Kabanata 43

2411 Words
SHEINA "Tulong! Tulungan niyo 'ko!" hiyaw ko na umiiyak na. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa pagragasa ng tubig papasok ng kwebang ito. Kapag hindi pa kasi tumigil ang malakas na ulan ay sigurado akong ilang minuto lang ay maaabot na ako ng tubig mula dito sa tuktok ng malaking bato na ito kung nasaan ako. Kaya wala na akong pakialam kahit na mapaos pa ako sa kakasigaw. May chance na may makarinig sa akin sa labas dahil malapit lang naman ako sa mga taniman ng mga magsasaka rito.  Iyon nga lang, sa sobrang lakas din siguro ng buhos ng ulan ay mahihirapan akong sumigaw nang malakas para marinig ako ng mga tao sa labas ng kwebang ito. Nariyan pa ang malakas na tunog ng agos ng tubig sa ilog sa labas ng bunganga ng kwebang ito, plus iyong alalahanin ko na kahit may makarinig sa akin ay mahihirapan pa rin silang sagipin ako dahil nga sa delikado rin ang pagtwaid sa ilog. Kaya pakiramdam ko tuloy ay maliit ang chance na makaalis ako rito. Ang nakikita ko na lang na tanging pag-asa ay kapag humina ang ulan at bumaba na ang level ng tubig dito. Pero dahil nga parang wala namang balak ang langit na huminto sa pag-ulan, grabe na iyong kaba ko sa nangyayari sa akin ngayon. Naisip ko na nga ang chance na baka hindi na rin talaga ako makaligtas. Lalo pa at napilayan pa yata ako sa kaliwang binti ko dahil napwersa ito nang umakyat ako rito sa batong ito. Kaya kapag umapaw na ang tubig hanggang sa taas ng bato, sure nang malulunod ako dahil hindi na nga ako marunong lumangoy, injured pa ang isang paa ko. Kaya kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Una kong naisip sina Nanay at Kuya. Ni hindi ko man lang sila nakausap tungkol kay Tatay bago ako mawala. Hindi man lang kami nagkita-kita. Tapos naalala ko rin ang mga kaibigan ko... Sina Claire, Larry, at Morrie at ang iba pa... Tapos mamayang gabi na ang pageant. Hindi man lang ako makakasali doon dahil nandito ako at nasa bingit na ng pagkalunod. Eh paano pala kung ako ang manalo doon? At higit sa lahat, naisip ko si Jeron. Kapag kasi hindi ako makaligtas ngayon, hindi man lang kami magkakaayos bago ako mawala. I mean, hindi naman kami nag-away bago nangyari 'to, pero may kailangan pa akong malaman tungkol sa kanya at 'nong best friend niya na kini-claim na girlfriend daw siya ni Jeron. Gusto ko sanang magkausap kami ni Jeron tungkol sa babaeng yun. Gusto ko sanang malaman kung ano ba talaga sa buhay niya ang babaeng yun. And honestly, isa ang bagay na yun sa motivation ko para hindi ako mawalan ng pag-asa habang nandito ako ngayon sa sitwasyong ito. Gusto ko kasing malaman kung tama ba ang pagkakakilala ko kay Jeron. Kasi sa totoo lang, kung sakaling girlfriend niya nga rin ang Louise Jane na yun, hindi ko yata matatanggap ang bagay na yun. Hindi lang ako masasaktan, magagalit pa ako nang bongga kay Jeron. Hindi lang ako mamumuhi sa kanya, isusumpa ko pa siya hanggang sa magiging mga anak at mga apo niya. Hindi ko talaga siya mapapatawad kapag malaman kong pinagsabay niya kami ng best friend niya. Ang pinakaayaw ko kasi ay iyong pinagmumukha akong tanga, dahil hindi ako tanga.  Kaya naman ayoko pa sanang mamatay dito ngayon. Wag naman sana. Napadasal tuloy ako ng ilang ulit, at napakanta pa ako ng mga kanta sa simbahan. Nakipag-bargain pa ako kay Lord na kung mabuhay pa ako pagkatapos nito ay susubukan ko na talagang patawarin si Tatay sa mga kasalanan niya sa aming mag-iina niya. Kahit na hindi na siya makakabalik sa buhay ko, willing naman akong alisin na ang galit ko sa kanya basta ba makaligtas pa ako ngayon. Pero ilang oras pa ang lumipas, at nakatulog ulit ako sa sobrang pagod na rin, bago ako may marinig na boses ng tao. Hindi ko sigurado kung sino ito, pero parang may idea na ako. Mas bumilis tuloy ang t***k ng puso ko at nagsisigaw na naman ako para marinig na nila ako this time. "TULONG! MAY TAO PO RITO! TULONG!" And then bigla akong nakarinig ng isang napakalakas na sigaw. "SHEINA!" Masyado akong hindi makapaniwala sa naririnig ko. Boses iyon ni Jeron! Andito siya! Nakabalik na siya ng San Policarpio! At sa hindi ko pa alam na dahilan, alam niyang nandito ako! "Jeron! Ikaw ba yan?" spasigaw na tanong ko pabalik sa kanya. Garalgal na naman ang boses ko at masakit na sa lalamunan ang pagsigaw ko kaya gustuhin ko mang sumigaw nang sumigaw ay hindi ko naman kaya. "Jeron! N-Nandito ako sa loob ng k-kweba!" "Sheina! Thank God at ayos ka lang! Hintayin mo ako diyan!" dinig kong sabi niya pa. Gusto ko pa sanang sumagot sa kanya, kaso nanghihina na talaga ako. Dahil na rin siguro sa nalipasan na ako ng gutom. Nagdidilim na rin kasi kaya alam kong masyado na akong matagal dito sa loob ng kweba. Hindi ko lang inaasahan na manghihina ako nang ganito katindi. Nakasandal na nga ako sa bato para lang hindi ako mahulog papunta sa tubig. Kapag mahulog kasi ako ay katapusan ko na. "J-Jeron..." sambit ko. Alam kong hindi na niya ako naririnig ngayon dahil mahina na ang boses ko pero nahihilo na talaga ako. Kaya naman nang marinig ko ulit ang boses niya na mas malakas na ngayon ay doon lang ako nagkaroon ng pag-asa.  "Sheina, andito na ako!" rinig kong sigaw niya ulit sa akin. Hinanap siya ng paningin ko kahit medyo madilim na dito sa loob ng kweba. At nakita ko nga siya. Nakapasok na siya sa kweba at nalangoy na siya papunta sa akin. Sa sobrang saya ko naman ay muntik pa akong mahulog sa baba. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandito siya. Of all people na naisip kong pwedeng magligtas sa akin, hindi sumagi sa utak ko na siya ang magpapakita rito dahil ang alam ko nga ay nasa Manila pa siya kasama si LJ. Pero nandito siya. Umuwi na siya. At nahanap niya ako. Ngayon naman ay balak na niya akong iligtas. Pinagmasdan ko lang siya habang papalapit siya sa akin. At nang marating na niya ang malaking bato na inakyat ko, doon na ako unti-unting nakaramdam ng pagkahilo. Nagdilim na ang paningin ko. Nang magising ako, ang una kong nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Jeron. Nakahiga pala ako sa mga binti niya kaya pagmulat ko ng mga mata ko ay ang mukha niya ang una kong nakita. "J-Jeron..." mahinang usal ko. Sinubukan ko ring tumayo pero pinigilan niya ako kaagad. "No, baby... Wag ka munang gumalaw. Matulog ka pa hanggang gusto mo..." Umiling ako. "Hindi ako nakatulog... I think nahimatay ako kanina..." Tumango siya. "That's why you still need to rest. Magpahinga ka pa... Wala pa naman iyong rescue team na kukuha sa atin dito." Doon ko lang naalala kung nasaan kami. Napatingin tuloy ako sa paligid ko at nasa loob pa nga kami ng kweba kahit na madilim na. May liwanag lang kami dahil may dala palang isang malaking flahslight si Jeron na nasa tabi niya. Akala ko ay maliwanag pa pero gabi na nga. Patunay na doon ang tunog ng mga lamok na nakapalibot sa amin. Sobrang liwanag lang ng dalang flashlight ni Jeron kaya halos nagliliwanag ang kabuuan ng kweba. "May magre-rescue ba sa atin, Jeron?" Yun ang una kong naitanong.  "Yes, babe. May tiwala naman ako doon sa kasama ko kanina na hihingi siya ng tulong sa baranggay. Ang magagawa na lang natin ay maghintay. Umuulan pa sa labas kaya siguro natatagalan sila. But they should arrive soon. Baka lumaki pa ulit ang tubig dito eh. Kung hindi ko nga lang nakita na may pilay ka, nilikas na kita mula rito. Kaso baka lumala ang pilay mo kapag pinuwersa kita." Tumango ako. Nakahiga pa rin ako at nakapatong ang ulo ko sa binti niya kaya nasa taas ko ang mukha niya. At mula sa liwanag ng flashlight niya ay bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. "Hindi ko m-maintindihan, Jeron," sabi ko sa kanya. Nakita kong nalito siya doon sa sinabi ko. "Sorry? Hindi mo maintindihan ang ano?" "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nandito. Imposible 'to eh. Nasa Manila ka dapat." "Ah. Yun ba? Dumating ako kaninang madaling araw." "Pero hindi mo dapat alam kung nasaan ako," sabi ko naman sa kanya. "Malayo ang lugar na ito mula sa San Policarpio. Tapos hindi mo pa kabisado ang mga lugar-lugar dito. Paano ka nakarating dito?" Nagkwento na siya sa mga nangyari sa kanya bago ko siya marinig sa labas ng kweba kanina. "Maaga akong nakarating ng San Policarpio kanina. Pero pagdating ko sa bahay niyo, walang tao doon. Hindi rin kita makontak kaya nag-alala na ako. Ang una kong tinanong ay si Raffy at doon ko nga nalaman iyong issue tungkol kay LJ..." "Well, kailangan nating pag-usapan ang tungkol diyan sa best friend mo, Jeron," sabi ko naman aghad pagkabanggit niya pa lang sa pangalan ng babaeng yun.  "Okay, babe," sagot niya at napansin kong parang kabado siya doon kaya mas lalo tuloy akong nagduda. "Pero mamaya na natin pag-usapan ang tungkol diyan. Mas gusto kong ikwento sa 'yo ang mga nangyari kanina---" "Hindi," mariing sagot ko. "Ngayon ko na gustong pag-usapan ang tungkol sa babaeng yun," may halong inis pang sabi ko dahil parang gusto niya pang umiwas na pag-usapan namin ang issue na ito. Sa totoo lang kasi, mas importante pa sa akin ang tungkol doon kaysa ang malaman ko kung paanong nakarating dito si Jeron sa kwebang ito.  "Sheina, walang namamagitan sa aming dalawa ni LJ---" "Wala? Talaga? Pero may picture kayo na magkasama sa beach? At talagang touchy-touchy kayo doon sa picture na yun? At saka akala ko ba injured siya? Eh bakit naman nagpunta kayong beach? Niloloko mo lang yata ako eh, Jeron." Kaagad siyang umiling. "Sheina, it's not like that. First of all, matagal na ang picture na iyon. Kinunan yun the month before ako nadestino sa San Policarpio as Doctor to the Barrio. Nagpunta kaming beach kasama ang family and friends namin as my pa-despidida dahil nga malalayo ako sa kanila." "So hindi yun kinunan ngayon?" "Oo, babe. Saka nakita mo naman iyong picture. Nakatayo doon si LJ eh ngayon ay hindi niya magawa iyon dahil nga sa injuries niya from that incident. Pagnakabalik na tayo sa bahay, pwede kitang pakitaan ng pictures and videos kung saan injured siya." Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Pero deep inside ay natutuwa ako na mali naman pala ako ng hinala. "Pero mukha kayong magjowa doon sa picture na yun, Jeron. Ganoon ba talaga kayo ka-close? Kailangang nakaakbay ka sa kanya? Kailangang may photo na kayong dalawa lang?" Natawa siya kaagad doon. "Waiit, are you jealous, Sheina?" Gusto ko siyang batukan sa tanong niya. "Natural! Ano'ng akala mo, trip ko lang magtanong ng ganoong mga tanong? Ano ako, aspiring showbiz talk show host? Gusto mo tanungin na rin kita kung ano ang bet mo? s*x or chocolate?" "Hindi ako mahilig sa matamis, babe, kaya s---" Binatukan ko na talaga siya pero tumawa lang siya sa akin. "Bweset ka! Hindi mo kailangang sagutin yun!" singhal ko pero tawa na siya nang tawa ngayon sa akin. Siguro ay natuwa siya na inamin kong nagseselos nga ako doon sa best friend niya. "Ang dapat sinasagot mo ay kung ano ba talaga ang relasyon mo doon sa best friend mo! Kasi nang makausap ko siya, aba'y ang sabi ba naman niya ay girlfriend mo raw siya?" Nawala na ang ngiti niya doon sa sinabi ko. "Yeah, I know, babe. Sinabi sa akin ni Raffy ang tungkol doon sa naging pag-uusap niyo sa phone. And I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. I was out during that time. Iniwan ko ang phone ko dahil maliligo ako kaya si LJ ang sumagot sa tawag mo." "Maliligo ka? Bakit, ano ba ang ginawa niyo at maliligo ka?" tanong ko agad bago ko pa man maisip kung ano ang ini-imply ng tanong ko.  "Babe, walang nangyari sa amin. And walang mangyayari sa amin dahil friends lang kami," paliwanag niya naman. Mabuti na nga lang at mahinahon lang ang pagpapaliwanag niya sa akin dahil kung ako yun ay siguro bumubuga na ako ng apoy. "Kung friends lang talaga kayo, bakit niya sinabing jowa ka niya?" "We used to say that to people," aniya. "Dati kasi, may kasunduan kami na kapag may mangulit sa amin na hindi naman namin gusto, magpapanggap kaming mag-boyfriend para layuan na kami ng mga gumugulo sa amin. That's what happened. Maybe she thought na nanggugulo ka lang sa akin kaya niya sinabi yun. I know it sounds fishy babe but I can prove it to you. Kung gusto mo nga ay pwede tayong magharap-harap. Tayong tatlo. Para malaman mo na magkaibigan lang talaga kami." "Sige," sagot kong medyo convinced na pero hindi pa rin ako natutuwa na ganoon siya ka-close sa ibang babae. "Pero bakit ganoon, Jeron ang una niyang reaction, Jeron. Bakit, hindi niya ba alam na may girlfriend ka na? Hindi mo ba ako nababanggit sa kanya?" Napansin kong nanigas ang katawan niya doon sa tanong ko. Parang may bahid ng takot na rin ang mga mata niya. "Actually, that is my fault, babe." "Huh? What do you mean?" "Nabanggit na kita sa kanya noon. But remember nong umamin ka sa akin na balak mo lang akong paghigantihan? At umalis ako papuntang Malvar na hindi kita sinama?" Tumango ako. "Oo. Iyong sabi mo gusto mo ng space..." Kinakabahan din ako sa sasabihin niya pa. Hindi na ako mapakali. Napakamot siya sa batok niya. "Well, nang gabi ring iyon, dahil na rin siguro sa galit ko noon, binawi ko iyon at sinabi ko kay LJ na hindi talaga tayo mag-boyfriend. Sinabi ko na nagpapanggap ka lang noon sa gusto mo ako. Kaya akala niya, wala talaga akong boyfriend. Kaya ganoon na lang siguro ang reaction niya nang makausap ka niya sa phone. Ang akala niya ay ginugulo mo lang ako." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niyang yun. "Ah...." "I'm sorry, babe. I know that was immature of me dahil nagpadala ako noon sa galit ko. Kaya nga I feel so guilty. At para makabawi ako sa 'yo, just tell me anything that you want me to do. Gusto mo bang lumayo na ako kay LJ for you? Because I can do that." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD