Chapter 12

1674 Words
REX POV “MOM saan ka at nakabihis ka ng ganyan?” tanong ko kay mommy ng makita ko siyang nakabihis na parang pupunta sa outing. Kailan kaya balak nitong umuwi dahil next week ay babalik na rin kami ni Vina sa Pilipinas. “Ako at ang aking mahal na manugang ay pupunta sa mall para mamili.” Nakangiting sabi nito pero ganyan ang ayos parang dalaga lang. “What?” sagot ko dahil sa gulat. “Bakit ba, hindi ba pwedeng lumabas ako kasama ang manugang ko?” tanong ni mommy sa akin. “Hindi siya pwedeng lumabas mom,” Sabi ko. “Pero bakit?” Tanong nito. “Dahil hindi pa namin ipinapaalam sa publiko ang aming relasyon.” Sabi ko. “So what nasa Korea naman kayo wala kayo sa Pilipinas?” tanong nito. Kaya napabuntong-hininga ako. “Basta mommy, 'wag ka ng magpumilit pa.” “But I want to have fun with Vinaa.” Naka-pout na sabi nito sa akin kaya na inis ako para itong bata kong umasta nanay ko ba talaga ito. “Magagawa mo po iyan sa ibang paraan, mayroon tayong rancho dito maaari kayong pumunta doon kasama ni Vina, maaari kayong sumakay ng kabayo. Kaya hindi na ninyo kailangang gumala sa mall.” Sabi ko kaya napangiti ito. “Oo nga pala, sige, dadalhin ko siya doon.” Excited na sabi nito. “Good then!” Nakahinga ako nang maluwag. “Nakapag-date na ba kayo simula ng magpakasal kayo?” tanong ni mommy kaya napakamot ako sa aking noo. Hinampas ako ni mommy ng malakas sa balikat ko ng hindi ako makasagot. “Ikaw talaga, ito ang gusto ng karamihan sa mga babae, pero ang asawa mo hindi mo man lang mai-date. Pambihira kang bata ka.” Sabi nito sabay irap. “Mom alam mo namang si Vina ay hindi katulad ng ibang babae, iba siya at hindi niya gusto ang paglabas para lang sa isang date dahil wala siyang interes doon.” Palusot ko rito. “At paano mo naman nalaman? Niyaya mo na ba?” Tanong nito. “Simula high school ay alam ko na na ayaw niya sa ganyan sinubukan ko na noon na yayain ito sa isang date, kaya alam ko kung ano ang gusto niya at kung ano ang hindi.” Sabi ko at huli ko na realize ang mga nasabi ko. “Hay, iwan ko sa iyong bata ka, sige at magbibihis ako ng damit, sumama ka na rin.” sabi ni mommy. “Ayaw ko marami pa akong gagawin kayo na lang,” “‘Wag na maraming dahilan sumama ka na, sige na at magbibihis ako, magbihis na rin kayong mag asawa,” Sabi niya at bumalik na ito sa kwarto niya kaya hindi na ako nakatotol pa. “BAKIT, hindi mo sinabi sa akin na pupunta kayo ni mommy sa mall?” tanong ko kay Vina. “Kaninang umaga lang din ako inaya ng mommy mo.” Sabi nito sabay layo sa 'kin. “Talaga lang ah!?” sabi ko habang nakataas ang kilay ko. “Yes I am!” Sabi nito sabay talikod ulit sa akin. “‘Wag mo ako talikuran kapag kinakausap pa kita.” Pigil ko rito at hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito. “Ano ba bitiwan mo nga ako.” Hinila ko ito para ilapit sa akin, ngunit nawalan siya ng balanse at bumagsak sa akin at muntik ng magbanggaan ang mga labi namin mabuti na lang at nakontrol ko ang bigat nito ngunit napatulala ako ng makita ko ang maganda nitong mukha at mapupula nitong mga labi. Kaya tinulak ko siya, para mawala ito sa pagkakadagan sa akin at tumayo ako at inayos ko ang nagulo kung damit. “Next time, look attractive when you want to bonding my mom. Para hindi niya isiping inaalila kita dito.” Sabi ko at tumingin siya sa kanyang damit at inayos niya iyon. “Now smile,” sabi ko at agad naman niyang ginawa. “Good, bukas dadalhin kita sa doktor, para gamutin iyang lahat ng sugat mo sa kamay,” Sabi ko at itinago naman nito iyon sa kanyang likod. Siguro ay nagkanda paso-paso ito sa pagpapraktis magluto. “Sige pwede ka ng bumalik sa kwarto at magbihis aalis daw tayo nila mommy. Hindi na kayo pupunta ng mall.” Sabi ko at umalis na ito matapod tumango. Bakit parang ang hot niya kanina ng makita kong lumihis ang palda nito. Kaya kita ko ang makikinis nitong binti. Muntik ko na rin siyang halikan kanina ng madagan niya ako dahil ang lapit ng mapupula nitong labi sa akin mabuti na lang at napigilan ko pa. And now she's draw me closer like a magnet, akala ko naisara ko na ng husto ang pinto ng puso ko rito pero bakit nagkaganito naman ako kapag malapit siya sa akin. NANDITO na kami sa Rancho sa kasama ng nanay ko at si Vina habang nagsasaya sa na sila pagsakay sa kabayo. Nakangiti ng napakaganda ni Vina kapag kasama niya si mommmy. I need to make her remove that black dye from her hair, she needs to keep her blonde hair because it suits her better than the black. “Rex, halika rito at sumakay ka sa asawa mo.” sabi ni mama at napaungol ako parang mali yata ang pagkaintindi ko. “‘Wag ka ng umayaw at pumunta ka dito.” Sabi ni mommy kaya wala akong choice kundi pumunta sa kanila. Sumakay ako sa kabayo at humawak sa renda sa likod ni Vina kaya na amoy ko ang buhok nitong amoy vanilla. Kaya napapikit ako dahil sa bango nito, she really do take good care of her hair like some goddess. Nalanghap ko rin ang pabango nito na bago sa aking pang amoy parang pinaghalong vanilla at chocolate flavor. Hindi na regular ang aking paghinga na tila kinakabahan dahil kasama ko siya. Lumapit pa ako sa ng bahagya rito kaya nadikit ang matambok nitong pang-upo sa aking harapan kaya lalo akong nang init. Magpoprotista sana ito para siguro pa usugin ako kaya lang ay binulongan ko ito. “Manahimik ka kung hindi gagawa ako ng isang bagay na hindi mo magugustuhan.” babala ko kaya hindi na ito nagprotesta pa. “Vina my dear, what's wrong?” tanong ni mom, habang sinusubukang tingnan ni Vina ang mama ko na nasa likod namin ay hindi sinasadyang naglapat ang mga labi namin ng bumaling ito kaya napatulala ito pati narin ako, mayamaya lang ay mabilis niyang inalis ang labi niya at napayuko ito habang si mommy naman ay napitili sa sobrang kilig sa nasaksihan nito sa amin. “N-nothing tita, I was not comfortable that's why!” Sabi naman ni Vina sa tanong ni mommy kanina ng makabawi sa pagkatulala. “Naku, matagal ka na sigurong nakasakay sa kabayo kaya siguro, nangangalay ka na.” sabi ni mommy. “No tita, hindi pa naman hindi lang kasi ako sanay na may kaangkas.” Sagot naman ni Vina kay mommy. “Okay lang iyan, hindi ka naman pababayan ng aking anak, sige na pagalawin n'yo na iyang kabayong sinasakyan n'yo. Bi video-han ko kayo.” Sabi naman ni mommy. Bumaba na ito sa sinasakyan nitongkabayo at inihanda na nito ang camera. Matapos niyang kuhanan kami ng video ay nagpaalam na itong aalis na. “'l leave you two alone, since I'm already tired. Enjoy joyride, mga anak.” Sabi ni mommy at iniwan na kami nito. Nagkatinginan na lang kami ni Vina at ipinagpatuloy namin ang aming pangangabayo. VINA POV LUMIPAS ang dalawang linggo. It was normal, same thing happening, abala si Rex sa business niya habang patuloy kaming nagkakasundo ng aking biyenan. It was such a quiet moment, maaga akong natutulog bago umuwi si Rex, iniiwasan ko siya hangga't kaya ko. Gumigising ako ng maaga o late na para hindi ko ito makaharap. Very worked up through but today is not my day, dahil kasama ko si Rex ngayon sa kusina, dahilan kung bakit sinabihan siya ni mommy Malia na kumilos na responsableng husband sa akin. Sinabi nito kay Rex na kailangan niya akong tulungan sa kusina o anumang pagkakataon para mapanindigan naming dalawa ang buhay may asawa, dahilan kung bakit ito nandito sa kusina ngayon. Hindi dahil tumulong ito sa akin, kundi pinapakita lang nito sa kanyang ina na tinutulungan niya ako pero hindi naman talaga. Nandito lang para lamang magbabad ito sa kanyang phone, pero mas mabuti na rin iyon kaysa pinupuna nito ang mga ginagawa ko. Nagluluto ako ng pagkain ng bigla siyang humawak sa bewang ko kaya napatigil ako sa aking ginagawa. ‘Why the hell did he do that thing dahil sa ginawa nito kaya my heart skipped a bit.’ “Just stay put and continue what you are doing, ’coz mom's looking at us!” Bulong niya sa tenga ko and that send some chilling down my spine kaya lang pala siya biglang naging sweet dahil pakitang tao lang pala at nandiyan ang mommy nito. “O-Okay!” nauutal na sabi ko habang nagpupumilit na ipagpatuloy ang aking inagawa. Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong maghugas ngayon, dahil nakasalang pa naman ang niluluto ko. Nang matapos kami ay inaasahan kong lalayo na ito sa akin para makagawa ako ng maayos at maging komportable, pero hindi siya nagpakita ng anumang senyales na bibitiwan na niya ako. “Ahm! Rex, I need to check the food.” sabi ko at lumayo ng kaunti dito. “Let stay like this for a while!” Sabi niya habang pinaharap niya ako sa kanya tapos ay niyakap niya ako, bakit parang may kakaiba akong nararamdaman, bagay na laging nangyayari sa akin noong high school pa lang kami? ‘No stop thinking about that,’ sabi sa akin ng subconscious kong utak at pinilig ko ang ulo ko para mawala ang bumabagabag sa isip ko. Magsasalita na sana ako ng bigla na lamang niya akong binitawan ng pabalang at lumabas na ito sa kusina habang may binubulong bulong. Ano kayang nanyari doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD