SHEINA
"Sheina, may boyfriend ka na ba?"
Muntik na ako mawalan ng balanse sa sinabi niya. Parang tumigil din ang heartbeat ko doon. Paano kasi napunta na lang doon bigla ang topic? Ang layo naman nun mula sa pagbabayad niya sa akin sa 'services' na ginawa ko!
"Ah eh... B-Bakit mo naman naitanong?" Yun na lang ang nasagot ko at sana lang talaga ay hindi halata ang pag-iinit ng mga pisngi at tenga ko. Sa bagay, takipsilim na rin naman kaya hindi na siguro niya napansin yun.
"B-Baka kasi may boyfriend ka na pala," sagot niya naman. "Alam mo na, b-baka masamain ang ginawa nating date."
Kung hindi niya napansin ang pagba-blush ko ngayon, sure ako na napansin niya naman ang pagluwa ng mga mata ko sa sagot niya. "Huh? D-Date? Date ba yun? Kumain lang naman tayo sa karendirya, Jeron. Wag mo masyadong seryosohin yun---"
"It was at least a lunch date," paliwanag niya agad na nagpawala ng kaba sa dibdib ko. Akala ko kasi kung ano na ang nasa isip niya eh. Buti naman at lunch date lang pala ang tingin niya doon. Yun nga lang parang hindi siya makatingin nang sinabi niya yun kaya nagtaka rin ako. Sa mga paa na niya kasi siya ngayon nakatingin kaya tinawag ko ulit ang pansin niya. "Napansin ko kasi na maraming nakatingin sa atin kanina kaya naisip ko na baka may magalit."
"Ah... Yan pala ang ibig sabihin mo. Ano, w-wala akong boypren. Single ako, pero actually may nanliligaw sa akin." Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabing may nanliligaw sa akin dahil kung tutuusin ay hindi naman nakaka-proud na nililigawan ako ng katulad ni Larry, pero siguro ginawa ko na lang yun para pagtakpan ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Ang weird nga eh.
Tumango naman doon sa sinabi ko Jeron. "I see. Mabuti naman kung ganoon. Wala naman palang magagalit." Malapad na ulit ang ngiti niya kaya nahiya na naman ako. Ayoko sanang isipin na natuwa siya na malamang wala pa akong jowa pero ganun talaga ang impression ko sa reaction niya. Naglabasan pa ang dimples niya kaya bigla rin akong napangiti. Bakit ba kasi ang cute niya? Nakakainis!
"Oo, wala."
"And I heard ikaw lang daw ang nakatira diyan sa bahay niyo? Nasaan pala ang family mo, if you wouldn't mind me asking?"
Kinuwento ko na sa kanya ang tungkol sa Nanay ko na nagtratrabaho sa Maynila. Hinihintay ko nga ang magiging reaction niya noong sinabi kong namumusakan bilang isang kasambahay sa Maynila ang nanay ko pero pokerface lang naman siya. Medyo nag-expect yata ako na mabibigla siya sa trabaho ng nanay ko since mayaman siya, pero hindi naman siya ganoon. Pero nong sinabi kong matagal na akong walang communication sa tatay ko, doon na nag-iba ang expression ng mukha niya. Nalungkot siya at nag-sorry sa akin.
"Ano ka ba. Wag ka mag-sorry. Hindi naman ikaw ang tatay ko."
Napakamot siya sa ulo niya habang ako naman, naglakad na ako papasok ng bahay ko at sumunod naman siya. Nagulat nga ako eh, akala ko kasi uuwi na siya. Pero makikiinom daw siya ng tubig kaya hinayaan ko na. Nagtambay pa siya sa sala namin at pinagmasdan ang mga abubot ko doon sa panggagamot. Binantayan ko nga ang reactions niya dahil palalayasin ko talaga siya kapag makita ko siyang matawa sa mga gamit ko bilang albularyo. Pero kabaliktaran pa nga ang naging reaction niya. Para siyang batang nadalaw sa isang museum kung matatingin sa mga garapon ko ng coconut oil at mga halamang gamot.
"Jeron, hindi ka pa uuwi?" Prinangka ko na siya kasi para yatang nawiwili na siya rito. Ayoko naman mag-assume na naman kaya dapat umalis na siya. Hindi rin magandang andito siya dahil kaming dalawa lang dito.
"Mamaya na, maaga pa naman."
"Di ba dapat nauwi ka na dahil nakikituloy ka kina Raffy? Baka mag-alala na ang mga yun sa 'yo. Baka isipin nila nakuha ka na ng mga NPA."
"Nagpaalam naman ako kay Raffy kanina na tatambay muna ako rito sa 'yo."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Ano? So balak mo talagang magtagal dito?"
Tumango siya. "I kind of like here. Mas okay ko rito kaysa doon kina Raffy. Mababait sila, and I'm very grateful na pinatuloy nila ako sa kanila, pero masyado silang marami doon at maingay sa kanila. And I'm a very reserved person, you know, so I don't really like the noise there."
"Ah... Oo nga naman," sabi ko. May valid reason naman pala siya. Marami nga kasing kapatiid si Raffy na maliliit pa kaya alam ko ang tinutukoy ni Jeron. At saka buong araw na siyang nakaharap sa mga tao dahil nga doktor siya, so malamang gusto niya naman ng katahimikan kapag nasa bahay na siya. "Ka-share mo si Raffy sa kwarto niya, 'di ba?"
Tumango siya. "Malaki naman ang kwarto niya, pero nasa fiirst floor yun kaya dinig ang ingay sa labas ng room."
"Mahirap nga yan. Hindi ka siguro nakatulog 'no?"
"Kaunti lang. But really, hindi yata ako doon makakapagpahinga nang maayos."
"Eh 'di mag-rent ka ng room or bahay. May pera ka naman. Tulungan pa kita kung gusto mo," offer ko sa kanya. Naawa rin naman kasi ako sa kalagayan niya lalo na at medyo mahiirap makahanap rito ng lodging house. Isa lang yata ang paupahang bahay dito sa amin. Yung iba ay nasa kabilang bayan pa.
"Thank you, Sheina, pero saka na siguro. Ayoko naman maging rude kina Raffy na kaagad aalis sa kanila eh kakarating ko lang. But that's my ultimate plan. Maghahanap ako nang magandang place for me to stay. May offer si Kapitana pero dahil sa advice mo tungkol sa mga mangkukulam na pwede akong gayumahin ay ayoko doon. Ang creepy pa naman noong anak niya."
Hindi ko yun kinaya. Napatawa ako nang malakas. Hindi ko kasi akalaing sineryoso niya rin 'yung banta ko sa kanya about sa mga mangkukulam at gayuma noong unang beses naming magkakilala! OMG! Eh niloloko ko lang naman siya noon dahil sa ginawa niya! Ininom niya ba naman 'yung Miracle Water ko? Siyempre gaganti ako 'no? Tapos eto pa, creepy ang tingin niya kay Ligaya!
Nakitawa na rin siya. "Grabe ang tawa mo ah. Mukhang hindi mo kasundo ang anak ni Kapitana pati ang mga kasama niya."
"Sinabi mo pa! Sinong makakasundo ang mga hitad na yun? Aba, eh lahat na lang ng chismis tungkol sa akin eh pinakalat 'non. Biruin mo, noong unang beses na niligawan ako nong si Larry, aba ipinakalat ba naman ng babaeng yun na kaya lang daw ako nililigawan ni Larry ay dahil sa may binigay akong gayuma doon? Duh? As if naman kailangan ko ng gayuma para ligawan ako ng mga boys!" Nag-flip hair pa ako sa harapan ni Jeron para damang-dama ang statement ko. "Itinutulad niya naman kasi ako sa kanya na puti lang ang panglaban. Eh ako, beautiful ako inside and out. Kaya sinong hindi mahuhumaling sa akin?"
Si Jeron naman ang tawa nang tawa ngayon. Hindi ko nga lang alam kung natatawa siya na kini-claim ko na beautiful ako inside and out or funny lang talaga ako sa paningin niya. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko, dahil ang gaan ng loob ko sa kanya na kaya ko nang magbiro sa kanya. Di ba eh dapat nahihiya ako sa kanya dahil crush ko siya? Pero bakit ganito na ang bilis ko siyang nakapalagayan ng loob?
My God, parang alam ko kung ano 'to!
"Uy, may gitara ka pala," sabi niya naman bigla. Nakita niya pala kasi 'yung gitara na nakasabit sa dingding dito sa sala namin. "Pwedeng tingnan?"
"Bakit? Marunong ka mag-gitara?" gulat na tanong ko naman. Grabe naman kasi kung pati sa musical instruments ay talented siya. Ano yun, noong nagsabog ang Diyos ng talent ay nasa unahan siya ng pila?
"I used to," sagot niya naman. "Sa 'yo ba 'to?" Nakuha na niya ang gitara at naupo na ulit siya sa sofa. Tinotono na niya ito at mukhang marunong nga siyang tumugtog nito.
"Sa Kuya ko yan. Naiwan niya yan rito nong huli niyang uwi rito. Hindi ko naman alam tugtugin yan pero minsan hinihiram yan ng mga kapitbahay ko kapag kailangan nila. Pero teka, ano'ng ibig sabihin mo sa 'used 'to? Dati alam mo pero ngayon ay hindi na? Nagka-amnesia ka ba, Jeron?"
Natawa na naman siya. "No. I mean matagal na akong hindi tumutugtog ng gitara kaya hindi ko alam kung kaya ko pang tumugtog ngayon. So let's see." Pinanood ko na lang siya. Mukha namang may alam talaga siya dahil nagsimula naman siyang mag-strum ng chords. Pero bigla rin siyang huminto for some reason.
"Oh, anyare?"
Napakamot siya sa batok niya. "I'm sorry, but I forgot the chords to the song."
"Ah eh yun lang naman pala. At least alam mo pa rin kung paano gamitin yan. Saka masyado ka nang maraming talent. Mamigay ka na naman sa iba."
"Not really. I don't think I can play this just like the last time." May lungkot akong na-sense nang sinabi niya yun kaya nagtaka ako. Naisip ko tuloy na baka may hugot yata siya sa gitara. Hindi kaya dati siyang gitarista tapos na-broken hearted siya tapos ngayon hindi na niya alam kung paano tumugtog?
"Posible palang mangyari yun?"
"Oo naman, Sheina."
"Eh ano ang naging dahilan at hindi ka na makatugtog ngayon? Dahil ba may ex kang naaalala sa gitara?" Medyo may pagkachismosa na ako doon sa part na yun, alam ko, pero hindi ko rin natiis. Saka siya nga, tinanong ako kung may jowa ba ako eh. Pero wala na yata siya sa mood. "Jeron, okay ka lang ba?" tanong ko na dahil hindi na siya nagsalita pa pagkatapos niyang ibalik ang gitara ng Kuya ko sa pinagkasabitan nito kanina. Naglakad na rin siya papunta sa pinto kaya automatic na sinundan ko siya. "Na-offend ba kita sa sinabi ko?"
"Hindi naman. Kailangan ko na lang sigurong umuwi."
"Ah eh sige... Ingat ka---"
Binuksan na niya ang pinto at nagulat kami pareho ng may nakita kaming taong nakatayo doon na kaagad pumasok sa loob. Si Larry iyon na nanlilisik ang mga mata sa aming dalawa ni Jeron. "Ikaw ba 'yung doktor?" sigaw niya kay Jeron. "Ikaw ba?"
"Oo, bakit sino ka?"
Pero imbes na sumagot si Larry ay bigla niyang sinapak sa mukha si Jeron. Napatili tuloy ako dahil natumba sa sahig ang kawawang doktor!