“Finally, I’m free.” Walang paglagyan ang kaligayahan ko dahil sa wakas ay malaya na ako. Wala na akong koneksyon kay Karen. Simula sa araw na ito ay hindi na niya magagamit ang apelyido ko. “Congrats, Race,” wika ng abogado ko. “Maraming salamat. Lumabas tayo para naman makabawi ako sa iyo.” Ngumiti ang abogado ko. “Salamat, pero may importante pa akong pupuntahan ngayon.” “Okay, sa ibang araw na lang.” Tumango siya. “Malaya ka ng maghanap ng girlfriend.” Tipid akong ngumiti. Naalala ko si Dina, siguradong ayaw na niya akong makita lalo nang makita niya si Karen sa condo unit ko. Ang alam niya hindi kami nagtatalik. Siguradong iniisip niya na sinungaling ako. “Race!” tawag ni Karen. Huminto ako at matalim na nakatingin sa kanya. Kasama niya ang boyfriend niya at abogado. “Anong