Chapter 8

1621 Words
VINA “WE are not going anywhere unless you explain everything in details to me,” sabi ni Cassie, habang nakahalukipkip, parang gusto ko siyang sampalin pero siya ang saving grace ko sa pagkakataon na ito. Matapos ko kasing makakuha ng pagkakataon ay nilinlang ko si Rex ng may tumawag dito ng isang grupo ng mga business tycoon na dumalo sa masquerade mask party ng Jang Corporation. At nag excuse ako na mag rerestroom lang ako kaya wala na itong nagawa kundi ang bitiwan ang kamay ko na mahigpit nitong hawak kanina. Kaya nilapitan ko si Cassie na hindi na kita ni Rex. “Ohh fine! I got married last week to Forex Clemente!” sabi ko at mukhang nabigla siya. “Ano?” gulat na saad niya. “I got married to him, dahil iyon ang desisyon ni daddy. And Rex is trying to preson me. So I really need to be skip to him and I'll explain everything in details. Basta tulungan mo akong makatakas sa kanya!” sabi ko at pinalungkot ko ang mukha ko, alam ko naman na hindi ako nito matitiis. “Okay mas mabuting huwag ka nang sumama kay Rex mamaya. Gagawa ako ng paraan para maitakas ka ngayong gabi, dito sa party.” Saad naman nito sa akin kaya napangiti ako sabi ko na nga ba't tutulungan niya ako. “Ngayon may posibilidad na binabantayan niya ang lahat ng airport dito sa Korea, para hindi ka makalusot. Ngunit huwag kang mag-alala mayroon akong magandang lokasyon kung saan maaari tayong magtago pansamantala rito, para hindi niya tayo matunton.” sabi niya kaya lalong lumapad ang napangiti ko. “Okay! Sige sasamahan ako sa' yo, ” Sabi ko at sumunod sa kanya. Hindi na ako babalik kay Rex sa loob. “Lets go! Habang busy pa siya ngayon.” Saad nito at hinila na ako papalabas ng venue. Saka ko na iisipin ang paghihiganti ko sa kanya, sa ngayon kailangan kong makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Ngayon ay nakaupo kami sa sasakyan nito habang minamaneho iyon ni Cassie. Sa daming iniisip ko ngayon ay hindi ko alam kung ano ang uunahin ko pero ang mahalaga ay natakasan ko na ang idiot na iyon. Goodness ano na ang gagawin ko ngayon, I'm so f*****g crazy right now. Matapos ng isang oras ng biyahe namin ay sa wakas ay huminto ang sasakyan namin. “Nandito na tayo!” sabi ni Cassie na nagpawala sa iniisip ko. Hindi ko inaasahan ang nakita ko nang makababa na kami sa sasakyan ko. Napakaganda ng lugar na ito, hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang lugar kung saan ako dadalhin ni Cassie. “Paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtataka kong tanong kay Cassie. “Ah, ito ba, dito nakatira ang boyfriend ko.” Sabi nito kaya napakunot ang noo ko. “May boyfriend ka na pala? Bakit hindi ko alam iyon?” tanong ko. “Yup! Ayoko lang pag-usapan natin ang tungkol sa love life ko. Actually bahay bakasyunan niya lang ito dito sa Korea.” Sagot naman nito habang iginiya ako papasok. I don't know a lot of things about Cassie and she has a boyfriend who is filthy rich? What a good taste, I thought as I entered the house. Pagpasok ko pa lang ay bumilis na agad ang t***k ng puso ko, parang may kung anong meron sa bahay na ito, pero hindi ko lang alam kung ano iyon. “Hey! Anong problema? Bakit ka pa nakatayo riyan, halika na pasok na tayo sa loob?” Sabi nito habang hinihila ako papasok. “Oh! Nasaan ang boyfriend mo?” tanong ko na lamang at inalis ko ang pakiramdam ko sa bahay na iyon. “Actually, hindi ito bahay ng boyfriend ko at wala naman talaga ako boyfriend, but this is your husband house!” Sabi niya kaya natigilan ako. CASSIE “Rex na sa akin si Vina nakiusap siyang itakas ko raw siya sa iyo. Kaya dinala ko siya sa bahay bakasyunan mo para hindi siya maghinalang magkakilala tayo at panig ako sa iyo. So anong gagawin ko rito kay Ina?” bungad ko matapos ko itong abisuhan. “Oh, sa iyo pala siya humingi ng tulong, hahaha boba, pero sige, bantayan mo lang siya riyan at bukas ay kukunin ko siya diyan. Sa ngayon ay matutulog muna ako pwede?” sagot nito lang kaya napapalatak ako. “What pumunta ako rito para sa business party dahil kay tito hindi para pag-alagain mo ako sa asawa mo.” eritableng sagot ko dito. “Hayaan mo muna siya diyan oka— hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang ma disconnect ang tawag ko. Kaya na bwisit akong napamura dahil doon. Nang tingnan ko ang aking telepono ay wala na pala itong load bwisit. Itinago ko na lamang ang telepono ko at pinuntahan ang natutulog na si Vina sa isang silid na naroon. Matapos kasi nitong tumangkang tumakas ay hinampas ko ito sa likod para mawalan ito ng malay. Now? Ano na lang mukhang ihaharap ko rito dahil sa ginawa ko. Ginawa ko lang naman iyon, dahil iyon ang kailangan. Mahirap kalaban si Rex kaya imbis na kampihan ko si Ina ay kailangan kong isauli ito sa kanyang asawa. REX TUMAKAS si Vina sa party kanina ng malingat ako ay hindi na ito bumalik pa matapos nitong magpaalam na magbabanyo. Naisahan ako ng babaeng iyon. “Pero paano siya tatakas kung wala naman itong sasakyan, baka may tumulong sa kanya at iyon ang aalamin ko.” Naisip ko habang naiinis akong mag-isang umuwi sa isla ngayon. Mabuti na lang at may sarili akong bangka. Kaya kahit late na akong nakauwi ay hindi naman hustle. “Well she's smart, she will find her way out.” Sabi ko at humiga na sa kama nang sa wakas ay nakauwi na ako. Patulog na sana ako, dahil bukas ko na lang hahanapin si Vina ng may tumawag sa akin. Sinagot ko ang tawag at na bosesan ko ang nagsalita. It was Cassie na bestfriend in Vina. “Forex na sa akin si Ina, nakiusap siyang itakas ko raw siya sa iyo. Kaya dinala ko siya sa bahay bakasyunan mo para hindi siya naghinalang panig ako sa'yo. So anong gagawin ko rito kay Vina?” bungad nito sa akin, sabi na nga ba at may tumulong dito kaya malakas ang loob nitong takasan ako. “Oh, sa iyo pala siya humingi ng tulong, hahaha boba, pero sige, bantayan mo lang siya riyan at bukas ay kukunin ko siya diyan. Sa ngayon ay matutulog muna ako pwede?” sagot ko lang dito kaya nagpapalatak ito. “What pumunta ako rito para sa business party dahil kay tito hindi para pag-alagain mo ako sa asawa mo.” eritableng sagot nito. “Hayaan mo muna siya diyan oka. . .” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang ma-disconnect ang tawag. Pesteng babae iyon, binabaan yata ako ng telepono? VINA POV NANDITO ako ngayon sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Cassie. Umiiyak habang nakadapa sa kama, ang mga luha ko ay umaagos sa makikikinis kong pisngi. Ang akala kong tutulungan ako dahil kaibigan ko siya at pinagkakatiwalaan ay hindi pala ako tutulungan. Ngayon ko lang naranasang hindi kampihan nito. Parang hindi ko na ito kaibigan ng gabing iyon. Mas kinampihan nito si Rex sa kadahilanang takot daw ito sa kayang gawin nito sa kanya. Pero alam kung mas may malalim na dahilan ito kung bakit niya iyon nagawa sa akin. Kapag nakatakas ako rito sisiguraduhin kong aalamin ko ang tunay na dahilan nito. Sa ngayon ay kailangan ko munang gumawa ng paraan para makatakas ulit ako rito kahit sa anong paraan. Wala mang mababakas na pag-asa sa aking kinalalagyan ay hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Nang mahimasmasan ako ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko talaga kaya ang sakit ng likod ko. Hinampas kasi ako ng kung ano ni Cassie sa likod nang magtangka akong tumakas kagabi. Nagpupumilit parin akong makatayo nang may kumatok sa pinto. “Ma'am!” Narinig ko ang boses ng isang babae, ngunit hindi ako nagsalita. “Ma'am are you there?” takot na tanong ng babae at baka nakatakas siya. Binuksan nito ang pinto dahil sa curiosity. Nakita ako nitong namimilipit sa sakit ng dahil sa likod ko at napuno ng awa ang mukha nitong nakatingin sa akin. Lumapit ito sa akin at napaatras naman ako dahil baka may gawin itong hindi maganda sa akin. “Don't worry everything is going to be fine!” Sabi naman ng babae pero hindi ako sumagot dito. “Naghanda po ako ng almusal para sa iyo, dadalhin ko po sana sa'yo rito ngayon.” Saad nito na nag-aalinlangan walang parin akong tugon dito. “I know Mr. Clemente, very well. So don't get scared of him, mabait naman po siya, 'wag ninyo lamang po siyang gagalitin.” Sabi ng babae sa pagbanggit ng apelyedo ni Rex pero hindi ako natatakot doon dahil mas natakot akong baka hindi na ako makaalis pa sa piling nito. I was now more shake that ever, I tried to get off the bed fast pero nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. Nauntog ang ulo ko sa sahig kaya nawalan ulit ako ng ulirat. Napalaki naman ang mga mata ng babae ng makita nito ang pangyayari, habang sinusubukang akong buhatin pero dahil may kabigatan ako ay wala na itong ginagawa kundi tumawag at humingi ng tulong. “June, June! Si Ma'am Belinda po nawalan po ulit ng malay.” Tawag nito sa baba kaya nagmamadaling pumasok si June, buhat sa pinto at binuhat ako nito pahiga ulit sa kama at tinawagan ang private doctor ng kanilang among si Rex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD