Kabanata 2

1574 Words
[SHEINA] Kaagad kong sinugod ang lalaki dahil na rin sa inis ko sa nakita ko na bigla niyang ininom iyong Miracle Water na kakabigay pa nga lang sa akin ni Claire. "Excuse me, akin 'yang tubig na hawak mo..." nahihiyang sabi ko pa dahil nakita ko na nang malapitan ang mukha niya. Nagulat ako nang makita kong ang gwapo pala ng isang 'to! "Sa 'yo ba 'to? I'm sorry, Miss. Ininom ko 'yung water---" Na-high blood na ako doon. "Hindi yan bastang water lang! At saka Kuya, sana naman ay hindi ka nangingialam ng hindi sa iyo, ano ho? Nakita mo naman siguro na may mga gamit dito o," sabi ko pa sabay turo sa mga damit na lalabhan ko pa sa tabi ng ilog. "Ayan o! Halata namang may tao rito. Sana man lang nagpaalam ka---" "Miss, eh walang tao rito kanina nang dumating ako---" Pinandilatan ko siya. "Eh 'di sana naghintay ka muna bago mo kinuha 'yung Miracle Water ko! Nilagok mo pa ang laman! Aba, hindi ka man lang natakot eh paano kung ihi ko pala ang laman 'non, ha?" Parang nandiri naman siya sa narinig niya. "Wait, seryoso ka ba? Ihi mo yun?" "Ano sa tingin mo? Eh ikaw ang uminom, 'di ba?" "Lasang ordinaryong tubig lang naman siya," sabi niyang napakamot pa sa ulo niya. Nakakaloka. Sayang ang lalaking 'to, sabi ko sa sarili ko. May itsura sana kaso parang lutang. Bakit naman kasi siya iinom ng tubig na hindi niya sure kung tubig nga ba talaga ang laman? Hindi yata takot 'to na magkasakit ah! "Kuya, alam mo ba kung ano talaga 'yung ininom mo? Miracle Water yun! Binigay pa yun sa'kin ng kaibigan ko! Kinuha pa yun mula sa isang sagradong bukal sa kabilang probinsiya. May basbas pa 'yun ng mga monghe! Hindi yun basta-basta nabibili sa kung saan lang. Tapos iinumin mo lang?" "Ah... Kaya pala lasang fresh water," aniya. "Fresh water ka diyan, sapakin kita eh! Bakit ka ba kasi nainom ng tubig ng may tubig? Kung nauuhaw ka, ayan o, ang laki ng ilog pwede ka namang sumalok diyan!" Itinuro ko pa sa kanya ang ilog na nasa gilid lang namin at ilang hakbang lang mula sa kung saan kami nakatayo ngayon.  "Ah, yun nga sana ang una kong balak gawin. Kaya nga nagpunta ako rito sa ilog dahil iinom sana ako diyan. Ang kaso naman, may nakita akong ahas doon banda," sabi niya naman tapos tinuro niya pa kung saan daw siya nakakita ng ahas. "Eh natakot na ako kaya 'di ko na itinuloy. Pero uhaw na uhaw pa rin ako, at sakto namang nakita ko iyang tubig mo. Kaya no choice na ako kung 'di ang inumin yan. Sorry talaga, Miss." Nag-peace sign pa siya sa akin habang nakangiti, at doon ko nakita na may dimples ang loko tapos parang may kamukha siyang artista na hindi ko lang maalala ngayon kung sino.  Tapos napansin kong parang hapong-hapo nga siya. Pinagpapawisan pa siya at doon ko na-realize na baka nga hindi tagarito ang isang 'to. Nakasuot ito ng casual t-shirt and shorts pero halata namang mamahalin ang damit niya kaya feeling ko nga mayaman 'to. Natameme tuloy ako dahil bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Kwento niya pa, galing daw siyang Maynila. Tapos iyong bus na sinakyan niya papunta rito sa amin ay nasiraan, kaya napilitan siyang maglakad ng ilang kilomtero dahilan kung bakit uhaw na uhaw na siya.  Naawa naman ako sa kwento niya, kaya nag-offer na akong samahan siya sa Brgy. Hall kung saan daw naghihintay ang kaibigan na tutuluyan niya rito. Sinamahan ko siyang maglakad papunta doon, at doon na kami nagpakilala sa isa't-isa. "Ako nga pala si Jeron. And you are?" Nahiya ako bigla dahil parang kakaiba naman siya tumitig sa'kin. "Ah... S-Sheina..." Tumango-tango siya. "Sheina. What a beautiful name." "Hende nemen... semple nge leng eng pengelen ke eh..." "Huh?" "Ah, ang sabi ko simple lang ang name ko," ulit ko sa sinabi ko pero this time hindi na in a pabebe voice. Malapit na kami sa Brgy. Hall tapos napansin kong pinagtitinginan na kami ng ilan sa mga tagarito. Nakita ko pa nga ang tatlo kong mga kaedaran na maagang nagsipag-asawa na mga leader ng kumpulan ng mga chikadora na tinuturo pa kaming dalawa. "Pagpasensiyahan mo na 'yang mga yan ah," sabi ko kay Jeron pagkalampas namin sa tatlong mga chismosa na nasa harapan ng isang sari-sari store. "Ganyan talaga rito. Kapag may bagong salta eh pinagchichismisan." "Okay lang. Kahit saan naman may ganyan." "Oo nga eh. Pero maiba ako Jeron, ano pala ang pakay mo rito sa San Policarpio? Nagbabakasyon ka ba rito?" "Hindi. I came here for work." "Ah... Teka, hindi ka naman sundalo 'no? Jusko! Inaway-away pa naman kita! Tapos baka sundalo ka ha!" Bigla akong namutla sa naisip ko dahil what if nga ay isa siyang sundalo? Hindi naman kasi secret na ang lugar namin ay paminsan-minsa'y dinadalaw ng mga NPA kaya hindi malabong may ma-deploy na namang mga sundalo rito. Jusko, baka pag-initan ako nitong si Jeron kapag nagkataon! Pero natawa lang siya doon. "I'm not a soldier," sabi niya in straight English. Napaisip na naman tuloy ako. Homaygad. Baka naman anak 'to ng Mayor, or ng Governor, or ng Congressman?  "Eh ano'ng trabaho mo?" curious ko pang tanong pero hindi na niya iyon nasagot pa dahil nakarating na kami sa Brgy Hall. Nakita kong naghihintay doon sa labas ng gate si Raffy, na isa sa mga most hated person ko rito sa San Policarpio. Kumaway ito nang makita si Jeron, pero napahinto rin siya nang makita niyang kasama ako ng taong hinihintay niya. "Pare! Finally, andito ka na! Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit hindi na kita nakontak?"  "Long story, Pare," sagot naman ni Jeron sa kanya. Nagyakapan ang dalawa bago nagkumustahan. Para nga akong hangin lang eh, at kung hindi pa ako tumikhim ay baka nakalimutan na ako ng Jeron na 'to. "Oh, sorry! May tumulong sa akin, Raffy. Kilala mo siguro siya. Eto si Sheina." "Oo kilala ko siya," masungit naman na sagot ng siraulong si Raffy. Hindi na ako nagtaka doon, dahil mga bata pa lang kami ay magkaaway na kami ng isang 'to. Paano ba namang hindi, eh kami lagi ang magkalaban pagdating sa academics noon sa school. Inis na inis siya sa akin dahil ako lagi ang first honor habang second honor lang siya. Tapos magkaaway pa ang mga magulang namin noon dahil naman sa ibang bagay, kaya never ko talaga nakasundo itong si Raffy ever. "Mag-usap muna kayo diyan. Inform ko lang ang Kuya ko na andito ka na," dagdag niya pa tapos iniwan niya na nga muna kami ni Jeron dito sa labas.  "O, Jeron, mauuna na rin ako. Tatapusin ko pa ang mga labahan ko." "Are  you sure okay lang na bumalik ka doon sa ilog nang mag-isa?" tanong niya naman na nag-alala kaya medyo kinilig ako doon. Pero slight lang ha.  "Oo naman. Ako pa ba? Sa katunayan niyan, between you and me, ikaw dapat ang mag-alala para sa sarili mo 'no." "Huh? Bakit naman?" Binabaan ko ang boses ko para hindi marinig ng iba ang sasabihin ko sa kanya. "Mag-iingat ka rito sa lugar namin. Maraming mangkukulam dito, Jeron. Baka matipuhan ka pa. Advice ko na lang sa 'yo, 'wag ka makikikain o makikiinom sa hindi mo kakilala. Just drink your own water, bhie." "Huh?" "Ah basta, yun na yun. Aalis na ako. Bye!" Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya dahil ayoko nang makausap pa siya. May na-realize kasi ako ngayon lang. I think crush ko si Jeron! Kaya hindi ko na tuloy maitago ang ngiti ko buong araw hanggang sa pagtulog ko kinagabihan. Naalala ko na kasi kung sinong artiista ang kamukha niya. Kamukha niya si Alden! Oo! Yun nga! Kamukha niya si Alden pero mas manly nga lang siya tingnan! Ang lamang lang ni Alden sa kanya ay mukhang nakakatulog nang mahimbing yun palagi. Ito kasing si Jeron, malalaki ang eyebags na para bang puyat gabi-gabi! But over all, cute pa rin si Jeron kaya gora na talaga. Feeling ko talaga, bagay kami. Nai-imagine ko na nga na ikakasal kami sa simbahan eh! Oh my God, ang harot ko pala! This is some new information about myself! Maghunus-dili ka, Sheina!  Pero short-lived lang pala ang pagka-crush ko sa kanya. Dahil kinabukasan ay simula na pala ng digmaan na magaganap sa pagitan naming dalawa. Nagsimula ang gulo nang makasalubong ko si Aling Lea sa palengke. Buntis ito at nagpupunta ito sa akin para magpahilot ng tiyan. Pero nang magkita nga kami sa palengke, nagsabi itong hindi na raw siya makakabalik sa akin para magpahilot dahil doon na raw siya magpapa-check up sa bagong dating na doctor dito sa San Policarpio. May bago raw kasing Doctor to the Barrio ang na-assign dito sa amin!  Tapos hindi lang si Aling Lea ang nagsabing hindi na sila babalik sa akin. Kahit si Kumareng Precy na may asthma, at si Kuya Kimpoy na may pilay, hindi na rin daw muna sa akin magpapatingin dahil susubukan daw nila iyon ngang bagong doctor na nagbukas ng kanyang clinic sa second floor ng Brgy Hall! Sa sobrang inis ko sa nalaman ko, dali-dali kong sinugod ang Brgy hall at nagulat pa ako sa haba ng pila ng mga gustong magpa-check up doon! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sumilip na ako kung sino ang sinasabi nilang bagong doktor, at nakita kong ito ay walang iba kung 'di si Jeron!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD