CHAPTER 4

3429 Words
Chapter 4 Belle's Point of View "Are you free this coming Saturday?" Tanong ni Uno sa akin habang naka-hilig ako sa kaniyang balikat. Umangat naman ako ng tingin sa kaniya. "Hmm, why?" I asked. Iniisip ko kung free ba ako this coming Saturday. Wala na naman akong gagawin dahil na-finalize ko na ang upcoming collection ko. Everything's settled. Model na lang ang kulang at ang model na gusto ko ay hanggang ngayon ay hindi pa din pumapayag. Tsk. "Can you come with me on my photoshoot?" Saad niya habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri. Nasa condo ulit ako ni Uno at alam niyo na kung ano ang nangyari sa amin. Katatapos lang namin at kasalukuyan kaming nagpapahinga. And believe me when I say, I love to lay my head down on his chest. Ewan ko ba pero it makes me feel comfortable every time I lay down beside him. Iyong pagod ko na nawawala, hindi lang sa ginawa naming pakikipag-laro sa apoy, kung hindi nawawala ang buong pagod ko sa buong hapon na pagta-trabaho. And also, it's very satisfying to me to feel his heart beat. Ang sarap pakinggan ng t***k ng puso ni Uno. Kung papipiliin ako kung anong gusto ko, mas pipiliin kong manatili sa tabi ni Uno buong mag-hapon. I cannot explain what I truly feel but I feel happy and comfortable whenever I'm with him. Which I never felt for anyone. "Wait." Saad ko pagka-tapos ay umupo ako kipkip ang kumot sa aking dibdib. "Is that your photoshoot with Coachella?" Takang tanong ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya sa akin. Nahigit ko na lamang ang aking pag-hinga sa gulat. Why! Coachella is one of the most famous clothing lines not only here in the Philippines, but in the whole world. Pagmamay-ari ito ni Stormy Park, anak ng pinaka-sikat na mafia boss na si Mr. Rain Park at ang asawa nitong si Mrs. Louise Jadelyn Min. Sobrang iniidolo ko talaga si Ms. Stormy when it comes to fashion designing. Halos kasi ng inilalabas niyang collections ay talaga namang nagt-trending. Tinagurian pa ngang Queen of Fashion si Ms. Stormy dahil sa ganda ng mga designs nito, pati na rin sa pananamit nito. Sa pagkaka-alam ko pa nga ay sa murang edad ay naka-gawa na ng magagandang vintage dresses si Ms. Stormy gamit ang mga pinaglumaang damit ng kaniyang ina. At sa edad na 19 ay naitayo nito ang dream business nitong fashion clothing line which is the Coachella na talagang sumakit sa buong mundo. Magkasing-edad kami but she's really my idol. Oh my God! At ang swerte ni Uno dahil siya ang napiling maging model nito para sa Summer Collection na ire-realeased ng Coachella. "Yup." Sagot ni Uno at umupo din ito. "I know you idolized Stormy that's why I want you to come with me so that you can meet her." He said. Halos kuminang ang mga mata ko sa mga sinabi ni Uno. Mame-meet ko na si Ms. Stormy! Oh my God! "So, you wanna come?" Naka-ngiting tanong ni Uno sa akin. Unti-unti namang sumilay ang malaking ngiti sa aking labi kasabay ng sunod-sunod kong pag-tango. "Of course! Hindi ko palalagpasin ang once in a lifetime chance na ma-meet ko si Stormy Park!" I said, dreamingly. Mahinahong tumawa naman si Uno pagka-tapos ay hinawakan nito ang aking pisngi. "I'm sure she'll be happy to meet you." He said. Ngumiti naman ako. "How can you say so?" I asked. Kinikilig ako oh my God! Wala pa nga ang araw na mame-meet ko si Stormy pero ngayon pa lang kinikilig na talaga ako. My fan girl heart is shaking! "Trust me. Stormy will be very happy to meet you. She knows you, silly." Natatawang pahayag ni Uno sa akin. Nanglaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kilala ako ni Stormy? How come? "Weh? Paano niya ako nakilala?!" I asked, totally confused. Tinitigan naman ako ni Uno at ngumiti. "You're one of the most famous fashion icons in New York remember? And Stormy is actually one of your fans." He said, chuckling. Napa-nganga na lang ako sa sinabi ni Uno sa akin. I can't believe it! Miss Stormy is one of my fans?! Oh my God! I think I'm going to faint! Sinong mag-aakala na ang Queen of Fashion na si Stormy ay iniidolo ako? Like, hindi naman ako ganoon ka-sikat, lalo na dito sa Pilipinas dahil ang clothing line ko ay naka-base sa New York at doon ako mas nakilala kaysa dito. Pero si Miss Stormy na kilala sa buong mundo ay iniidolo ako. Sinong hindi magugulat 'di ba? Parang hihimatayin ako sa kilig sa mga nalalaman ko! "R-really?!" Hindi maka-paniwalang tanong ko kay Uno. Tumawa naman si Uno at marahan niyang pinisil ang pisngi ko. "Do I look like I'm joking? I'm friends with Stormy. Naka-sama ko siya sa isang photoshoot noon. I think that was my photoshoot with a clothing line too. It's a collaboration between that clothing line and Stormy's that's why she's there." He explained. Gusto ko namang sabunutan si Uno sa sinabi niya. Why didn't he tell me that he's friends with Stormy?! Edi sana matagal ko nang na-meet ang idol ko! This jackass! "Why didn't you tell me about this earlier?" I said, pouting. Marahan namang tumawa muli si Uno. Pagka-tapos ay nag-kibit-balikat ito. "I didn't know back then that you're idolizing Stormy. Lately mo lang sinabi sa akin 'di ba?" He said, as a matter fact. Well, he's right. Hindi ko sinabi sa kaniya noon ang tungkol sa pagkaka-idolo ko kay Stormy. Lately ko lang sinabi noong nalaman ko na may upcoming photoshoot siya with Coachella which will be happening this Saturday. Hindi na lang ako sumagot at nanatili na lang akong naka-nguso. Napa-igtad naman ako ng bigla akong hinalikan ni Uno pagka-tapos ay ngumiti ito sa akin ng nakaka-loko. "Stop pouting. It makes me want to kiss you." He said. I just rolled my eyeballs at him. Kiss stealer. "So, it's a date huh? You'll come with me this Saturday." He said. Tumango naman ako. "Super duper yes!" I answered gleefully. Tumango naman si Uno sa akin at ngumiti. "Okay. Then let's go for round 3." Saad niya at napa-maang na lang ako. Huh? Anong round 3 ang pinagsa-sabi ng lalaking ito? I was about to ask him when Uno suddenly got on top of me, pinning me to the bed. "Hoy ano 'to?!" Nahihintakutan na tanong ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin. "We'll do another round, babe." He said with his seductive voice. Napa-ikot naman ang mga mata ko. Oh God! Seriously?! Wala bang kapaguran ang lalaking ito? Eto pala ang ibig niyang sabihin sa round 3. Oh my God, Uno Trevor! "Hindi ka ba napapagod Uno Trevor Castillo?" Asik ko sa kaniya. Tumawa naman siya. Iyong tawa na nang-aakit. Tsk! Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. This jerk! "Na uh!" Iling niya pagka-tapos ay direkta niya akong tinitigan sa aking mga mata. And God! I can see his eyes burning with desires. "I will never get tired nor get enough of you, Belle Catastrophe." Saad ni Uno sa akin at napa-singhap na lang ako ng mapang-akit na idinampi ni Uno ang kaniyang labi sa sensitibong parte ng aking leeg. That's where my weakness lies! Alam na alam talaga ng lalaking ito kung paano ako pasukuin and goddamn it because I can't resist him. "Always remember that, babe." He whispered. His hot breath touched the sensitive part of my neck and that's it! I give in to his temptation again. ... Dahan-dahan at paika-ika akong nag-lakad papasok ng bahay. Yes, pa-ika-ika dahil ang sakit ng pagitan ng dalawang hita ko. Napaka-demonyo talaga sa kama ni Uno! Halos magiba 'yong kama kanina huhu. Buti nga't hindi ako napisat. Actually, pinipilit ako ni Uno na doon na lang mag-stay sa condo niya but I refused. Gusto kong umuwi dahil alam kong hahanapin ako ni Mommy, and of course ng kakambal kong over-protective. And I want to take a rest din. Alam kong kapag doon ako natulog ay hindi pahinga ang makukuha ko. Kilala ko si Uno, susulitin niya bawat oras na mag-kasama kaming dalawa hanggang sa parehas kaming sumuko sa pagod. "Where have you been?" Napa-talon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng kakambal ko. Paakyat na kasi ako ng hagdan nang bigla itong mag-salita. Akala ko'y walang tao sa sala dahil naka-patay na ang mga ilaw ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang itong nag-salita. "Oh my God Ciel! Can you please switch on the lights kung tatambay ka dito sa sala?!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko dahil sa gulat. Muntik na ako atakihin sa puso. Diyos ko po! Pwede naman kasi mag-bukas ng ilaw eh! Hindi ba siya nadidiliman? Tsaka anong ginagawa niya dito sa ganitong oras? It's already 12:30 at midnight. "Sorry, my bad." He said coldly then he switched on the lights. Nakita ko siya'ng naka-tayo malapit sa switch at may hawak na libro. Awtomatikong napa-arko ang kilay ko. Nagbabasa siya sa dilim? Is he still normal?! Sinong matino ang magba-basa sa dilim? "Are you reading? Ang dilim-dilim buti nakakapag-basa ka pa." Kunot-noong saad ko. Kumunot din naman ang noo ni Ciel sa sinabi ko. "What? I was about to get a glass of water when you came in. I'm reading a book inside my room, pighead. And no one's gonna read a book in complete darkness." He said, rolling his eyeballs at me. Napa-irap na lang din ako sa explanation ni Ciel sa akin. Aba malay ko ba! Bakit naman kasi hanggang sa pag-kuha ng tubig ay dala niya ang librong binabasa niya?! Hindi ba niya mabitawan ang librong iyan? Oh God! Ang sakit na nga ng parte na nasa pagitan ng mga hita ko, sumasakit pa pati ulo ko sa kakambal ko. Tsk. "Back to the topic, I'm asking you, where have you been?" Muling tanong ni Ciel sa akin. I composed myself before I answered him. "Overtime." Simpleng sagot ko. Overtime sa condo ni Uno. Lmao! "Overtime my ass! I came from your office and you are not there. Your secretary said you left early with Uno." He said, looking at me suspiciously. Oops! Huli pero hindi kulong. Pero siyempre hindi ako kakabahan. I'm Belle Catastrophe at sa tagal-tagal ko nang ginagawa ito ay alam ko na kung paano lusutan si Ciel. "Okay fine. I go bar hopping with Uno. Sorry for lying." Then I give him a peace sign. Umangat naman ang isang kilay nito sa akin. Alam niyo mas mataray pa talaga itong kakambal ko sa akin. Kaya hindi nagkaka-girlfiend kasi ang sungit-sungit! Napapa-isip tuloy ako kung paano nagka-sundo itong si Tatiana at Ciel eh. Of course, kinuwento na sa akin ni Tatiana ang lahat. Kung paano nagpanggap na boyfriend si Ciel kay Tatiana dahil may asungot daw na umaaligid-ligid sa best friend ko. Oh 'di ba? Sinong mag-aakala na gagawin ni Ciel ang bagay na 'yon? Etong kambal ko para-paraan din eh. "Okay ka na ba? I already answered your question. Can I go upstairs na ba? I'm already dead tired." Saad ko kay Ciel. Totoo naman. Pagod na ako. Gusto ko na humiga sa malambot kong kama. Hindi ko na hinintay pa si Ciel at tumuloy na ako sa pag-akyat. Ngunit nakaka-dalawang hakbang palang ako nang muli ko itong narinig mag-salita. "Then why are you walking like that?" Puna ni Ciel sa paika-ika kong lakad. Muli akong napa-tigil at palihim na napa-buntong-hininga na lamang. Kung hindi ko lang kapatid ang isa 'to, baka kanina ko pa ito nabulyawan. Daming tanong. Kaloka! "My feet hurt because of my shoes. See?" I answered as I pointed out my stiletto. "These were not the right shoes to wear when you go bar-hopping. Wala na akong time mag-palit kanina kaya I have no choice." I lied. Hindi naman muli nag-salita si Ciel. Naka-titig lang siya sa akin na tila ba sinusukat niya kung nagsa-sabi ba ako ng totoo o hindi. Whatever! Isipin na niya ang kung ano mang gusto niyang isipin basta paakyatin na niya ako dahil talaga namang pagod ako. "What's with you and Uno?" Tanong ni Ciel na talagang nagpa-tigil sa akin. For the first time, ngayon lang ako tinanong ni Ciel about sa amin ni Uno. Alam kong may hinala siya na si Uno ang madalas kong kasama gumimik. He knows that I'm friends with him. Magkakasama na kami simula pagka-bata kaya alam kong may alam siya. Pero sa tagal-tagal na ginagawa ko ito, ngayon lang talaga siya nag-tanong tungkol sa amin. Sa kung anong mayroon kami ni Uno. "Best friends. Why?" Walang kagatol-gatol na sagot ko. Ayokong ipahalata sa kaniya na nagsi-sinungaling ako. I know Ciel is good at reading people's actions and behaviors. But I'm good at hiding. Best friends with benefits. Iyan sana ang gusto kong isagot pero huwag na lang. That is only between me and Uno. That's our little secret. "Really?" Paghihinala niya. Tumingin naman ako kay Ciel and I gave him a smirk. "Yes. There's nothing going on between me and Uno. Baka nga kayo ni Tatiana ang may nililihim sa akin." I said and there it goes. I just caught my twin brother off-guard. Kita ko kung paano matigilan si Ciel sa sinabi ko. See how good I am at turning the tables. "Tss. There's nothing between us." Saad ni Ciel habang naka-baling ito ng tingin sa ibang direksyon. Napa-ngisi na lang ako. His action says otherwise. Ciel is good at observing but he's bad at lying. "Okay, sabi mo eh." I said, shrugging my shoulders. Tumingin naman si Ciel sa akin at gusto ko na lang matawa nang irapan niya ako. "You know what brother? Stop minding me. I'm all grown-up. In fact, you have to start minding your own business. Or should I say your own love life?" Pang-aasar ko. At halos matawa ako nang makita kong unti-unting namula ang pisngi ng kakambal ko. So, he's in love huh. Tignan natin kung kaya niyang paibigin ang kaibigan kong amazona. "Shut up, pighead." He hissed. Natawa na lamang ako sa reaction niya at napa-kibit balikat. "Whatever Ciel! I'm going to bed right now and don't ever stop me again by asking some interrogative questions." I said and before I totally go upstairs I just blow Ciel a goodnight kiss na hindi naman sinalo nito at inirapan lang ako. Attitude! Palibhasa na-caught off-guard ko siya. Serve him right by the way! Hihi. ... Dumating na ang araw na pinaka-hinihintay ko. Ang araw na makikita ko na ang babaeng tinitingala ko pag-dating sa fashion industry. Maaga akong gumising upang mag-ayos. I feel fresh. I feel enlightened. I feel delighted. I feel like this day is such a wonderful day. Talagang pinag-handaan ko ang araw na ito dahil nag-beauty rest talaga ako kagabi. Nag-skin care pa ako. Inayos ko din ang mga damit na gagamitin ko dahil ayokong mag-mukhang hindi kaaya-aya sa harapan ni Miss Stormy. Gusto ko mag-mukhang presentable. Minsan ko lang ma-meet ang isang Queen of Fashion at gusto ko maging memorable ang araw na ito. I'm done curling the edge of my hair when my phone rings. Tinignan ko ito and I saw Uno's name as the caller Id. Agad ko itong kinuha at sinagot. "Hello?" "Are you ready? I'm already here outside of your house." Agad naman akong sumilip sa bintana at nakita ko si Uno na prenteng naka-sandal sa hood ng kaniyang sasakyan. Naka-shades pa ito at naka-pamulsa habang ang isang kamay ay naka-hawak sa kaniyang cellphone. He looks dashing. Ang simple lang ng porma nito. A fitted plain black shirt and maong pants paired by brown ankle boots. Bumagay dito ang suot niyang shades at ang pagkaka-gulo ng kaniyang buhok. Ang simple pero ang lakas ng dating. Buti na lang at nasa exclusive village kami kung hindi ay pinagkaguluhan na ang isang ito. "Yeah. I'm coming down." Saad ko at pinasadahan ko ng huling tingin ang sarili ko sa life-sized mirror na nasa kwarto ko. Okay na ako. I look presentable as planned. I just wear a French vintage v-collar slim long sleeve short dress paired with black-heeled ankle boots. Hinayaan ko lang na naka-lugay ang mahaba kong buhok at kinulot ko na lamang ang dulo nito. Nag-suot din ako ng beret hat dahil bagay ito sa suot kong dress. Then a light nude make-up. I love my look and I hope that Stormy will like it too. Nang okay na ako ay kinuha ko na ang mini shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Ibinaba na din naman ni Uno ang tawag. Nasalubong ko pa si Mommy sa hagdan and I just gave her a peck on the cheek bago ako nag-tuloy sa pagbaba. Si Uno agad ang sumalubong sa akin pagka-labas ko ng gate. Hindi ko na dinala pa ang sasakyan ko dahil iisang sasakyan lang ang gagamitin namin ni Uno, which is 'yong sa kaniya. "You look pretty." Puna ni Uno sa akin pagka-lapit ko sa kaniya. Matamis naman akong ngumiti. "Araw-araw naman akong maganda but thanks for the compliment." Biro ko na ikinatawa naman ng bahagya ni Uno. "Silly." He said, chuckling. I just gave her a playful smile at pinag-buksan na niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. "Gwapo mo today." Saad ko kay Uno pagka-sakay niya. Tumingin naman si Uno sa akin at ngumisi. "I know right, babe." At ibinaba niya ang shades niya para lang kindatan ako. Napa-iling-iling na lang ako habang nangingiti. Kaya mag-kasundo kami dahil parehas kami ng ugali. We're both mahangin. Kidding! Binuhay na ni Uno ang makina ng sasakyan at kasabay noon ay ang pagka-buhay ng excitement sa akin. I'm really excited to meet Stormy. Honestly, hindi ako maka-tulog kagabi sa sobrang excited pero pinilit ko na lang. Ayoko mag-mukhang bangag sa first meet-up ko with the Queen of Fashion. "Excited?" Rinig kong tanong ni Uno habang abala ito sa pagmamaneho. Tumingin naman ako sa kaniya na may malapad na ngiti sa aking mga labi. "Super! I can't wait to meet her you know!" I said, full of excitement. Uno chuckled as he glanced at me. "I'm sure Stormy too." He said. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko sa kilig. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Halo-halo 'yong emosyon na nararamdaman ko. Andoon 'yong kilig, kaba, at tuwa, pero mas nangingibabaw 'yong excitement. Maniwala man kayo o sa hindi pero sa ilang beses akong um-attend ng mga fashion shows, ngayon ko pa lang talaga mame-meet si Stormy. Naka-ilang attend na ako sa mga runaway shows niya pero ngayon ko pa lang siya ma-me-meet personally. And I'm so so so so excited! "But anyway, bakit ka pumayag agad-agad na maging model ni Stormy sa ire-release niyang summer collection?" I asked. Nagtataka din kasi ako. Ang daming malalaking clothing line company ang pilit na kumukuha sa kaniya maging model pero ilan sa mga ito ang tinatanggihan niya dahil na rin sa tight ang schedule niya pero si Stormy, walang dalawang-isip na pumayag agad siya. Sa pagkaka-alam ko kasi base sa kwento ni Ate Andrea, personal daw na si Stormy ang kumausap kay Uno upang kuhain ito bilang model sa summer collections niya. Alangan pa nga si Ate Andrea dahil sunod-sunod ang photoshoots ni Uno that time pero nagulat na lang daw si Ate Andrea nang walang kagatol-gatol na sumang-ayon daw agad si Uno kay Stormy. "Because Stormy is a good friend of mine. And I want to do her a favor." He said, shrugging his shoulders. Napa-nguso naman ako. "I'm your best friend and yet you wouldn't agree to be my model on my upcoming collection!" Aniya ko. Tumawa naman si Uno at mabilis akong tinapunan ng tingin. "I will only agree when you release a collection that I am the inspiration for." He said. Napa-maang naman ako. Huh? Gusto niyang gawan ko siya ng sarili niyang collection? A collection that is inspired by him? "You're kidding, right?" Tanong ko kay Uno. "Am I?" Mabilis at siryoso niyang sagot sa akin. Napa-tigil naman ako. So, siryoso nga siya. Tsaka lang siya papayag na maging model ko kapag ginawan ko na siya ng collection na inspired by him. Gusto ko na lang matawa. This jerk! Wala siyang ideya na ang tinutukoy kong upcoming collection ko ay para sa kaniya talaga. It was inspired by him. That's why I want him to be the model because it is his personal collection. Oh my, Uno Trevor! What am I going to do with you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD