SHEINA
Ayoko mang gawin, hindi ko na muna masyadong kinausap at kinulit si Jeron habang nasa work kaming dalawa. Silent treatment kumbaga, dahil gusto kong makaramdam siya na hindi tama ang ginawa niya. Well, hindi naman talaga malaking issue sa akin iyong makisama siya sa ibang babae lalo na at kaibigan niya naman pala iyon. Best friend niya pa nga raw eh. Ang sa akin lang, kung may girlfriend na siya, hindi na dapat siya gumagawa ng mga bagay na ikakaselos ng girlfriend niya.
Aminado naman kasi akong nagseselos ako. Hindi ko naman yun ide-deny pa sa sarili ko. Sino ba naman kasi ako kumpara sa sinasabi niyang best friend niya na abogada pa? Parang ang achiever naman ni Ate. Napa-stalk tuloy ako sa f*******: dahil doon. At nakita ko nga ang profile ng Louise Jane na ito. Abogada nga siya at halata na isang edukadang tao. Mukha rin itong ka-level ni Jeron sa yaman o sa antas ng buhay na meron ito. Kaya naman mas lalo akong nanliit sa mga nakita ko.
Pero ang pinakatumatak sa akin sa babaeng ito ay ang pang-Next Top Model niyang ganda at ka-sexy-han. Unang tingin ko pa nga lang sa kanya ay nabighani na rin ako sa ganda. Para siyang kamukha ni Heart Evangelista, pero morena. At yun ang nagbibigay sa kanya ng model aura niya. Ang hot niya nga tingnan sa mga photos niya na casual ang suto niya eh. Hindi mo aasahan na abogada siya. Girl next door ang peg ni Louise Jane. Ganoon ang datingan niya. Sa sobrang ganda niya nga ay napapaisip ako kung bakit hindi na lang siya naging beauty queen kaysa abogada? Pero sa bagay, baka beauty and brains talaga siya.
Pero kung ganito kaganda ang best friend ni Jeron, bakit hindi niya naging jowa ang babaeng ito? Ano'ng nangyari at hindi naging sila? Imposible namang kahit isa man lang sa kanila ay hindi nagkagusto sa isa. Kasi wala namang ganoon. Usually, kapag matalik na magkaibigan ang isang babae at isang lalaki, may mahuhulog at mahuhulog sa isa sa kanila. Ang hirap naman na mag-maintain ng platonic relationship sa pagitan ng opposite s*x, lalo na kung pareho kayong straight.
"Are you okay? Kanina ka pa tahimik," sabi sa akin ni Jeron. Nakauwi na kami rito sa bahay, pero hindi pa rin ako mapalagay dahil sa mga nalaman ko. Nagtataka pa rin ako kung ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa ng Louise Jane na yun. May nabubuo ng story sa utak ko tungkol sa kanilang dalawa. Hula ko ay nagkagusto itong si Jeron sa best friend niya, pero hindi siya bet ni Ate mo Louise Jane. Maybe ayaw ni Lousie Jane sa mga lalaking torpe and shy. Or iyong nerdy type. Baka gusto niya iyong matinee idol ang datingan. Kumbaga ka-level niya sa looks. Gwapo naman si Jeron, obvious ba, pero tingin ko hindi yan 'yung tipo ng looks na gusto ng best friend niya sa isang lalaki.
Nagpapahinga ako ngayon dito sa sala. Kakatapos ko lang maghugas ng mga pinggan, at nanonood na ako ng tv. Naligo naman si Jeron after namin kumain, at ngayon tapos na siyang maligo. nakapagpalit na siya ng damit pantulog and sa totoo lang, ang hot niya ngayong tingnan sa suot niyang white sando and black cotton shorts. Amoy baby powder siya at ang linis tingnan. Siya 'yung tipo ng lalaking makikita mo sa mga perfume ads, iyong para bang ang expensive niya tingnan. Nagpapatuyo na siya ngayon ng buhok niya gamit ang tuwalya niya dito sa tabi ko kaya nawala na ako sa focus sa panonood sa tv. Nakita kong parang gusto niyang matuyo na agad ang buhok niya kaya tinulungan ko na siya at ako na ang nagprisintang punusan ang buhok niya gamit ang tuwalya.
Natigilan pa nga siya nang agawin ko sa kanya ang towel niya. Hindi niya yata in-expect na gagawin ko ito ngayon. Medyo intimate na naman kasi ang eksena namin ngayong dalawa dahil kailangan ko namang lumapit sa kanya nang husto para mapunasan ko ang buhok niya. Napasandal pa nga siya sa sofa nang lumapit ako sa kanya para ipagpatuloy ko ang ginagawa niya kanina. Nakanganga na siya sa akin ngayon, dahil magkadikit na ang mga katawan namin habang pinupunasan ko ang buhok niya.
Pero dedma lang ako kunwari sa reaction niya, dahil nagseselos pa rin ako. Ang weird nga sa feeling eh. Confident akong babae. Hindi talaga ako madaling mainggit o ma-pressure ng iba. Hindi rin ako madaling manliit kapag may nakikilala akong taong mas higit sa akin sa kahit ano mang bagay, dahil alam ko naman ang worth ko. Kahit nga ang daming natatawa kapag nalalaman nila na isa akong albularyo, hindi ako nanliliit sa ganoon.
Pero iba ngayon. Dahil siguro ito sa naninibago pa ako sa relasyon namin ni Jeron. At siguro nagulat lang din talaga ako na may babae pala siyang best friend. Feeling ko kasi dapat alam ko ang tungkol sa bagay na yun eh. Hindi siya dapat tinatago. Lalo na kung super duper close silang dalawa.
"A-Ako na lang kaya ang gagawa---?" nauutal na suggestion niya pero hindi ako sumagot. "Babe, magsalita ka naman," aniya. "Kanina ka pa tahimik." Nakatitig na siya sa akin ngayon kaya alam ko na iyon na ang sinyales na paparating na ang usapan naming masinsinan. "May problema ka ba? Is there something that's bothering you?"
"Pagod lang ako," sagot ko na lang sa kanya, dahil medyo totoo naman yun. Natapos ko na ang ginagawa ko, kaya lumayo na ulit ako sa kanya nang bahagya. "Anyway, nag-text pala sa akin kanina si Larry. Tinatanong ako kung kailan daw ba ako magbibigay ng statement sa mga pulis. Eh mas maaga raw, mas maganda. Kaya sabi ko bukas na ng umaga."
Kumunot ang isang kilay doon ni Jeron sa binalita ko sa kanya. "Pinipilit ka pa rin nilang magbigay ng statement? Pwede ka namang hindi magbigay sa kanila ng statement, babe. Remember what the psychologist told you sa stress debriefing mo. Mas maganda if iwasan mo na ang kahit ano mang bagay o mga tao na may koneskyon sa nangyari, since muntik ka na ngang magkaroon ng anxiety and panic attacks because of it."
"Alam ko naman yan, Jeron. Ang kaso, hindi rin naman ako papayag na ganon-ganon na lang yun, 'di ba? Sabi nga ni Larry, dapat magsampa pa nga ako ng reklamo eh. And I think tama siya, Jeron. Para mas tumibay ang kaso sa Gregorio na yun. Kailangan kong magsampa ng kaso. Hindi rin naman biro ang ginawa niya sa akin--- physically, mentally. Hindi ako papayag na wala siyang matanggap na parusa para doon."
Tumango siya pero nakita ko sa mga mata niya na may pagtutol pa rin siya. "Okay, if that's what you want. Sasamahan na lang kita bukas."
"Ha? Eh 'di ba may meeting kayo ng buong Baranggay Council? Hindi ka dapat umabsent doon, Jeron."
Umiling siya. "No. Like I would let you go to the police station, alone? I have to go with you---"
Nilapat ko ang hintuturo ko sa bibig niya para matigil muna siya sa pagsasalita, at mabuti naman na nakinig siya. "Jeron, hayaan mo na akong pumunta doon mag-isa. Kaya ko naman ang sarili ko eh. May importante kayong meeting. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi mo sila sisputin, tapos sinamahan mo lang pala ako na magpunta sa pulis?"
"Lang?" ulit niya. "Hindi 'lang' iyon, Sheina. Responsibility ko na alalayan ka---"
"Oo, at nagpapasalamat ako sa 'yo doon sa bagay na yan. I really appreciate your efforts, Jeron. Pero may trabaho ka rin. Huwag mong hayaang mapabayaan mo ang trabaho mo. Hindi ka naman dapat mag-alala sa akin eh. Kaya ko naman. Hindi lang siguro halata, pero strong woman ako 'no. At saka kasama ko naman si Larry."
"Kaya nga eh," sagot niya na nakanguso. "Kaya nga gusto kitang samahan dahil alam kong sasama rin sa 'yo ang lalaking yun. Dapat nga nilalayuan mo na yun, pero hindi naman kita pwedeng pagbawalan sa mga taong kakaibiganin mo."
Na-amuse naman ako sa reasoning niya. "Eh wala namang mali doon ah. Kaibigan ko pa rin naman si Larry. Saka ikaw nga, ang tagal mong nakipag-bonding doon sa Loiuse Jane na iyon, hindi naman ako nagreklamo."
Bigla siyang napangiti sa sinabi ko. "Wait, nagseselos ka ba kay LJ, babe?"
'Wow, at LJ pa talaga ang tawag mo sa kanya. May nickname pa talaga. So ano ang tawag niya sa 'yo, JJ?" sagot ko naman at ang kaninang busangot na mukha niya ay napalitan na ng aliwalas at tawa.
"So you're really jealous. Kaya ba kanina ka pa nagsusungit sa akin?" aniya. "Kasi nagseselos ka kay LJ?"
"Malamang!" singhal ko na rin bago pa niya ako pagtawanan sa bagay na yun. "Oo, nagseselos ako, Jeron! Ano, may sasabihin ka ba doon?" giit ko. Alam kong tunog inaaway ko na siya pero hindi talaga ako galit. Siguro ganito lang ako maglandi, defensive kaagad kapag umaamin. "Normal lang naman yun, 'di ba? Kasi ako jowa mo. So dapat naman talaga nagseselos ako, right?"
Akala ko ay sasagutin na niya ang mga sinasambi ko ng sumbat, pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Napakainit ng katawan niya kahit kakaligo niya lang, at ang bango niya talaga. Nakasubsob na ako sa balikat niya habang hinahaplos niya naman ang buhok ko. "You don't know how you made me happy, babe."
"Huh? Masaya ka pa na sinasagot-sagot lang kita?"
Natawa na siya doon. "Oo naman. Kasi ibig sabihin 'non, affected ka kay LJ. And that means you're jealous."
"Wala namang masama doon ah," sagot kong parang tanga. Wala na rin kasi akong masabi.
"Of course, wala talaga," bulong niya sa akin. "Dahil gustong-gusto ko na nagseselos ka ngayon." Pagkasabi niya noon ay tumigil na naman ang mundo ko, dahil lumapat na naman ang mga labi niya sa mga labi ko.