“DINA!” Narinig kong sigaw ni Race habang nagmamadali akong lumabas ng condo niya. Hindi ako lumingon o kaya huminto para tingnan siya. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na ito. “Dina!” Halos tumakbo ako palabas ng condominium hanggang sa makasakay ako sa kotse ko. “Hayop talaga!” Hinampas ko pa ang manibela ng kotse ko. “Ang kapal ng mukha nilang ipakita ang picture nilang dalawa na magkasiping. Hindi pa sila nakontento, pinakita pa nila sa akin ang kababuyan nila.” Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ko in-start ang kotse palayo sa lugar. Salubong ang kilay ni Veronica nang salubungin niya ako. “Anong itsura ‘yan?” Dumiretso ako sa bahay nila para magpalipas ng sama ng loob. Baka mabaliw ako kung magkukulong ako sa condo. “ I want wine.” “Gaga! Tanghaling tapat iinom