Chapter 16

1557 Words
Continuation of Flashback AFTER our final exam, I got a call from an unknown person. I picked up the call and I realized that it was Stephanie. She planned something huge, telling me to meet her. At kung hindi raw ako magpapakita ay may mangyayaring masama kay Rex. She sent me a picture of Rex at the top of Ursula's tower, ang pinakamataas na gusali dito sa Manila. I just don't know what got into me, not even thinking well at the moment. I Just found myself holding my car keys and the next, I was at the location, I rushed upstairs without any plan or backup. Pagdating ko roon ay napagtanto ko na isa pala itong bitag, dahil wala naman doon si Rex at nag-iisa lang pala ito. Pumasok pala ako sa isang sitwasyon walang kalaban-laban pero hindi ako papatalo. “Oh, nandito na pala ang malanding babae, pumunta na walang kalaban-laban, stupid bitch.” Sabi ni Stephanie habang tumatawa ng nakakaloko. “You don't know you are an idiot” Sabi ko naman dito wala naman akong nakakapang-takot sa aking dibdib dahil mag-isa lang naman ito sa rooftop. “Sa tingin mo ba pupunta ako rito ng katangahan lang ang dala?” Sabi ko naman kaya napakunot ang noo nito. “Ikaw, hindi ka ba natatakot na mamatay sa oras na ito, pumunta ka rito na hindi mo alam na bitag lamang ito?” tanong nito sabay duro niya sa akin.” Sa sandaling ito ang kailangan ko lang gawin ay paganahin ang utak ko, para makaalis ako dito pinakalma ko ang sarili ko. “And why should I be afraid of someone who isn't smart, I mean look at your stupid self Stephanie,” I said and she blushed with anger. “Don't try me!” she said and angrily pointed and me. “Ikaw hindi ko alam kung bakit ganyan na lang galit at ingit mo sa akin, kaibigan lang ang turing ni Rex sa'yo bakit hindi mo iyon matanggap.” Sabi ko kaya napangisi ito. “Dahil hindi ka bagay kay Rex, at alam ko naman mo lang naman siya sinagot dahil pinagpustahan lang naman ninyo siya ng mga cheap class mong mga kaibigan.” “Wala ka ng paki doon pero sa maniwala ka at sa hindi mahal ko na si Rex kaya tanggapin mo na lang na akin na siya.” Walang pakialam kong saad dito at aalis na sana ng harangan niya ako at itulak. “You, sumusobra ka na ah,” sabi ko naman at itinulak ko rin ito kaya natumba ito at sinampal ko ito ng malakas. Kaya nagulat ito at hindi nakakibo kaya pagkakataon ko na iyon para umalis dahil wala naman akong mapapala sa babaeng ito kung papatulan ko pa. Naggagalaiti itong nagpapadyak ng makaalis ako doon pero wala akong pakialam. Pero ng nasa baba na ako ay hindi ko mabuksan ang kotse ko at hinanap ko ang susi ng sasakyan ko sa bulsa ko ngunit hindi ko iyon mahanap kaya binalikan ko iyon sa rooftop at baka doon iyon nahulog ng itulak niya ako silk pa naman ang suot kong pantalon kaya medyo madulas iyon at madali lang mahulog doon ang susi ko. Pero nang makarating ako doon ay may dalawang tao ang nakikipagtalo kay Stephanie, at dihado ito kaya kahit galit ako sa babaeng iyon ay gumawa ako ng paraan para tantanan nila si Steph. “Hoy, sino kayo kapag hindi ninyo iyan tinigilan ia-upload ko iyang ginagawa niyo,” sabi ko kaya natigil ang dalawa at humarap sa akin ngunit hindi ko nakita ang mga mukha nila kasi nakamaskara ang mga ito at tanging mata at bibig lamang nila ang hindi natatakpan. Dahil malapit na sila sa hamba ng gilid ng rooftop at kunting galaw na lang ni Steph na umiiyak ay mahuhulog na ito. Habang umiiling iling at umuungol dahil hindi ito makapagsalita. “Oh, nandito pala ang braty ng school at feeling sikat purke isa siyang Suarez. Tamang tama dalawa na kayong ilalaglag namin sa rooftop.” Nakangising saad ng babae habang may malademonyong ngisi. “Sino ba kayo?” sabi ko pero hindi nila sinagot ang tanong ko. “At bakit naman namin sasabihin!” Sabat naman ng lalaki na kasama ng babaeng may hawak na tape. Iyon yata ang ginamit nito sa pangsara ng bibig ni Steph kaya hindi ito makapagsalita. Pero hindi ako nagpatinag sa mga ito, wala naman silang dalang makakasakit dahil alam ko kung ano ang binabalak nilang gawin kay Stephanie, ang ihulog ito sa rooftop at palabasin na aksedente. “Ano bang kasalanan ni Steph sainyo?” tanong ko sa kanila para libangin sila at makaisip ako ng paraan para mapaalis sila dito na hindi napapahamak ang babaeng iyan kahit deserve niya iyon dahil masama ang ugali nito. Masama din naman ang ugali ko pero never naman akong nakaisip ng masama sa kapwa lalong lalo na ang manakit ng pisikal. “Sa totoo naman niyan wala naman siyang kasalanan, gagamiti ko lang naman siya para sa'yo,” sabi ng babae kaya napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” sabi ko at inihanda ko na ang record ng cellphone ko para erecord ang sasabihin ng babae. “Secret, bakit ko sasabihin sa'yo,” Sabi naman nito kaya napikon na ako. “Ako ba'y pinagloloko ninyo?” inis na sabi ko kaya natawa naman ang dalawa kagigil. “Tara na ihulog mo na iyang babae na iyan, tamang tama hindi na tayo mahihirapan na palabasin na si Vina ang may kagagawan kung bakit nahulog ang malanding babaeng ito, at palay na ang lumalapit sa manok.” Sabat ulit ng lalaki. “Hoy, 'wag n'yo iyan gagawin, hindi magandang biro iyan.” Sabi ko naman dahil hindi lang prank ang gagawin nila dahil tutuhanin na nilang hinulog si Stephanie. “Sige na nga napapagod na rin akong makipaglaro sa babaeng ito.” Sang-ayon nito sa kasama kaya binitawan na nila si Steph. Kaya agad akong napalapit sa kinaroronan ni Steph kung saan nahulog pero dahil sa harapan ko sila dumaan habang kumakaway kaway pa ang babae at lalaki sa akin na nang aasar ay nahagip ng mata ko ang tattoo na nakaukit sa palapulsuhan ng babae at lalaki. Hinayaan ko na lamang ang dalawa kasi nag-aalala ako kay Stephanie. Nang makadungaw ako ay nakita kong napakapit pa si Steph sa bakal na kinakabitan ng poster kaya agad ko itong hinawakan at sinubukan kong itaas ngunit mabigat ito. Inalis naman ni Stephanie ang tape na nasa bibig nito gamit ang kamay nitong hindi nakahawak sa bakal at saka umiiyak na humingi ng tulong sa akin. “Tulungan mo ako ayoko pangmamatay!” “Oo, tutulungan kita kapit ka lang nang mahigpit.” Pinagpapawisan ko ng saad dito dahil sa bigat nito. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at tumawag ng mga pulis. “Humawak ka lang papunta na ang tulong natinawagan ko.” Sabi ko dito. ”H-hindi ko na kaya, sorry sa mga nagawa ko,” Sabi nito. “Sshh! 'Wag kang mawalan ng pag-asa, may tutulong na sa iyo, kapit ka pa.” Naiiyak na rin ako at pagod na pero hindi ko balak itong bitiwan. “Bakit ba ang tagal nila,” sabi ko, hindi ko naman mahawakan ng dalawang kamay ko ang kamay nito dahil kumukuha rin ako ng lakas na kumapit at hindi naman ako katangkaran para maituon ko ang mga paa ko dahil medyo may kalayuan din si Steph sa bukana ng rooftop. “Hindi ko na talaga kaya, bitiwan mo na ako,” “Pwede ba, kahit ngayon lang 'wag matigas ang ulo mo at makulit kumapit ka lang ano ba!” Natatarantang saad ko dahil madudulas na ang kamay nito sa pagkakapit ko dahil pinagpapawisan na ang kamay ko at kamay niya dahil mainit na ang araw. Hanggang sa dumulas na nga ang kamay ni Stephanie sa pagkakahawak ko at nahulog ito kaya napapikit ako sa sobrang takot at lungkot. Dahil kahit hindi kami magkasundo ay hindi ko naman hinangad na mapahamak ito. Maya maya lang ay dumating na ang mga pulis ngunit huli na ito, naabutan nila akong nakayuko parin sa kinahulugan ni Stephanie habang umiiyak. NAPABALIKWAS ako ng bangon at pinagpapawisan dahil binangungot naman ako sa pangyayari noon. Kung alam lang nila na hanggang ngayon ay inuusig pa rin ako ng aking konsensya hindi dahil ako ang may kasalanan ng pagkakamatay ni Steph, kundi konsensya na hindi ko man lang ito na iligtas ng mga panahong iyon. Halos 'di ako makatulog noon at muntik na rin akong hindi matuloy sa pag-akyat sa stage, dahil sa pangyayaring iyon kaya hindi biro ang mga pinagdaanan ko kaya walang karapatan si Forex na husgahan ako at pahirapan sa pagkamatay ng kapatid nito. Kung alam lang niya na malaki ang epekto sa akin ng trahedyang iyon na halos ikabaliw ko na dahil nasaksihan ng dalawang mata ko ang pagkahulog ni Stephanie, at wala man lang akong nagawa napagbintangan pa sa kasalanan na kailanman ay hindi ko ginawa. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan at kung may kakayahan lang ako na ipalit ko ang sarili ko sa nangyari kay Stephanie ay ginagawa ko na sana. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito at hindi ako nasasaktan, lalo na ang maramdaman ko ang galit ng taong minahal ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD