SHEINA
Ang ganda ng tanong niya sa akin. Mas bet ko iyon kaysa 'will you marry me.' Infact, mas bet ko yun ng mas maraming beses. Ang ganda kasi ng meaning. Tinatanong niya ako kung gusto ko raw ba maging other half niya. Sa Tagalog, kabiyak. Para sa akin, mas preferred ko iyon dahil ang labas kasi ay magkapantay kami. Hindi niya ako inaangkin, bagkus ay inaalok niya ako na maging kahati niya sa magiging buhay niya ngayon at sa hinaharap, and vice versa.
Kilig na kilig ako doon. Paano ba namang hindi? Bumili na pala siya ng engagement ring kahit na hindi pa nga kami ganoon katagal bilang magkasintahan. Ganoon na siya kasiguro sa akin. Tapos willing pa siyang gawin ang lahat para sa akin. Kahit na ayaw niya, willing siyang bumalik ng Manila para doon na kami manirahan para lang malayo ako sa panganib. Manhid na lang ang hindi maaapektuhan sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Kaya naman sobrang speechless ako habang nakaluhod siya ngayon sa harapan ko. Ni hindi nga ako nakatutok sa singsing na hawak niya, kahit na nakita kong diamond ring iyon. Sa mukha niya ako nakatunghay habang nahihirapan na rin akong huminga dahil na rin sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Tapos siguro ay isang minuto na ang lumilipas na hindi ako sumasagot sa kanya at naghihintay pa siya sa sagot ko kaya medyo nataranta na ako. "Jeron... T-Teka lang ha... Na-overwhelm pa ako sa nangyayari..."
"It's okay kung wala ka pang sagot," aniya. "I don't want to force you babe. Like I said, hindi pa naman sana ngayon ko ito gagawin, but I just found the chance kanina. Sobrang saya ko lang kasi sa desisiyon mong sumama sa akin if ever na umalis na tayo rito ng San Policarpio... Hindi lang talaga ako makapaniwala na naiisip mo na rin na magpakasal at magkapamilya sa akin."
"Aba'y dapat maniwala ka sa akin," pabirong sagot ko. "Dahil hindi naman ako nakikipaglaro lang sa 'yo, Jeron. Seryoso naman talaga ako sa relasiyon nating ito. Kita mo nga at isinuko ko na ang balak kong mag-abroad para lang hindi tayo maghiwalay."
"Yes, babe. Thank you for that," aniya na hindi pa rin umaalis sa pagkakaluhod niya sa harap ko habang ako naman ay nakaupo pa rin sa gilid ng kama. "But just to remind you, ayoko rin na napipilitan ka diyan ha. Sabihin mo lang kung biglang nagbago ang isip mo diyan. Hindi naman ako kokontra. Sasama na lang siguro ako sa 'yo abroad."
Natawa na lang ako sa tinuran niya. "Ikaw talaga. Para namang madali lang gawin yun. Wag ka na mag-alala tungkol sa bagay na yan. Nakapag-decide na talaga ako na hindi na ako aalis ng bansa. Ang isipin na lang muna natin ay ang tungkol sa kaligtasan natin dito sa San Policarpio, Jeron."
"Yeah. Iyan nga rin ang concern ko. Alam kong may security detail ka na, pero mahirap magpakakampanta, babe. Kita mo naman kung ano ang nangyari nang wala pa ako rito. Nakuha ka pa rin ng Tatay mo..."
"Oo nga eh," sagot ko namang medyo naging seryoso na ulit. "Pero actually, kung ako lang, hindi naman ako masyadong nagwo-worry diyan, Jeron. Kasi kahit naman noon pa, sanay naman na ako sa panganib na dala ng katauhan ni Tatay. Hindi lang naman kahapon ko nabalitaan ang tungkol sa pagiging rebelde niya. Matagal ko na rin namang alam yan. At buong San Policarpio naman ay alam ang tungkol sa ginagawa niya. Ang kaibahan lang naman talaga ay ngayon, alam kong buhay pa siya. Dati kasi, hindi ko naman alam dahil hindi naman siya nagpapakita."
"I see... Pero babe, kahit na matagal ka nang aware na delikado ang ma-associate sa ama mo, iba na ngayon dahil may mga rebelde nga na ikaw ang target talaga. Buhay mo na ang nakataya rito kaya hindi naman ako papayag na wala akong gawin tungkol diyan..."
"Salamat, Jeron. Kung tutuusin, okay na ako sa security na binibigay sa akin ng mga pulis dito. Hindi rin naman nila ako papabayaan lalo na at may kakilala si Nanay sa mga pulis dito. Tapos nandiyan din si Larry. Kaya sa totoo lang, hindi naman ako ganoon katakot sa pwedeng mangyari sa akin, Jeron. Ang kaso naman, nadadamay ka na kasi eh. Mas natatakot ako sa posibilidad na baka pati ikaw ay mapahamak. Ayoko namang mangyari yun dahil wala ka namang kinalaman kay Tatay. Kaya ako pumapayag na umalis na rin dito sa lalong madaling panahon. Yun ay dahil ayokong pagsisihan ko na matigas ang ulo ko..."
Niyakap ako bigla ni Jeron pagkatapos na pagkatapos ko lang iyong sabihin. Napasinghap pa nga ako sa pagkakabigla sa ginawa niya eh. "You know what, babe, balak ko sanang magtampo ng kahit kaunti lang dahil hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko tungkol sa pagiging other half ko, pero dahil sa sinabi mo ay hindi na ako makakapagtampo sa 'yo... Alam na alam mo talaga kung paano ako pakiligin 'no? You're making me crazy," bulong niya pa tapos namalayan ko na lang, magkalapat na ulit ang mga labi namin sa isa't-isa.
Matagal na naman ang naging halikan namin ngayon. Akala ko nga ay mag-o-all the way na kami, pero bigla rin kaming huminto. Ako, sa totoo lang ay napagod na sa kakahalik kay Jeron, habang siya naman ay nagsabing may kailangan pa raw kaming pag-usapan.
"Ano pa ba ang hindi natin napag-uusapan, Jeron? Kailangan ko na ba talagang sagutin ang proposal mo? Kasi ang sagot ko ay---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na naman dahil tinakpan na niya ang bibig ko amit ang kanang kamay niya. "Hush, babe. Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon kung hindi ka pa handa..."
"Handa naman na ako. sa sagot ko," sabi ko naman sa kanya and for some reason ay parang namutla siya roon sa sinabi ko. "At alam mo naman siguro kung ano ang sagot ko, 'di ba. Kasi sa akin naman na rin galing kanina iyong tungkol sa pagpapakasal..."
Tumango siya na namumula ang buong mukha. "Yeah. I think alam ko naman kung ano ang sagot mo, babe. Pero gusto ko pa ring marinig yun mula sa 'yo nang maayos."
"Yes, Jeron. Imposible naman kasing hindi ako pumayag sa alok mo. Wala akong nakikitang rason para tanggihan ka kaya oo, pumapayag naman ako na maging kabiyak mo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, tapos niyakap niya na naman ako. Halos hindi ko na nga maintinidhan kung ano ang sinasabi niya ngayon sa akin. Sa sobrang saya niya ay parang naging bulol na rin siya. Ako naman ay walang mapagsidlan na rin ang tuwa ko ngayon. Para kasing napaka-surreal naman ng nangyayari sa akin ngayon. Parang kailan lang kasi ay kakakilala ko pa lang dito sa lalaking 'to, pero ngayon ay engaged na kami.
Engaged na kami.
Ang sarap ulit-ulitin.
Hindi tuloy ako nakatulog buong magdamag dahil doon.
"Totoo ba yan, Ate? Hindi ba yan false alarm?" excited na tanong sa akin ni Claire. Nandito siya sa bahay ngayon kasama ang inarkila naming makeup artist. Ngayon na kasi ang Mister and Miss San Policarpio at naghahanda na ako papunta sa plaza. Inaayos na lang namin ang mga gamit na dadalhin namin tapos pupunta na kami doon.
Tumango naman ako sa tanong ni Claire habang naghihintay kami sa makeup artist na dumating. Ipinakita ko pa sa kanya ang engagement ring ko na nasa box muna nito dahil natatakot ako na baka mawala ko siya habang nasa pageant ako.
"Oh my God, Ate Sheina! Congratulations!"
"Thank you, Calire. Nagulat ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Oo Ate, pero hindi dahil sa nabilisan ako sa inyo. Nagulat lang ako na ako pa lang ang nakakaalam..."
"Ah... Oo nga ano. Hindi naman namin plinano na ilihim muna. Nagkataon lang na sa busy namin nitong buong linggo ay hindi pa namin binabalita sa iba. At saka hindi pa naman iyon ang final wedding proposal sa akin ni Jeron. Ang sabi niya ay magpro-propose pa rin daw siya sa akin at sa pagkakataong yun ay malalaman na ng lahat..."
Tumili doon si Claire. "Grabe talaga si Doc, Ate! Ayaw ka na yatang pakawalaan! Ang swerte mo sa kanya!"
"Oo nga eh. Kita mo naman, naghahanap na siya ngayon ng pwedeng malipatang lugar para makalayo na kami sa panganib dito."
"Ay oo nga ano," nakasimangot naman na sabi ni Claire. "Aalis pala kayo kapag nagkataon... Malungkot ako na masaya, Ate. Alam mo namang ikaw lang ang close ko rito sa atin."
"Ako rin, ngayon palang ay naiiyak na ako kapag naiisip kong aalis na ako rito," sagot ko rin. "Lalo na at maiiwan kita rito. Kung pwede ka nga lang isama eh."
Natawa si Claire tapos pinigilan na akong umiyak dahil magiging pangit daw ang makeup ko kapag umiyak ako. Sinunod ko naman siya dahil ayoko namang pumangit at baka iyon pa ang maging dahilan sa pagkatalo ko. Muntik na ngang hindi matuloy itong pageant kaya dapat galingan ko na rin. Makakatulong din sa akin ang cash prize kapag nanalo ako kahit runners up lang. At nang simula na ng pageant, hinahanap ko naman si Jeron dito sa backstage dahil ang sabi niya ay hahabol raw siya pagka-out niya sa Health Center. Pero hindi pa rin siya nagpapakita at kinabahan na ako. Hindi rin daw siya nakita nina Raffy at Claire kaya napapraning na talaga ako. Baka kasi mamaya ay kung ano na ang nangyari sa kanya.
Kaya naman laking gulat ko nang makita ko siya sa hanay ng mga contestants na mga lalaki. Lumapit siya sa akin nang makita niya ako, at napanganga ako dahil ibang-iba ang itsura niya ngayon. Grabe, ang hot niya ngayon, para siyang celebrity!