“Hoy, bruha!” tawag ni Veronica sa akin. Huminto ako sa paghigop ng kape at tumingin sa kanya. “Bakit?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Anong ginagawa natin dito?” Inis na tanong ni Veronica. Pinagmasdan ko muna ang mga tao na pumapasok sa coffee shop. “May hinihintay tayo.” “Sino ba ang hinihintay natin dito?” “Si Karen.” “Sino ba ‘yan Karen na ‘yan?” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Huwag kang maingay pinagtitinginan tayo ng mga tao.” “Alam mo, dalawang oras na tayo rito hindi na ako natutuwa.” Tumingin ako sa relo na pambisig ko. “Relax ka lang malapit na siyang dumating.” “Bakit ba natin siya hinihintay?” Hindi ako agad nakapagsalita nang makita kong pumasok si Karen at kasama niya ang boyfriend niya. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng video. Napans