Kabanata 49

1574 Words
SHEINA Si Jeron iyong tipo ng lalaki na hindi maporma. Siguro dahil na rin sa usy siya sa pagiging doktor niya kaya ganoon. Ang kadalasang get up niya lang ay plain t-shirt at maong na pants kung hindi siya naka-polo na pinapatungan ng lab gown kapag nasa work siya. Hindi rin siya mahilig sa accessories at tanging ang wristwatch niya lang ang nakikita kong sinusuot niya. Never ko rin siyang nakitang magsuot ng branded na mga damit o sapatos kahit na alam ko namang afford niya. Tapos ang hairstyle niya ay iyong simple lang din na barber's cut, at hindi ito nagbabago. In short, napakasimple lang ng look ni Jeron. Pero hindi naman siya baduy o mukhang naghihirap. In fact, dahil nga sa minimalistic na look niya ay mas umaangat ang features niya. Iyong charms and good looks niya ang una mo talagang mapapansin sa kanya at doon mo makikitang gwapo talaga siya at hindi trying hard na magpa-impress, 'di gaya ng ibang lalaki na kung ano-ano ang ginagawa para lang magmukhang may dating. Pero hindi na kailangang gawin iyon ni Jeron.  Kaya nga ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang ayos niya ngayon. Gwapo na siya to start with, pero itong porma niya ngayon ay mas lalong nagpagwapo sa kanya. Hindi lang kasi pang-pangeant na makeup ang nilagay sa kanya... Inayos din ang buhok niya at mamahaling tuxedo ang suot niya. Kung ako ay naka-peach na gown, siya naman ay naka-black tuxedo na fit na fit sa katawan niya kaya lumitaw tuloy na maganda ang pangangatawan niya. At bukod doon, mas pronounced din ngayon ang features niya tulad na lang ng dimples niya kapag nangiti siya at nawala rin iyong aura niya na seryoso at intimidating. Ngayon ay very appealing ang nilalabas niyang aura, kaya naman hindi na rin ako nagulat na makitang may mga tao na nakatingin sa kanya habang kausap niya ako, lalo na ang mga babae. Nakangiti siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Nagulat ba kita, babe?" tanong niya. "Nakanganga ka o." Kaagad ko namang tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi niya at natawa na siya. "I was just kidding. So ano babe, magsalita ka naman. Masyado ka yatang na-shocked." Kung wala lang kami sa public ay baka nahampas ko na naman siya. "Jusko, Jeron! Sino ang hindi magugulat? Kasali ka pa rin pala sa pagent na 'to? Akala ko ba umatras ka na? At saka bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito ka pala at kasali ka? Eh 'di sabay na sana tayo nagpunta rito? Muntik pa akong magtampo kasi akala ko hindi ka interesadong panoorin ako rito. Akala ko nagpapaka-busy ka lang sa trabaho mo..." "Ano ka ba, babe. That's not gonna happen," pangungumbinsi niya naman. "Me? Hindi interesado sa 'yo? Muntik na nga akong umatras sa pageant na 'to dahil gusto ko na lang gawin ay panoorin ka. Kaso gusto akong mapanood ng superior ko na sumali rito..." "Superior? You mean ang Regional Department mo?" Tumango si Jeron. "Yes. Hindi ko alam kung paano, pero nabalitaan nila ang tungkol sa pageant na ito at gusto nila akong sumali. Para raw ito mas maging close ako sa mga tagarito at magkaroon ako ng healthy work realtionship sa mga tao rito at ng hindi na sila matakot magpa-checkup sa akin. Pumayag na rin ako dahil bukod sa tama sila, kailangan ko ring magpakitang gilas sa superior ko para pwede akong makapag-request ng transfer in the future..." "Ahhh... Oo nga naman," sagot ko. "Tama naman iyang ginawa mo. Pero bakit nilihim mo sa akin? Akala mo ba tututol ako na sumali ka rito?" "That's not it, babe. I was planning on surprising you. Kaya nga rin umuwi ako agad rito ng San Policarpio from Manila kasi para makaabot pa ako sa pageant. But then that incident with your father happened to you, tapos nakalimutan ko na ang tungkol diyan. In fact, kung hindi mo nga nabanggit ulit 'yung tungkol dito ay baka nakalimutan ko na ito." "Sus, Jeron, ang sabihin mo, ayaw mo lang magpalamang kay Larry," nguso ko sa likod niya dahil nandoon din si Larry sa pila ng mga lalaking contestants. And in fairness, mukha ring disente si Larry sa look niya ngayon. Bagay rin sa kanya ang hairstyle niya at ang suot niyang navy blue na tuxedo. Mas lamang lang siguro si Jeron dahil mukhang prinsipe ang boyfriend ko.  Natawa si Jeron sa biro ko. "Yeah, pwede rin na isa yan sa mga rason ko," pagbibiro niya. "Pero mas lamang iyong kagustuhan kong makasama ka rito at mabantayan na rin. Mahirap na, sa ganda mong yan, lalo na ngayon, malamang marami ang lalapit sa 'yo, babe." Namula ako doon sa sinabi niya kahit na medyo rosy naman na talaga ang mga pisngi ko ngayon. "Ay sus, nambola ka pa." Umiling siya kaagad. "I'm telling the truth. You look gorgeous, Sheina. If we were not just here, maybe I would have done something to you already..." Nagkaroon ng katahimkan sa paligid namin nang sabihin niya yun. Siguro kasi dahil na rin sa intense ang paraan ng pagtitig niya ngayon sa akin kaya ganoon. At siguro rin kasi ay pareho naming alam na kailangan naming manahimik na muna dahil kapag may sinabi pa ulit kami sa isa't-isa ay baka maghalikan na lang kami bigla rito dahil hindi na namin mapigilan ang mga sarili namin. Kahit kasi ako ay ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na nga lang umatras sa pageant at umalis na lang kaming dalawa rito.  Suddenly, parang nawalan na ng saysay para sa akin ang pageant. Ayoko nang manalo. Dahil para sa akin naman ay panalo na ako ngayon pa lang. Ang magkaroon ako ng taong nasa tabi ko na mahal na mahal ako ay masasabi ko na rin namang isang malaki ng panalo sa panahon ngayon. Alam ko naman kasi na hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng ganitong klaseng pagmahahal na ibinibigay ni Jeron sa akin. At sa sinabi niyang parang gusto niya akong masolo, nabuhay yata lahat ng tapang sa katawan ko dahil bigla na lang akong nakaisip ng kalokohan. Narinig na namin ni Jeron at ng ibang contestants na rin ang emcee na sinasabi na sa mga tao na malapit nang magsimula ang program. Nilapitan na rin kami ng isa sa mga organizer ng pageant para sabihan kaming mag-ready na, pero wala na iyon sa utak ko ngayon. At nang lahat ay kumilos na para pumunta sa kani-kanilang mga pwesto, saka na ako kumilos. "Aray!" bigla kong sigaw kaya napatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko na nakarinig sa biglang pagsigaw ko. Napasalampak pa ako sa semento dahilan para lapitan ako ng organizer at ng iba pang staff. "Babe, ano'ng nangyari?" tanong naman kaagad sa akin ni Jeron na nasa tabi ko lang, At dahil dinulugan ako agad ng ibang tao ay wala akong nagawa kung 'di magpatuloy na sa nasimulan ko. "Are you okay?" "Sheina, ano'ng nangyari? Magsisimula na ang program!" Tiningnan ko si Jeron habang nakasimangot na ako. "Jeron, kumikirot ang tiyan ko," takot na sabi ko sa kanya at nagsimula na akong umiyak. Hawak-hawak ko na rin ang tiyan ko sa may bandang puson. "Sobrang sakit!" dagdag ko pa tapos umaray na naman ako.  "Sheina! Ano'ng nangyari?" dinig ko namang tanong din ng kakalapit lang na si Larry. "Masakit daw ang tiyan niya!" sagot naman ng organizer. "Naku, paano yan? Magsisimula na ang Mister and Miss San Policarpio!" "So? Sa tingin mo uunahin pa namin ang contest ngayong ganito na ang kundisyon ni Sheina?" dinig ko namang panenermon ni Larry sa organizer. "Maging sensitive ka naman! May masakit na nga sa tao!" "Ay sorry, hindi ko naman sinasadya---" "Sheina, kailangan kitang dalhin sa clinic..." sabi naman sa akin ni Jeron tapos bigla niya akong binuhat. Tapos tumingin siya sa organizer na medyo napahiya na kaya hindi na makatingin sa amin. "Magba-back out na kami sa pageant na 'to," ani Jeron. "Kailangan kong ma-check si Sheina kung bakit sumasakit ang tiyan niya." "Sasama rin ako..." sabat din ni Larry, pero kaagad ko naman siyang pinigilan.  "Larry, maiwan ka na rito," sabi ko sa kanya na nakikiusap. "Kaya na namin 'to ni Jeron. Sayang naman kung magba-backout ka rin. Nandiyan sa labas ang parents mo at nanonood. Madi-disappoint sila kapag hindi ka nila nakita sa stage," dagdag ko pa. Hindi na nakakontra doon si Larry dahil alam niyang tama ako.  "Okay. Mag-ingat ka. Balitaan mo ako kung ano ang nangyari sa inyo."  Tumango na lang ako sa kanya at naglakad na si Jeron palabas ng backstage, papunta sa motor niya na nakaparada sa parking nitong plaza. Gusto niya pa nga sanang magpatawag ng ambulance pero napilit ko rin siyang sa motor niya na lang kami sumakay. Medyo nagi-guilty na nga ako nang paandarin niya ang motor niya, pero mukhang wala na itong atrasan. Kaya nang umabot na kami sa bandang highway, sinabihan ko siyang huminto muna at igilid ang motor niya. Nagtataka man, sinunod niya naman ako agad. "Bakit, babe? Grabe na ba ang sakit kaya nagpahinto ka? Kailangan mo na ba ng ambulance?" Umiling ako na ipinagtaka niya agad. "Jeron, naaalala mo ba iyong kweba kung saan ako muntik ma-stranded sa baha?" Tumango siya. "Ano'ng meron doon?" Ngumisi ako sa kanya. "Di ba may ginagawa tayo doon bago may dumating na ibang tao? Ipagpatuloy natin doon ang bagay na yun..." sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Jeron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD