Kabanata 44

2041 Words
SHEINA Natigilan ako sa huling sinabi niya. Hindi ko kasi akalaing willing siyang gawin iyon para sa akin. "T-Talaga? Gagawin mo yun para sa'kin? Lalayuan mo si LJ?" Tumango si Jeron. Mataman ang tingin niya sa akin kaya alam kong seryoso siya. "Dapat nga eh noon ko pa ginawa iyan. Well, nalayo naman ako sa kanya ever since napunta ako ng San Policarpio. Pero dapat nang magkita ulit kami, hindi na kami ganoon kalapit sa isa't-isa dahil nga babae siya. I should have kept my distance. Tama si Raffy eh. Hindi ko dapat pinaparamdam sa 'yo na may iba pang babae na malapit sa akin other than you." Ang sarap pakinggan sa tenga ng mga sinabi niya. "Pinagsabihan ka ni Raffy?" tanong ko naman dahil naaaliw din ako na ako ang kinampihan ng lalaking yun. Kung tutuusin, hindi naman kasi talaga kami magkaibigan ni Raffy. Kung hindi pa nga siguro dahil kay Jeron ay hindi pa rin kami magkakasundo. Tapos ngayon ay kinampihan niya ako laban sa kaibigan niya. Nabaliktad na yata ang mundo. "Yeah, he did," sagot ni Jeron na napakamot pa sa ulo niya. "Pagkakita nga lang namin ay sermon agad ang inabot ko sa kanya. But I deserved it naman. Nang malaman ko ang ginawa sa 'yo ni LJ nang magkausap kayong dalawa sa phone, I know that I have to do something if I want to save our relationship." Natawa ako doon sa itsura niya habang nagkukwento siya. Para kasing matatae na siya habang sinasabi niya ang mga iyon, eh wala pa nga akong ginagawa. Dahil nga sa kakyutan niya ay halos nakalimutan ko na kung nasaan kami ngayon. Kahit ang lamig ng paligid at ang mga kagat ng lamok ay hindi ko na alintana sa ngayon. Siguro kasi ay ganito talaga kapag importanteng tao ang kausap mo, at importante rin ang pinag-uusapan niyo. Makakalimutan mo ang paligid kahit na nasa gitna kayo ng delubyo. "Nagalit sa akin si Raffy kasi nga hinayaan kong magkaroon ng chance si LJ na gawin yun sa 'yo. Hindi ko dapat binawi sa kanya iyong pagsasabi ko na may girlfriend na ako. Had she known that I was serious with you, hindi niya gagawin yun sa 'yo dahil alam kong magagalit ka. That's why I'm so guilty, Sheina. Nagpadala ako sa galit ko sa 'yo noon kaya nagawa kang i-intimidate ni LJ." "Intimidate? Hindi naman ako na-intimidate masyado," sagot ko naman. "Sinabi ba ni Raffy sa 'yo na na-intimidate ako? Na natakot ako doon sa best friend mong yun?" "Well, sinabi ni Raffy na hindi ka natuwa sa narinig mo kay LJ." "Oo, totoo naman yun. Hindi naman talaga ako natuwa," pagsang-ayon ko. "Pero hindi rin naman ako nagpatalo doon. Kahit tanungin mo siya. Kinorek ko pa nga siya eh. Sabi ko ako ang girlfriend mo." "Really?" tanong niyang parang natuwa pa. "Oo naman ano," sagot kong proud pa sa ginawa ko. "Hindi naman ako nagpasindak doon sa LJ na yun. Saka hindi rin naman ako ang klase ng babae na naghi-hysterical agad. Siyempre aalamin ko muna kung totoo ang sinasabi niya. Nagduda rin naman ako agad sa claim niya eh. Yun nga lang, doon na ako napaisip nang makita ko iyong pinost niyang picture sa social media. Akala ko ay legit iyon na nag-outing kayo kaya kung ano-ano tuloy ang pumasok sa utak ko. Pinag-overthink mo pa akong bweset ka." "Sorry na, babe. Kasalanan ko ang lahat. Dapat ay hindi talaga kita dineny sa kanya." "Hayaan mo na, wala na yun. Ngayong alam ko na ang totoo ay hindi ko na papalakihin yan. Pero Jeron, kausapin mo 'yang best friend mo ha. Ayusin mo ang pagkausap mo diyan. Para kasing nananadya yun." "Huh? What do you mean?" kunot-noong tanong ni Jeron sa akin. "Di ba ang sabi mo ay kinunan iyong photo niyo sa beach bago ka pa madestino sa San Policarpio?" "Tumango siya. "Yes. What about it?" "Eh kasi naman, hindi pa naman pala ganoon katagal iyon," sabi kong nairita bigla sa naisip ko. "Kaya bakit niya naman pinost yun sa profile niya? Ang aga niya namang magpa-throwback. Wala pa siyang nilagay na caption. Kaya feeling ko tuloy sinadya niya yun na para bang alam niyang may sisilip sa account mo or account niya sa social media." "Ah... Yun ba... I think sinadya niya nga yun," sabi naman ni Jeron. "Siguro pinanindigan niya nga iyong sinabi niya sa 'yo na girlfriend ko siya kaya ganoon. But don't worry about it now, babe. Kapag nakabalik na rin tayo ng San Policarpio ay kakausapin ko siya mismo at sasabihin ko ang tungkol sa 'yo. Lalayuan ko na rin siya. Huling beses na yun na tutulungan ko siya." Parang nabigla naman ako doon sa sinabi niya. "Ah eh Jeron, hindi mo naman kailangang dumistansiya sa kanya. Magkaibigan pa rin kayo. At magkakilala na kayo bago pa man ako dumating sa buhay mo. Kaya 'wag mo rin naman itapon ang friendhsip niyo. Ang sa akin lang naman ay sana next time magkaroon na ng boundaries sa pagitan niyo since may nobya ka na nga. Pero hindi ko sinasabing putulin mo na ang koneksiyon mo sa kanya." Tumango siya doon. "Noted, babe," aniya at laking gulat ko nang bigla niya na lang akong halikan. At hindi lang iyon halik sa noo ko o sa cheeks. Halik iyon sa labi ko, na mula sa isang patweetums na halik ay biglang naging mapusok. Kahit ako ay nadala na rin, and my gulay, ito yata siguro ang ibig sabihin nila sa salitang nadarang. Kasi naman, ang lamig-lamig kanina ng paligid ko pero bigla na lang uminit ang buong kweba. Aakalainin mong nasa isang sauna ka, tapos ramdam ko pa na parang buong katawan ko ay nag-iinit din! Jusko, ito na kaya ang moment kung saan isusuko ko na rito kay Jeron ang aking kweba? Mukhang ito na nga ang moment na pinakahihintay ko dahil hindi ko na rin magawang pigilan ang sarili ko. Talagang nagre-respond na ako sa ginagawa ni Jeron. Nakasandal pa nga ako sa mismong pader ng kweba habang nagmi-make out kami rito sa tuktok ng batong ito. At mabilis pa sa agos ng tubig ang mga kamay ni Jeron. Namalayan ko na lang na naalis na niya ang suot kong blouse, at nakapatong na ang mga palad niya sa ibabaw ng bra ko. Tapos pagtingin ko sa kanya, wala na pala siyang t-shirt. Talagang gagawin na nga yata namin ang dapat na gawin namin! Wala na rin akong balak na tumutol sa ginagawa niya. Kung may natutunan man ako sa buong araw na ito ay iyon ay kung may gusto kang gawin, dapat gumawa ka talaga ng paraan upang matupad iyong bagay na gusto mong gawin. HIndi mo kasi alam kung hanggang kailan ka lang sa mundong ito, 'di ba? Tulad sa'kin, kung nalunod ako kanina ay mamamatay pa akong virgin, which is ayaw ko namang mangyari. Ang saklap naman 'non.  Kaya nang bumaba na ang mga halik ni Jeron, wala na akong ibang ginawa kung 'di ang umungol na lang. Naiekandalo pa nga ako sa sarili kong ungol, kaso hindi ko naman magawang mapigilan ang sarili ko dahil masarap talaga sa pakiramdam iyong ginagawa sa akin ni Jeron. Mula sa bibig ko ay hinalikan niya ako sa punong-tenga ko at sa leeg, pababa sa dibdib ko hanggang sa matagumpay niyang naalis ang bra ko. Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko nang simulan niyang sipsipin ang dapat na sipsipin niya doon sa bahaging yun ng katawan ko, habang ang isa naman ay marahan niyang nilalamas na nagbigay sa akin ng sobrang sarap na pakiramdam. Ayoko nga sanang aminin pero basa na rin yata ako down there. At willing na nga akong hubarin na rin ang suot kong pang-ibaba kung hindi lang may narinig na kaming mga boses ng mga tao sa labas. "Sheina! Jeron! Andiyan pa ba kayo?" sigaw ng isang boses sa labas na kaagad kong nakilala. Malakas at paulit-ulit ang pagtawag sa amin ni Raffy kaya kaagad ding bumalik ako sa katinuan.  "Sheina! Nandiyan ba kayo sa loob?" This time ay boses naman iyon ni Larry. Nagkatinginan tuloy kami ni Jeron. Kinakabahan na nga ako dahil paano kung pumasok na sila ngayon dito sa loob? Makikita nilang halos wala na akong suot! "Oo! Nandito kami! Tulungan niyo kami!" sigaw naman ni Jeron. Nahampas ko pa nga siya dahil kaagad siyang sumagot eh hindi ko pa nga naibabalik ang bra ko. Ang ginawa ko na lang ay pinatay ko iyong flashlight niya para dumilim at hindi makita ng kung sino ang hinaharap ko habang sinusuot ko pa ang bra ko. Mabuti na nga lang at tinutulungan ako ngayon ni Jeron na isuot ko ulit ang bra ko. Hindi niya siguro nakikita dahil sa dilim pero ang sama ng tingin ko sa kanya kasi halata namang nagi-enjoy pa siya sa nangyayari. Abot-langit talaga ang kaba ko na baka mahalata nina Raffy na may ginagawa na pala kaming kababalaghan dito, pero mabuti na lang at hindi ganoon ang nangyari. May mga pumasok na rescuers sa loob ng kweba na may dala pang mga life vest. Hindi pa rin kasi bumababa ang level ng tubig dito kahit medyo humina na ang ulan. Siguro nasa walong tao ang pumasok sa loob ng kweba at tinulungan kaming makababa mula sa bato. Sinabi rin ni Jeron sa kanila na may sprain nga ako sa paa kaya binuhat pa nila ako.  Gusto ko na ngang maiyak dahil nang isakay na nila ako sa rubber boat na gagamitin namin para makatawid kami ng ilog pabalik sa kabilang side, ang dami nilang sinasabi sa akin na ayos lang lahat, na ligtas na ako. Sa kanila ko rin nalaman na kanina pa pala nila ako hinahanap, at may mga tao ngang nakapagturo sa kanila na nakita nga raw nila ako rito sa area na ito. Hanggang sa makatawid kami ng ilog ay puro iyak lang ako lalo na nang makita ko sina Raffy, Larry, at Claire na nag-aabang sa pampang ng ilog. Napahagulhol ako nang magkayakap kami ni Claire, pero tears of joy naman iyon. "Mabuti na lang ligtas ka na, Ate!" ani Claire. "Paano ka pala napunta doon sa ilog?" tanong niya pagkasakay namin sa service ng baranggay. Dadalhin kasi nila ako sa Health center para doon daw ako matingnan nang maayos. Gusto ko na nga sanang umuwi na lang kaagad kaso si Jeron nga ang nagpupumilit na matingnan daw muna ako. Ipapa-x-ray pa nga raw niya ang paa ko. "Galing ako sa niyugan namin kanina," sagot ko sa tanong ni Claire. Naniwala naman siya doon kahit na half-true lang iyon. Ayaw ko na kasing sabihin na nakipagkita talaga ako sa Tatay ko kaya ako inabutan ng bagyo at napilitang sumilong sa kweba na yun. "Hindi ko naman alam na mai-stranded ako doon." "Buti na lang pala nahanap ka agad ni Jeron," sabi naman ni Raffy habang nakaismid lang doon si Larry. "Pero Jeron, paano mo nga pala nalaman na nandoon sa kweba si Sheina? Kasi hindi naman iyon parte ng lupain nila so kung hindi mo alam na nandoon nga siya talaga, mahihirapan kang isipin na doon siya nagpunta. Maliban na lang kung may nagturo sa 'yo na nasa loob nga siya?" "Oo, tama ka riyan, Raffy. Hindi ko nga alam kung saan hahanapin si Sheina kanina. Iyong mga napagtanungan ko kasi kanina ay nagsabing dito nga siya sa area na 'to nakita kanina, hindi naman nila sinabing nakita nilang sumilong sa loob ng kweba si Sheina. Ang sabi lang nila ay nadaanan nila si Sheina kanina na nagllalakad pabalik ng bayan." "So paano mo siya nakita?" "May nagturo sa akin kung nasaan siya. Isang lalaking medyo may edad na. Nilapitan niya ako at sinabi niyang nakita niya ngang pumasok ng kweba si Sheina kanina. Kaso lumakas na ang agos ng tubig sa ilog kaya hindi niya na raw nasundan si Sheina. Ako naman, pagkarinig ko noon ay kaagad akong humingi ng tulong at nagpatawag na nga ako ng rescuers." "Buti na lang pala at may nakakita sa 'yo, Ate," ani CLaire. "Pero sino kaya yun? Malamang taga-San Policarpio rin yun kasi kilala ka niya eh." Tumango na lang ako dahil alam ko na kung sino iyon. I think ang nakausap ni Jeron ay walang iba kung 'di ang sarili kong ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD