CHAPTER 5

3156 Words
Chapter 5 Belle's Point of View "We're here." Anunsiyo ni Uno pagka-tapos niyang i-park ang sasakyan sa parking lot ng isang malaking building. Hindi naman mapigilang tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba at excitement. Oh my God! We're finally here. Ilang minuto na lang at maaari ko nang makita at ma-meet si Miss Stormy. "Belle?" Untag sa akin ni Uno. Sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman ko ay hindi ko namalayang napapa-tulala ako. "Y-yes?" I asked, totally flabbergasted. Tinignan ko si Uno at laking pagta-taka ko nang bigla itong tumawa ng marahan. "You're so cute." Natatawang pahayag ni Uno sa pagitan ng kaniyang maliliit na pag-tawa. Napa-kunot noo naman ako. Napapaano ito? "What are you laughing at?" Takang tanong ko sa kaniya. Umiling-iling naman ito habang may maliit pa ding ngiti na naka-ukit sa kaniyang mga labi. "Nothing. It's just that you look adorable." He said with such amusement written all over his eyes. Napa-nguso naman ako. Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Natutuwa siya sa pagka-aligaga ko. Mukha lang akong kalmado outside pero sa totoo lang nagpa-panic na ako inside. Grabe yung t***k ng puso ko. Ang lakas. Parang lalabas na rib cage ko, at dahil iyon sa excitement na nararamdaman ko dahil finally, makikita at mame-meet ko na ang idol ko. "I'm damn nervous, Uno. Stop fooling around." I said while pouting. Uno chuckled then he cupped my cheeks, making me look him in the eye. "Don't be. There's nothing to get nervous about." He said, tucking some loose strands of my hair behind my ear. "Paano kung ang pangit ng maging first impression sa akin ni Stormy? Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung mapangitan siya sa outfit ko? I'm meeting the Queen of Fashion and I, at least, want to leave her a good impression on me." I said, completely overthinking what Miss Stormy may think when she meets me. Hindi ko mapigilan mag-overthink talaga. I've tried to calm down myself pero talagang ayaw kumalma ng sarili ko. Okay naman ako kanina habang nasa byahe kami pero ngayong andito na ako, hindi ko maiwasang mag-overthink. I really wanted to leave Miss Stormy a good impression of me dahil talaga idol ko siya. She's my inspiration on becoming a fashion designer. Siya ang naging inspirasyon ko para isakatuparan ko ang mga pangarap ko. I have loved fashion ever since I was a kid. Mom even told me that I learned sewing at the age of seven. Making dresses for my barbie dolls. Pero nang makilala ko si Miss Stormy, when I watched her first interview on TV, mas nangarap ako ng mataas. Mas nag-pursigi akong i-pursue ang fashion ko. That's why Belle's Couture has been built. And now that I'm meeting my inspiration, I want, at least, to look presentable. Uno even told me that Miss Stormy is a fan of mine, and that's one of the reasons kung bakit gusto ko maging presentable sa harap ni Miss Stormy. Dahil ayokong mabigo siya sa akin once she met me personally. Ugh! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ngayon lang ako nag-panic ng ganito. I've been panicking before, when I was in my college days and tumatakas ako para mag-bar hopping, but that was different from my situation now. Mas nakaka-panic pala ma-meet ang idol mo. "Ssh." Pagpapa-kalma ni Uno sa akin. Nanatili pa rin siyang naka-hawak sa magkabila kong pisngi habang direktang naka-tingin sa aking mga mata. "Belle, listen to me." Siryosong saad ni Uno sa akin. Hindi naman ako sumagot, bagkus ay hinintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin. "I know you want her, Stormy, to have a good impression of you. She's your idol, your inspiration for becoming a good fashion designer. But you don't have to worry about what will she thinks about you. Who cares about Stormy liking you or not, anyway, when I like you already." He said then winks at me. Napa-nguso naman ako na parang bata sa mga narinig ko sa kaniya. Akala ko naman siryoso 'yong sasabihin niya, hindi pala. Minsan gusto ko na lang tahiin ang bibig ng lalaking ito eh. Wala naman magandang lumalabas sa bibig niya. Magaling lang ang bibig niya sa ibang bagay. Like what, Belle? And here goes my dirty mind! Urg! "Uno!" I shriek. "Akala ko naman kung anong sasabihin mong maganda. You're not helping!" Asik ko sa kaniya na ikinatawa naman niya ng bahagya. "I'm just kidding!" He said, chuckling. "Haha funny!" Sarkastiko ko namang sagot sa kaniya. Napa-tawa na lamang siya at napa-iling. "But kidding aside. You don't have to worry about Stormy. I know she will like you, no, she will love you when she meets you. I know Stormy. She'll be very glad to meet you. Just be yourself, Belle, and enjoy this day." He said, giving me a peck on my cheek. Hindi ko naman mapigilang hindi mapa-ngiti sa ginawang iyon ni Uno. He really has his own way of lifting your spirit. And he never fails to lift mine. "Thanks, jerk. But do I look beautiful today?" I asked worriedly. Gusto ko maging maganda sa harap ni Miss Stormy! Tinitigan naman ako ni Uno mula ulo hanggang paa. Then he smiles at me afterwards. "You look lovely, Belle Catastrophe. And trust me, hindi lang ngayon, kung hindi araw-araw kang maganda." Aniya pagka-tapos ay banayad niyang hinaplos ang aking pisngi. "Maganda ka palagi, aking binibini." He said and it seems like the whole world fades when he flashes me his most beautiful smile. Napa-tulala na lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. It's a lowkey nakaka-kilig. Damn you, Uno! ... Pagka-tapos ng dramahan namin sa kotse ay bumaba na kami ni Uno at umakyat sa 27th floor. Doon kasi gaganapin ang photoshoot niya with Coachella. And trust me, habang nasa elevator kami ay halos lumuwa na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Pero buti na lang at kasama ko si Uno. Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin ako. Hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan andoon ang buong team ni Miss Stormy. Pag-pasok namin sa loob ay agad na binati si Uno ng buong team ni Miss Stormy. Sinalubong din kami ni Ate Andrea na agad akong dinamba ng yakap. "Belle! I missed you!" She said, hugging me tightly. Kung hindi niyo maitatanong eh si Ate Andrea ay ka-edad nila Mommy pero she's very childish, but when it comes to work ay napaka-professional naman nito. Asawa nito si Ate Andrea si Tito Levi, 'yong male best friend ni Tita Georgina. "I missed you too, Ate!" Natutuwa ko ding saad kay Ate Andrea. Matagal-tagal din kasi kaming hindi nag-kita dahil naging abala din kami parehas ni Uno sa kani-kaniya naming buhay. Minsan kasi ay sumasama-sama ako sa mga photoshoots ni Uno kapag free ako kaya naman naging ka-close ko din itong si Ate Andrea. "Ang tagal nating hindi nag-kita! Namiss kita ng sobrang bata ka. But anyway, ano nga palang ginagawa mo dito? Andito ka ba para samahan si Uno?" Tanong ni Ate Andrea pagka-tapos ay salitan niya kaming tinignan ni Uno. Kita ko pa kung paano bumaba ang tingin ni Ate Andrea sa magka-hugpong naming kamay ni Uno at pagka-tapos ay isang pang-asar na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Uyyy. HHWW 'yan? May pag-holding hands. Kayo na ba?" Nang-aasar na tanong ni Ate Andrea sa akin na agad ko namang ikinamula. Hindi na talaga ako nasanay kay Ate Andrea. Madalas talaga kami nitong asarin lalo na kapag nakikita niyang nagiging malambing kami sa isa't isa. Sa amin ni Uno walang malisya, pero sa nga tao sa paligid namin, mayroon. "Ate! Hindi noh!" Mahinang tanggi ko kay ate Andrea pagka-tapos ay tinignan ko si Uno na abala sa pag-dutdot sa kaniyang cellphone gamit ang libre niyang kamay. Hindi rin niya talaga binibitawan ang kamay ko. "Ay sus! O'siya sige hindi na. Sumbong kita kay Tita Georgina at mommy mo!" Pang-aasar muli nito sa akin. Agad ko namang pinandilatan ng mata ito habang ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Of course, walang alam sila mommy at Tita Georgina sa set-up namin ni Uno, miski ang buong pamilya ko walang ka-alam-alam. Siyempre kapag nalaman nila edi parehas kaming lagot ni Uno. Dirty little secret nga namin ito eh. Hindi na nga dirty kasi alam niyo na. Tsk. "Stormy's already here. She's heading towards us." Bulong ni Uno sa akin and the moment I heard that, bumalik ang kaba at excitement na nararamdaman ko. "Uno, you're here!" Isang babaeng balingkinitan ang lumapit sa amin. Matangkad ito, kayumanggi ang kulay, at hanggang bewang ang itim na itim nitong buhok. "Hey." Bati ni Uno at nakipag-beso siya sa babaeng sinalubong siya ng yakap. Nag-hiwalay sila at nag-kamustahan. Mukhang hindi ako nito napansin. "Hmm anyway, Stormy I would like you to meet someone dear to me." Saad ni Uno at nagulat na lamang ako nang bigla akong hilahin ng marahan ni Uno palapit sa kaniya. "Oh, who's she? Is she your girlfriend?" Stormy asked while giving him a teasing smile. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pamumula ng mukha ko. Dahil ba sa kaharap ko na ngayon si Stormy, or dahil sa tinawag niya akong girlfriend ni Uno? Damn. Compose yourself, Belle! Inhale, exhale! "Not yet, but soon." Pag-sakay naman ni Uno sa biro ni Stormy. And believe me, halos mag-kulay kamatis na ako sa sinabing iyon ni Uno. Tinignan ko pa ito na hindi maka-paniwala ngunit isang ngiti at kindat lamang ang binigay nito sa akin. Si Ate Andrea naman ay humahagikhik sa isang gilid. Aish! "Oh! I'm looking forward to that. But anyway, she looks familiar!" Tinitigan akong maigi ni Stormy and God!!! She's so damn beautiful! Ang ganda-ganda ni Stormy sa personal. Andoon pa din ang pagka-koreana niya pero mas nangingibabaw ang dugong Filipino sa itsura niya. Sa pagkaka-alam ko kasi ay half korean ang parents niya so, siguro one-fourth na lang ang korean blood na mayroon siya. Chariz! Hindi ko alam. "Oh wait! I finally remembered! You are Belle Catastrophe Middleton! One of the famous fashion designers in New York. Ikaw ang may-ari ng Belle Couture!" Tuwang-tuwang pahayag niya sa akin. Her eyes are glowing in excitement and amusement. Para siyang nanalo sa lotto ng matandaan niya ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ako dapat 'yong ganiyan pero bakit parang siya pa 'yong excited na ma-meet ako! Huhu ano na Belle! Galaw-galaw! Sayang ang chance! "And you are Stormy Park, the Queen of Fashion and the owner of Coachella." At hindi ko na napigilan pa at sumabog na ang tuwang nararamdaman ko. Oh my God! Nasa harapan ko na ang idol ko! "I'm your biggest fan po!" I said, and out of consciousness ay bigla ko na lamang hinawakan ang dalawang kamay ni Stormy, na ikinagulat naman ng huli. "Super fan niyo po ako, as in! Like you are my inspiration for becoming a fashion designer." I said. Para akong maiiyak sa tuwa. This is a dream come true. Wala pa kasi ako wisyo kanina no'ng lumapit siya sa amin. Naka-tulala lang ako and all. Who wouldn't right? Kung ganito ba naman kaganda ang lalapit sa inyo eh, sinong hindi matutulala? Nakaka-starstruck 'yong ganda ni Stormy as in. "Me too! I've been your fan ever since you came into the industry. I'm always watching your tv interviews and mini-vlogs you know!" She said, giggling. Kinilig naman ako sa sinabi niya. Nagawa din kasi ako dati ng mga mini-vlogs. It's just about my day-to-day life and more about my love in fashion. Huminto lang ako dahil I need to focus on my upcoming collection. "Oh my God! Thank you. It's my pleasure to meet you!" I said, shaking in excitement. Iyong tuwa ko hindi ko na maitago. Ngiting-ngiti ako na pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko. "Trust me, Belle. The pleasure's all mine." Stormy said then she pulled me into a hug. Ngumiti naman ako at niyakap din si Stormy pabalik. Tumingin ako kay Uno na nasa gilid ko lang and I saw him smiling at me, so, I smiled back at him. Thanks to this handsome jerk, I've finally met my idol. After ng ilang minuto naming pagke-kwentuhan ay tinawag na sila Stormy at Uno ng isa sa mga staff para sabihing pwede na sila mag-start. Inaayos pa kasi ang lahat kanina pag-dating namin at wala pa din 'yung magme-make-up kay Uno dahil napa-aga kami ng dating. "Wait here okay? If you need anything, just tell Ate Andrea. I'll make this fast so we can have a date later." Saad ni Uno sa akin. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Date my ass. Sige na. I'll wait here. Good luck and break a leg, jackass." Asik ko sa kaniya. Ngunit nangunot na lamang ang noo ko nang hindi umalis si Uno sa tabi ko. Naka-titig lang ito sa akin na tila ba may hinihintay. "What?" I asked, raising my eyebrow to him. "Where's my good luck kiss?" He said. Halos mapa-ubo naman ako sa sinabi ni Uno. Ano daw? Good luck kiss?! Nahihibang ba itong lalaking 'to? "What are you saying?! Umalis ka na nga, hinihintay ka na ng mga staff oh!" Pagpapa-alis ko dito. Ngunit matigas ang loko at hindi pa rin umaalis. Sinilip ko ang mga staff at kita kong hinihintay nila si Uno. Naka-tingin sila sa amin, ganoon din si Stormy at Ate Andrea. "Hindi ako aalis hangga't walang good luck kiss." He said, pouting his lips like a kid. Gusto kong tampalin ang noo ko sa konsumisyon! Anak ng! Anong espiritu ang sumapi sa isang ito at nagkaka-ganito? Sinilip ko muli ang mga staff at naka-abang pa din sila sa amin. Bumalik ang tingin ko kay Uno at naka-pout pa din ito sa akin. Aish! I don't know what to do! Bakit kasi may pa-goodluck kiss pang nalalaman ang isang 'to eh?! Hindi naman kami mag-couple! "Aish! Tagal mo. Ako na nga ang kukuha." At napa-igtad na lamang ako ng biglaang halikan ako ni Uno sa aking pisngi. Mabilis lang iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang pag-lapat ng malambot nitong labi sa akin. "Now I got my lucky charm. Ciao!" And before I could even react, ay mabilis nang lumakad si Uno palayo sa akin. He walks like nothing happened habang ako ay pulang-pula dito sa sofa na kinauupuan ko! Jeez! How could he?! Sinalubong naman siya ni Stormy at mabilis pa sa alas-kwatro na kumunot ang noo ko nang makita ko itong kumapit sa braso ni Uno. Pagka-tapos ay sabay silang pumasok sa dressing room. What's with that gesture? Kailangan ba talaga may pag-kapit sa braso? Urg! Naipilig ko ang aking ulo. Baka sobrang close lang sila ni Stormy kaya ganoon. Kinuha ko na lamang ang phone ko at nag-check ng emails. Then after that, I busied myself watching my favorite bl (boy's love) drama. Ilang minuto ang naka-lipas at lumabas na sila Stormy at Uno sa dressing room. Naka-bihis na ng pang-summer collection ng Coachella si Uno. Hindi ko mapigilang i-admire naman ang kagwapuhan ng huli. Ang gwapo-gwapo ni Uno sa suot nitong linen long-sleeved polo, tailored swim shorts, and leather sandals. Naka-bukas hanggang pangatlong butones ang polo nito kaya naman kita ang kaniyang dibdib. Naka-suot din ito ng shades at naka-ayos ang buhok paitaas. He's giving a beach to bar vibes. Nag-simula nang pwumesto si Uno sa harap ng camera at sa likod nito ay isang malaking green screen. Ngunit nangunot na naman ang noo ko nang biglang lumapit si Stormy upang ayusin ang bahagyang nagulo na buhok ni Uno dahil sa pag-tama ng electric fan dito. Inayos din nito ang collar ng linen polo ni Uno. At ang mas lalong kinakunot ng noo ko ay ang pag-dampi ng index finger nito sa dibdib ni Uno. Hindi ko alam kung sinasadya ba 'yon ni Stormy o hindi. Pero bakit may pag-gano'n? Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng inis. No one is allowed to touch Uno like that. Damn it. Pagka-tapos ng eksena ni Stormy ay nag-simula na ang photoshoot. Nag-focus na lang ako sa panonood kaysa mainis ako ng husto. Uno is doing a very great job. Ang galing niya umanggulo. Alam niya kung saang aanggulo para maipakita ang kagwapuhan niya and at the same time ang kagandahan ng suot niyang damit. Halos walang naging problema ang photographer kay Uno. Lahat kasi ng pose na gusto ng photographer ay nakuha ni Uno. Kuhang-kuha din niya ang kiliti ng mga kababaihang staff na nanonood sa photoshoot niya. Who wouldn't? There's a demi-god in front of us all. Maski ako ay namamangha. Natapos ang unang take para sa unang outfit at nag-break muna dahil muling aayusan si Uno para sa pangalawang outfit. Iaabot ko na sana ang tubig na dala ko dahil alam kong nauuhaw si Uno nang maunahan ako ni Stormy. She gave him bottled water and a face towel. Medyo nagkaroon kasi ng basaan sa set dahil sa water gun na props para sa photoshoot. Ininom iyon ni Uno at nagulat ako ng biglang punasan ni Stormy ang bahagyang basang mukha ni Uno habang ito'y umiinom. What's with Stormy's action towards Uno? Is that even necessary? Siya ang owner right? Pero bakit parang personal assistant siya ni Uno kung umasta? Dinaig niya pa si Ate Andrea na manager nito. Natapos uminom si Uno at ganoon din si Stormy sa pagpupunas dito. Tumingin si Uno sa akin at ngumiti. Ako naman ay nanatiling blangko ang expression. I don't know pero naiinis talaga ako. I don't like the way Stormy acted toward Uno. She's acting like she's Uno's girlfriend. Akmang pupuntahan ako ni Uno dahil nilagpasan na niya si Stormy ngunit nainis na lamang ako ng tuluyan nang makita kong hinawakan nito ang braso ni Uno upang pigilan. May sinabi ito kay Uno dahilan upang hindi na tumuloy si Uno sa pag-lapit sa akin. Ngumiti lang muli si Uno sa akin at pagka-tapos ay tumalikod na ito at nag-lakad papasok ng dressing room habang nakaka-kapit muli si Stormy sa kaniyang braso. Padabog ko na lamang na naipatong sa coffee table ang tubig na hawak ko. Nag-likha ito ng malakas na tunog dahilan upang mapa-tingin ang lahat sa gawi ko. But I don't give a single damn about them. Naiinis ako. I was supposed to be happy today. But here I am, getting frustrated about Stormy's actions toward Uno. I don't know why. I really don't know why, but I hate the way she acts around Uno. She's being clingy as f**k towards him and I don't like it. Wala na akong pake if she's Stormy, the Queen of Fashion, my idol. It is Uno we're talking about and damn, ibang usapan na 'yon. I'm possessive of what's mine. And Uno Trevor Castillo is mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD