Kabanata 45

2306 Words
SHEINA Feeling blessed naman ang peg ko nang makarating kami ng Heath Center at asikasuhin na ako roon ni Jeron. Doon ko talaga na-appreciate na isa siyang doktor, sa totoo lang. Kasi may alam naman ako kung paano gamutin ang ganitong klase ng injury eh. Apo kaya ako ng isang certified albularyo. Not to mention na may background din naman ako sa medical procedures kahit paano. Kung tutuusin kaya ko namang gamutin ang sprain ko na hindi ako humihingi ng tulong ng iba. Pero siyempre, iba pa rin ang pakiramdam kapag inaalagaan ka ng boyfriend mo, ano. Iba pa rin na ginagawa niya ang lahat para sa akin. Para sa akin, big deal iyon. Nakabawi na siya sa akin dahil sa ginawa niya kaya bati na ulit kami. Mula sa pagpunta namin sa ospital para sa x-rays ko, hanggang sa pagbalik namin sa Health Center para doon muna ako magpahinga in case sumama ang pakiramdam ko dahil nilamig ako mula sa pagkakabasa ko sa bagyo, alagang-alaga talaga ako ni Jeron. Obvious na obvious naman sa kanya na gusto niyang bumawi sa akin kaya na-appreciate ko yun. Sinamahan rin kami sa Health Center ng mga kaibigan ko. Sinabihan ko na nga silang magsiuwi na, pero ayaw naman nilang umuwi. Wala rin naman daw silang gagawin sa mga bahay nila dahil na-cancel nga ang Mister and Miss San Policarpio na dapat ay ang pupuntahan nila. "Huwat? Na-postpone nga ang pageant? Pero bakit?" nawindang na tanong ko tapos bigla akong napatakip sa bibig ko. "Oh my God. Don't tell me pinospone nila yun dahil nalaman nila kung ano ang nangyari sa akin?" Nagtawanan ang mga kaibigan ko doon sa huling sinabi ko. Kahit nga si Jeron ay tawang-tawa. Akala yata nila ay punchline iyon ng biro ko. "Babe, maganda ka at para sa akin ikaw talaga ang deserving na winner diyan, pero hindi ikaw ang dahilan kung bakit na-cancel ang pageant." "Oo nga, lakas ah, ano ka special?" sabi rin ni Raffy na mas lalo lang nilang ikinatawa kaya natawa na lang din ako. "Eh ano pala ang dahilan at bakit hindi natuloy ngayong gabi ang Mister and Miss San Policarpio?" "Sobrang lakas kasi ng ulan kanina. Bukod sa binaha sa plaza, nabasa at nasira ang sound system pati ang mga lighting equipment para sa pageant kaya pina-cancel na muna ni Kapitana. Sa susunod na weekend na lang daw ito," ani Claire. "At maganda na ring na-cancel iyon, Ate. Kasi kung natuloy yun eh baka hindi ka rin nakasali dahil sa kundisyon mo ngayon." "Oo nga 'no. Buti na lang pala." "Kaya pala bad mood sina Ligaya kanina," sabi naman ni Morrie. "Siguro ay natuwa sila nang mabalitaan nila ang nangyari sa 'yo kasi ibig sabihin non hindi ka na makakasali sa pageant, pero dahil hindi na natuloy ang beauty contest ay makakasali ka pa." "Grabe naman sila kung natutuwa pa sila na may napapahamak," sagot kong nagagalit na rin. "Pero hindi naman ako magtataka kung ganoon nga ang nararamdaman nila. Matagal na kaming may mutual hatred sa isa't-isa." "Oo nga, pansin ko yan," puna ni Raffy. "Pero mas lalo yatang uminit ang tensiyon sa pagitan niyo nang maging boyfriend mo si Jeron." "Kasi nga, type niya rin si Doc. Jeron," sabi naman ni Claire. "Di ba nga feeling close pa yun noong una kay Doc. Tapos pati si Kapitana nirereto ang anak niya kay Doc. Jeron. Siyempre naimbyerna yun nang malamang si Ate Sheina pala ang bet ni Doc. Jeron. Kaya ganyan umasta yan kay Ate eh. Inggit kasi." "Ayun naman pala. May pinaghuhugutan naman pala ang galit non." Pati si Jeron ay sumabat na. "I remember, lagi nila akong iniimbita na sa kanila mag-dinner. Kaso tumatanggi na ako lalo na at binalaan ako noon ni Sheina na uso rito ang gayuma." Doon na ako natawa nang bongga. Nakalimutan ko na kasi ang tungkol doon. "Ay oo nga 'no. Naaalala ko pa yun! Akalain mong nauto kina 'non?" sabi ko na nagpatawa na naman sa aming lahat. Bentang-benta rin sa akin iyon. Niloloko ko lang naman kasi siya non pero heto si Jeron ngayon at sinunod pala iyong 'advice' ko kuno.  "Tumatak sa akin yon, babe," ani Jeron. "Isa yun sa naging dahilan kung bakit kita napansin. Unlike Ligaya na lagi nakabuntot sa akin, hindi ka nagpakita ng interes sa akin so it kind of made me more curious about you." Naghiyawan ang mga kaibigan ko sa sinabing yun ni Jeron, at oo, aminado naman akong kinilig din ako sa sinabi niya. Tinukso tuloy nila ako dahil doon. Si Larry lang naman itong hindi nakikigulo sa amin, pero alam ko naman kung bakit. Bandang 11:30 pm nang magpasya ang mga kaibigan ko na umuwi na sa kanila. Nagpaiwan naman kami ni Jeron dito sa Health Center dahil ayaw nga ni Jeron na kumilos pa ako lalo na at madilim na. Bukas ng umaga na lang daw kami umuwi, at pumayag naman ako. Maganda rin naman kasing mag-stay dito sa Health Center. Ang kalahati nito ay isang Lying In clinic, iyong paanakan, kaya may matutulugan ka talaga rito dahil hindi naman laging puno ang mga hospital beds dito. Sa isang bed ako nahiga habang sa tabing bed ko naman sa kanan si Jeron kahit na may sarili naman siyang bed sa office niya. Gusto niya pa nga talagang sa iisang hospital bed lang kami matulog na dalawa kaso binatukan ko na siya dahil ang wild niya lang sa part na yun. "Gusto mo talagang maeskandalo ang mga tao rito ano," saway ko sa kanya pero hindi talaga ako galit. Bagkus ay naa-amaze pa nga ako sa kalokohan niya dahil hindi ko ini-expect na ang tulad niyang seryoso lang ay may pagkapilyo rin talaga. "Umayos ka, Jeron. Ikaw ang in charge rito. Huwag kang magpabebe rito." "Oo na, oo na," aniya. "Sa bahay na lang natin ituloy iyong nasimulan natin doon sa kweba." Kumindat pa siya pagkasabi niya noon kaya nahampas ko na talaga siya nang malakas sa tiyan niya. Napahiyaw pa nga siya pero mabuti na lang at natakpan niya ang bibig niya bago niya nabulabog ang buong Health Center. Alas dos na rin ng madaling araw kami nakatulog dahil kung ano-ano pa ang napagkwentuhan naming dalawa, pero nagising din ako agad dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tumayo ako naglakad papunta sa kitchen ng Health Center, ang kaso ay nasa kabilang building iyon kaya kailangan ko pang lumabas. Natatakot man at masakit man ang paa ko, lumabas pa rin ako. Pagkabukas ko ng pinto, muntik naman akong mapasigaw dahil nakita ko roon si Larry, nakaupo sa may waiting area habang nagsi-cellphone. "Ay jusko po!" sigaw ko sa pagkagulat. "Larry naman! Manggulat ba?" tanong ko sa kanya habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Muntik na akong atakehin sa puso dahil sa 'yo!" "Sorry," sagot niya agad. Napatayo siya mula sa pagkakaupo niya at binulsa na niya ang hpone niya. "Saan ka pupunta? Dis-oras na ng gabi ah." Inginuso ko iyong kitchen sa kabilang building. "Iinom ako ng tubig. Walang water dispenser doon sa loob eh." "Ah. Halika, samahan na kita," pagyaya niya sa akin. "Madilim na at baka matapilok ka pa." Pumayag naman ako, pero bigla akong may gustong malaman sa kanya. "Teka nga muna, Larry. Bakit ka pa pala nandito sa Health Center? Akala ko umuwi ka na kasabay nina Raffy?" Inaalalayan niya ako sa paghakbang ko sa damuhan habang kausap ko siya. "Nag-volunteer ako na magbantay sa 'yo. Wala kasing pulis na naka-duty ngayon para bantayan ka dahil maraming nagsitumbang mga puno dahil sa malakas na ulan kanina." "Hala, hindi mo naman kailangang bantayan pa ako," sabi ko agad nang marinig ko yun. Na-guilty rin ako agad dahil tinarayan ko pa siya nang kaunti kanina. "May ibang tao naman sa loob. Umuwi ka na lang, Larry. Salamat sa pag-volunteer mo---" "No, hayaan mo na ako rito," sagot niya naman. Narating na namin ang kusina at binuksan ko na ang pinto. "Hindi rin pwedeng walang magbabantay sa 'yo ngayon. Nangako rin ako sa mga pulis na babantayan kita." "Salamat talaga sa concern, Larry," sabi ko. Nakita ko na ang water container at kukuha na sana ako ng tubig doon kaso kailangan pang buhatin dahil nasa sahig iyon tapos mabigat pala iyon. Si Larry na rin tuloy ang kumuha ng tubig para sa akin. "Sana ay pumasok ka na lang sa loob kung gusto mo mag-stay. Malamok sa labas." "Wag na. Mas maganda kung nandito ako sa labas para makita ko agad kung may susugod na miyembro ng Neo." Natawa ako doon ng peke para gumaan ang pakiramdam ko dahil kinabahan naman ako sa sinabi niya. "Ano ka ba, Larry. Hindi naman siguro tayo susugurin ng mga yun dito. Ang lapit lang natin sa Brgy Hall. May mga tanod din doon," sabi kong napakamot na lang sa ulo ko. "Wala rin sila ngayon sa Barangay Hall. Naglilibot din sila para mag-check ng mga binaha." "Ahh... O siya, tara na. Balik na tayo tutal may tubig naman na ako," sabi ko na lang. Naglakad na ako palabas ng kusina pero pinigilan ako bigla ni Larry bago ko pa naman marating ang pinto. Hinawakan niya ang isa kong braso. "Sheina, mag-usap muna tayo," seryoso niyang sabi sa akin.  "Huh? Tungkol naman saan?" "Tungkol sa nangyari sa 'yo kanina," aniya. Matalas ang tingin niya sa akin kaya alam kong hindi ko magugustuhan ang mga sasabihin niya. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Bakit ka nandoon kanina sa bukirin sa may ilog malapit sa bundok umagang-umaga? Ano'ng ginawa mo doon?" "Huh? Ano ka ba... Sinabi ko na kanina sa inyo 'di ba... Nagpunta ako sa lupa namin..." "Nang madaling araw?" sabi niya agad. Nakataas din ang isa niyang kilay sa akin at doon ko nalaman na hindi siya naniwala sa mga sinabi ko kanina. "Malayo ang niyugan niyo, Sheina. Alam ko yun dahil minsan na akong isinama doon ng Kuya mo noong mga bata pa tayo. Malayo-layo ring lakaran ang gagawin mo para makarating doon kung maglalakad ka lang. Ibig sabihin, kung nakita ka doon kaninag umaga, eh 'di naroon ka nong madaling araw. Ano naman ang gagawin mo doon ng ganoong oras? At sino ang kasama mo doon? Imposible namang mag-isa ka lang doon ng ganoong oras."   Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Larry dahil tama siya. Ang weird nga noon sa pandinig kung iispin mo lang nang mabuti. In fact, kanina pa nga ako kinakabahan na baka may makaisip non sa kanila pagkasabi ko sa palusot ko. Akala ko nakalusot na ako, yun pala ay naisip na iyon ni Larry pero hinintay niya lang na masolo ako para itanong sa akin ang tungkol doon.  "Umamin ka na lang sa akin, Sheina. Nakipagkita ka ba sa Tatay mo?" diretsahang tanong na niya sa akin na hindi ko napaghandaan. "Kasi yun lang ang naiisip kong sagot sa ginawa mo. Wala na akong ibang maisip na dahilan mo para magpunta doon. Well, naisip ko na pwede ring sa ibang miyembro ng Neo Partisan Army ka nakipagkita pero kung sila ang pinuntahan mo ay hindi ka sana makakabalik dito dahil sigurado akong hindi ka na nila papakawalan. Kaya sabihin mo, Sheina, tama ba ako? Ha? Ang tatay mo nga ba ang kinausap mo doon?" Wala na akong choice kung 'di ang umamin. "Oo! Tama ka, Larry! Nakipagkita nga ako kay Tatay!" sagot kong naiiyak na naman. "Masama ba yun?" Lumambot naman kaagad ang facial expression niya sa akin. "Sheina... Delikado ang ama mo... Oo, tatay mo siya pero isa pa rin siyang rebelde. At paano kung madamay ka, ha? Paano kung may nakakita sa inyo na magkasama? Pwede ka nilang ituro na miyembro na rin ng grupo nila!" Umiling ako. "Hindi ako rebelde, Larry. Alam mo naman yan. At saka hindi naman ako nagpunta doon na para bang gustong-gusto kong gawin yun. Dinala ako doon ng tatay ko na hindi ko alam," dagdag ko pa. Pero dahil mas nalito lang doon sa sagot ko si Larry, kinailangan ko pang ipaliwanag sa kanya kung paano nga ba talaga ako dinala roon ni tatay exactly. Napasapo siya sa noo niya. "Kaya pala buong gabing walang tao sa bahay niyo kagabi," sagot niya. "Akala ko ay may pinuntahan ka lang at hindi ka pa nakakauwi. Pero masama na ang kutob ko 'non. Sheina, ano'ng ginawa sa 'yo ng Tatay mo? Ha? Ano ang sinabi niya?" "Kailangan ko pa bang sabihin yun sa 'yo?" tanong ko. Natigilan naman siya doon. "Oo naman! Para alam namin kung delikado ba ang buhay mo o hindi! Sheina, kakampi mo ako. Hindi mo kailangang maglihim sa akin lalo na sa bagay na 'to dahil buhay mo ang nasa panganib!" "I see... Well, pinapaalis lang naman ako ni Tatay sa bahay dahil delikado raw. Yun lang naman ang sinabi niya. Gusto niya lang din akong kumustahin," pagsisinungaling ko. Ayaw ko na kasing ikwento ang buong pangyayari kay Larry dahil hindi naman ako obligadong i-report ang lahat sa kanya.  "Yun lang ba ang sinabi niya?" pangungulit naman niya na para bang alam niya na may hindi pa ako sinasabi. Naisip ko nga na bagay nga talagang maging pulis itong si Larry dahil sa pinapakita niya ngayon. Halatang ito ang klase ng trabaho na bagay sa kanya. "Pwede mo akong pagsabihan, Sheina. Kung ayaw mong malaman ng iba, ililihim ko naman. Basta mapagkakatiwalaan mo ako." Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman tiwala ang issue ko kaya nililihm ko ito sa inyong lahat, Larry. Sa totoo lang takot na takot ako, dahil alam kong kapag hindi pa ako umalis, baka may masama na talagang mangyari sa akin. Ang kaso ay ayokong umalis. Gets mo ba? Hindi ako pwedeng umalis ng San Policarpio, dahil ayokong iwan dito si Jeron," sagot ko. Naglakad na ako papunta sa pinto, pero nakita kong bukas na ulit iyon at nakatayo doon si Jeron na masama ang tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD