Kabanata 1

1605 Words
[SHIENA] "Ito po, 'Nay, ang dahon ng sambong at alugbati. Pakuluan niyo po ang mga ito at gawin niyong tsaa ang pinagkuluan. Inumin niyo sa umaga para mabawasan ang sakit niyo sa rayuma," malumanay na sabi ko sa matandang kakatapos ko lang hilutin ang mga binting sumasakit na raw dahil sa rayuma niya. Hindi naman talaga ako expert na manghihilot, pero dahil package deal naman itong ginagawa ko, aba'y dapat alam ko rin kung paano gawin yun. Mahirap na, baka mas piliin nilang magpunta na lang kay Mang Jericko na magaling manghilot kaysa sa akin. Kailangan karirin ko ito ano.  "Salamat, Sheina," sagot naman ng matanda na isa sa mga loyal customers ko na namana ko pa mula sa aking yumaong Lola. Ang Lola ko talaga ang tunay na albularyo at manghihilot, at minana ko lang ang talent kong ito mula sa kanya. "Pero Shiena, pang-apat ko ng balik ito sa iyo pero hindi pa rin gumagaling ang rayuma ko. Ang sabi ng apo ko ay magpunta na lamang ako sa Health Center sa bayan at humingi doon ng gamot. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyong hindi na ako makakabalik sa panglima, ha?" Parang na-offend naman ako doon. Hindi ako pwedeng malagasan ng suki! Baka multuhin ako ng Lola ko! "Ah eh, hilutin po ulit kita? Saka baka gusto niyo po dasalan ko kayo gamit ang Latin prayers na na-research ko sa Youtube?" Napailing na lang ang matanda sa akin na para bang gusto akong sabihan na 'Hija, sabog ka ba?' Pero hindi iyon ang sinabi niya kung hindi... "At kailan pa naging source ng panalangin ang Youtube? Umayos ka nga, Sheina, apo. Albularyo ka at hindi vlogger." Gusto ko nang magwala dahil sa kamalditahan ng matandang ito pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayoko talagang dalawin ng Lola ko kahit sa mga panaginip ko. "Okay po. Basta balik na lang po kayo if you feel like it. Salamat po ulit, happy to serve!" Sa wakas, umuwi na ang matandang yun at nakahinga na ako nang maluwag. Sa totoo lang, hindi ko naman first choice na maging albularyo-s***h-manghihilot rito sa amin sa San Policarpio. Pero ano naman ang magagawa ko? Midwifery lang ang natapos ko kahit balak ko talaga maging doktor, tapos hindi pa ako pinalad na makapag-abroad pagka-graduate ko dahil sa financial problems ng pamilya namin. Kaya tiis-ganda muna ako ngayon dito. Balak kong mag-ipon muna, at ito lang naman ang alam kong paraan para makapag-ipon. Ako kasi ang sumunod sa yapak ng Lola ko bilang traditional na manggagamot dito sa baranggay namin dahil ako lang naman ang kaisa-isa niyang apo. In short, isa akong albularyo-in-training.  Nagliligpit na ako ng mga ginamit ko ng may kumatok sa pinto namin. Sa pag-aakalang isa na namang magpapahilot ito, sumigaw ako ng 'Pasok po kayo' pero mukhang wrong move iyon dahil isang lalaki ang pumasok na may dala-dalang isang basket ng kung ano. "Magandang araw sa 'yo, Sheina." "Magandang araw rin sa 'yo, Larry. Napadalaw ka? May kailangan ka ba? Masakit ba ang iyong mga kasu-kasuan?" tanong ko na ikinangiwi niya naman nang very, very light. Prinangka ko na siya agad dahil alam ko naman talaga kung bakit nandito siya. Nanliligaw na naman siya, eh ang aga-aga pa. Kaedad ko si Larry at kababata. Anak ito ng kilalang sabungero dito sa amin. Matangkad ito, moreno, at makapal ang mga kilay.  "Hindi, dinalhan lang kita ng mga prutas na galing pang Davao. Alam mo namang galing ako doon 'di ba. Dumalaw ako sa Ate ko." "Ah, oo nga pala... Salamat Larry ha, pero hindi mo naman kailangang gawin 'to. Sinabi ko naman sa 'yo na ayoko munang magpaligaw---" "Tanggapin mo pa rin ang mga 'to. Wala namang ibang kakain nito dahil para sa 'yo talaga ang mga ito," putol niya agad sa sinasabi ko dahil ayaw na niya yatang marinig ang sasabihin ko sa kanya dahil alam naman niya kung ano iyon.  "Okay, sige. Salamat diyan, Larry," sabi ko na napilitang nakangiti dahil hindi ko talaga siya type. Hindi ko talaga siya bet, at hindi ko siya crush. Bahala siya diyan.  Pero hindi pa rin siya umaalis at nakatunghay pa rin siya sa akin kaya tinanong ko siya kung may sasabihin pa siya, at aba, may sinabi nga ang siraulo. "Alam kong magagalit ka sa sasabihin ko sa 'yo, Sheina pero sa ginagawa mo ngayon, tatanda ka talagang dalaga niyan. Okay lang naman maging pihikan, pero 'wag naman sana sobra-sobra... Lahat yata ng nanligaw sa 'yo ay binasted mo tapos binabara mo pa." Gusto ko na talaga siyang kurutin sa singit ngayon tapos itulak sa bangin. "Teka lang Larry, bakit naman parang mali ang ginagawa kong pagtanggi sa mga nanliligaw sa akin? Karapatan ko naman yun 'di ba? Saka lahat sila, gusto akong patigilin sa pagiging manggagamot ko. Parang ikaw! Gusto mong itigil na ang ginagawa kong 'to kahit na alam mo namang pinamana pa sa akin ng Lola ko ang mga kaalaman ko rito sa panggagamot! Kaya bakit hindi ko kayo babarahin sa part na 'yon?" Napakamot siya ng noo niya sa inaakusa ko. "Hindi mo naman kasi yan kailangang gawin kapag maging nobyo mo ako---" "Eh sa gusto ko ngang gawin! Saka ang pinakaayoko sa lahat ay isang controlling na lalaki 'no. Nobyo ko pa lang tapos ganyan na ang ugali? Gusto niya pakialaman ang buhay ko? Eh 'di mamamatay na lang akong single kaysa sa pigilan niyo akong lahat sa ginagawa ko!" Hindi agad sumagot doon si Larry, pero umiling-iling ito sabay sabing, "Fine... Pero Sheina, sana magbago pa ang isip mo tungkol sa trabaho mo. At ngayon pa lang, naaawa na ako sa magiging asawa mo. Paniguradong magiging under mo siya." "Umalis ka na nga't baka masapak pa kita," bara ko sa kanya at itinulak ko na siya nang marahan palabas ng bahay. "Nagawa mo pang maging concerned sa magigng asawa ko. Bakit 'di mo yan gawin sa mga manok ng Tatay mo? Baka naman pwedeng maawa kayo sa mga manok na isinasabong niyo ano? Araw-araw kayong may iniuuwing patay na manok mula sa sabungan!" Nagtaas siya ng kilay sa akin dahil doon sa tinuran ko. "Eh ikaw nga kumakatay ka ng manok kapag may pumupunta sa 'yo rito at sinasabing nakulam sila. Parehas lang tayo, Sheina." "Ewan ko sa 'yo. Umalis ka na't hina-high blood mo na naman ako." Umalis na nga ang loko. Gusto ko nga sanang ibalik sa kanya ang mga prutas niya kaso ang bilis maglakad ng lalaking yun. Napasapo na lang ako sa noo ko. Nakakaasar din kasi talaga ang isang iyon. Ever since kasi binasted ko yun, parang natamaan ko ang ego niya dahil siguro wala pang nambabasted sa kanya dati. Eh malas siya. Hindi ako easy to get.  Sanay naman na ako sa pangungulit niya. Alam niya na wala siyang pag-asa sa akin. Siya lang naman itong mapilit. Bakit ba kasi ako pa ang natipuhan niya? Eh ang harsh ko nga sa kanya eh. Okay naman sana siya, kaso ang kitid ng utak. Saka kahit ano'ng sabihin namin sa isa't-isa, hindi niya naman ako tuluyang nilalayuan. Boto kasi sa'kin ang mga magulang niya kaya ganoon. Ang kaso, naasar talaga ako sa sinabi niya na kawawa raw ang magiging asawa ko dahil sa ako 'yung tipo ng babae na mang-a-under. Aba, eh bakit naman ako maga-adjust para sa isang lalaki kung hindi ko naman gusto ang gagawin ko? Sabog ba siya? "Hay! Makapaglaba na nga lang!" sabi ko na lang para mawala ang stress ko. Tinungo ko na ang mga labahin ko at nilagay ko sa isang palanggana. Dinala ko rin ang mga kakailanganin ko sa paglalaba saka ako lumabas na ng bahay. Sa ilog kasi ako naglalaba dahil bukod sa malapit lang naman, unlimited pa ang tubig. Tapos isinasabay ko na rin ang pagligo roon. Masaya rin siya kasi madalas ay nakakasabay kong maglaba roon ang best friend ko na si Claire, kaya hindi ako nabo-bored kapag nandoon ako. At sakto, naroon nga siya at naglalaba na nang dumating ako. Kaya nauwi kami agad sa daldalan. "Oh Ate Sheina, eto na ang ipinangako ko sa 'yo." May kinuha siya sa bulsa ng suot niyang shorts saka ipinakita sa akin. Isa iyong bote na babasagin na may lamang tubig sa loob.  "Ano 'yan?" "Ano pa nga ba? Eh 'di Miracle Water! Yung sinasabi ko sa 'yo na kapag ininom mo, ay magbibigay sa 'yo ng swerte sa kahit ano mang larangan na gusto mo!" "Ah, oo nga pala. Nasabi mo na nga pala yan. Effective naman ba yan? Kapag ininom ko ba yan eh makakapag-abroad na kaya ako?" "Aba oo, Ate! Feel ko na eto na ang iyong moment to shine!" excited niya pang sabi kaya tinanggap ko na rin ang Miracle Water. Wala namang mawawala kapag susubukan ko 'to 'di ba. Saka kailangan ko na rin talaga ng pampaswerte sa buhay ko ngayon.  Tuloy ang paglalaba namin (at chikahan na rin) hanggang sa magutom kami kaya bumili muna kami ng makakain. Napatambay kami ng kaunti sa tindahan dahil sa sobrang init, pero naalala kong naiwan ko pala ang phone ko sa spot sa ilog kung saan kami naglalaba ni Claire kaya dali-dali ko iyong binalikan. Baka may makakita pa nun at nakawin. Mahirap na. Wala akong pamalit doon eh.  Pero laking gulat ko noong pagbalik ko doon sa ilog ng may makita akong isang lalaking nakatayo na roon kung saan ako naglalaba sa gilid ng tubig. Hindi ko kilala ang lalaking ito, at mukha naman siyang hindi magnanakaw. Kaya lang, nakita kong hawak niya iyong Miracle Water na bigay sa akin ni Claire, at sa kasamaang palad ay ininom niya yun bigla!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD