Chapter 13

1636 Words
VINA POV NANDITO ako ngayon sa may parke habang nag jo-jogging. Sinabi sa akin ni Marie na kung gusto kong lumabas at makalanghap ng sariwang hangin ay sa parke lang daw ako pumunta. Kung gayon ang parke ang pinakaangkop na lugar para mapawi ang aking kalungkutan kakuwi lang namin galing Korea isinama narin namin si Marie para may maka-usap ako at may magturo pa sa akin sa ibang bagay. Hindi pa rin ako napasok sa company namin dahil pinagbawalan ako ni Rex na mag trabaho. Wala na si Rex ng araw na iyon, dahil pumasok na ito sa kanyang kompanya. Nang magsawa ako sa kakajogging ay naglakad lakad na lang ako. Habang ang ibang mga taong narito ay masaya sa kanya-kanya nilang ginawa. Umupo ako sa isang bench na iniwan ng last couple na umupo doon. Tumingin ako sa aking paligid at saka bumuntong-hininga. Rinig ko ang ingay ng mga tao habang masasaya, kaya nalibang ako at nakatulong sa akin para makalimutan ko ang problemang kinakaharap ko ngayon kay Rex. Mayamaya lang ay may narinig akong boses na nagsalita sa aking tabi. “Hey pretty!” ngunit hindi ako nag-abalang tumingin sa nagsalita, dahil wala ako sa mood para mag entertaine kahit kanino, gusto ko lang mapag-isa, pero ayaw pa rin akong iwan ng taong ito at patuloy lang niya akong pinapansin. Umalis na rin ang mga taong nakaupo sa kabilang side nitong kinauupuan ko, kaya may pagkakataong umupo ang estranghero sa aking tabi kaya napaungol ako dahil sa pagkayamot. “I been looking at you for a couple of hours, parang may problema ka yata?” Sabi nito at tumingin ito sa akin. Kaya binalingan ko ito para sana sermunan na ayaw ko ng esturbo ngunit napahinto ako sa pagtalak sana sa lalaki. Isang maputing lalaki na may kulay-abo na mga mata at may kayumangging buhok ang aking nakita, mas matanda ito ng kaunti kay Rex for sure or kaidadan. Gwapo ang lalaki ngunit hindi ko type ang mga ganitong itsura at awra. “Please Mister, who ever you are, gusto ko lang mapag-isa, pwede!” sagot ko rito at inalis ko na ulit ang tingin dito. “Oh! I am sorry if I disturbed your peace, By the I'm Kreg!” Pakilala nito sabay lahad ng kamay niya para makipagkamay, kaya napataas ang kilay ko at hindi ko inabot ang kamay nito. Hindi ba ito marunong makaramdam? “Oops, okay no offense, just wanted to be your friend!” Sabi nito at ibinaba na niya ang mga kamay niya. “I don't need any friends!” masungit kong sabi rito. “Woa, okay, hindi na kita iistorbohin, pero parang pamilyar ka.” Sabi nito. “Maraming beses ko nang narinig 'yan, baka may kamukha lang ako kaya pwede ba mister, iwan mo na ako.” “Okay, so would you like to take something, like, Ice cream.” tanong nito. “Bahala ka,” sabi ko para matapos na ang pangungulit nito sa akin. “Alright, wait lang saglit babalik ako.” Sabi nito at umalis. Kaya pagkakataon ko nang makaalis, binuhat ko na ang bag ko at lumabas ng Park. FOR the past few days I have been seeing that guy Kreg and he would not stop bothering me. I just wish I could kill him that instant every time he pops out of nowhere. Nandito kasi ulit ako sa park, dahil routine ko na ang magpapawis tuwing umaga, dahil hindi na ako nakakapunta sa gym. Napasigaw ako ng maramdaman kung may bumangga sa akin, dahilan para mawalan ako ng balanse at nadapa ako at tumama ang ulo ko sa lupa. Itinaas ko ang ulo ko at nakaramdam ng parang may humawak sa akin at inalalayan niya akong makatayo. Hinila ako ng lalaki upang tulungan niya akong makatayo, medyo nahihili ako, kaya hindi na ako nakahuma ng dinala niya ako sa isang pinakamalapit na coffee shop, hindi kalayuan sa may Park. “Umupo ka dito, babalik ako. Please lang 'wag ka ng umalis.” Sabi ni Kreg, kaya tumango ako at hinintay ko na lang ito. Nakatingin lang ito sa akin, habang paalis, nakaramdam ako ng pasasalamat sa kanya, niligtas niya ako, kahit ilang beses ko na itong itinaboy kapag nandito ako sa parke. “Here take it!” Sabi niya sabay bigay ng kape sa akin may nilabas itong panyo at idinampi nito sa noo ko. “May dugo ang noo mo, pero hindi naman masyadong malalim ang sugat kaya mamaya titigil din ang pagdudugo niya. “Salamat, paano mo nalaman na gusto ko ang black coffee ko?” tanong ko sa kanya. “You look like someone who don't like something sweet!” sabi ni Kreg at binigyan ako ng tingin ng mataman. “It's your choice kung ayaw mong maniwala, but that's the truth pretty.” Sabi niya habang sinuklay ang buhok niya ng kanyang kamay. “May sugat ka sa noo mo, wait let me go get something to disinfect it.” Sabi ni Kreg pero bago siya makaalis ay hinawakan ko ang laylayan ng shirt nito. “No, I will do that myself! Tama na iyang panyo mo,” Sabi ko at ako na ang humawak ng panyo nakalagay sa noo ko pagdating ko na lang sa bahay ito lilinisan. “Drink your coffee fast, let me drop you off at your house.” Sabi nito. “No, ayaw ko pa umuwi, balik na lang tayo sa park, gusto ko lang magtagal doon.” Saad ko. “Sige, ikaw bahala! Baka magalit ang asawa mo kapag hindi ka pa umuwi,” biro nito. Napatigil ako saglit dahil may na alala ako dahil sa sinabi nito. “What's wrong?” tanong nito. “Nothing!” sagot ko naman dito. “Okay, tara na hatid na kita sa park.” Sabi niya, sabay hawak sa kamay ko kaya binawi ko iyon. Nagkibit-balikat na lamang ito dahil sa ginawa ko. Pero ang hindi ko alam na may kumukuha pala sa amin ng mga litrato hanggang sa makaalis kami sa Park. REX POV SINUSURI ko ang mga ilang mga files na nirereview ko nang may nag-pop in na mensahe sa aking cellphone. Akala ko ay mensahe iyon ng aking ina dahil kakaunti lang ang nakakaalam ng numero ko. Iniisip ko kung ano naman kaya ang kailangan nito sa akin. Pero ikinagalit ko ang nakita kong larawan na nakapaloob doon sa mensaheng natanggap ko. May nagpadala sa akin ng ilang larawan ni Vina at isang lalaking hindi ko kilala. “I just let her go out and she's cheating on me, really?” Sabi ko at muntik ko nang maibato ang aking cellphone, pero importante iyon sa akin. Kaya ang binalingan ko ang mga files na nakalagay sa aking mesa. Hindi pa ako nakuntento ay sinimulan kong ihagis ang mga gamit ko sa dingding. “Sir what's the matter?” sabi sa akin ni June, habang nagmamadali itong pumasok para lang makita ang gulo na ginawa ko. “Tawagin mo ang sekretarya ko at ipaligpit mo ito. Ihanda mo narin ang sasakyan, uuwi na tayo agad.” Utos ko. Ang sakit sa ulo na makita ang mga larawang may kasamang lalaki ang Vinang iyon. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. I shouldn't let my emotions to get the best of her. I'm Forex Clemente, matagal ko ng kontrolado ang damdamin ko at hindi lang isang Viba ang magpapalambot ng puso ko. Hindi ako nagseselos, hindi. ‘Eh, paano kung nagseselos ka nga?’ Sabi ng isang side ng utak ko. No i'm not, I'm not jealous, it's just angry cause I gave her freedom and she is misusing it, how dare she is? Lumabas ako ng opisina at hindi ko na hinintay pa si June. Nagmamadali na akong naglakad kaya lahat ng staff ay ilag sa akin at mababanaag sa mga mukha nila ang takot. Dahil sa awra kung galit, bihira nilang makita ako ng ganito dahil seryoso lang lagi ako pagnasa kompanya ako. VINA POV NASA kama na ako dito sa silid ko. Dahil kakauwi ko lang galing parke hapon na ng makauwi kami ni Kreg, dahil medyo na enjoy ko ang pamamasyal ko doon. Ang hindi ko lang makalimutan ay muntik na sana niya akong halikan, mabuti na lang at napigilan ko ang gagawin sana nitong paghalik sa akin kanina. Nagulo tuloy ang isipan ko, kaya na ihagis ko ang unan sa sahig. Ang lukong lalaking iyon, makakaisa sana sa akin mabuti at hindi ako tulad ng ibang babaeng easy to get. Pero okay lang humingi naman ito ng paumanhin sa akin kanina. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay maagang matulog dahil napagod din ako kakalamyerda. Ngunit ipipikit ko na sana ang aking mata ng may biglang tumawag sa akin. “Vina!?” Mukhang galit ang tono ng tumawag sa pangalan ko. Kaya hindi ko maiwasang mainis sa isturbong iyon. Pabalang kong binuksan ang pintuan at iniluwa roon ang galit na galit na mukha ni Rex. “What the f**k were you doing in my absent, don't you have shame!” galit ko ring sagot dito, habang tumayo ako nakapamaywang sa harapan nito. “You cheat me!” Galit na sambit nito kaya napatanga ako. “Manloloko ako? Tinatawag mo akong manloloko? Bakit naman kita lolokohin?” I yell and my eyes widened. Inihagis nito ang kanyang cellphone sa akin mabuti at nasalo ko kaagad iyon at tiningnan ko ang cellphone nito. May mga kuhang larawan doon na kasama ko si Kreg sa may coffee shop nandoon rin iyong hinawakan ko laylayan ni Kreg. At mga larawan sa park na masaya kaming dalawa at ang huli iyong muntik niya akong hinalikan ng hipan niya ako sa mata ko kanina dahil napuwing ako at iyon nga nabalak sana niya akong halikan. “Pinasusubaybayan mo ako?” galit na tanong ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD