CHAPTER 6

2899 Words
Chapter 6 Belle's Point of View Ilang araw na ang nakaka-lipas simula nang ma-meet ko si Stormy. So far, not so good. Badtrip na badtrip ako that day. As in during the whole photoshoot of Uno, naka-busangot ako. Paano ba naman kasi? Hindi ako maka-lapit kay Uno sa break time niya. Laging sumusulpot out of nowhere si Stormy. Bringing Uno bottled water, face towel, some snacks, etc. Dinaig niya si Ate Andrea sa pag-aasikaso kay Uno. She's acting like a total personal assistant of him. Hindi ko alam kung ganoon ba si Stormy sa mga models niya. Ganoon ba talaga siya ka-generous? Ganoon ba talaga siya kaalaga sa mga models niya? Or kay Uno lang siya ganoon? Damn. Kung maka-lingkis pa sa braso ni Uno akala mo ahas. Urg! Sa tuwing naalala ko 'yon, naiinis ako. Buong araw talaga ako badtrip n'on. To the point na nag-pahatid na lang ako kay Uno pauwi because I am in no mood to have a date with him anymore. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba asar na asar ako no'ng araw na 'yon. Tsk. Dati tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko ang mukha ni Stormy sa mga posters or sa TV. Pero ngayon marinig ko lang 'yong pangalan niya, naiirita na agad ako. Andito ako ngayon sa bahay dahil rest day ko. Tinatamad din akong pumasok sa office dahil wala naman akong gagawin doon. Everything's settled na kasi about my upcoming collection. The designs and all are already finalized. Nasa manufacturing phase na kami which is hinahandled na ng staffs ko. Actually, excited na ako sa upcoming collection ko lalo na it was inspired by Uno. Ano kayang magiging reaction niya when I launched it? Can't wait to see his reaction. Siya pa din ang kukuhain kong model. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko siya napapayag. I will not stop until I get what I want. At 'yon ay ang mapapayag ang isang Uno Trevor Castillo na maging model ko for his own collection! Anyway, andito ako ngayon sa bahay kasi sabi ng best friend kong si Tatiana ay pupunta siya ngayon dito. Sakto namang rest day namin parehas. Tagal din namin hindi nakapag-usap. One week din ang naka-lipas simula no'ng mag-meet kami sa coffee shop kung saan in-intriga ko siya about kay Ciel. How's their relationship going so far? I hope it's going better because I really want Tatiana to be my sister-in-law. I mean, hindi naman sa namimili ko ang namamahalin ng kapatid ko, if their relationship doesn't work, wala naman akong magagawa doon. Kung magmamahal ng iba si Ciel, labas na ako doon. Pero kasi, alam niyo 'yong pakiramdam na ang perfect together ng kakambal ko at si Tatiana. Wala akong nakikitang ibang babae na perfect para sa kapatid ko kung hindi 'yong best friend ko. Pero ano man ang maging kahinatnan nilang dalawa, support lang ako. Labas na ako sa kanilang dalawa. Whether they are meant to be together or not. "Hi Tati!" Bati ko kay Tatiana pag-pasok nito sa kwarto ko. Pina-sundo ko na lang siya kay Manang sa ibaba dahil nagbi-bihis ako nang dumating si Tatiana. "Hey." Tipid na bati nito sa akin pagka-tapos ay dumiretso ito ng upo sa kama ko. Nangunot naman ang noo ko. Anyare sa best friend ko? She looks exhausted. "You look weird Tatiana." Puna ko kay Tatiana pagka-tapos kong buhayin ang TV para makapanood kami ng Netflix. Eto kasi ang kadalasang bonding namin when we're in each other's house. Netflix and chill! "Why?" Takang tanong ni Tatiana sa akin. Humarao naman ako sa kaniya and I eyed her. Giving her an observation. "You look pale. Are you sick?" I asked. Halata kasi ang pagka-putla ni Tatiana. Dry din ang lips niya at nangangalumata din siya. Pero umiling lang ito sa akin. "No. I just feel nauseuos lately." She answered. Napa-maang naman ako. "Eh? Baka na-food poison ka." I said worriedly. Umiling naman si Tatiana. "Nope. Hindi ako masyado nagkakakain lately." She answered. Napa-isip naman ako. So, anong posibleng dahilan kung bakit feeling nauseous itong kaibigan ko. "Ulcer? Baka ulcer kasi you said that hindi ka masyadong nag-e-eat lately eh." Saad ko naman. Umiling naman ulit ito sa akin. Ay ano ba 'yan. Walang tinama man lang sa kahit anong sinagot ko. "Also, no." Sagot ni Tatiana muli sa akin. Frustrated na tinitignan ko naman ito. "Eh ano? Motion sickness? Stress?" Panghu-hula ko. My God! Ginawa pa akong manghuhula ng kaibigan ko. Kaloka. "Maybe stress." Sagot na lamang niya sa'kin. Tinitigan ko naman siyang mabuti. She looks stressed tho. Pero hindi kaya may iba pang dahilan? Alam ko namang busy si Tatiana sa Cafellaté these past few weeks. Halata naman ang pagod sa mga mata nito. But I think hindi lang dahil sa stress itong nararamdaman niya. Hmm. "Magpa-consult ka kaya sa family doctor niyo para maagapan." Suhestiyon ko. Baka kasi mamaya mauwi sa overfatigue itong si best friend. Tsk. Maigi na 'yong magpa-consult siya 'di ba? And most importantly, mag-pahinga siya. Take enough rest. "No need, Belle. I'm fine. Thank you." She said, giving me a light smile. Tinitigan ko siyang maigi. Sabi na nga ba't iyan ang isasagot niya sa akin. "Siguraduhin mo lang, Tatiana." Paniniguro ko na ikinatawa naman ni Tatiana. Minsan overprotective ako kay Tatiana. Especially, when it comes to her health. May pagka-sakitin kaya ito no'ng mga bata kami. And I know her, she will surely work her ass off hanggang sa mismong katawan na niya ang sumuko sa kaniya. "100% sure Belle Catastrophe." She said, chuckling. Napa-iling na lang ako. Ang kulit talaga nitong best friend ko. Kapag sinabi niya, sinabi niya. Tsk. "Anyway, I prepared something delicious for you! Alam ko kasing dadating ka kaya naghanda ako. Wait I'll just get it to the kitchen." Saad ko nang maalala ko ang inihanda kong Kare-Kare. Yup! Nag-luto ako for today dahil alam kong dadating si Tatiana. I mean, minsanan na lang bumisita dito ang best friend ko and I want to cook something for her. Tamang-tama nga dahil hindi pala nagkakakain these days itong babaitang ito. Kaya ngayon dapat magpaka-busog siya. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kakatukin ko pa sana ang kwarto ni Ciel para sabihing may hinanda akong Kare-Kare which is favorite niya pero naalala kong nasa Cebu nga pala ito because of business trip. I just shrugged my shoulders at dumiretso na ako ng baba papuntang kusina. Tinulungan ako ni manang mag-handa. Inilagay ko lang ang mga plato, kutsara, at baso na gagamitin namin sa isang food tray, ganoon din ang bowl na may lamang Kare-Kare. "Thanks manang!" I said pagka-tapos ako nitong tulungan. Sinabihan ko na din si manang na kumain na rin. After that ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Sana magustuhan ni Tati ang luto ko. Ngayon pa lang, inaamin ko na, I'm not good at cooking. Minsan pa nga mas masarap pa mag-luto si Uno kaysa sa akin. Marunong ako pero hindi ako ganoon ka-expert. "Here it is!! Sana magustuhan mo! I cooked you're favorite Kare-Kare for our lunch!" Tuwang tuwang anunsiyo ko pag-pasok ko sa loob ng kwarto. Nadatnan ko si Tatiana na prente pa ding naka-indian seat sa kama habang nanonood ng Netflix. I placed the tray on a bed tray at akmang magsa-salita sana ako nang biglang tumayo si Tatiana at dali-daling tumakbo papasok ng aking banyo. Sa gulat ko ay hindi agad ako naka-galaw. Nakatulala lang ako sa pinto ng banyo na ngayon ay naka-sarado na habang rinig ko ang pag-duwal ni Tatiana. Wait. What happened? Naipilig ko ang aking ulo at daglian kong pinuntahan si Tatiana. Buti na lamang at hindi niya nai-lock ang pinto. "Tatiana are you ok?!" Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang kanyang likuran. Hindi sumasagot si Tatiana, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag-duwal. Ako naman ay patuloy lamang na inalalayan siya hanggang sa makaraos ito. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay Tatiana. Why is she acting like this? "Panis na ata yung kare-kare mo, Belle." Saad ni Tatiana sa akin pagka-tapos niyang mag-hilamos at mag-mumog. Napamaang naman ako. "Huh? Panong panis eh kakaluto ko lang no'n." Sagot ko rito. Kumunot ang noo ko at inalala ko ang amoy ng Kare-Kare na niluto ko. Hindi naman ito amoy panis. Hindi rin naman ito lasang panis no'ng tikman ko. Atsaka kung amoy panis ito, dapat kanina pa lang sa kusina ay amoy ko na agad ito, pero hindi naman eh. "Are you sure? Baka mali 'yong way ng pagkakaluto mo." Anito muli. Lumabas na kami ng banyo at muling bumalik sa pagkakaupo sa kama. Agad ko namang inamoy ang Kare-Kare na niluto ko. "Hindi naman mabaho eh." Saad ko. Kumuha ako ng kutsara at tinikman din iyon. "Hindi rin lasang panis." Saad ko. Nagtataka na talaga ako. Hindi na umimik pa si Tatiana. Nakakapag-taka na talaga itong inaasta ni Tatiana. Imposible namang dahil pa rin sa stress kung bakit iba ang pang-amoy niya sa pang-amoy ko. Kung panis naman kasi ang niluto ko, hindi lang dapat siya ang makaka-amoy kung hindi pati na rin si manang na katulong ko kanina sa paghahanda. Inalala ko ang sinabi ni Tatiana na hindi siya nagkakakain nitong mga nakaraang araw. Pati na rin ang sinabi niyang she feels nauseous these days and ang pagsu-suka niya kanina. Something's wrong with her. Hindi lang ito dahil sa stress. Hindi kaya... "Tatiana." Siryosong tawag ko kay Tatiana na naka-ngiwi at halatang bahong-baho sa Kare-Kare na nasa harapan namin. "What?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Tinitigan ko siya ng maigi at siryoso. Inobserbahan ko siya mula ulo hanggang sa makarating ako sa kaniyang tiyan. Tinitigan ko iyon ng maigi and I think tama ang hinala ko. I can feel it. "Are you pregnant?" Siryosong tanong ko kay Tatiana na halatang nagpa-gulat dito. ... Pagka-tapos ng ilang oras naming pag-uusap ni Tatiana ay napag-pasyahan na nitong umuwi. 7pm na rin naman kasi ng gabi at baka hinahanap na rin siya ng mga kuya niya. Knowing her three brothers, kagaya sila ni Ciel na sobrang protective sa amin ni Tatiana. Pero naiintindihan ko naman sila dahil only girl talaga si Tatiana sa pamilya nila. Her mother, aunties, and her grandmothers are an exception okay. Pagka-hatid ko kay Tatiana ay pumasok na ulit ako at umakyat sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga at tumitig sa ceiling. Nakaka-pagod at nakakaloka ang araw na ito. I mean, sino ba namang hindi maloloka sa revelation today. Hindi ako maka-paniwala. Ramdam ko naman na may something between Ciel and Tatiana pero hindi ko alam na ganoon na pala ang nangyayari sa kanila and today, we found out the biggest plot twist of this year for the two of them. Hindi lang sa kanila, kung hindi sa buong pamilya namin. Parang napaka-bilis naman ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. I mean, masaya ako because I know, sigurado na akong magiging sister-in-law ko na ang best friend ko. Oo, desisyon ako. But kidding aside, I know Ciel, kapag nalaman niya ang situation ni Tatiana ngayon, he will never let her go. Sa ayaw man o ni Tatiana. Ciel is a man of his words and actions. He's a very responsible man. Hindi gagawa si Ciel ng isang hakbang kung alam naman niya ang magiging resulta at wala siyang balak panindigan. Kaya alam ko na ngayon pa lang. Ciel will do everything just to keep Tatiana beside him. Humanda lang ang best friend ko dahil talagang hindi na siya papakawalan ng kakambal ko. Lalo na ngayon na... Basta! Basahin niyo na lang ang kwento nila. Napa-hinga na lamang ako ng malalim. What if ganoon din ang mangyari sa amin ni Uno? Hindi ko maimagine dahil hindi pa ako handa. Alam ko kung ano itong pinasok namin ni Uno. Alam ko rin ang posibleng maging resulta pero hindi pa talaga ako handa sa ganoong responsibilidad. I'm still a mess myself. Sarili ko nga hindi ko magawang maayos eh, magkaroon pa kaya ng responsibilidad? Aish! This is my toxic trait. Puro pasarap lang ang alam ko, pero ayoko ng responsibilidad. And besides, I have my career ahead of me. Ano na lang sasabihin sa akin ng mga tao, lalo na sa pamilya ko, kung mabubuntis ako ng biglaan 'di ba? I can put up with the shame, ayoko lang malagay sa kahihiyan ang pamilya ko. Kaya huwag kayong gagaya sa akin. You can enjoy life, and do everything you want to, but beware of the consequences okay? Ang lakas ko mag-advice pero hindi ko naman ma-apply sa sarili ko. Hays Belle Catastrophe! Kailan ka ba titino? Nagpa-gulong-gulong na lamang ako sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Dahil sa revelation ni Tatiana, pati tuloy ako napa-overthink. Ipinikit ko ang aking mga mata habang patuloy ako sa pag-gulong-gulong sa aking kama. Malaki naman 'yong kama ko kaya keri lang. Ilang minuto din akong ganoon hanggang sa marinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya napa-tigil ako. Umayos ako ng upo at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Uno. Ano naman kaya ang kailangan ng isang 'to at napa-tawag? "Yes?" Bungad ko kay Uno pagka-sagot ko ng kaniyang tawag. "Hello beautiful. Are you free tonight?" Tanong nito sa akin. Napa-ayos naman ako ng upo. "Hmm, yeah. Why?" I said. Mukhang mag-aayaya gumimik ang isang 'to. Well, good to go ako. Gusto kong mabaling sa ibang bagay ang pag-iisip ko. Masyado akong naapektuhan sa pa-revelation ni Tatiana. Tsaka ilang gabi na din ako hindi nakaka-gimik. Kailangan ko na mag-refuel. Chariz! "I want to take you out on dinner. Hindi na tayo nakapag-dinner last time eh." He said. Oh! Dinner date pala, akala ko gimik. Sayang. Char! But I know what he means, 'yan 'yong araw na sumama ako sa photoshoot niya with Coachella. The day I met Stormy and also the day na sobrang nabuwisit ako dahil sa pagiging clingy ni Stormy kay Uno. Mukhang babawi ang mokong. Pero hindi ko naman sinabi sa kaniya na nawala ako sa mood dahil do'n. Siguro naka-kutob siya. "Are you making up for me?" I asked, teasing him. Rinig ko naman ang bahagyang pag-tawa nito. "Uhm, yeah? But the main reason is I really just wanted to take you out for dinner. It's been a while since we had a proper dinner date." He said. Well, yes. Nagdi-dinner date kami paminsan-minsan ni Uno. Na-stop lang dahil parehas kaming naging abala sa kani-kaniyang mga trabaho namin. "So, are you free or not?" Tanong muli ni Uno sa akin. Tumayo na ako at nag-handa. "Yeah. Where's the meeting place?" I asked. Naka-ligo na naman ako kanina kaya magpa-palit na lang ako ng damit. Hindi naman ako mabaho noh! Baka isipin niyo ang baho ko mwahahaha. Mabango ho ako! "The usual." Sagot ni Uno sa akin. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Sinabi ko na lamang na andoon na ako in 20 minutes. Malapit lang naman 'yong usual place kung saan kami nagdi-dinner date palagi kaya mabilis lang akong makakarating doon. Nag-paalam na ako kay Uno at ibinaba ko na ang tawag. Nag-ayos lang ako and ready to go na din. Hindi na ako nagpa-bongga. Simpleng damit lang ang suot ko dahil hindi rin naman fancy restaurant 'yong kakainan namin. Bumaba na ako pagka-tapos kong mag-ayos. Sakto namang naka-salubong ko sila mom and dad na kakalabas lang ng kusina. "Where are you going, honey?" Tanong ni mommy sa akin. Habang si daddy naman ay naka-titig lang. "I'm just going out on a dinner with Uno." Paalam ko and yeah, I told them the truth. Hindi naman ako gumimik tonight. Uuwi rin ako, kung pauuwiin ako ni Uno. You know what I mean. "Okay. Take care on your way, princess." Saad ni Daddy. "I will, dad." And then I both gave my parents a peck on their cheeks. Ngumiti lang sila sa akin at nag-paalam na ako na aalis na. I'm so lucky that I have the kindest, sweetest, and most loveable parents in the whole wide world. Ako lang itong pasaway sa kanila. But I love them so much and I know, kahit gaano kapasaway, they love me too, so much. Dumiretso na ako sa garahe at sumakay sa aking sasakyan. Hindi na ako nagpa-sundo pa kay Uno. Kaya ko naman mag-drive. Miss ko na rin i-drive si Elle, ang aking Porsche Cayman. Binuhay ko na ang makina at pinaandar si Elle. Swerte ko dahil walang traffic kaya wala pang 20 minutes ay nasa meeting place na ako. Bumaba na ako ng sasakyan pagka-parada ko at dumiretso sa loob. Hindi naman ako nahirapang hagilapin ang kinaroroonan ni Uno dahil pagka-pasok ko ay agad ko itong nakita na naka-upo na sa loob. He already texted me na rin naman na andito na nga daw siya no'ng nasa byahe pa ako. Mas malapit ang pad ni Uno dito kaysa sa bahay namin kaya alam kong mas mauuna talaga siya. Ngumiti si Uno sa akin nang makita niya ako kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Pero ganoon na lang ang pagka-wala ng mga ngiti ko nang mapansin ko ang babaeng naka-upo sa tabi niya. What the hell is Stormy doing here? Akala ko ba dinner date naming dalawa ito, bakit andito ang asungot na Stormy na 'to? Aish! Uno Trevor Castillo! Humanda ka sa akin mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD