Chapter 9

2168 Words
REX POV NASA meeting ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay June, normally is does not call me since he knows about all my schedule so there must be something up. “Anong nangyayari?” bungad ko sa kabilang linya. “Sir nawalan ng malay si Mrs. Vina.” Sagot naman nito sa kabilang linya. I ended the call and I said; “Reschedule the meeting! I have to go, importante lang!” Saad ko at mabilis akong lumabas ng opisina ng Jang Corporation at pumasok sa kotse ko. “Uwi na tayo sa isang bahay ko Jongsang Village!” sabi ko at hinatid na ako ng driver pauwi. Makalipas ang bente minutos ay nakarating na ako sa Village. “How is she?” tanong ko sa doktor ng makauwi ako. “She's going over fatigue and depress, but as long as she is taking her vitamins regularly and correctly resting. I am sure that she will be perfectly fine.” Sabi ng doktor na nag check-up kay Vina. “Hmmn! Okay! Thank you Doc. Yong” Sabi ko at pumasok na sa loob. Ginamit ko ang mga kamay ko para maayos ang buhok ko dahil nagulo iyon nang magmadali ako kanina sa pag-uwi. “Kung hindi ka lang tanga ay wala ka sa ganitong suliranin.” Bulong ko sa natutulog na si Vina nang makapasok ako sa silid na pinagdalhan ni Cassie kagabi dito. Si Cassie naman ay agad ding umalis ng makauwi ako kinabukasan sa Village na iyon at bumalik na siya sa Pilipinas, dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bagay sa opisina ng ama ni Vina. VINA POV NAGISING ako na medyo masakit ang ulo ko at likod ko. “O, gising ka na pala!” sabi ng babae habang tinutulungan akong bumangon. Umupo ako habang nakapatong ang likod ko sa unan. “Gusto mo ba ng tubig?” tanong niya at tumango ako, sinubukan niya akong alalayan pero gumalaw ako at tinabig ko ang kamay nito. “It's okay! Everything will be fine, hindi kita sasaktan.” Sabi nito. Kinuha ko ang baso ng tubig sa kanya nang inabot niya iyon sa akin. “Are you okay or do you feel any pain?” tanong niya pero hindi ako sumagot. “I would go prepare some food for you.” Sabi nito at umalis na, actually parang mabait naman ito pero wala akong tiwala sa kanya, baka kagaya rin siya ni Cassie na traydorin ako matapos niyang makuha ang loob ko. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya na may tangan nang tray na may laman ng pagkain at tahimik niya akong sinubuan. Matapos akong kumain at uminom ng gamot ay nag salita ito. “Kapag tapos ka ng uminom ng gamot ay maaari ka nang lumabas para mamasyal!” sambit niya na ipinagtaka ko. “Hindi, okay lang na manatili muna ako rito. Hindi ko pa kayang maglakad.” Sabi ko kahit gusto ko nang lumabas sa silid na ito. “Okay, but if you change your mind, you can call me through the intercom!” sabi ni Marie ang pangalan dahil nagpakilala ito sa akin kanina habang sinusubuan niya akong kumain. May matamis na ngiti ito tulad ni mommy kaya bigla akong nakaramdam ng homesick at pagka-miss kay mommy. Gusto ko na talaga siyang makita at makauwi sa Pilipinas. Lumabas na ng kwarto si Marie. Habang ako naman ay nakatitig lang sa ceiling, feeling devastated. I really wanna go home, gusto ko na pero paano? Kung susubukan kong tumakas ulit hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin. REX POV “NAGISING na ba siya?” tanong ko kay Marie. “Yes sir she has!” Sagot naman nito agad. “Where is she?” “Nasa kwarto lang sir. Nagpapahinga!” Sagot nito kaya iniwan ko na ito at pinuntahan si Vina. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakatingin lang sa kisame. ‘Nagpaplano pa kaya siya ng panibagong pagtakas?’ tanong ko sa sarili ko at lumapit dito. “Are you still trying to plan another escape huh?” tanong ko kaya napalingon ito sa akin. Nakatingin lang ito sa akin ng ilang sandali bago tumagilid sa isang side ng kama, at hindi na muli itong kumibo o tumingin man lang. Hindi ko alam kung natatakot ito sa akin or iniinis lang ako nitong 'wag akong pansinin para lalo ako nitong galitin. “Ano? Natatakot ka na ba, 'di ba masyado pang maaga para mawala ang masama mong pag-uugali? Akala ko ba sinabi mo na hinding hindi kita masisira pero ngayon parang binibigyan mo ako ng pag-asang unti-unti ka nang natitibag?” sabi ko sabay lapit sa kanya at saka sinamahan ko ng malulutong na tawa. Tiningnan lang niya ako at saka baliwalang pumikit na lang ito at lalong hindi niya ako pinansin. Kaya nagtataka ako sa ginagawi nito, 'di ba dapat susumbatan niya ako or kaya ay mumurahin dahil sa ginawa sa kanya ni Cassie or pwede rin niya akong akusahan na inuto ko ang kaibigan nito para bumaliktad sa kanya? Or baka drama lang ang ginagawa nito para kaawaan ko siya at hindi ko na siya kasuklaman at pagkatapos na mauto niya ako ay saka niya ako sisirain sa sarili kong pain? Napapaisip akong lumayo sa kanya at mataman ko itong pinagkatitigan. “Don't worry the show is over yet pero hindi ibig sabihin ay pakakawalan na kita. Magpapahinga ka lang ng isang linggo at kapag nabored ulit ako, pahihirapan ulit kita, bye Vina!” Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya. Napakaraming bagay na tumatakbo sa isipan ko, isa na rito ang guilt. Hindi ko kailangang makonsensya ngayon, dapat siya ang makaramdam nito at hindi ako. Because she killed my sister and she was living her life na parang wala siyang ginawang masama. Paano niya nagawa iyon ng walang kahit kaunting bahid ng pagsisisi. Kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikitang nahihirapan. VINA POV NAKAHINGA ako nang maluwag ng makita ko siyang umalis na sa silid na iyon. Humiga ako sa kama at tinakpan ang katawan ko ng duvet. Hanggang kailan ako magpapatuloy sa ganito, naisip ko habang nagmumuni-muni. Namimiss ko na sina mommy. Siya lang ang nagbibigay ng comfort sa akin. Kapag may problema ako o kahit anong iniisip ko. Bumukas ang pinto kaya nawala ako sa iniisip ko, ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito? “Ma'am!” narinig ko ang boses ni Marie, mabuti naman at hindi siya. Calm down self for goodness sake, calm down. “I asked you if was dress you up and bring you downstairs. Utos po kasi ni Sir Rex?” Sabi nito at walang gana naman akong tumango rito. “It's okay! Ako na lang kaya ko naman, wala naman akong magagawa kahit umayaw ako 'diba!” sabi ko. “But ma'am, please just let me do it, inuutos po kasi iyon ni Sir. Kaya kailangan ko pong sundin. Alam mo naman kung paano magalit ito.” Pagsusumamo ni Marie, kaya wala na akong nagawa. “I promise to be by your side ma'am!” sabi ni Marie pero hindi ako naniniwala. “Trust me, ma'am.” Sabi pa nito habang lumalapit sa akin, kaya hinayaan ko na lang ito sa gagawin niya sa akin. Hiwakan nito ang buhok ko at saka hinimas kaya nagkaroon ako ng kapanatagan sa kanya. Kaya tumayo ako at inalalayan niya akong pumasok sa banyo para maligo. Kalahating oras lang ang itinagal namin at bumaba na ako kasama si Marie. Hindi ko nakita si Rex sa sala kaya lumayo ako nang bahagya kay Marie at pupunta sana ng kusina dahil nagugutom na ako ngunit napahinto ako ng may marinig akong boses mula sa likuran ko. “Sa wakas bumaba ka na! Umupo ka sa tabi ko.” Utos ng baritonong boses na nagsalita kaya napatingin ako rito at nakita ko itong lumabas sa isang silid na naroon sa may sala na nakangiting nakakaloko. Akala ko wala siya. Hindi ako makagalaw ng makita ko ito hanggang sa hinawakan ako ni Marie, dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko at hindi ko pinakita sa kanya ang inis na nararamdaman ko ngayon. “Be fast, don't waste my time or you will not like what I'll do.” Sabi niya, I prayed silently for a miracle to happen and then his phone rang. “It's mommy, be fast, she wants to talk to the both of us. I want you to act normal.” Babala niya at tinulak ako ni Marie ng mahina kaya wala na akong nagawa kaya lumapit na lang ako rito. Nakipag-video call ito sa nanay nitong nangungumusta at pilit kung pinaskil ang pekeng ngiti sa aking mga labi. ISANG LINGGO ng wala si Rex dahil nag-aasikaso ito ng negosyo nito dito sa Korea kasama si Lady Jang. Which was good for me, naging close na kami ni Marie at dahil kay Rex, kailangan niya akong turuan magluto since sabi ni Rex na ako dapat ang magluluto para sa kanya. Dito na rin kami na malagi at hindi na kami bumalik pa sa Isla na pinanggalingan namin kaya si Marie na lang ang nagturo sa akin at hindi na ang unang ipinakilala sa akin ni Rex. Noong una ay nahihirapan akong matutong magluto, pero kalaunan ay nagustuhan ko na ang ginagawa ko. Marami na rin akong alam na putahe at sabi naman ni Marie ay masarap na raw akong magluto. “Pagod na ako!” sabi ko dito at ibinaba ko ang kutsilyong hawak ko. “Sige okay na iyan ngayon. Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na.” Sabi naman ni Marie kaya napangiti ako. “Sana hindi umuwi si Rex, mamayang gabi.” sabi ko kay Marie habang paakyat kami sa aking silid. “Hindi ako sigurado, baka babalik siya mamayang gabi, pero baka hindi rin kasi hitik ang schedule niyon.” sagot naman nito. “I just pray na hindi na siya bumalik for ever, that would be better!” Sabi ko at napahagikgik. “Talaga?” Narinig ko ang boses nito sa aming likuran kaya natigilan ako. Fuck! Tiyak na magagalit naman ito. “What? Are you not going to talk again?” tanong nito pero hindi ko siya sinagot, dahil wala ako sa mood makipag-away dito. Kaya hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa kwarto niya. This was the first time I am enter his room in this house, but wait bakit niya ako dinala dito? Sana 'wag niya ako paggawin na naman ng kung anu-ano pagod pa ako sa pagpapraktis kanina magluto ng caldereta. HINILA niya ako papasok sa kwarto niya. “Rex!” tawag ko rito. “What? Natatakot ka? Wala pa nga ako ginagawa sa'yo?” nakangiting tanong nito sa akin. “Ano naman ba ang ipapagawa mo sa akin, can you see pagod pa ako kakapraktis magluto ng caldereta mo.” Nakasimangot kong saad dito. “To late honey, may sinabi ka kasing katangahan. At talagang ipanalangin mo pang 'wag na ako bumalik kahit kailan.” sabi nito. “Please forgive me. Hindi na ako magsasalita ng kahit na anong laban sa'yo. Pagpahingahin mo naman ako, kahit ngayon lang.” Pagmamakaawa ko. First time kong magmakaawa sa isang tao mas sanay kasi akong sila ang nagmamakaawa sa akin at hindi ako. “Bakit ano sa tingin mo ang gusto kong ipagawa sa'yo?” Sabi niya sabay lapit niya sa akin at tela nang aakit itong tumingin sa akin at pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang dibdib ko kaya napahalukipkip ako. “Answer me!” naiinip niyang sabi. “T-Tulad nang ginagawa ng mag-asawa, siguro. . .” Clueless kung sagot dito dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay baka iyon ang gawin niyang parusa sa akin. Hindi pa ako handa sa bagay na iyon lalo na kung sa lalaking ito. Pero 'wag naman sana iyong iniisip ko ngayon ang ipagawa niya sa akin. “To s*x with you [laughs], very funny, for now, maybe next time, if kaya ko ng makipagtalik sa'yo, na hindi ako namumuhi, but now, massage my body, I really need that!” Sabi nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi ako marunong magmasahe! Paano na? Hinubad na niya ang kanyang damit at pumasok ito sa banyong iyong naroon para magshower yata. Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na ito na nakatapis lamang ng towel sa may baywang nito habang tumutulo ang tubig mula sa kanyang katawan kaya napalunok ako. “Titignan mo na lang ba ako?” tanong niya. “A-actually hindi ako marunong magmasahe,” nahihiyang sabi ko rito. “Just do it.” Sabi niya habang inaalis nito ang towel sa kanyang baywang kaya napanganga ako rito at tatakpan ko na sana ang mga mata ko, mabuti na lang at naka-boxer short naman pala ito, mabuti naman. Ang pagmamasahe kay Rex ang pinakamasamang gawin ko sa tanang buhay ko. First time kung makakahawak ng katawan ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD