Chapter 14

1632 Words
VINA POV “PINASUSUBAYBAYAN mo ako?” tanong ko pero hindi niya iyon sinagot. “Ang tanong ko ang sagutin mo, are you cheating on my back?” sigaw nito kaya napapitlag ako ngayon ko lang siya nakitang magalit ng tudo sa akin. “Hindi totoo ang mga larawang iyan, Oo, nakasama ko iyang lalaking iyan, pero dahil tinulungan lang niya ako, dahil na mabagok ang ulo ko dahil may bumangga sa akin, kanina sa parke at na out balance ako.” Paliwanag ko rito kahit hindi naman dapat ako magpaliwanag dito. “Sinungaling, ganyan ka naman talaga noon pa, malandi. . . Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil sinampal ko na ito ng malakas. “Don't say that, dahil hindi mo naman nakita ang pangyayari. Nadesgrasya n ako kanina, pero iyan pa rin ang iniisip mo.” I said trying to make him forget about that cheating stuff. “Kaya pala kasama mo ‘yong lalaking iyan at muntik kayong maghalikan.” Anito. “Maghalikan, hindi kami maghahalikan ni Kreg, tinulungan niya lang ako at imbes na magpasalamat ka sa kanya ay iniisip mo pang nagche-cheat ako. Iyang muntik nang maghalikan na sinasabi mo ay sinubukan niya lang akong hipan sa mata ko kanina, dahil napuwing lang naman ako riyan sa video na iyan.” Galit ko ring saad dito. “Look pagod na ako sa lahat ng ito Rex, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa iyo. Para gawin mo sa akin ito, wala akong naalalang may ginawa akong kasalanan sa'yo? Kaya sana pakawalan mo na ako and I promise I will not file any charges against you and I will pay you all the money you gave to my company.” Sabi ko kinakabahang ginulo ko buhok ko. Tahimik lamang itong nakatayo roon at saka mamaya lang ay tumawa ito. Tumingin ito sa akin na galit na galit habang nagbabaga ang mga mata nito. “So, the guy is the one telling you say all this?” sabi nito at pagak na tumawa. “Sagutin mo ang tanong ko?” dugtong pa nito kaya sumabog na ako. “Walang kinalaman si Kreg dito, ang tanong ko ang sagutin mo, bakit ka ba galit na galit sa akin, eh, wala naman akong kasalanan sa'yo. Kung galit ka dahil sa ginawa ko noon sa'yo, ang tagal na noon mga bata pa tayo, para dalhin mo ang galit mo sa akin noon hanggang ngayon.” Galit kong sigaw rito habang pumapatak ang mga luha sa mga mata ko. “You know what you did, Vina.” Gigil na saad nito. “Kung iyong pagpapaikot ko sa'yo noong nag-aaral pa lang tayo, patawarin mo na ako, matagal na iyon. Pinagsisihan ko na ang pamamahiya at pagpapaasa ko noon sa'yo.” Sambit ko at tuluyan na akong napaiyak. Tunay namang pinagsisihan ko na iyon mga bata pa kami noon at aaminin kong masama talaga ang ugali ko noon pero handa ko namang hihingi ng tawad iyon sa kanya ng paulit ulit. Magsasalita na sana ito ng mapatigil ito at napatingin sa akin. Mababakas ang pag-aalala nito ng titigan niya ako. Nagtataka ako sa pagbabago ng mukha nito kanina ay galit ang mababanaag sa mga mata nito ngayon naman ay pag-aalala naman ang makikita mo rito. Hinawakan niya ako sa braso ko kaya napatingin ako roon, napansin ko ang pamamaga ng braso ko kaya saka ko lang na alalang doon pala ako nabangga kanina, kita ang pasa doon, dahil talaga namang malakas ang pagkakabunggo ng lalaki kanina sa akin doon sa entrance ng parke. “Umupo ka,” Sabi nito kaya sumunod naman ako sa sinabi nito, tinawag nito si Marie at nagpakuha ng ice bag. Siguro ay ilalagay niya iyon sa pasa ko. Nang makabalik si Marie sa silid ko na dala ang ice bag na hiningi nito ay agad niya iyong inilapat sa braso ko. He was about to do, kaya napakagat ako sa aking labi dahil sa sakit. Napapikit pa ako para pigilan ko ang aking paghinga para hindi ko maramdaman ang sakit habang napapakagat sa lower lip ko. Dinig ko ang mabigat na paghinga nito habang ginagawa niya iyon. Pero mamaya lang ay naramdaman kong wala ng dumadampi sa braso kong may pasa, kaya iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong papalabas na ito sa silid ko. Kaya hindi ko na tinawag ito, minsan talaga ay hindi ko magets ang pagbabago ng mood nito. Pero hindi parin nito nasagot ang gusto kung malaman. Ano ba talaga ang malalim na dahilan nito kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa akin? Ang daming tanong sa isip ko, pero wala itong sagot roon, hindi rin niya nilinaw sa akin, kung iyon high school pa lang kami ang ugat ng galit nito sa akin. REX POV I left of her room at nang makalabas ako ay naghihintay si mommy sa labas ng silid na iyon. Inaya niya ako sa sala at saka niya ako pina-upo sa sopang naroon. “Son, maupo ka,” sabi nito sa akin, pinakalma ko ang aking sarili. Kailangan kong pigilan ang galit at pagkadismaya, saka ako umupo sa tabi nito. “Look son, I know everything that has been going on in this house in my absence and presence. I know everything you have done to her in the every details and I have seen what you did, I saw the scars you inflicted on her body.” “Is not what you think mo. . . “Don't interrupt me, patapusin mo muna ako.” pigil na sabi niya sa galit na tono. “Kahit kailan hindi kita pinalaki para maging ganito anak, pinalaki kita na isang malakas, maayos at hindi isang lalaking umaabuso sa mga babae, at ikinulong mo pa talaga siya sa bodega noon ng unang araw ng pagsasama ninyo bilang mag-asawa ng buong magdamag na nakatali ang mga kamay at hindi lang iyan ang mga ginawa mo sa kanya, don't deny it, dahil alam ko ang bawat kilos mo.” Sabi nito at huminto sa pagsasalita. “Bakit ka ba nagkakaganyan anak? Ano ba talaga ang matinding galit mo kay Vina? Bakit mo siya ginaganito? Ang pagkakaalam ko minahal mo naman siya noong mga high school pa lang kayo? Now tell me, what do you gain by all this?” tanong nito sa akin at tinitigan niya ako sa aking mga mata. “S-she killed Stephanie, mom?” sabi ko kaya napamulagat siya. “Kaya hindi mo ako masisi kung bakit ko siya ginaganito mom.” Sabi ko at saka yumuko. “Hindi ba na abswelto na siya doon?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. “May ebedinsya ka ba?” tumango ako. “Okay, give me the evidence at ako ang hahanap ng katotohanan kung talagang may kinalaman siya sa ibinibintang mo sa kanya.” “Mom, hindi na kailangan, sapat na ang nakalap ko para parusahan ko ang babaeng iyon.” Tutol ko pero kinurot niya ako. “Kapag napatunayan ko na siya talaga ang pumatay sa kapatid mo ako mismo ang gagawa ng paraan para parusahan siya, kahit pa anak siya ng daddy mo sa labas. Pero sa ngayon ay ayusin n'yo muna ang hindi niyo pagkakaunawaan or else sasabihin ko lahat sa asawa mo ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa kanya.” Sabi nito kaya napamaang ako. “Hindi mo gagawin iyon, mom.” Banta ko. “Magagawa ko, kaya ayusin mo ang pakikitungo mo sa asawa mo. You know me son!” “And by the way! Alam ko ang pangyayari kaninang umaga at sigurado akong may gusto ang lalaking iyon sa asawa mo. Kung hindi ka mag-iingat ay darating ang panahon na maagaw siya sa'yo. Alam kung may nararamdaman ka parin kay Vina hanggang ngayon, dahil hindi ka naman magagalit ng ganyan kung wala?” sabi ni mommy kaya nanlaki ang mata ko. “Mom, hindi ko na siya mahal. Galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya.” Giit ko ngunit umiling si mommy. “Ako pa ba ang paglilihiman mo. Sa akin ka ng galing kaya alam ko ang nararamdaman mo.” “Hindi ko na siya mahal mom,” prostrated kong sagot dito. “Oh, kung wala pala, pakawalan mo na lang siya.” Seryosong sambit ni mommy. “NO!! Hindi ko siya pakakawalan, she is mine and mine alone!” Sabi ko habang nangangalit ang mga ngipin ko kaya napataas ang kilay ni mommy. “What with the possessiveness, she doesn't belong to you. Galit ka naman sa kanya hindi ba.” Pagwawasto ni mommy sa sinabi ko. “She does but she's mine, hindi dahil mahal ko siya. Sa akin lang siya dahil hindi pa ako tapos sa kanya.” “Hindi ko alam kung bakit mo siya aangkinin na para bang siya ay isang bagay na pwede mong angkinin ayon sa gusto mo, ngunit isang bagay lang ang malinaw na hindi siya pag-aari ng sinuman, kahit ikaw man. Kaya kung ako sa'yo, son, ayusin mo ang relasyon mo sa asawa mo. And for your sister case, for get it at ako na ang bahala doon.” “Huwag ka ng makialam doon mom,” Naiinis kong sagot dito. “‘Wag mo akong kukuntrahin sa mga desisyon ko. Gawin mo na lang ang sinasabi ko or else kalimutan mo ng ina mo ako.” Sabi ni mommy at saka tumayo na ito at naglakad papalabas ng bahay. “Mom,” pigil ko sa pag-alis nito. Tumigil naman ito saglit kaya nagsalita ako, “Huwag mo ng pakialaman ang asawa ko ako ng bahala sa kanya.” Saad ko kay mommy. “Puwes ayusin mo, ang buhay ninyong mag-asawa!” Sagot naman nito sa akin, bago tuluyan itong lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD