Kabanata 12

2717 Words
SHEINA "Taliwas? Paano mo naman nasabing taliwas? Sige nga, kung hindi ka niya gusto, bakit niya sinigawan si Ligaya noong iniinsulto ka niya doon sa screening kanina? At bakit siya nagseselos sa inyo ni Larry dahil panay kayo bulungan sa isa't-isa kanina kung wala siyang nararamdaman para sa iyo? Sige nga?" Naloko na. Natameme na ako sa mga pinagsasabi nitong si Raffy. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko! O kung paano! At saka bakit naman ako binigla ng bweset na 'to? Sa tingin niya ba magkakaroon ako nang matinong sagot pagkatapos niya akong paulanan ng mga challenging questions? Pero 'di nga? Totoo kaya itong mga pinagsasabi ni Raffy? Talaga nga bang may gusto sa akin ang kaibigan niyang iyon? At nagselos siya kanina sa amin ni Larry kaya siya nag-walk out? Hindi ba yun dahil nabweset lang siya kay Ligaya as usual? "Ano? Wala kang masabi 'di ba? Kasi ikaw rin, alam mo na nagsasabi ako ng totoo," sabi pa sa akin ni Raffy. Nagsisilakihan pa ang mga butas ng ilong niya kaya gusto ko sana siyang sampalin para bumalik ang mga iyon sa tunay nilang size, pero dedma na lang dahil mas importante ang pinag-uusapan namin ngayon. "Teka lang ha," sabi ko kay Raffy tapos tiningnan ko ang paligid namin kung may mga chismosa bang mga buwitre na nakaabang at nakatingin sa amin ngayon. Nang makita ko namang safe, minuwestra ko na kay Raffy na pumasok siya at sundan niya ako sa loob ng bahay ko.  Tumalima naman siya, at sa totoo lang napaisip pa ako kung ito ba ang unang beses niyang makapasok sa aking tahanan. Hindi naman kasi talaga kami magkaibigan ng lalaking ito. Palagi na lang kasi kaming magkaribal sa bawat bagay noon, lalo na noong nag-aaral pa kami. Masasabi ko namang equally match kami pagdating sa academics, pero siyempre, dahil may kaya ang pamilya niya ay palaging mas mataas ang nakukuha niyang grades sa akin dahil na rin sa gumagastos talaga siya pagdating sa mga projects namin. Kaya naman nang ma-realize ko na wala kaming dalawa sa isang equal playing field, naging antagonistic na ako sa kanya. Aware naman ako na ako ang naunang hindi maging friendly sa kanya, at sumunod na lang siya. Hindi ko kasi kayang makipagplastikan sa kanya, at ganoon rin siya. Kaya hanggang ngayon ay hindi kami naging close, although kapag may get together ang batch namin ay nagpapansinan naman kami, kahit na civil lang. "Ikaw lang ang mag-isang nakatira rito, 'di ba? Hindi ka ba natatakot? Na baka pasukin ka rito ng kung sino?" bigla niyang tanong habang nililibot niya ng tingin ang buong bahay ko. Napangiwi siya nang makita niya ang shelf ko ng mga nakaboteng mga halamang gamot. Siguro ay nandiri siya o hindi sa kanya approve ang mga iyon. "Alam mo namang pakalat-kalat minsan ang mga NPA, 'di ba? Baka may masamang mangyari sa 'yo rito. Hindi pa yata matitibay ang locks ng pinto mo, o." Gusto ko na agad ibahin ang topic dahil peste talaga ang lalaking ito kahit kailan. "Nagpunta ka ba rito para umupa ng kwarto? Kasi hindi siya available ngayon," sarkastiko kong sabi. "So nagpapaupa ka?" inosente niya namang sagot na tanong na rin. Gusto ko tuloy siyang kutusan dahil ang slow niya lang. Naiintindihan ko na tuloy kung bakit sila magkaibigan ni Jeron. May pagkakapareho rin sila ng ugali kahit papano.  "Alam mo, Raffy, sabihin mo na lang ang gusto mo pang sabihin at 'wag na nating pakialaman pa ang bahay ko. Hindi ka naman niyan inaano. So sabihin mo na, nagsasabi ka ba ng totoo? May gusto sa akin 'yang doktor na kaibigan mo?" "Oo nga! Ilang beses ko pa bang uulitin yan sa 'yo?" singhal niya naman sa akin. "Aba, siyempre gusto ko lang makasiguro dahil baka mamaya ginogogyo mo lang ako. Aware ka naman yata na hindi tayo close?" "Eh bakit gusto mong makasiguro? Kasi gusto mo rin ang kaibigan ko?" Pinandilatan ko siya. "Hoy! Wala akong sinabing ganyan, ano?" "Naku, Sheina, 'wag ka nang mag-deny sa akin. Halata naman na may gusto ka rin kay Jeron." "Teka, paano mo naman nasabi yan, eh wala nga akong sinasabi na ganyan!" "Hindi mo nga dini-deny eh," sagot niya agad at muntik ko nang makagat ang dila ko dahil sa sinabi nitong si Raffy. "O, kita mo? Saka obvious naman talaga. Alam ng lahat dito sa atin na wala kang interes sa mga lalaki. Ang chismis pa nga sa 'yo ng iba ay baka tomboy ka. Pero magmula nang dumating dito si Jeron sa San Policarpio ay parang iba na ang mga kinikilos mo. Sinamahan mo pa siyang magbahay-bahay sa mga pasyente niya, kahit na alam mong pag-uusapan kayo ng mga tao rito dahil doon. Tapos himalang naging close ka rin bigla kay Larry at pumayag ka pang makipag-date sa kanya sa Talisay eh buong buhay mong pinangangalandakan na hindi mo siya type. Naisip ko tuloy na pinagseselos mo lang si Jeron para makaganti ka sa nangyari sa inyong dalawa---" "Hoy Raffy, teka lang ha? Kung makapagkwento ka naman ay parang nag-research ka talaga sa buhay ko. Excuse me lang 'no, hindi kami nag-date ni Larry. Nagkataon lang na siya ang kasama kong mag-apply sa job fair sa Talisay. Eh porke't nakita niyo lang kaming nagmeryenda doon eh nag-date na kami? Hindi ba pwedeng nagmeryenda kami as friends?" Pero imbes na maliwanagan ang bweset na ito ay nagtaas pa ito ng isang kilay sa akin. "At may nakahanda ka talagang palusot ano?" "Hindi naman kasi totoong nag-date kami ni Larry!" "Yes, dahil nga pinagseselos mo lang ang kaibigan ko---" "Titigil ka o uuwi kang kulang na ng isang ngipin, Raffy?" Nagtaas naman siya agad ng mga kamay niya na parang sumusuko na. "Woah, woah. Sorry na, 'wag mo akong gugulpihin. Alam kong malakas ka at tinototoo mo kapag nagbabanta ka. Di ba nga at may muntik nang malunod sa ilog dahil binastos ka?" Tumatawa pa siya nang sabihin yun kaya gusto ko na talaga siyang sapakin. "Ang lakas mo kasing mag-assume, eh hindi naman totoo ang mga pinagsasabi mo. Mabuti sana kung totoo," singhal ko saka ko na ipinaliwanag sa kanya kung bakit ako nandoon sa Talisay kasama si Larry. Nagulat naman siya sa nalaman niya. "So maga-abroad ka?" "Oo nga 'di ba? Kaya nga rin ako sumali sa Mr and Ms San Policarpio para kung sakaling manalo ako ay may pambayad na ako sa training ko. Hindi ako siraulo, Raffy, para gawin ang lahat ng ginawa ko para lang pagselosin ang isang tao. At saka hindi ko nga alam na may gusto sa akin 'yang si Jeron, so bakit ko naman in-assume na magseselos siya sa amin ni Larry? Eh ang akala ko nga ay galit siya sa akin dahil doon sa nangyari kay Aling Marcia." "Okay, fine. Naniniwala na ako sa 'yo na hindi mo nga sinadyang pagselosin siya. Pero nandoon na tayo eh. Nagselos pa rin siya. Kaya nga ako nandito, para alamin kung may gusto ka rin ba sa kanya." "At bakit ko naman sasabihin sa 'yo kung may gusto ako sa kaibigan mo o wala? At saka teka nga, 'di ba parang mali naman na sabihin mo sa akin na may feelings siya para sa akin? Di ba dapat hindi mo siya pinangungunahan?" Napakamot na sa ulo niya si Raffy, at natawa siya na para bang isang napakamabentang joke ang huling sinabi ko sa kanya. "Wala naman talaga akong balak na sabihin sa 'yo 'to. At saka papatayin ako noon kapag nalaman niyang sinabi ko sa 'yo na may gusto siya sa 'yo. Pero wala na rin akong choice. Kailangang may makialam na dahil parang wala naman siyang balak na umamin sa 'yo." "Eh baka kasi hindi naman talaga totoo na may gusto siya sa akin, Raffy. Baka nag-assume ka lang din naman---" "Sinabi niya sa akin na gusto ka niya. Hindi pa naman ako bingi para magkamali ako ng dinig doon sa sinabi niya, kaya nagsasabi ako sa 'yo ng totoo, Sheina." Natigilan na naman ako doon. So totoo nga. It's confirmed. Hindi na lang ito theory o haka-haka. Talagang bet ako ng lalaking yun. Bigla tuloy akong nagkaroon ng goosebumps sa katawan dahil sa sudden realization ko ngayon. Kung talaga ngang may gusto sa akin si Jeron, eh 'di tama ako ng hinala noon na kaya niya tinanong kung may boyfriend na ba ako ay dahil sa interested siya sa akin! At kung nagselos nga siya sa amin ni Larry, ibig sabihin lang noon ay heartbroken siya ngayon? Oh my God. Parang kailan lang ay iniisip ko na ano kaya kung maging kami, isang doktor at isang albularyo, ano kaya ang mangyayari sa amin kapag ganoon? Tapos ngayon ay naging reality na! Jusko naman nakakaloka! "Napaka-reserved na tao ni Jeron, Sheina, kaya hindi yun magsasabi sa 'yo kaagad ng nararamdaman niya. Napakamahiyain 'non, lalo na sa mga babae. Pero mula nang makilala ka niya ay medyo lumalabas na rin siya sa comfort zone niya. Biruin mo, inalok ka niyang samahan mo siya na maglibot sa mga tao rito sa 'tin? Kung kilala mo lang siya noong college days namin eh hindi ka maniniwalang nagawa niya yun ngayon." "Aba, eh paano naman siya makakapagtrabaho kung ganyan siya ka-introvert? Doktor si Jeron, kaya 'di ba dapat lang naman na mag-open up na siya sa mga tao?" Napakamot na naman siya sa ulo niya. Mukhang na-stressed na rin siya na lagi akong may sagot sa mga sinasabi niya kaya natawa ako doon. "Look, Sheina. All I'm saying is, at least kahit paunti-unti, nag-iiba na si Jeron. Hindi na siya iyong dati kong schoolmate na palagi lang nasa dorm niya at walang social life. Alam mo ba kung bakit mas pinili niya ritong ma-assign kaysa sa malalaking siyudad?" "O, bakit nga ba?" "Kasi mas kaunting tao raw sa isang lugar, mas less interaction. Ganoon ang mentality niya." "Ah. Eh 'di hindi nga siya mahilig sa tao." "Hindi siya mahilig sa crowd," pagtatama niya sa akin. "Magkaiba yun sa hindi mahilig sa tao. Pero ayun nga. He seems to be trying his hardest to be social now. Siguro kasi nakita niya na iyon lang ang way to get closer to you." Tumango ako doon. "Eh 'di good for him. Pero sa susunod ay 'wag niya naman akong sermunan, ano, lalo na at ang sakit ng mga sinabi niya. Aba, kung ganyan siya, ayoko naman ng ganoong klaseng jowa na kapag may nagawa akong mali eh parang nakapatay na ako ng tao kung magalit siya." Nakita kong napangisi doon si Raffy. "So you admit? Na gusto mo siyang maging jowa?" Nilapitan ko na talaga siya at hinampas ko siya ng isang tali ng sitaw na kinuha ko sa mesa ko at hinataw ko iyon sa braso niya. "Bweset ka talaga, Raffy! Wag mong iibahin ang usapan! Hindi ito tungkol sa akin, kung 'di tungkol ito doon sa torpe mong kaibigan! Dapat nga eh hindi ako ang kinakausap mo kung hindi 'yung kaibigan mo! Dapat bigyan mo yun ng tips kung papano umamin sa babae para hindi ikaw ang nagpupunta rito!" "Kaya nga," sagot niya naman na umiiwas sa mga paghataw ko sa kanya. "Gusto ko nga kasing tulungan kayong dalawa. Hindi naman totally takot umamin sa 'yo 'yung tao. It's just that, gusto niya muna na makilala ka pa nang mas maigi bago siya umamin. Getting to know you stage, kumbaga. Yun ang sabi niya sa akin ha. Pero dahil nga sa issue sa inyong dalawa, eh iniisip niyang galit ka na talaga sa kanya, and that he blew his only chance. Akala niya wala na siyang pag-asa sa 'yo." Hindi ko alam kung maaawa ba ako doon kay Jeron dahil ang bilis niya namang sumuko o kikiligin ako na ganoon pala ang nararamdaman niya. "Paano niya naman malalaman kung may chance siya sa akin o wala kung kaagad na siyang sumusuko? Aba, walang sundalong nananalo sa giyera na hindi muna sumusuong sa laban." "Exactly. At sa tingin mo ba sumuko na siya? Eh bakit siya nagpunta doon sa screening kanina? Para magpakitang gilas sa 'yo, of course." "Huh? Ano'ng ibig sabihin mo?" "Ano pa ba? Eh 'di kinumbinsi ko siyang sumali sa Mr and Ms San Policarpio para in case manood ka, eh makikita mo siya na confident at may ibubuga siya. Sa tingin mo gusto niya talagang sumali sa mga ganyan? Eh ayaw niya nga sa crowd, 'di ba?" "O eh bakit nga siya sumali kung ganoon?" "Sumali siya para ma-impress ka sa kanya. Ang sabi ko kasi sa kanya, kulang siya sa confidence. Baka kako makatulong kapag sumali siya sa pageant. At nagulat ako na umoo siya dahil kung hindi ito para sa 'yo, aba ay hindi niya naman gagawin yun." Ilang segundo muna akong hindi nakapagsalita dahil napaisip ako doon. Ano ba kasi ang ibig sabihin ni Raffy doon? Na sumali si Jeron sa pageant para sana magpakitang gilas sa akin? Gusto kong tumawa pero ang totoo niyan, bigla kong naisip na ang cute naman niya na ganoon ang iniisip niya! Bakit ba siya ganon? Bakit kahit ano'ng gawin niya ay parang napaka-cute? Yung totoo, may gayuma ba siyang ginamit sa akin? "Pero ayun nga. Nagselos siya sa inyong dalawa ni Larry kanina. Akala niya pa nga ay kayo na. At hindi mo naman siya masisi, talagang mukha kayong intimate ni Larry kanina." Nahiya naman ako doon. "Sorry naman. Eh sa siya lang naman ang close ko doon sa pageant kanina." "No need for apologies, Sheina. Pero nakakalungkot lang na dahil doon ay nag-back out na si Jeron sa pageant. Sumali na nga rin ako kahit ayoko, para lang may kasama siya. Kaso ayaw na niya dahil nga wala na raw saysay ang pagsali niya sa pageant kung kayo na nga ni Larry." "Aba, eh ang dali lang pala ng solusyon diyan sa dilemma niya. Eh 'di sabihin mo sa kanya na hindi naman kami ni Larry." "Sasabihin ko talaga yan sa kanya, Sheina. Pero may pakiusap din sana ako sa 'yo." Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ano naman yun?" "Tulungan mo naman akong kumbinsihin siya na sumali ulit sa pageant. May chance pa naman siyang makasali. Kinausap kasi ako ng anak ng sponsor ng pageant kani-kanila lang. Maganda raw kasi sana kung sasali si Jeron, dahil maraming makakaalam na may doktor na rito sa atin. Magandang promo ng lugar natin kumbaga. Agree rin si Kapitana doon at pinagalitan pa nga niya 'yung anak niya dahil siya ang sinisisi nila sa pag-back out ni Jeron. Kaya nag-decide sila na magbukas pa ng isang date para sa mga gusto pang sumali, pero actually ginawa lang nila yun para makasali pa si Jeron." Natawa ako nang bongga sa part na si Ligaya pa ang napagalitan. Pero tumikhim si Raffy kaya tumigil din ako agad sa pagtawa. "Nakikiusap ako sa 'yo, Sheina. Since hindi naman pala kayo ni Larry, baka pwedeng tulungan mo ako kay Jeron. Ayoko kasing umalis siya. Sa ngayon kasi parang nagbabalak na siyang tanggapin iyong offer sa kanya sa Manila at baka bumalik na siya doon." Bigla akong natigilan sa narinig ko kay Raffy. "Offer? Ano'ng offer?" Napabuntong-hininga ang kausap ko. "Ang totoo niyan, volunteer doctor lang dito si Jeron. Wala pa talaga siyang contract sa DOH kaya pwede siyang umalis dito kung gugustuhin niya. And last Sunday lang ay naka-recieve siya ng email mula sa isang kilalang ospital sa Manila. Magbubukas raw sila ng bagong ospital doon at kasali siya sa shortlist ng mga doktor na pinagpipilian as head ng isang department doon. Kaya nag-aalala ako na baka tanggapin niya na lang ang offer na yun gayong akala niya ay wala na siyang pag-asa sa 'yo." Nawindang ang katawang lupa ko doon. "Teka, bakit naman parang ayaw mo siyang ma-hire ng isang magandang ospital? Eh 'di ba dapat masaya ka pa para sa friend mo? Malaking achievement din yun ah!" "Masaya naman ako doon, pero yun ay kung gusto niya talaga ang offer na yun sa kanya. Eh kaso hindi naman yun ang gusto niya. The fact na hindi niya pa yun tinatanggap ay ibig sabihin lang noon na hindi siya ganoon kainteresado. Mas gusto niya pa rin dito. Kaya nga lang, kung sa tingin niya ay mas makabubuting umalis na lang siya dahil 'galit' ka sa kanya, eh baka nga umalis na lang siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD