SHEINA
"Teka, Jeron, ano'ng ibig sabihin mo diyan, ha? Babalik kang Manila? Magre-resign ka sa trabaho mo?" tanong ko na medyo naloloka naman ng very, very slight dahil hindi naman bbiro ang magdesisyon na lang nang ganoon. Career niya na kasi ang pinag-uusapan dito. "Huwag kang magdesisyon nang padalos-dalos."
Nakangiti pa rin siya nang sumagot siya sa sinabi ko. "Wow, Sheina," aniya na parang amazed na amazed. "Hindi pa rin ako sanay na nakikita kang ganyan..." sambit niya tapos hinalikan niya ako bigla sa noo ko, at parang natunaw naman ako sa pagiging sweet and gentleman niya.
"Huh? Nakikitang ano?"
"Nakikita na concerned ka sa akin," sagot niya naman. "I like it. No, I think I love it. Kapag nakikita ko sa mga mata mo na nagwo-worry ka sa akin, o kaya ay may nasasabi ka dahil sa concern mo sa akin, it just makes me feel so happy, you know. Hindi naman kasi ako nagi-expect niyan sa 'yo. Pakiramdam ko may mga bulate sa tiyan ko kapag nakikita kitang ganoon."
Natawa naman ako sa metaphor niya. "Alam mo, bweset ka, doktor ka nga talaga. Bulate talaga? Pwede namang 'butterflies in your stomach' hindi 'yung bulate. Porke't kakatapos mo lang mamurga ng mga bata rito sa San Policarpio..."
Tawang-tawa na siya sa sinabi ko. "Yeah, ang pangit nga ng bulate. Sige, paru-paro na lang. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko, babe, kapag nakikita kong nag-aalala ka nga sa akin."
"Ganyan!" hirit ko naman. "Pero grabe ka ha. Bakit mo naman nasabing hindi ka nagi-expect mula sa akin 'non? Eh girlfriend mo ako. Dapat naman talaga ay concerned ako sa 'yo ah."
Tumikhim siya at tiningnan naman ako na parang nahihiya siya sa kung ano man ang sasabihin niya. "Noong una, I admit, na-frsutrate ako, babe. Eh kasi naman hindi ko masabi kung gaano mo na ako kagusto kasi hindi naman kita nakikitang nagpapakita na mahal mo ako o ano. Hindi ko pa naman kasi alam na alam mo na... Yung about sa dati mong maitim na balak sa akin na pabagsakin ako---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nahampas ko na siya sa ulo niya. "Bweset ka! Kung maka-maitim na balak ka naman diyan! Para namang balak kong ipatumba ka!"
"Joke lang babe," sagot niya naman habang nailag ang panghahampas ko. Pulang-pula na nga ako eh, kasi naman nakakahiya talaga kapag nababanggit niya iyong kagagahan ko noon. Tapos ngayon ginagamit na niyang pang-asar sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naaasar ako o natutuwa. Or both. "Pero seryoso, dati kasi 'di ba noong wala pa akong idea, napapaisip ako kung ganoon ka lang ba talaga na reserved at bihira magpakita ng feelings. Or dahil parang nagkasundo lang tayo noong naging mag-boyfriend tayo kaya hindi pa ganoon ka-developed ang feelings mo para sa akin kahit na sinabi mong gusto mo ako noon... So subconsciously siguro ay naiisip ko noon na sana ay mas maging showy ka pa ng emotions mo sa akin..."
"Yun pala ang nasa isip mo," sagot ko namang medyo na-guilty. "Pasensiya ka na talaga, Jeron. Napaka-gaga ko lang talaga dati. Pero tingnan mo naman ngayon, halos ayaw ko nang mawalay sa 'yo sa isang araw. Ayoko ngang pumunta ka ng Manila kasama nang best friend mong yun eh. Kung hindi lang may kasalanan ako sa 'yo 'non, tumutol talaga ako. Na-realize ko kasing hindi ko na kayang magkahiwalay tayo, Jeron."
"Sheina..." anas niya na medyo napalunok pa ng laway niya. "That ust made my whole night, you know that?"
"Aba, dapat lang," sagot ko naman. "Ayan ha, yan na ang pambawi ko sa 'yo sa kagagahan ko. Kaya 'wag mo na akong asarin tungkol doon. Kukutusan talaga kita, Jeron, sinasabi ko sa 'yo. Kahit doktor ka pa---"
Pero hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong sinunggaban ng halik. Hindi na rin ako nakapalag dahil unang-una, gusto ko rin naman ang ginawa niya. Gumanti na rin naman ako ng halik. Kung may natutunan man ako sa pakikipagrelasyon ko sa kanya, yun ay ang mag-enoy sa mga bagay na ginagawa ng magkarelasiyon. Gsutong-gusto ko rin pala na palaging may contact ang mga balat namin, o mga labi. Gusto ko rin pala kapag nararamdaman kong gusto niya akong halikan o kahit yakapin man lang. Doon ko kasi napapatunayan na gustong-gusto niya ako.
Kaya ang ending, halos wala na kaming itinulog. Pero ayos na rin kasi kinabukasan, pagbalik namin sa bahay ay natulog naman ako nang bongga. Hapon na nang magising ako at nagulat nga ako na wala si Jeron sa tabi ko. Natakot ako dahil ibig sabihin kasi 'non ay mag-isa lang na naman ako rito sa bahay. Paano kung may biglang sumugod na naman sa akin dito, 'di ba?
Pero nang lumabas ako ng bahay, nakita ko naman si Larry kasama ang isa pang lalaki na alam kong isang pulis. Nang makita nila ako ay lumapit sila sa akin. Yun pala ay sila ang bantay sa akin ngayon. "So ano 'to, kahit saan ako magpunta ay may nakabantay na sa akin?" tanong ko kay Larry habang nagkakape siya. Pinapasok ko kasi sila sa ahay pati ang kasama niya para magmeryenda. Pero si Larry lang ang sumama. Umalis bigla iyong kasama niyang pulis at sinabing makikipagkita daw muna sa girlfriend.
"Yes, Sheina. Patawarin mo ako pero sinabi ko sa mga pulis ang tungkol sa tatay mo," sabi niya naman. "Kaya may security detail ka na magmula ngayon. Wag kang mag-alala, alam nila na dinukot ka ng tatay mo kaya ka nakarating sa lugar na yun. Ni-rule out na nila ang possibility na miyemro ka rin ng Neo Partisan Army."
"Aba, dapat lang 'no. Dahil hindi naman ako mukhang rebelde. Sa ganda kong 'to?" biro ko. "Pero teka, Larry. Ang sabi mo ay pati ikaw ay nagbabantay sa akin. Hindi naman kaya ay nakakaabala na ako sa 'yo? Kung nakabantay ka sa akin palagi eh 'di wala ka ng ibang nagawa niyan. Baka magalit na ang mga magulang mo lalo na ang ama mo. paano na ang sabungan niyo? Sino na ang umaasikaso doon?"
Nag-iwas siya ng tingin dahil sa tanong ko. Pakiramdam ko tuloy ay may ayaw siyang banggitin sa akin. "Wag ka na mag-alala tungkol diyan. Alam naman ng mga magulang ko kung ano ang ginagawa ko. In fact, gusto nila itong ginagawa ko kasi nga napapalapit ako sa mga pulis. Sabi pa nga ng ama ko eh dahil sa pagbabantay ko sa 'yo ay maisipan kong mag-apply na bilang pulis dito."
Napaisip naman ako doon. "Hala, oo nga ano. Bakit hindi ka na lang magpulis talaga, Larry? Bagay naman sa 'yo eh."
Nangiti siya doon sa sinabi ko. "Talaga? Mukha ba talagang bagay sa akin ang maging pulis?"
"Oo ah. Ang totoo niyan ay parang isa ka rin naman na sa kanila. Kaya kung ako sa 'yo ay yan na nga lang ang gawin mo. Pero anyway, ito bang pagbabantay mo sa akin ay may sahod ka ba niyan? Kasi dapat lang na may compensation ka diyan ah. Hindi ito biro, Larry. Paano na lang kapag mapahamak ka ng dahil dito?"
"May matatanggap naman yata ako," sabi niya naman. "Pero hindi naman yun ang mahalaga. Kahit naman wala akong sahod ay gagawin ko pa rin 'to. Kahit pa nga tumutol 'yang doktor mong boyfriend eh. Magbabantay pa rin ako sa 'yo rito."
"S-Salamat, Larry," sabi ko na lang dahil hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin sa kanya. "Wag kang mag-alala, hindi naman yata tututol si Jeron sa pagbabantay mo..."
"Ang totoo niyan ay nagkausap na kami kanina," ani Larry na ikinagulat ko naman. "Nandito pa siya nang dumating kami ni Vonn, 'yung kasama ko. Ayaw ka nga niyang iwan dito kanina kahit na may trabaho pa siya. Sinabi ko na ngang magbabantay naman kami, pero ayaw niya pa ring umalis. Wala yata siyang tiwala sa akin, kahit na sinabi ko namang sa labas lang naman kami magbabantay."
"Ah... Pasensiya ka na... Ganoon lang talaga siya, Larry. Mabuti nga at napapayag mo eh."
"Nakumbinsi ko naman siya siguro. Lalo na at ako naman ang na-report sa mga pulis sa totoong nangyari sa 'yo doon sa bukid. At saka wala akong bad record sa 'yo. Dahil kung masama akong tao at may masama akong balak sa 'yo, ang daming pagkakataon ang meron ako para gawin yun sa 'yo. Kahit noon pang wala pa siya rito sa San Policarpio. Sinabi ko pa nga sa kanya na hindi man kami magkakasundo, pareho naman kami ng goal. At yun ay ang maging ligtas ka."
"S-Salamat... Larry. Hindi ko na alam kung paano magpasalamat sa 'yo... Kahit na... Kahit na binasted kita ay nandiyan ka pa rin at nag-aalala para sa'kin."
"Na dapat lang naman," aniya. "Kasi nga importante ka sa akin, Sheina. Kasi kung ng dahil lang sa binasted mo na ako kaya hindi na ako magbabantay sa 'yo, eh 'di pinatunayan ko lang sa 'yo na hindi nga talaga kita mahal."
"O-Oo nga naman..." sabi ko na lang. Pero ang totoo niyan ay muntik na akong magka-goosebumps dahil sa tinuran niya. Totoo naman kasi. Kung bigla na lang siyang naglaho nangh binasted ko siya, eh 'di tama nga ako na binasted ko siya. Pero iba siya eh. Pinapatunayan niya lang sa akin ngayon na totoo talaga at seryoso siya sa nararamdaman niya sa akin ngayon. Doon ko nga napagtanto na siguro nga kung wala lang si Jeron sa buhay ko ay baka nga may pag-asa na sa akin si Larry.
Kinagabihan ay wala na si Larry. Ibang pulis na ang nagbabantay sa akin. Nasa labas lang din sila ng bahay namin, kahit na iniimbita ko sila na maghapunan man lang kasama ni Jeron dito sa loob ng bahay namin. Ayaw naman nila, kaya kami lang din ni Jeron dito ngayon. At kahit na may pulis na kaming kasama, hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil tumatak talaga sa utak ko ang naging babala sa akin ni Tatay tungkol sa posibleng pag-target sa akin ng mga rebelde.
Kaya naman nag-uusap na kami ni Jeron tungkol sa pwede naming maging sunod na hakbang. "I already talked to my superiors, babe. Iche-check nila kung may pwede raw akong ibang lipatang lugar. Payag naman akong malipat basta sasama ka na sa akin."
Nahinto ako sa pagnguya ko ng kinakain ko dahil hindi ako nakapaghanda sa posibleng pag-alis ko na ng San Policarpio. "Oh my gosh, Jeron, kapag payagan kang makalipat, ibig sabihin non ay aalis na nga tayo rito. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong lilisanin ko na ang lugar na ito. Char sa lilisanin pero grabe, akala ko never kong iiwan ang lugar na ito lalo na itong bahay namin. Pero kung tutuusin ay balak ko ngang mag-abroad eh. So dapat napaghandaan ko na ang tungkol sa pagsama ko sa 'yo."
Malapad na naman ang ngiti sa akin ni Jeron. "Thank you, babe. Alam kong mahirap para sa 'yo ang magdesisyon na umalis dito. In fact, akala ko mahihirapan akong kumbinsihin ka na sumama sa akin. Nagugulat pa rin ako actually na kaya mong sumama sa akin, kasi kung tutuusin, pwede namang pumunta ka na lang sa Nanay o sa Kuya mo. Pero sasama ka sa akin. Alam mo ba kung gaano ako kasaya dahil doon?"
"Sige nga Jeron, paano 'yung saya?" biro ko pero hindi tumawa si Jeron, instead ay naging emotional pa yata ang mokong.
"Babe, promise ko sa 'yo, kapag sumama ka sa akin ay hindi kita pababayaan. I will let you do whatever you want to do. Kung gusto mong maging albularyo pa rin sa lilipatan ko ay susuportahan pa rin kita."
Natawa naman ako doon, pero actually kinikilig din ako at tinatago ko lang sa pagtawa ko. "Sira, paano naman ako magiging albularyo eh wala naman akong magiging kakilala doon kaya wala rin akong magiging parokyano 'non. Pero okay lang. Baka magtrabaho na lang ako ng kahit anong trabaho. Ayoko namang tumambay lang, ano. Hindi mo ako palamunin. Saka lang ako pwedeng mag-demand sa 'yo na buhayin mo ako kapag kasal na tayo tapos buntis ako kaya hindi ako makakapagtrabaho..."
Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko, dahil bigla na lang akong binuhat ni Jeron mula sa upuan ko at dinala niya ako sa kwarto ko. Naghalikan kami tapos nong inihiga na niya ako sa kama ay doon ko napansin na basa na ang mga mata niya.
"Jeron? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.
Napailing siya. "Don't mind me, babe. Na-overwhelm lang ako sa mga sinabi mo..."
"Sinabi ko? Alin? Yung tungkol sa pagiging palamunin ko?"
"Hindi yun... Yung tungkol sa balak mong magkaanak at magpakasal sa akin. I just can;t believe it... Na payag ka nang magpakasal sa akin..."
Lumambot naman ang expression ko dahil doon. "Ang cute mo talaga... Pero ano ka ba, yun naman talaga ang goal natin, 'di ba? Hindi naman ako nakipagrelasiyon sa 'yo dahil bored lang ako. Nakipagrelasiyon ako sa 'yo dahil ang goal ko ay ikaw na ang mapangasawa ko," madamdaming sagot ko.
"Kung ganon, then maybe I can already show something to you," sagot niya naman tapos lumabas siya ng room ko. Then pagbalik niya ay may hawak na siyang maliit na kulay itim na box sa isang kamay niya tapos lumuhod na siya sa harapan ko na ikinabigla ko naman nang bongga. "I purchased this back in Manila, babe. Pero ayaw ko pa sana itong ipakita sa 'yo kasi gusto ko sana mag-propose sa 'yo nang maayos. But I guess hindi ko na kayang hindi gawin 'to after hearing you say that you want to marry me. And that's the problem, kasi nga I was going to ask you that. Kaya iibahin ko na lang siguro ang tanong. So baby, will you be my other half and will you promise to spend the rest of your life with me?"