Chapter 18

1619 Words
FOREX POV PUMASOK na ako sasakyan at naabutan ko itong nakatulog kaya hindi ko na ito ginising dahil wala akong mukhang ihaharap dito matapos ng mga nalaman ko. Saka ko na ito kakausapin kapag nakarating na kami sa bahay. Pero habang nasa loob kami ng sasakyan ay naalimputangan ito, habang naghihisterical habang paulit-ulit nitong binabangit ang katagang ‘Hindi ko siya pinatay, hindi ko siya hinulog, wala ako kasalanan, ’ Kaya natataranta akong itinigil ko ang sasakyan sa tabi ng kalsada at saka ko ito hinarap para patahanin. Ngunit parang wala ito sa kanyang sarili habang patuloy parin itong umiiyak habang binabanggit niya iyon. Mababakas sa mukha nito ang paghihirap kaya ako natakot. “Hindi ko siya pinatay, hindi ko siya hinulog, wala ako kasalanan.” Sabi nito habang nagwawala. “Ano bang nangyayari sa'yo, Vina, baka binangungot ka lang tahan na,” Sabi ko pero parang wala itong naririnig at patuloy lang ito sa pagbangit ng mga katagang iyon. “Hindi ko siya pinatay at hindi ko siya hinulog, wala ako kasalanan, maniwala kayo.” Impit na sigaw nito kaya napaluha na ako. “Shh!! Tahan na naniniwala na ako sa'yo, sorry kung napagbintangan kita, 'wag ka ng matakot naniniwala na ako, tama na!” Pang-aalo ko rito pero patuloy lamang ito sa paghisterical. Kaya no choice ako kundi ang sampalin ito para matauhan. Natahimik naman ito sa paghisterical, pero nandoon parin ang takot at pag-iyak nito, kaya niyakap ko ito ng mahigpit at paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya. Maya-maya lamang ay natahimik ito at bumalik sa pagkatulala habang unti-unting humihina ang pagsalita nito. “H-hindi ko siya p-pinatay, hindi ko siya hinulog, wala akong k-kasalanan.” “Diyos ko, ano ba itong nagawa k? Paano ko nasaktan ang isang taong naging biktima lamang din ng kasinungalingan na pinaniwala sa akin ng babaeng iyon. “Magbabayad ka sa akin, Cassie, dahil sa kasinungalingan mo. Nasaktan ko ang taong mahal ko pa hanggang ngayon.” Bulong ko sa aking sarili, bago ko inihiga ang ulo ni Vina sa upuan at binaba ang upuan nito para maging higaan at saka ko binuhay ulit ang sasakyan para dalhin ito sa hopital nina Brian, para mapatingan sa doktor. “Ano ba ang nangyari dito at ganoon na lamang ito kaapektado sa nangyari kay Steph, kung wala naman pala itong kinalaman sa pagkamatay nito?” pala-isipan kong tanong habang nagmamaneho. PAGKARATING namin doon ay agad kong binuhat si Vina papasok sa emergency room at pinatingan ko sa doktor na naroon. Sakto naman na dati raw itong doktor ni Vina kaya dito ko na lamang ito ipinatingnan. Maya-maya ay tinawagan ko ang mga magulang ni Vina at agad naman silang dumating na nag-aalala. At doon ko na laman na nagkaroon ito ng matinding depression na nauwi sa trauma at kamuntik na niya iyon ng pagkawala sana ng katinuan nito. Ang dahilan ay mula ng makasaksi ito kung paano raw nahulog ang isang babae na sinusubukan nitong iligtas noon. Kaya napakuyom ang kamao ko at doon ko lang nalaman na matapos mamatay ni Steph ay doon na nagsimulang madepress ito. Ngayon ko lang napagtanto na ang laking gago ko dahil hindi ko man lang muna inalam kung anong naramdaman noon ni Vina. Imbis na inaalam ko muna ang lahat ay napangunahan ako ng galit dahil sa nalaman kong ito ang kasama sa pagkakahulog ni Steph, nadagdag pa sa ebedinsyang natanggap ko ang sa ginawa ni Vina sa akin noon na pang-iiwan niya sa akin, akala ko ay pinaglaruan lang niya ang damdamin ko noon. Kaya ng makita ko ang mga ebedinsyang tumuturo kay Vina ay pinaniwalaan ko agad iyon noon. Ang tunay palang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin ay dahil nagkaroon siya ng sakit dahil sa sobrang konsensya nito sa nangayari kay Steph at sinisisi nito ang sarili dahil ito pala ang dahilan kong bakit namatay si Steph, dahil na rin sa kagagawan ng totoong naghulog sa kapatid ko at pinalabas lang nilang si Vina ag may gawa n'on. Parang kandila akong nauupos sa lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko mapigilang mag-alala ngayon kay Vina at sisihin ang sarili ko lalo na at nagkakaganyan ulit siya dahil sa akin, kung alam ko lang sana ay hindi ko na sana ginawa ang mga ginagawa kong pagpapahirap dito lalo na ang muntik ko na ditong balak gahasain ito dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko dito. Kung alam ko lang, sana puro pagmamahal na lang sana ang ibinigay ko sa kanya at hindi sakit sa puso at katawan. Kaya sana kapaggumaling na ito ay sana ay magawa niya akong mapatawad at kapag nangyari iyon ay gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya sapiling ko. FLORANTE POV AAWANG awang akong tumingin sa aking kapatid na si Forex na hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan, nasa opisina ako ng malaman namin ang nangyari kay Vina kaya grabe ang tensyon doon na pati si mommy ay nag-aalala sa kanyang daugther in law. Makalipas ang ilang oras sa emergency room ay lumabas na ang doktor na sumuri kay Vina, kaya dali-dali naming sinalubong ang doktor na sumuri kay Vina. “Kumusta po siya?” tanong ni Forex. “Hindi mabuti ang biktima dahil dumaranas ulit ito ng matinding depression, na nangyari na sa kanya noon. Ang depression ay nangyayari kapag nakaranasan ng matinding trauma ang isang pasyente tulad ng pagmamaltrato or makasaksi ng isang bagay na hindi niya dapat makita o maransanan.” Paliwanag nito kay Forex kaya nanlumo ito sa nalaman. “Ang ibig nyo pong sabihin ay matagal na itong nangyayari sa asawa ko?” tanong nito kaya tumango ang doktor. “Naging pasyente ko na si Miss Suarez at gumaling na ito doon, kaya ang pinagtataka ko lang kung bakit nararanasan naman niya ito, siguro hindi na nito iniinom ang maintenance na gamot niya or bumalik ulit ang mga alala na naging sanhi ng pagkadepress ng isang tao.” Sabi pa ng doktor kaya napamura si Forex. “Ngayon kailangan nating mapatingin ulit siya sa pinakamahusay na Physicaitress para makabangon ulit siya sa nararanasan niya ngayon.” dugtong pa nito. “Kung iyon lang po ang paraan para gumaling ulit ang asawa ko, dadalhin ko siya sa pinakamagaling Physicaitress. Wala po akong pakialam kung gaano kamahal ang pagpapagamot niya basta gumaling lang ulit ang asawa ko.” walang tutol na sabi ng kapatid ko sa doktor na tumango naman. Hindi na ako nagulat sa sinabi ng doktor dahil alam ko na iyon noon pa, bago ko po ipadala dito ang buong kopya ng CCTV. Hindi ko nasa ito sasabihin dahil magaling raw si Vina ng tuluyan, ayon sa mga nalaman ko, kaya hindi ko na sana balak itong sabihin pa kay Forex pero nangyari naman ito. Sadya talagang mapaglaro ang tadhana. “Kuya ito ba ang sinasabi mong isa mo pang nalaman?” may hinanakit na tanong nito sa akin kaya napatango ako. “Kailan mo pa ito nalaman?” nanghihinang tanong nito. “Mas na una ko itong nalaman kaysa sa CCTV fotage na ipinadala ko kanina lang sa'yo.” Sabi ko kaya napasuntok ito sa dingding ng hospital. “Bakit hindi mo ito agad sinabi sa akin?” “Dahil ayaw ko na sanang malaman mo pa, dahil akala ko magaling na siya ayon sa nakalap kong impormasyon, noon.” sabi ko kaya napaiyak ito. “Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga, sana hindi ko na lang siya sinumbatan at pinahirapan kung matagal mo na pala itong alam noong una pa lang.” sabi nito habang tumatangis. VINA POV MULA ng pag-uusap namin ni Forex tungkol sa kapatid nitong si Steph. At matapos ang aming pag-uusap ng araw na iyon ay isang buwan ako noon tulala at hindi makausap ni Forex at kahit na sino, gabi-gabi na rin akong binabangungot ng nakaraan ko at kahit gising ako ay binabagabag parin ako ng trahedyang iyon. Sinisisi ko ang sarili ko noon sa pagkamatay ni Stephanie, lalo na dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit ito namatay kahit na wala naman akong kasalanan noon sa mga gumawa nito kay Steph, pero ako parin ang nandoon para sana iligtas ito, pero hindi ko nagawa. Bumalik rin ang sakit ko noon na akala ko ay nawala na pero natatago lamang pala iyon sa pinakasulok ng aking isipan sa nakaraang taong pagpapagamot ko noon. Ang totoo kasi noon ng araw na mamatay si Steph ay lagi akong binabagabag ng aking konsensya, kaya nagkaroon ako noon ng depression na muntik ko ng sanang ikabaliw, pero dahil sa tulong noon ng mga magulang ko pinaniwala akong hindi ko raw iyon kasalanan at sa tulong na rin ng mga doktor sa America ay unti-unti akong nakarecover. Pero hindi pala talaga nawala ang sakit na iyon at konsensyang bumabagabag sa akin tulad noon, kundi sinadya ko lang noon na kalimutan lamang upang mabuhay ako ng normal at makabalik sa dati kong pamumuhay noong hindi pa namamatay si Stephanie. Pero lahat ng iyon ay muling bumalik dahil sa mga paratang at galit na ibinigay sa akin ni Forex, sisihin ko man siya ay alam kong hindi naman talaga kasalanan ni Forex na magalit siya sa akin, dahil karapatan niya iyon at naiintindihan ko na siya ngayon, dahil kapatid niya ang namatay at inaakala nitong ako ang pumatay sa kapatid nito. Kaya hindi ko ito masisisi, pero may kunting galit akong nararamdaman dito, dahil hinusgahan niya agad ako dahil lamang sa maling akusasyon nito sa akin. Pero hindi ko siya masisisi, dahil nagkaroon siya ng kopya ng CCTV na putol at hindi komplito kaya mas paniniwalaan nito ang hawak na ebedinsyang nagtuturo sa akin, kaysa salita ko lamang na hindi ko talaga pinatay ang kapatid nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD