"Dina, kailangan mo balak umuwi sa probinsya ang tagal mo ng hindi umuuw," wika ni mommy. Magkausap kaming dalawa sa telepono habang naglalagay ako ng lipstick sa labi. "Hindi na ba galit sa akin si daddy?" "Anak, lalong hindi mawawala ang galit sa iyo ng daddy mo kung magmamatigas ka sa kanya." "Babalik din ako diyan may gusto pa akong gawin." Bumuntong-hininga si Mommy. "Miss na kita." "Mom, bakit ayaw n'yong pumunta dito sa Manila?" "Ayaw ng daddy mo." "Galit pa rin si daddy sa akin." "Humingi ka ng tawad sa kanya para magkakasama na tayo." "Hayaan n'yo mangyayari din 'yan gusto n'yo. Bukas na lang ulit ako tatawag sa iyo. Bye!" Sabay putol ko ng tawag. Huminga akong malalim. Gusto ko na rin bumalik sa probinsya para magbakasyon ngunit kapag bumalik ako siguradong hindi na a