SHEINA
Bakit nandito si Jeron? At bakit ganyan ang suot niya? Bakit parang sasali rin siya sa pageant?
OMG. Pumapatol pala siya sa mga ganitong contests? Patay na! So pwedeng makasama ko siya sa pageant?
Hindi pwede yun!
Kinusot ko na ang mga mata ko pero hindi talaga ako namamalikmata lang. Si Jeron nga talaga itong pumasok kasama si Raffy. Nakita ko siyang parang nahihiya pang pumasok ng Baranggay Hall pero ang lakas ng dating niya dahil lahat nga yata napalingon sa kanya. Sabay silang lumapit sa isa sa mga staff ni Raffy at doon ko nakita na pareho silang nakaporma rin, at aaminin ko, sobrang gwapo ni Jeron ngayon sa suot niyang plain na navy bblue polo shirt at back pants. Para siyang isang prinsipe na nag-decide na lumabas ng palasyo niya. At alam niyo 'yung tingin palang ay mabango na? Ganoon ang datingan niya. Para siyang boy next door na mestiso at nakakadala rin talaga ang ngiti niya lalo na at naglalabasan ang dimples niya.
"Sumasali rin pala siya sa ganito?" bulong naman sa akin ni Larry. Nailang pa nga ako dahil parang sinasadya na niyang maging mas malapit sa akin kaya para tuloy kaming magjowa dahil sa intimate na pagkilos niya. "Hindi ba dapat disqualified siya dahil dito siya nagtratrabaho?"
"Ah eh... Ang pagkakaalam ko naman ay ang Hermana Mayor ang sponsor ng pageant na 'to kaya baka pwedeng sumali kahit sino," sagot ko na lang. Yun naman kasi talaga ang totoo. Nabasa ko iyon sa poster na binigay sa akin ni Claire noong isang araw. Pero hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Jeron sa audition and screening ng Mr and Ms San Plocarpio 2021. Para kasing hindi naman siya iyong tipo ng lalaki na aware na may itsura siya tapos ipagmamayamabang niya sa mga tao. Para ngang napaka-shy niya eh.
"Jeron! Nandito ka rin! Sasali ka na ba talaga?" dinig kong pagtawag sa kanya ni Kapitana. Lumapit naman doon sa kanya si Jeron, pero nakita ko pa siyang sumulyap sa akin bago makipagbeso-beso sa nanay ni Ligaya. Habang si Ligaya naman ay hindi ko alam kung ano ang drama niya. Nakanguso siya ngayon at hindi niya pinapansin si Jeron. Nagtatampo yata ang bruha at gusto yatang magpasuyo. Pero mukhang wala namang pakialam sa kanya si Jeron dahil hindi rin siya nito kinakausap. Gusto ko tuloy matawa dahil pwede nang sabitan ng sandok ang nguso niya kaka-pout niya para mapansin ni Jeron.
"Hi Ate, kasali ka pala. Grabe, ang pretty mo po," bati naman sa akin ni Morrie na kasali rin pala rito sa pageant na gaganapin bilang unang salvo ng mga activities para sa nalalapit na fiesta. Bale sa nakikita ko, nasa thirty kaming lahat dito. Kinseng babae at kinseng lalaki. Nakipagchikahan muna ako kay Morrie habang hindi ko pa turn sa screening. Nalaman ko rin na taga-ibang lugar itong mga magiging judges kaya kahit papano ay naging confident ako na makakapasa naman ako rito sa paunang screening. Kung tagarito lang kasi ang mga pipili ng candidates ay baka malasin pa ako dahil sa mga issue na nakakabit sa akin ngayon.
At hindi naman sa pagmamayabang, pero nang ako na ang tinawag at rumampa na ako sa harap ng panel, at nang in-interview na nila ako, confident ako na makukuha ako dahil nakita ko naman sa mga mukha ng panel na na-impress ko sila. Kahit nga iyong ibang nanonood lang ay pumapalakpak sa sa'kin lalo na sa interview portion ko. Grabe rin kasi yun. Ang tanong sa akin ay medyo personal kaya naging personal din ang sagot ko. Tinanong ako ng isa sa panel na kung magkaroon daw ba ng maling impression sa akin ang mga tao, itatama ko raw ba yun kapalit ng natitirang good image ko sa kanila o hahayaan ko na lang silang isipin ang ganoon sa akin pero walang mangyayaring gulo sa pagitan namin.
Sobrang naka-relate ako doon sa part na may mga taong may pangit na impression na sa akin dahil sa mga kumakalat na chismis sa akin, lalo na magmula nang maganap iyong sa pagitan namin nina Jeron at Aling Marcia. Mabuti na lang talaga ay naitawid ko ang sagot kong yun.
"I am persoanlly a victim of that," sagot ko sa tanong sa akin in straight Englsih pa para pak na pak. "People now think of me in a negative way because of some misinformation about me. But you know, if I am going to choose between keeping my silence for everybody's peace and correcting them and risk losing them in my life, I think I would rather correct them and be judged by them again by correcting them. It's because the truth is not compromisable. The truth is always the truth, it is us who will have to adjust to it and not the other way around. And if the truth will make them mad, then I don't think a lie can make them happy too. Always choose your peace, but it is you who will define what peace is."
Lahat yata nakanganga ang mga bunganga pagkasabi ko nun, lalo na sina Kapitana at ang anak niyang bruha. Kahit si Jeron ay nakita kong nakatulala sa akin, and deep inside wini-wish ko na natamaan siya sa mga sinabi ko. Na sana alam niya na sumobra na siya sa ginawa niya at dahil doon ay nakumprimiso ang kabuhayan ko at ang integridad ko sa lugar namin.
Samantala, sigaw naman nang sigaw si Larry kaka-cheer sa akin. Pumapalakpak pa ito kasama ni Morrie. Kulang na nga lang ng banner ko at para na silang members ng fans club ko. Oh well, ganoon talaga siguro kapag beautiful inside and out. Kaya hindi na ako nagtaka nang ako pa ang unang tinawag sa mga listahan ng mga nakapasok sa girls. Ang daming pumalakpak para sa akin, at kahit si Jeron ay nakita kong pumalakpak. Nagulat tuloy ako lalo na at nagtama ang mga mata namin tapos nginitian niya ako
Bakit niya ba ginawa yun? Ibig sabihin ba ay hindi na siya galit sa akin? Ano ba tulaga Koya? Bakit ang hirap mo namang basahin?
"Kung pwede lang sana akong sumali, malamang ako pa ang manalo diyan," naririnig kong sabi ni Ligaya sa gilid ko. Nakita kong wala naman siyang kausap, dahil busy naman ang Nanay niya na tanging katabi niya sa seat niya. Obvious tuloy na may pinariringgan lang siya. "Naku, pasalamat talaga ang iba diyan na hindi ako kasali dahil kung nagkataon, baka umuwi lang kayong luhaan."
Nagkatinginan kami ni Larry dahil sa sinabi niya. Nagpipigil na ng tawa si Larry kaya nahawa tuloy ako. "Wag kang tatawa, Larry. Binabalaan kita. Matatawa rin kasi ako kapag matawa ka."
"Sorry," bulong niya ulit sa akin. "Ang taas kasi ng lipad ng babaeng yan, eh mukha naman siyang plato na nilagyan lang ng ngipin."
Hindi ko na kinaya. Natawa na talaga ako nang malakas dahil sa panlalait niya kay Ligaya. "Bweset ka, 'wag mo nga ako sabing patawanin eh!" Hindi ko talaga kaya. Plato na nilagyan ng ngipin? Ang tawa ko ay muntik pang makabulahaw sa ibang contestants kaya tinakpan ko na agad ang bibig ko. Baka kasi ito pa ang maging dahilan para ma-disqualify ako. Jusko naman, sayang ang cash prize na pwede kong makuha.
Narinig yata ni Ligaya na natawa ako kaya mas lalo lang siyang nagpalipad-hangin. "Sayang, bawal kasing sumali ang mga kamag-anak ng mga Baranggay officials. Pero kung kasali lang talaga ako, baka may bumalik na lang sa paggawa ng coconut oil." May mga natawa sa biro niya, pero nagpanting ang tenga ko roon dahil alam kong ako ang sinasabihan niya nun.
"Kalma, Sheina. Wag kang papatol at baka ma-disqualify ka," bulong pa rin sa akin ni Larry.
"Oo na. Pero humanda talaga 'yang babaeng yan sa akin."
Akala ko ay may sasabihin pa si Ligaya na pang-iinsulto sa akin, pero nagulat na lang kami ni Larry nang marinig namin siyang umiyak tapos nagtatakbo na siya palabas ng Baranggay Hall. At hindi lang yun, nakita rin naming parang nag-walk out na rin si Jeron dahil naglalakad na rin ito palabas ng building. Tapos nakita ko ring tumakbo rin si Raffy palabas na parang hinahabol naman si Jeron.
"Teka, saan sila pupunta?" tanong ko. "Bakit sila nagsisialisan?"
"Who cares? Baka nag-back out na sila sa contest," sagot naman ni Larry. "Mabuti nga iyan at baka na-realize nila na hindi sila bagay sa pageant na 'to," mayabang na dagdag pa nito. Sisinghalan ko nga sana siya dahil parang ang rude niya naman kina Jeron, eh 'di hamak namang mas may itsura sa kanya ang doktor na yun. Pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil magmumukha lang akong engot doon lalo pa at ang alam ni Larry ay galit ako kay Jeron. Kaya bakit ko naman siya ipagtatanggol kay Larry? Hindi ko naman siya obligasyong ipagtanggol kahit kanino.
Narinig naman naming tinawag na si Larry dahil turn na ng mga boys. "O, ikaw na. Punta ka na doon." Itinulak ko pa siya dahil hindi niya yata narinig ang pangalan niya.
"Cheer mo ako Sheina ha," sabi niya pa sabay kindat sa akin at kung pwede lang akong manapak ay ginawa ko na. Mananapak lang sana ako sa inis at sa asar dahil yun ang nararamdaman ko sa tuwing bumabanat sa akin o hinaharot ako ng pesteng 'to. Naisip ko nga, mali yata na nakipag-kaibigan ako sa lalaking 'to dahil ngayon, kumportable na siyang makipaglandian sa akin. Buti pa noong una ay natatakot siya sa akin. Ngayon talagang open na siya na gawin yun sa akin kahit may ibang tao. Tinukso tuloy kami ni Morrie na nasa tabi lang din namin.
"Uy, kayo ha... Magjowa na ba kayo?" Kinikilig-kilig pa yata itong si Morrie at parang mas masaya pa siya sa bagay na yan kaysa sa pagpasa niya rin sa screening.
"Hindi ah..."
"Hindi pa..."
Sabay pa talaga kaming sumagot ni Larry sa tanong ni Morrie, kaya sa inis ko ay initulak ko na papunta sa harap ng panel ang loko. Nag-i-issue pa kasi eh, kahit na hindi ko naman sinabing may chance siya sa akin. Mas lalo tuloy nagduda si Morrie. Bweset na Larry, 'to, hindi sana siya pumasa sa screening. Bakit nga ba nandito siya? Wala siyang sinabing sasali siya eh. Nagulat din ako na makita siya rito. Siguro pinilit na naman siya ng mga magulang niya.
And speaking of Larry, in fairness sa kanya, may alam din naman pala siya patungkol sa ganitong pageants. Maayos niya ring nasagot ang interview sa kanya, tapos okay rin naman ang lakad niya. May itsura rin naman kasi talaga siya. Siya 'yung masasabi mong legit na tall, dark, and handsome. Tapos bonus na rin na lean siya at maganda ang hubog ng katawan. Sa totoo lang ay maraming nagkakagusto sa kanya. Kaso kung hindi natu-turn off sa ugali niya, eh umaatras naman dahil vocal naman si Larry na ako nga ang gusto niya.
Ilang beses na nga ba kaming tinutukso ng mga tao dahil doon. Lalo na at kumalat din ang balitang magkasama kami sa Talisay. Ang sabi pa nga nina Claire ay bali-balitang nagdi-date na raw kami. May nakakita raw kasing nakaangkas ako sa motor niya tapos nakayapos pa raw ako sa kanya. Aba eh malamang, alangan namang hindi ako humawak sa kanya eh 'di nahulog na ako mula sa motor. Hay, kung bakit kasi napakaliit lang ng San Policarpio at talagang breaking news kapag may lalaki at babaeng magkasama?
"Go Kuya Larry!" Cheer ni Morrie sa kanya kaya nag-cheer na rin ako. Pero pumalakpak lang din ako, dahil ayokong mas isipin pa lalo ni Larry na gusto ko siya. Sakto namang pumasa rin siya kaya kahit na naiinis ako sa ugali niya minsan, legit din namang masaya ako for him. Iyon nga lang, mas kaunti ang mga lalaking nakapasa dahil nga hindi naman na bumalik sina Jeron at Raffy para sa screening nila. Ayon din sa nasagap kong chismis, nagkasagutan daw sila ni Ligaya. Hindi ko nga lang nalaman kung bakit, pero may kutob ako na may kinalaman ako doon.
Eh kasi naman, 'di ba, nagpaparinig sa akin si Ligaya nang bigla na lang siyang tumakbo palabas ng Baranggay Hall. Naisip ko tuloy kung napagsabihan din ba siya ni Jeron kaya siya umiiyak na nag-walk out palabas? Yun ba yun? O may ibang nangyari na hindi ko pa alam kung ano?
Pero hindi ko na pala kailangang mag-overthink sa bagay na iyon, dahil pagkauwi ko lang galing sa screening ay malalaman ko naman pala ang sagot. Nagpunta kasi sa bahay si Raffy at hinahanap ako. Nagulat pa nga ako, dahil hindi naman kami close para gawin yun. Nilabas ko siya na nakapambahay na ako dahil nangati ang katawan ko doon sa sinuot ko sa screening.
"O, ikaw pala," bungad ko sa kanya. "Ano'ng atin, Raffy? Hindi ka naman siguro nagpunta rito para magpagamot ano? Dahil hindi na ako nanggagagmot."
Parang nagulat pa siya doon sa sinabi ko. "Totoo pala ang mga narinig ko na tumigil ka na sa panggagamot. Dahil ba ito sa sinabi ni Jeron?"
Nakapameywang na ako habang kinakausap ko siya rito sa tapat ng bahay ko. "Aba, eh pagkatapos kumalat ng nangyari kay Aling Marcia, sa tingin mo ba may magpapagamot pa sa akin?"
"G-Ganun ba? I'm sorry to hear that, Sheina. Hindi naman sinasadya ni Jeron ang ginawa niya. Nadala lang siya sa nangyari. Hindi mo kasi naitatanong, namatayan siya noon ng pasyente noong intern pa lang siya dahil na rin sa kapabayaan ng mga kamag-anak ng pasyente. Binigyan ng alak iyong pasyente na bawal pang uminom, kaya ayun..."
Ako naman ang nagulat sa nalaman ko. So may dahilan naman pala kung bakit siya ganoon kagalit sa nangyari kay Aling Marcia. Pero kahit na, hindi niya pa rin sa dapat akin ibinunton ang sisi. "Raffy, wala na sa akin yun. Pero sana, sa susunod, mag-ingat naman siya sa sasabihin niya kamo. Aba, pinayuhan niya pa ang mga nagpapatingin sa akin na huwag nang bumalik sa akin? Eh 'di ba pananabotahe na yun? Kilala mo naman siguro kami ng Lola ko. Oo, hindi kami masyadong maalam sa medisina pero wala pang namamatay ng dahil sa ginagawa namin, ano. Ngayon lang naman naging big deal ang nangyari dahil sa sinabi niya."
Kumunot ang noo ni Raffy sa akin. "What do you mean? Wala namang sinabing ganyan si Jeron ah?"
"Ha? Pero yun ang kumakalat na chismis!"
Napakamot siya sa ulo niya at umiiling-iling pa. "Tsk, tsk, Shena. Sa tingin mo ba talaga sisiraan ka ni Jeron? Hindi mo pa ba nahahalata na may gusto yun sa 'yo?"
Gusto kong maubo para damang-dama ko sana iyong pagkagulat ko sa sinabi ni Raffy kahit na narinig ko na rin iyon sa kanya doon sa snackhouse. "Weh?" Yun na lang ang nasabi ko dahil watdapak? So legit nga iyon?
"Gusto ka niya. Torpe lang yun kaya hindi niya masabi sa 'yo nang direkta. Kaya hindi ka niya magagawang siraan. Nagalit lang din siya sa nangyari pero hindi ibig sabihin non na galit na siya sa 'yo. Professional si Jeron, Sheina. Kapag may mali sa trabaho niya, pupunahin niya talaga kahit na ikaw pa ang babaeng gusto niya."
Natawa na ako dahil ngayon palang ako nakarinig nang ganun. "Alam mo, tama na. Bakit mo ba ipinagpipilitan na gusto niya ako? Eh taliwas naman doon ang kinikilos niya."
"Taliwas? Paano mo naman nasabing taliwas? Sige nga, kung hindi ka niya gusto, bakit niya sinigawan si Ligaya noong iniinsulto ka niya doon sa screening kanina? At bakit siya nagseselos sa inyo ni Larry dahil panay kayo bulungan sa isa't-isa kanina kung wala siyang nararamdaman para sa iyo? Sige nga?"