikan at laplapan namin ni Jeron, baka hindi na ako pumayag na nandito siya sa bahay ko. Baka nag-isip na lang ako ng ibang paraan para maisakatuparan ko ang lahat ng mga gusto kong mangyari, dahil hindi pwedeng palaging ganito ang nangyayari. Hindi pwedeng sa make out sessions mauuwi ang bawat gabi namin dito sa bahay!
Nakakaloka talaga! At ang nanainis pa, hindi ko siya kayang pigilan!
Pero kailangang matigil na 'to!
Hindi naman sa ayaw ko sa halik niya, o sa ayaw kong makipaghalikan sa kanya. In fact, baliktad ang nangyayari. Gustong-gusto ko na ngayon ang nangyayari kaya nga ayoko nang maulit 'to. Hindi kasi pwedeng madala ako sa mga paganito ni Jeron! Jusmiyo!
At saka ito ba ang galawan ng isang almost thirty year old virgin? Bakit ang galing na niya sa halikan? Bakit may style pa siya kung paano humalik? At bakit bawat galaw ng mga labi niya ay nagbibigay sa akin ng libo-libong boltahe sa katawan ko na numb na yata ngayon? Ano 'to?
Ano'ng klaseng mahika ang ginagamit sa akin ng lalaking ito? Bakit ayaw ko nang tumigil 'to?
Grabe. Hindi talaga ako nakapaghanda. Habang naghahalikan pa rin kami sa sofa, kung saan-saan na napadpad ang utak ko. Nariyang pakiramdam ko ay nalipad ako. Pakiramdam ko ay sinisilaban na ngayon ang katawan ko. At bakit kasi ang init ng katawan ng lalaking ito? Napapaso ako eh. Para akong nag-aapoy na kahoy. Para akong nauupos na kandila.
Pero ang nakakapagtaka, gusto ko ang init na ito. At gusto ko pa ngang mas uminit pa.
Oh my God.
Ganito ba ang maging excited sa love making na sinasabi niya? Talaga bang ganito ito kasarap sa pakiramdam palagi? At kung ito pa nga lang ang ginagawa namin ay napakasarap na, paano pa kaya kapag nag-level up pa kami?
At ayoko mang aminin, pero nakaramdam ako nang sobrang excitement sa katawan ko. Bigla ko na lang naramdaman na gusto ko nang ipagpatuloy na namin ni Jeron ang bagay na ito sa kwarto ko. Parang nawala na ang takot sa akin, o nawala na ang pakialam ko sa kahit ano'ng bagay. Ang gusto ko na lang gawin ay ang hindi ito tumigil. Napaka-conflicting na ng isipan ko ngayon, dahil ang isang parte ng utak ko ay nagsasabing gusto ko nang itigil itong nangyayari pero 'yung kalahati naman ay nagsasabi na gusto kong ipagpatuloy ito. Pero ayun nga, bago pa man ako makapagdesisyon kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin, bigla na lang huminto si Jeron sa paghalik niya sa akin at napabitaw na rin siya sa katawan ko.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Naghahabol na siya ng hininga niya. At namalayan kong ganoon na rin pala ang nangyayari sa akin. Para akong naubusan ng hangin sa mga baga ko. Jusmiyo. Sobrang intense na pala ng ginagawa namin, hindi ko man lang namalayan!
At ang pesteng Jeron, nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hilain ako papunta sa kwarto ko. Ang bilis na ng t***k ng puso ko dahil shet, ito na nga yata ang panahon na isusuko ko na ang Bataan. Mukhang hindi pa yata tapos ang lalaking ito sa ginagawa niya kaya ngayon ay dadalhin na niya ako sa kama para ipagpatuloy ang nasimulan na namin!
Watdaef. Ito na ba ang simula ng aming wild relationship?
Pero imbes na yun ang mangyari, nagulat ako nang niyaya niya lang pala akong humiga sa kama nang makapasok kami! Pinamulahan tuloy ako ng mukha dahil baka naisip niya na na-disappoint pa ako na matutulog na lang pala kami. Hiyang-hiya na ako dahil nakita niya naman ang gulat sa mukha ko nang mahiga kaming dalawa sa kama. Pero niyakap niya na naman ako agad pagkahiga ko sa tabi niya kaya nawala na iyong nerbiyos ko. Hindi ko nga alam kung paano nangyari, pero noong niyakap niya ako ay gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Nawala ang kaninang kaba at excitement sa sistema ko at napalitan ng... calmness.
"I'm sorry, babe. Muntik na tayo doon ah."
"Ah... Oo nga..." Hindi ko sigurado kung yun ba ang tinutukoy niya, pero malamang yun nga kaya hindi ko na tinanong pa. "Huwag kang ma-guilty. Hindi rin naman kita pinigilan."
"Eh may usapan na tayo na ako ang unang magpipigil eh. Sorry kung hindi ako nakapagpigil agad. Muntik na tayo doon ah. Mabuti na lang naalala ko na may usapan nga tayo." Napabuntong-hininga pa siya doon and somehow na-appreciate ko ang sincerity and determination niya sa pagtupad sa usapan namin.
"Mabuti na lang. Dahil ewan ko ba, pero hindi ko talaga magawang magpigil, Jeron. Eh 'di ba dapat ako ang mas mag-effort na matupad natin iyong usapan natin---"
"Sheina, don't think like that," pananaman niya naman sa akin. "Pareho tayong nasa relasyon na ito, so hindi mo lang responsibilidad ang bagay na yan. Pareho tayong dalawa. Besides, nangako ako sa Nanay mo, 'di ba? I should really think of my promise all the time para hindi na mangyari iyon."
"Okay. Next time, try ko ring magpigil din talaga. Ang sa akin lang, baka iniisip mo na may kasalanan ka na, ha. Kasi hindi ganoon ang iniisip ko. Lalo na at normal lang naman talaga na gawin yun ng mga mag-boyfriend, 'di ba? Mas nakapagtataka naman siguro kung hindi natin gusto na gawin yun."
"Yeah. Lalo na at nasa iisang bahay lang tayo. Naisip ko nga babe, baka mali talaga na nandito ako. Kung hindi ko nga lang iniisip ang safety mo rito, baka nag-alsa-balutan na ako ngayon din. Ang hirap kasi eh. We are in this setup so naturally alam mo na... One of us will feel... t-that way..."
"And hindi yun mali. To be honest, mas maiimbyerna yata ako kung hindi mo man lang ako pagnanasaan. Aba ay jinowa mo pa ako kung ganon din lang naman."
Natawa siya doon. "Yeah, babe. That will never happen."
"Kaya nga 'di ba! Aminin mo, Jeron! Ganyan naman kayong mga lalaki! Kahit gaano pa kayo kasanto, o tulad mo, kahit gaano ka pa kabanal dahil lumaki kang devout Catholic, talagang gusto niyo talaga ng s*x. Wala pa yata akong kilala na lalaking aayaw sa s*x. Kaya nga ang daming cheaters na lalaki, 'di ba? Kasi nature niyo na yan."
"Totoo naman, but I don't think it's a bad thing. It's human nature. At hindi lang naman mga lalaki ang ganyan. Actually, same lang din naman ang mga babae. Mas vocal nga lang ang mga lalaki at mas reserved kayong mga babae kasi nga ganoon tayo hinubog ng society natin, babe. As long as you don't cheat, s*x will never be bad."
"Kung sa bagay. Gets ko naman. Pero bakit ganoon, Jeron? Bakit ganoon na ang daming lalaking madaling matukso?"
Napabuntong-hininga na naman siya. Na-guilty tuloy ako na baka killer question na ang naitanong ko sa kanya, eh wala naman kami sa hot seat. "How I wish alam ko ang sagot diyan. Wala rin talaga akong idea. Maybe because hindi naman nangyari sa akin ang ganoon before."
Kumunot ang noo ko doon. "So kailangan ma-experience mo muna bago mo mas maintindihan ang ganoon?"
"Maybe. Maybe not. Mahirap kasi sagutin 'yang tanong mo, babe. Paano ba naman, iba-iba naman ang tao. Marahil case to case basis yan. Parang sa field ko lang. For example, a patient with diabetes. Iba-iba ang maaring cause noon kung bakit ka na-diagnosed as diabetic. Pero iisa lang ang ang result. I think that's it."
"So... walang common factor sa mga taong natutukso o nagloloko?"
"Meron naman siguro. Maybe lack of respect. Hindi lang sa partner mo, kung hindi pati na rin sa sarili mo mismo. Kasi 'di ba, if you respect yourself and your partner, hindi ka naman magpapatukso kahit pa hainan ka noon. It's all about will."
"Pero karamihan sa mga nagloloko, ang sinasabi nila is may nahanap sila sa iba na wala sa partner nila kaya sila nag-cheat. Medyo stupid na reasoning pero naisip ko rin, baka naman may logic doon?"
"I don't think so, babe, Walang enough na rason to justify cheating. It's always wrong. Kahit ano pa ang rason nila, mali iyon. Karamihan siguro kasi ng nagloloko is iniisip nila na okay lang yun gawin as long as hindi naman sila nahuhuli. Parang sa kalsada lang. Kahit may nakapaskil na 'no jaywalking' sa kalsada, kung wala namang pulis or traffic enforcer na nakabantay doon, marami pa rin ang susubok na tatawid sa kalsada. Di ba? Kasi nga hindi naman sila mahuhuli. I think it's like that. Tumatawid ka sa kalsada kasi akala mo hindi ka mahuhuli, pero ang totoo, pwede kang mahuli. Or worse, pwede ka masagasaan. Wala kang respeto sa law enforcers, pero wala ka ring respeto sa sarili mo kasi nga pwede ka mamatay kapag nasagaan ka. That's how I describe it, babe."
"OMG, oo nga 'no. Ang perfect naman ng analogy mo riyan, Jeron! Ang taba talaga ng utak mo! pa-kiss nga!" biro ko, pero tinotoo niya kaagad at hinalikan niya ako sa lips ko. Talagang diretsahan na. Wala ng kuskos balungos. Natameme tuloy ako. Nagbibiro lang naman kasi ako eh. Bakit niya naman ginawa agad! Kinilig na naman tuloy ako! Kaasar!
"Just ask me if you want my kisses, babe," bulong niya naman sa akin at ewan ko ba pero times ten ang huskiness sa boses niya nang sinabi niya yun. Pakiramdam ko tuloy ibang tao siya sa pagtataong ito. My God, Jeron! Bakit naman bigla kang nag-iiba ng personality feeling ko napaka-hot mo ngayon!
"Ah eh... biro lang kasi yun. Kaagad mo namang ginawa."
"Pero gusto mo naman," saad niya.
"Oo naman. Pero going back, grabe 'no. Napakagaling ng analogy mo doon talaga. Mas naintindihan ko tuloy ang bagay na yun. Kasi sa totoo lang, Jeron, never kong naintindihan kung bakit may mga taong ang daling magloko, you know? Talagang kaya nilang itapon lahat ng pinagsamahan niyo para ilang oras ng kaligayahan. Minsan nga hindi inaabot ng oras eh. Pero yun nga. Ang dami kong kakilala na ganoon. Kaya ikaw, dahil nagbigay ka pa sa akin ng napakagandang analogy, lagot ka talaga sa akin kapag nagloko ka. Mata mo lang talaga ang walang latay 'non."
Natawa na naman siya nang pagkalakas-lakas at mas lalong humigpit ang yakap niya ngayon sa akin. naisip ko nga na ganito pala kasaya magkaroon ng katabi sa kama tapos mag-uusap lang kayo ng kung ano-ano hanggang sa makatulog na kami. Parang ang ganda lang ng ganito ka-chill na relasyon. Para kaming mag-best buddies plus the landian.
"Naku babe, ayoko mang magsalita nang tapos, pero sure naman ako na hindi ako magloloko. Bukod sa nakakapagod naman 'yang marami kang kalandian, wala rin talaga akong oras para diyan."
"Aha, so kung marami ka lang oras, gagawin mo rin ano?" panunudyo ko sa kanya.
Natawa lang siya. "That's not what I meant to say. Ang point ko is, masyadong ma-effort 'yang ganyang sitwasyon. Kaya bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko? Kahit naman marami akong free time, tatamarin pa rin siguro ako niyan."
"Aba, ngayon ko lang narinig na napakangandang maging tamad."
"Kaya nga. Kapag nakipagrelasyon kasi ako, babe, I give my all to that person. Kaya naman bakit ako titingin sa iba. Yung oras na gugulin ko doon, eh ibibigay ko na lang sa partner ko. And I believ in karma, baby. I really do. Kapag ginawa ko yun sa 'yo, I know that it will come back to me a thousand times more. And I would lose you. Ayokong mangyari yun. Ikaw pa naman 'yung tipo ng babae na hindi kailangan ng lalaki sa buhay. Kaya mawala man ako sa buhay mo, I know that you would be okay. Eh hindi ako ganoon baby. If I ever lose you, I think I will never be the same."
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong maiyak sa mga sinabi niya. Yun na yata ang pinakamagandang narinig ko mula sa isang tao. Ang ganda pakinggan, na may tao na hindi ako kayang pagtaksilan dahil ikawawasak iyon ng mundo niya kapag iniwan ko siya. Nakaka-overwhelm lang sa pakiramdam. At napaka-accurate rin kasi ng mga sinabi niya, lalo na doon sa part na ako raw 'yung tipo ng babae na hindi kailangan ng lalaki para mabuhay. Totoo yun eh. Napaka-independent kong babae kasi. Siguro dahil na rin sa maaga kaming iniwan ng Tatay namin, at kahit si Kuya Kris ay iniwan din ako nang magkapamilya na siya. So natuto talaga akong mag-survive nang mag-isa. Talagang hindi ko kailangan ng kahit sino para sumaya ako.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako nang ganoon. Nakatulog ako habang nakikinig ako sa mga magagandang sinasabi ni Jeron sa akin. Sa totoo lang ang dami kong natututunan sa kanya. Napakaganda ng mga ideologies niya at napaka-chill niya lang na tao. Hindi ka mai-stress sa kanya. Meron siyang calming aura na parang magre-recharge sa 'yo kapag kailangang-kailangan mo. Basta nagising ako kinabukasan na super gaan ng mood ko. Magkayakap kasi kami nang magising ako, at yun na yata ang pinakamasarap na feeling habang nagigising ako.
Hindi ko talaga akalain na ganito lang kabilis, pero tingin ko in love na nga ako talaga kay Jeron. Nahulog na ako nang tuluyan, kaya naman kinakabahan naman ako ngayon, dahil paano na ang mga plano ko?