Chapter 15

1560 Words
VINA POV ILANG araw na rin mula ng nagkasagutan kami ni Rex. Kinagabihan noon nang paghinalaan niya ako na nanlalaki raw ako ay lasing itong pumasok sa silid ko. Akala ko ay tapos na ang pagbibintang nito sa akin, ngunit may part two pala ang pang-iinsulto niya sa akin. Noon niya inamin ang tunay na dahilan kung bakit ito galit na galit sa akin. Akala nito ay ako ang pumatay sa matalik na kaibigan nitong si Stephanie, ngayon alam ko na kung bakit ito galit at pinapahirapan ako. Pero ang mas kinagulat ko ay kaya pala ito gan'on kagalit sa akin at kaconcern kay Stephanie ay kapatid pala niya ito sa labas. Akala ko ay best friend lang niya ito noon. Pero ang masakit isipin na ang lalaking muntik ko ng minahal noon ay may mas malalim palang lihim na galit sa akin dahil sa pagkamatay ni Steph. Akala ko ang dahilan lang nito ay noong makipagkalas ako sa relasyon namin noon dahil pinaglaruan ko lang ito noon. Pero, ginawa ko lang naman iyon noon, dahil takot akong madamay siya sa galit ng taong tunay na may kasalanan sa pagkamatay kay Stephanie. Iyon pala ay galit ito, dahil ako pala ang pinagbibintangan niyang pumatay sa katapid nito, pero kung alam lang niya ang totoo sana ay hindi siya magagalit sa akin, pero anong magagawa ko 'di ko naman maituturo ang tunay na may dahilan kung bakit nahulog si Steph dahil nakamaskara ang mga ito. Paano ko ba itatama sa lahat na hindi ako ang pumatay kay Stephanie. Kung ang mga ebidensya noon ay lahat ay tumuturo sa akin? Pero tanda ko mga boses ng babae at lalaking mga sangkot sa krimeng iyon. Hindi-hindi ko rin makakalimutan noon ang tattoo ng lalaki sa kanang palapulsuhan ng mga ito pareho sa tattoong nasa kanan naman ng babaeng kasama nito. Kaya lang naman ako na abswelto noon ay dahil malakas ang kapit ng pamilya ko sa batas. Pero hindi na magbabago ang lahat, dahil sa mata ni Rex at sa mata ng mga taong nakakakilala sa akin na ako talaga ang kriminal. Pero hindi ko iyon magagawa sa babaeng iyon. Kahit medyo may katalasan ang dila niyon at minsan ay magkaaway kami, ni minsan hindi ko iniisip na patayin ito or saktan man lang. Pero alam ng Diyos, na inosente ako at wala akong kasalanan. Matapos ng gabing umamin sa akin si Rex sa tunay na dahilan nito kung bakit galit na galit ito sa akin ay hindi parin ako lumalabas ng silid ko. It's hurts like hell and I am not ready to face him. Pero paano niya nasabing ako ang pumatay kay Steph? May pruweba basiya? Kasi ang pagkakaalam ko ay sinira na iyon ng mga pulis ang copy ng CCTV kung paano nahulog si Steph habang hawak ko ito para hindi ito mahulog ng tuluyan? Ngayon ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga nakaraan ko noong nag-aaral pa lang kami noong highschool kami ni Rex hanggang sa makagraduate kami ng kolehiyo. Flashback Isang araw pagkatapos ng klase namin noon ay pauwi na ako, dahil mag-gagabi na ng mga oras na iyon. I love going home late, upang wala akong makasabay na kahit na sino at gusto ko maglakad ng mag-isa. Habang naglalakad ako sa hallway ay hinarang ako ni Stephanie. Dahil galit ako dito, dahil lagi na lang niya ako pinag-iinitan dahil kay Rex ay iiwasan ko na sana ito ng bigla niya akong harangan. “Pwede bang umalis ka sa daraan ko, get out of my way.” Tulak ko rito ng bahagya. “Pumunta lang ako rito, para bigyan ka ng babala, leave Rex, alone because he is mine and mine alone.” She grabbed my arm and her face was red dahil sa galit. “Wow, really, leave Rex, alone because you're mine and mine alone.” Panggagaya ko sa sinabi nito kaya mas lalong namula ito sa galit at parang sasabog na siya any minute. “You!” Sabi nito habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya kaya sumagot ako rito. “Don't point your finger at me. Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Loser, never siyang sa'yo at never siyang magiging sa'yo, and you're jelouse dahil akala mo ay may gusto siya sa akin?” I twisted her finger kaya napasigaw ito sa sakit. “Ouch! Let go of my finger bitch.” Sabi nito kaya binitawan ko na ang daliri nito at lumakad na saka ko siya binilitan. Nagpapadyak naman ito sa inis kasi hindi ito nakaganti ng may dumaang gwardiya sa tapat namin. Makalipas ang mga araw ay nagsimula akong makatanggap ng ilang liham ng pagbabanta, mula sa kanya na nagsasabing papatayin niya ako sa bawat pagkakataong makakakuha ito. Baliw talaga, ngunit imbis na matakot ako ay natatawa na lang ako dahil sa kabaliwan nito. Ang babaeng iyon ay nababaliw na dahil lamang sa lalaking ni sa panaginip ko ay hindi ko papatulan. Kasalanan ko bang patay na patay ang nerd na iyon sa akin. At saka sino ba siya at ano ba siya ni Forex eh, kaibigan lang naman siya nito? PERO isang umaga ng dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng magkabanggaan kami ni Steph. Habang nakaramdam ako ng inip noon sa aming klase ay minabuti kong maglakad-lakad na muna sa loob ng campus at hindi muna ako pumasok sa subject na iyon, ngunit nakita ko si Rex at Steph na nag-uusap kaya napangiti ako. May pumasok sa aking isipan at tiyak sa gagawin ko ay lalong magagalit ito ng tuluyan sa akin, but i don't care. Makabawi man lang ako sa mga pinaggagawa nito sa akin nitong mga nakaraan. Nilapitan ko ang mga ito habang nag-ngingitian pa ang dalawa at inisturbo ko sila, I grabbed Rex and bring him closer to me and I kiss him in front to Stephanie, kaya nabigla ang dalawa lalong lalo na si Rex, pero maya-maya lang ay gumanti din siya ng halik sa akin. Itutulak ko na sana ito para tingnan ko kung anong reaksyon ni Steph ng lalo akong halikan ng madiin ni Rex, kaya nadistract ako at napatuon na lang ang atensyon ko noon sa kanya. Pero sabagay kahit naman nerd ito ay hindi pa rin makakailang magandang lalaki ito, kaya siguro patay na patay dito si Stephanie, kaya hindi na masamang tumugon din ako sa nag-aalab na halik nito. Gulat na gulat ang mga taong nasa lugar na iyon habang nagtitilian at napapasigaw pa ang iba habang busy sila sa kumukuha ng mga litrato at video sa amin. Tumingin ako kay Stephanie sa isang sulok ng aking mga paningin at nagpakawala ng isang nakakalokong ngiti. Kaya naiiyak na ito habang nakatingin sa akin kaya lalo akong natuwa dahil nabawi na ako dito. Hindi na siguro nito natagalan ang nakikita kaya naglakad na ito palabas ng hallway dahil sa galit dahil naisahan at nahalikan ko ang lalaking kinababaliwan nito. Nang makaalis na ito ay tumigil na ako sa paghalik kay Rex at saka bahagya ko na itong tinulak. He look alluring kaya ngumisi ako dito at maglalakad na sana ako palayo ng may ngiting tagumpay, but then something unexpected happened, his dragged me back and kissed me again. Pero sa pagkakataon na iyon ay wala na rin naman ang taong aking pinapasakitan kaya itinulak ko na ito. “Sorry guys it's the fake show, wala lang itong nakita ninyo. I will never like this guys, never ko siyang magugustuhan.” Sabi ko at binalingan ko si Rex na parang naiiyak na habang may lungkot sa kanyang mga mata, “Sorry Rex at nag-assume ka, kaya lang naman kita hinalikan para i- revenge lang si Stephanie na patay na patay sa'yo, that's is, okay bye!” Sabi ko at iniwan ko na itong nakatunganga. Pagkatapos ng show namin na iyon ay umalis na ako sa hallway at iniwan kong napapahiya si Rex sa lahat ng taong naging saksi sa ginagawa kong palabas. Pumunta na ako sa klase ko na may ngisi sa labi, sa isang araw dalawang tao ang pinaglaruan ko pero wala akong pakialam. Pero ang makita ko si Stephanie na nakatayo sa gilid ng pinto ng classroom namin ay nginisihan ko ito at nagwika. “Tingnan mo kung sino ang mukhang kaawa-awa, sa atin ngayon.” Pang-aasar ko at saka ko siya binigyan ng ngisi. “You're crazy b***h, hindi mo alam ang ginawa mo, kaya I promise I won't let this go again. Gagantihan kita!” She said habang galit na galit ito sa akin. Kaya mula noon ay wala na akong narinig na balita mula kay Stephanie at hindi na ito lumapit pa sa akin, hindi rin nito itinuloy ang balak na pagganti niya sa akin kaya naisip ko na natakot na itong muling mapahiya, habang si Rex naman ay ngayon ay hindi parin ito tumitigil na lumapit sa akin at parang nakalimutan na nito ang pagpapahiya ko rito. Mas lalo itong lumalapit sa akin kahit ilang beses ko na itong pinagtagabuyan at iniinsulto ng paulit ulit. Ngunit masugid pa rin itong nagpapahayag na pagkagusto nito sa akin kaya napilitan ko itong patulan na lang ayon na rin sa sulsol sa akin ng mga kaibigan ko na wala naman daw mawawala kung susubukan ko itong bigyan ng change, kaya para hindi naman masayang ang pagpupursige nitong mapansin ko na ito at sinagot dahil lamang sa awa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD