RACE'S POV
SINABUNUTAN ko ang buhok ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
"s**t! Anong ginawa ko."
Tumingin ako kay Dina na mahimbing na natutulog. Hindi pa rin siya nagbabago kahit limang taon na ang nakalipas. She's beautiful and sexy. Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong aalis ng hindi nagpapaalam sa kanya pagkatapos ng aming pagtatalik.
Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko sa sahig at dumiretso ako sa banyo para magbihis pagkatapos ay tuluyan na akong umalis ng condo niya.
Nakita ko si Karen sa balcony ng bahay ng dumating ako. Kampante pa siyang umiinom ng kape na parang hindi niya ako nakikita.
"Where have you been?"
Huminto ako at matalim na tumingin sa kanya. "The hell you care."
"Masyado ka naman yatang excited na maging single."
Lumapit ako sa kanya. "How about you? saan ka galing kagabi?"
"I'm with my friends."
"With your friends or lover."
Tumingin siya. "Nagsisi ka ba kung bakit pumayag kang magpakasal sa akin?"
"Matagal ko ng pinagsisihan ang pagpapakasal ko sa iyo."
"Huwag kang mag-alala pareho lang tayo ng nararamdaman. Kung gusto mong tuluyan tayong maghiwalay. Kausapin mo ang lola mo at lola ko tutal sila naman ang may kagagawan kung bakit magkasama tayo ngayon sa iisang bubong."
Limang tao ang lumipas ng biglaan kaming magpakasal dalawa ni Karen. Nag-agaw buhay ang lola niya at ang tanging hiling lang nito bago mawala ay matupad ang pangarap nila na magpakasal kami. Hindi nila nagawa sa mga anak nila dahil parehong lalaki ang mga anak nila kaya sa apo nila hiniling na mangyari. Ngayon, naisip namin na mag-file ng annulment kahit tumutol ang lola ko at lola niya. Kaya ngayon ay gumugulong na ang kaso para maging malaya na ako.
Halos ilang taon na rin kaming walang pakialam sa isa't isa. Nagiging mag-asawa lang kami sa harap ng lola namin.
"Bakit kailangan sabihin sa kanila kung puwede naman natin padaliin ang annulment natin." Tumalikod ako sa kanya para pumasok sa loob.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahiya sa kalokohan na ginagawa mo."
Sinalubong ko ang tingin niya. "Siguraduhin mo rin na hindi ako magmukhang katawa-tawa sa pinaggagawa mo." Tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid ko para maligo.
Nang matapos akong maligo ay kumain ako ng almusal. Sanay na akong kumain mag-isa. Magkasama kami sa bahay ni Kaen, pero hindi kami nagsasabay kumain.
"Good morning, Sir!" bungad na bati sa akin ng mga tauhan ko sa kumpanya.
Isang tipid na ngiti ang tinugon ko sa kanila. Hindi ako mahilig makipag-usap sa ibang empleyado kaya sapat na sa kanila ang nginitin sila.
Bago ako makapasok sa opisina ay sinalubong ako ng Hr Manager ko. Siya kasi ang nag-hired ng sekretarya para sa akin. Wala akong panahon para mag-interview ng magiging sekretary ko kaya pinasa ko na lang sa kanya.
"Sir Race, nasa loob ng opisina mo ang bago mong sekretarya."
Tumango ako. "Thank you."
Pagpasok ko sa loob ng opisina ay may babae na nakaupo habang nakatilikod sa akin.
"Good morning."
Nagulat ako nang lumingon ang babae.
"May meeting ba tayong dalawa Miss Monteverde?"
Tumayo si Dina at ngumiti sa akin. "Ikaw naman parang hindi kita dinala sa ikapitong langit kagabi, kung tawagin mo ako parang masyado kang kagalang-galang."
"Anong kailangan mo?"
"Ikaw ang may kailangan sa akin dahil ako ang bago mong sekretarya."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ako nakikipagbiruan."
"Tawagan mo ang nag-hired sa akin para maniwala ka."
Hindi nga ako nagdalawang isip na tawagan ang hr manager.
"Sir, si Miss Dina Monteverde ang bago n'yong sekretarya. Kanina pa siya diyan sa loob."
Huminga ako ng malalim. Kung hindi kasi ako magtitimpi ng galit ay baka masigawan ko siya. Ngunit naisip kong hindi naman niya alam kung anong meron sa aming dalawa ni Dina.
"Naniwala ka na ba, Sir?"
"Sino ang tumulong sa 'yo para makapasok ka sa kumpanya ko? Nandito ka ba para mag spy sa kumpanya ko?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi naman tayo magkalaban? Pinagpaguran ko ang pag-apply dito. Dumaan ako sa butas ng karayom para lang maging sekretarya mo."
"Nababaliw ka na ba? maganda ang posisyon mo sa kumpanya na pinapasukan mo bakit gusto mong dito magtrabaho."
"Hindi naman ako umalis sa kumpanya kaya 'wag kang mag-alala. Gusto lang kitang makasama."
"Dina, huwag mong sayangin ang oras mo sa akin."
"Hindi ako nagsasayang ng oras. Nag-iipon ako ng magandang alaala habang kasama ka."
"Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo." Umupo ako sa puwesto ko at sinimulan kong magtrabaho.
"Race, gusto mo ba ng kape? Masarap akong magtimpla ng kape."
Umiling ako. "No. Thank you." Imbes na magpatimpla ako ng kape ay um-order na lang ako sa labas.
Hindi ko naman maiwasan na hindi tingnan si Dina habang busy siya sa trabaho.
Bumuntong-hining ako. "I'm sorry," bulong ko.
Hanggat hindi pa ako malaya hindi ko siya puwedeng lapitan dahil ayokong madamay siya sa problema ko.
"Race, saan ka kumakain ng tanghalian?"
Lumunok ako ng mapadako ang tingin ko sa cleavage niya. Bakat sa suot niyang damit ang dibdib niya.
"Hindi ako nagugutom."
Ngumiti siya. "Ako gutom at gusto kitang kainin."
Namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"Just kidding! Order sana ako ng pagkain para sabay tayong kumain."
"Kumain ka na mamaya pa ako kakain kapag nagutom ako."
Nagkibit-balikat siya. "Okay."
Tinanaw ko siya habang palabas siya ng opisina ko. Nang makasigurado akong nakaalis na siya ay tumayo ako para kumain sa labas. Sa pinakamalapit na restaurant ko naisip na kumain para mabilis akong makabalik sa kumpanya. Habang kumakain ako ay nakita kong papasok sa loob ng restaurant si Karen. Ang talim ng tingin ko sa kanya at sa kasama niyang lalaki.
"Sinabi ko sa kanyang 'wag pupunta malapit sa kumpanya."
Tinawagan ko siya ngunit hindi niya sinasagot. "f**k! Bwiset talaga ang babae na 'to."
Hindi ko siya malapitan dahil mas lalo kaming makikilala. Binilisan ko ang pagkain para maunang umalis.
"Damn it!" sigaw ni Karen.
Lumingon ako sa puwesto niya at nakita ko si Dina.
"Oh, I'm sorry, I didn't mean it."
"Idiot!" sigaw ni Karen na sobrang galit na galit.
Natapunan ng juice ang damit ni Karen.
"I'm sorry, beautiful pupunasan ko na lang." Pinunasan ni Dina ang damit ni Karen ng tissue pero ang ginamit niyang tissue ay pinunas sa bibig ni Karen.
"Ah! Stupid! Get out of my sight!" Tumayo si Karen at nagmadaling umalis kasama ang boyfriend niya. Biglang lumingon sa akin si Dina sabay kindat niya.
Umiwas ako ng tingin. Nakita niya siguro si Karen kanina.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain pagkatapos ay bumalik ako sa kumpanya.
"You're both so sweet as a couple." Sabay tawa ng malakas ni Dina.
I thought she wouldn't talk to me about what happened earlier.
"Miss Monteverde, it's work hours, so stop talking, especially if it's not work-related."
"Okay, but you owe me."
I furrowed my brow and looked up at her. "Owe?"
She nodded. "I saved your dignity from embarrassment earlier. Imagine being in the same restaurant and openly seeing your wife with another man."
"That's our problem as a couple, and you have no business interfering."
"Well, you owe me."
I took a deep breath. "Okay, how much do I have to pay?"
"It's not the money I want."
I furrowed my brow. "What do you want then?"
"I want us to have dinner together tonight."
"I'm busy tonight."
"If you refuse, I'll just tell your employees that your wife has another man."
"Are you crazy?"
"Race, stop hiding your relationship as a couple. It's not healthy anymore."
"Back to work."
"See you later!" Nginitian ako ni Dina bago siya bumalik sa table niya.
Huminga ako ng malalim. Tama siya matagal ng sira ang relasyon namin ni Karen. Magkasintahan pa lang kami at alam kong niloloko niya ako pero dahil sa lola ko pikit mata akong nagpakasal sa kanya.
"Hihintayin kita sa restaurant mamayang alas-siyete," wika ni Dina, bago ito umuwi.
"Huwag ka ng umasa hindi ako darating mamaya."
"Basta maghihintay ako sa 'yo kahit mamuti ang mga mata ko sa kahihintay sa 'yo." Tumalikod siya at tuluyan ng umalis.
Umiling ako habang nakatanaw sa kanya. Habang nasa biyahe ako ay iniisip ko kung pupuntahan ko si Dina mamayang gabi.
"Good afternoon, Sir Race," wika ng katulong ko.
"Nandiyan ba ang Ma'am Karen n'yo?"
Tumango siya. "Kadarating lang niya kasama ang pinsan niya."
Kumunot ang noo ko. "Sinong pinsan?"
"Hindi po sinabi ni Ma'am kung anong pangalan ng pinsan niya."
"Nasaan sila?"
"Nasa visitor's room sila."
Tumango ako. "Okay."
Pinuntahan ko sila sa visitor's room para kumpirmahin kung pinsan ni Karen ang kasama o ang lalaki niya. Kumatok ako sa pinto ngunit walang nagbukas ng pinto kaya kinuha ko ang duplicate na susi. Pagbukas ko ay nakita ko silang magkapatong sa sofa. Kinuhaan ko sila ng video para mayroon akong ipakita sa abogado ko nang sa gano'n ay mabilis ang annulmate namin. Nang makuhanan ko sila ng video ay lumabas na ako at nagkulong sa kuwarto. Wala na akong nararamdaman kahit ano kay Karen. Hinahayaan ko na siya sa gusto niyang gawin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Karen.
"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta hindi nga kita inistorbo habang nakikipagtalik sa lalaki mo."
Nagulat si Karen sa sinabi ko. "Nagseselos ka ba?"
"Wala akong nararamdaman selos kahit anong gawin mo sa sarili mo. Huwag mong dadalhin ulit dito ang lalaki mo dahil kapag inulit mo papatayin ko siya."
Kumunot ang noo ni Karen. "Are you crazy?"
"Respetuhin mo ang pamamahay ko dahil kapag naubos ang pasensya ko tuluyan na kitang palalayasin."
Tumawa siya. "Bakit hindi mo gawin?"
Tinitigan ko siya ng matalim bago ako humakbang palabas.
"Huwag mong kalimutan ang family reunion sa bahay ni lola sa linggo," habol niyang sabi bago ako tuluyan umalis.
Sumakay ako sa kotse at pumunta sa bar at hindi ako pumunta sa restaurant na sinabi ni Dina.
"Bakit bigla kang nagyaya na uminom?" wika ni Joshua.
Tinungga ko ang alak sa bote saka tumingin kay Joshua. "May problema lang ako."
Tumawa si Joshua. "Palayasin mo na sa bahay mo si Karen."
"Baka biglang bumisita ang lola ko sa bahay."
Umiling si Joshua. "Ewan ko ba sa 'yo masyado kang natatakot na malaman ng lola mo ang totoo."
"Natatakot lang akong mawala siya sa amin. Ginagawa ko lang ito para maging masaya siya."
"Kailangan na siguro kitang patayuan ng monumento."
"Ikaw ba ang tumulong kay Dina, para maging sekretarya ko?"
"Ayoko sanang tulungan siya kaya lang masyado siyang makulit."
"I miss her so much."
"Tsk! Kung miss mo siya hindi mo siya pinaghihintay sa restaurant ngayon."
Tumingala ako. "Paano mo nalaman?"
"Syempre matalik kong kaibigan si Dina."
"Ayoko lang siyang madamay sa problema ko. "
"Huwag kang mag-alala matapang ang kaibigan ko. Hindi siya basta sumusuko, subukan mo siya para maging masaya ka naman." Tinapik ni Joshua ang balikat ko. "Naghihintay siya sa 'yo."
Tumayo ako at lumabas ng bar para puntahan si Dina. Halos isa't kalahating oras na siyang naghihintay sa akin ngayon.
"Dina, hintayin mo ako," bulong ko.
Naroon pa si Dina sa restaurant at naghihintay sa akin. Nakayuko siya habang hawak ang telepono niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit sa kanya.
"Miss Monteverde."
Tumingala si Dina. "Mabuti naman at dumating ka na." Sabay punas niya ng luha.
"Umiiyak ka?"
"Nakakaiyak kasi ang pinapanood ko."
Napalingon ako sa phone niya. Wala naman siyang pinapanood sa halip ay parang may ka-chat siya.
"I'm sorry kung late ako."
Ngumiti siya. "It's okay. Inaasahan ko na talaga na late kang darating. Inisip ko baka hindi ka agad nakatakas sa wife mo."
"Kasama ko ang kaibigan ko kanina."
Tinawag niya ang waiter para dalhin ang order niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pagkain na in-order niya.
"Bayaran mo ako sa ginastos ko sa pagkain," wika niya.
Tumango ako. "Sure! ako dapat ang gagastos ng lahat ng kinain natin."
Ngumiti siya. "Ang sweet mo naman."
"Obligasyon talaga ng lalaki ang gumastos sa unang date."
"Race, may tanong ako sa iyo?"
"Hmmm… ano 'yon?"
"Bakit hindi ka pa nakikipaghiwalay sa asawa mo kung niloloko na lang niya?"
Huminto ako sa pagkain. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya ang totoong kalagayan ng relasyon namin mag-asawa.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin ang totoo handa naman akong makipaglaro sa 'yo."
Kumunot ang noo ko. "Are you crazy?"
"Noong una, naawa ako sa sarili ko dahil pinipilit ko ang sarili ko sa isang lalaki na may asawa. Pero nang makita ko ang asawa mo na may ibang lalaki at wala kang ginawang aksyon… naisip ko na tama lang ang ginagawa ko, kukunin kita sa asawa mo kahit anuman ang mangyari."
"Dina.."
Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala marami tayong ungol na pagsasaluhan." Sabay kindat niya sa akin.
Namula ang mukha ko sa sinabi niya.
Ibang klaseng babae.