Chapter 17

1411 Words
VINA POV NANDITO Kami sa reception ng kasal ng isa sa mga kaibigan ni Forex na si Brian Spencer na ikinasal sa fiance nitong matagal na nagtago sa Hongkong hanggang sa maipanganak nito ang anak na dinadala nito sa asawa na nito ngayon na si Brian Spencer kaibigan ni Forex. Ayaw ko sanang sumama ngunit, mapilit si Forex na isama ako kaya no choice ako kundi ang pumayag na samahan ito kahit wala naman akong kakilala sa mga dumalo. Habang masaya silang nagsalu-salo sa venew ng reception na puno ng mga kilalang tao lalo lalong na ang lahat na mga kaibigan ng groom kabilang na si Rex na asawa niya. Habang ako naman ay nakaupo lamang sa table na para sa amin at hindi man lang ako nakipaghalubilo sa mga ito dahil wala ako sa mood. Mayamaya lang ay nilapitan ako ni Forex at binulungan, “‘Wag kang magpapahalatang walang amor sa kasiyahan na ito, be profetional okay, ayaw kung may masabi sila dito na hindi kita inaasikaso.” Bulong nito sa akin. Mayamaya lamang ay nakarinig kami na may pumalahaw na iyak kaya napatingin ako sa kinaroroonan ng bride na humiyak habang hinahanap nito ang anak at nawawala. At mamaya lang ay may mga dumating ng mga pulis para imbestigahan ang nangyari. Walang tigil ang pag-uusap ng mga tao dahil sa nangyari lalo na at balita na doon na nakatakas daw ang babaeng dating nagpakidnap kay Helena na fiance n'ong Brian. Napatingin ako sa mga pulis na mabusising ini-interview ang mga nandoon sa reception, at bigla na lamang pumasok sa balintataw ko akong ang mga alalang iniiwasan kong maalala, mamaya lang ay hindi ko alam na pumapatak na pala ang luha sa aking mga mat, saka lang ako natauhan ng may humawak sa pisngi ko at pinunasan nito ang isang butil na luha na lumandas doon. Kaya napaangat ang ulo ko at nagtama ang aming mga mata. “Umiiyak ka ba?” tanong sa akin ni Forex kaya lalong umagos ang mga luha sa mga mata ko, bago ako napatayo at napatakbo papalabas sa hotel. “Please, not now, hindi ko dapat na aalala ang nangyari ilang taon na ang nakakaraan, sa panaginip ko lamang iyon na kikita pero bakit ngayon, nakakita lang ako ng pulis ay bumalik na naman sa alala ko kung paano nahulog si Stephanie at ng tuluyan ko na itong nabitiwan, pero this time hindi na ako nakapikit at malinaw na malinaw ko ng nakikita kung anong itsura nito ng mahulog ito mula sa rooftop. REX POV UMUWI na kami ni Vina at palaisipan sa akin kung anong nangyari dito kanina. Nakakita lang ng mga pulis ay nagkaganoon na ito, bigla na lang umiyak sa hindi ko malamang dahilan. Tahimik lamang itong nakamasid sa labas ng binta ng kotseng sinasakyan namin. Bakas parin sa mga mata nito ang pag-iyak habang malungkot ang mga mata. Hindi ko na lamang ito inusisa pa kung ano ang nangyari sa kanya. Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko pa rin natiis ang pananahimik nito kaya nagsalita ako. “Aalis tayo bukas at may pupuntahan tayo kaya agahan mo ang paggising mo bukas,” sabi ko kay Vina habang papasok kami sa loob ng bahay. Napatigil ito sa narinig pero hindi ito nagsalita at tuloy-tuloy itong pumasok parin sa loob ng silid nito na walang sinasabi. Tumingin lang ako sa nakasaradong pintuan nito at napabuntong-hininga siya tahimik na pumasok narin ako sa aking silid. Nakakapanibago ang katahimikan nito mukha itong may pinagdadaan na hindi ko alam. Pero 'di ba dapat ay wala na akong pakialam sa kanya kaya bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon. Pero alam kung may pinagdadaan ito ngayon pero ano kaya iyon? Kinabukasan nasa sasakyan ako kasama si Vina, nagmaneho siya papunta sa malapit na park, naka-disguise sila dahil kailangan niya ng mapayapang araw. Tahimik lang ang biyahe na may matinding tensyon sa pagitan nila. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ni Vina habang nakaupo parin kami sa sasakyan, at hindi pa bumababa ng sasakyan. “Gusto lang sana kitang makausap.” Sagot ko naman sa kanya. “Bakit? Kung tungkol ito sa nangyaru sa kasal ng kaibigan mo? Pwede tayong mag-usap sa bahay mo at bakit kailangan mo pa akong dalhin dito?” Matigas nitong tanong. “Stop talking to me like that and it's not about the widding kung ano man ang idinrama mo doon. It's about my half sister Steph na pin-” Sagot ko naman at huminto saglit sa gusto kong ituloy nasasabihin. “Ano bakit hindi mo tinutuloy na pinatay ko 'di ba iyon naman ang gusto mong sabihin. Ano pa ang gusto mong malaman? Sabi ko naman sa'yo hindi ko siya pinatay!” Sigaw nito at nag histerikal na. “Damn it Vina, you are getting on my nerves, pwede bang kumalma ka.” Sabi ko at sinigawan ko na rin ito, habang nagngangalit ang mga ngipin ko. “No Rex, you got it all wrong, you are the one getting on my nerves, you f*cking did crazy things to me, I can't believe this, wala ka naman pruweba na pinatay ko nga si Steph. Kasi wala ka naman doon. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ng makita ko siyang nahulog habang hawak ko siya para iligtas.” She trailed off, her eyes were tears. Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi iyon mabubura ng awa ang galit na nararamdaman ko dito. “Then kung hindi ikaw ang pumatay tell, me sino ang pumatay sa kapatid ko? Tell me what exactly happened that day, I want to hear everything in details don't remove any single thing that happened that day, please, Vina.” Tanong ko dahil gusto kung malaman kung ano ang nangyari noong araw na iyon, at kung sino talaga ang pumatay sa kapatid ko. Ngunit umiyak lang ito ng umiyak at hindi nagsasalita at umiiling iling. “TALK!!” Yugyog ko dito habang lalo itong pumapalahaw ng iyak. “Hndi ko alam kung sino ang pumatay sa kanya, dahil nakamaskara sila pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo, hindi ako ang pumatay kay Steph, dahil tinulungan ko siya sa abot ng aking makakaya at alam iyon ng Diyos.” sabi nito habang lumuluha. Huminga ako ng malalim at saka ko ibinuka ang bibig ko para magsalita at kulitin ito, ngunit tumutunog ang phone ko at nakailang misscall na ang tumawag kaya binitiwan ko si Vina at tumingin doon at nakita ko ang mga messeges ng kapatid ko binuksan ko ito at binasa ang laman ng text nito sa akin, gusto raw nitong tawagan ko siya kaya sinunod ko ang sabi nito. Kaya tinawagan ko ito at iniwan ko si Vina na umiiyak pa rin habang malungkot na nakatingin sa kawalan sa loob ng sasakyan. “Hello anong kailangan mo, kuya?” “Nakita ko na ang kabuuan ng ebidensya sa tunay na nilalaman ng CCTV footage sa may rooftop ng Ursula tower. “Kabuoan ng bidensya? Anong ebidensya?” naguguluhang saad ko. “Rex, inosente si Vina sa pagkamatay ni Steph at hindi mo mapapaniwalaan ang isa ko pang nalaman. Pinadala ko na sa'yo ang mga ebedinsya walang labis walang kulang.” sabi nito at pinatay na ang tawag. “I-inosente si Vina? Paanong nangayari iyon?” sa isip ko at patingin ako sa sasakyan kung saan ko iniwan si Vina. Mamaya pagnapanood ko na ang video at malaman kong inosente si Vina, hindi ko parin ito hihiwalayan, at least not now, malalaman ko na ang totoo. Napagdesisyunan ko nang tingnan ang ipinadala ni kuya na video at napanood ko doon ang lahat. Nanlumo ako sa nakita at napakuyom ang kamao ko sa sobrang panginginig ng kalamanan ko, all this time ay wala pala akong karapatang magalit kay Vina. Pinag-isipan kong mabuti ang lahat at napagtanto kong ito pala ang totoong nangyari at hindi nagsisinungaling si Vina, ngunit si Cassie bakit siya nagsinungaling sa akin at bakit putol ang CCTV footage na ibinigay niya sa akin? Ano ang dahilan at bakit ang bestfriend nito ay nagawa nitong ilalaglag? Anong dahilan kung bakit siya magsisinungaling sa akin? All this time ay si Vina pala talaga ang nagsasabi sa akin ng totoo. Puno ng guilt ang mukha ko ng mapatingin ako sa sasakyan ulit kung saan nandoon parin si Vina na tulala. Paano ko siya haharapin ngayong nalaman ko na ang totoo. Hindi ko tuloy alam kung saan ako magsisimula para humingi ng tawad sa kanya, paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD