Chapter 10

1693 Words
VINA POV NAGISING akong sobrang sakit ng mga kamay ko. Dahil sa pagmasahe ko kay Rex kagabi ang laki pa naman ng katawan nito. Pero wala akong magawa dahil ito ang nasusunod dito. Ewan ko ba kung bakit simula nang ikulong ako nito sa bodega ng bahay nito noon, at nang hindi ako makatakas sa kanya at nang talikuran ako ng kaisa-isa kong kaibigan ay parang nawalan na ako ng lakas magmaldita at makipag-away sa kanya minsan, huwag lang talagang mapuno ako rito. Lumabas ako ng kwarto ko upang magluto ng agahan habang hindi pa gising ang lalaking iyon. Nang mapabaling ang tingin ko sa kaliwa ko habang nang unat ako ng kamay ay hindi ko inaasahang makita ko si Rex na papalapit sa akin. Hindi na rin ako makapasok sa kwarto ko dahil nakita na niya ako kaya no choice ako kundi ang tumakbo pababa papuntang kusina, dahil doon naman talaga ako tutungo at nagkunyari na lang ako hindi ko ito nakita dahil wala ako sa mood para makipagtalo rito. Nang makarating ako sa kusina dahil maghahanda na lamang ako nang aming kakainin ngayon, ngunit nagulat ako ng marinig ko ang boses ng kapatid nitong si Florante sa may sala kaya napa-isip ako. Ano kayang ginagawa nito sa Korea? REX POV GALIT at curious ako sa mga sandaling iyon kung bakit siya tumakbo sa akin, wala naman akong ginawa sa kanya ngayon. “What did you say to her?” tanong ng kapatid ko, nagulat ako nang sundan ko kasi si Vina papasok sa kusina ay si kuya Florante ang nabungaran ko sa sala, nang bumaba ako mula sa taas hindi siguro ito napansin ni Vina pagbaba nito. “What are you doing here? Whatever you saw was nothing.” Sabi ko. “Oh, 'wag muna pala sabihin dahil, alam kong pinapunta ka ni mommy dito para bantayan ako!” Dugtong ko pa rito. “Wrong, I came to inform you that mom will be here sooner or later at pumunta ako rito for business, dumaan lang ako rito dahil sabi ni aling Minda ay dito na raw kayo nanunuluyan ni Vina.” Sabi naman nito. “Hindi ko alam na ganito kahalaga si Vina, para puntahan kami dito!” sarkastikong sambit ko. “Sa tingin mo ba matutuwa si mommy na makitang sinasaktan mo ang asawa mo?” sabi niya. “Wala akong ginawa sa kanya!” depensa ko. “Really? Bakit siya tatakbo sa iyo kung wala kang ginagawa?” tanong ni kuya. “Its nothing 'wag ka nang maraming tanong, ” sabi ko kahit hindi ko kailangan magpaliwanag dito. “Hindi iyon magkakaganoon kung wala lang kaya sabihin mo na sa akin? kung ano ba talaga ang nangyari, ang buong katotohanan gusto kong marinig ito mula sa iyo ang bawat mahalagang detalye, huwag kang maglilihim.” Sabi nito at mataman niya akong sinusuri. Buntong hininga ako and I explained everything that happened but left out my sister's part. “Why did you do that to her?” “Ginawa ko iyon dahil galit ako sa kanya.” Sabi ko at umupo sa naroong sopa. “Dahil lang sa galit ka sa ginawa sa'yo ni Vina noong nag-aaral pa lang kayo kaya mo siya pinahihirapan?” “Hindi iyon, ang dahilan matagal ko na iyong kinalimutan.” Sagot ko naman dito. “Kung hindi iyon ang dahilan kung bakit mo ginawa iyon. Ano pa ang isang bagay na itinatago mo sa akin? sabihin mo nga sa akin bakit mo siya pinakasalan?” Nag-alinlangan akong sabihin kay kuya ang rason kung bakit ko siya pinakasalan. “Sige, gusto mong malaman ang pangunahing dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.” Sabi ko at seryoso ko itong tiningnan. “Yes I do!” Sagot naman nito. “The main reason why I got married to her was because of Revenge.” sabi ko. “Revenge?” gigil na sigaw nito. “Yes, revenge!” sagot ko naman dito. “Nakagawa siya ng mabigat na kasalan sa atin sa akin, isang bagay na hindi ko kailanman malilimutan,” Mariing dagdag ko sa kanya. “What exactly has she done to you?” tanong nito tapos huminto ako ng matagal bago ko tuluyang sinabi. “Pinatay niya si Stephanie!” Mariin ko ring sagot sa kanya na ikinagulat nito. “Di ba napatunayan na iyan, na naframe up lang si Vina sa nangyari sa kapatid natin. Bakit hindi mo iyon matanggap? And that stupid anger of yours would lead you to trouble, next time mag-isip ka muna bago ka gumawa ng anumang padalos-dalos na desisyon.” Sigaw nito sa akin. “Hindi ako naniniwala doon dahil kung naframe up lang siya 'di sana nahuli na ng mga pulis ang tunay na salarin. Kaya alam kung siya ang may gawa niyon pinagana lang nila ang kanilang koneksyon para matakasan ni Vina ang ginawa niya,” naiiyak kong sagot dito. “Gaano ka sigurado? May ebidensya ka ba?” sabi nito at napaupo rin ito sa katapat ng sopang kinauupuan ko. “Wala pa pero pinabubuksan ko na ulit ang kaso at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya sa kapatid natin.” “Ako na ang gagawa niyon, at gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa'yo na wala talagang kasalanan si Vina.” Sabi naman ni kuya kaya nagtataka ako kung bakit kinakampihan nito si Vina. “Bigyan mo ako ng dalawang buwan, para kumpirmahin ito, pero ipangako mo sa akin ang isang bagay na hindi mo siya pahihirapan, saka mo na siya singilin kapag napatunayan kong may kasalanan talaga si Vina, okay, siguro pamahon na para makabawi ako sa kapatid nating iyon.” sabi naman ni kuya kaya napabuntong hininga ako. Pero sure akong si Vina talaga ang tumulak kay Stephanie. Dahil hindi magsisinungaling ang taong nakakaalam na si Vina talaga ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko. “But kuya, why do you care?” tanong ko sa kanya dahil wala naman itong mapapala sa kaso ni Vina? “Sa totoo lang hindi ko rin alam,” sagot naman nito. “Baka naman may gusto ka sa kanya?” tanong ko at pinakatitigan ko ito ng maigi sa kanyang mga mata. “Ano? Are you out of your mind? Bakit mo iisipin ang mga ganyang bagay?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin kaya nagkibit balikat ako rito. “I don't know!” Hindi ko siguradong sambit sa kanya. “Do you still love her?” ito naman ang nag tanong sa akin. “No! Hindi ko na siya magugustuhan pa, noon lang iyon at hindi na ulit iyon mangyayari.” Mabilis kong sagot naman dito. “Sige, let's make a deal, kung mapatunayan kong inosente si Vina ay 'wag na 'wag kang makikipaghiwalay sa kanya?” sabi naman nito kaya nagulat ako. “What at kung siya nga?” tanong ko. “At kung siya, gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa kanya! That's it, hindi kita pipigilan tutulungan pa kitang makulong siya.” Sabi naman ni kuya kaya napaisip ako sa sinabi nito. “Sige, deal dahil alam kung siya ang may kasalanan kung bakit namatay si Bunso.” Sagot ko na may kasiguraduhan dahil hindi nagsisinungaling sa akin si Cassie na ang aking bestfriend noon. “Okay kung ganun ay nagkasundo na tayo. Tara ng mag-agahan sa may garden.” Sambit ko kay kuya at nauna na akong pumunta doon. FLORANTE SINUNDAN ko si Rex sa likod at umupo kami sa mesang naroon. Naroon din si Marie dahil ito ang nagserve ng pagkain sa amin. Dahil matapos daw magluto ni Vina ay umakyat na ito sa silid nito. “Oras na para umalis ako, see you soon!” Sabi ko at tumayo na. “Goodbye!” Sabi naman ng kapatid kong ito. Atat na talaga ako nitong umalis hindi man lang niya ako inalok na mag-stay pa ng matagal sa bahay na iyon. “‘Wag mong kakalimutan ang deal natin.” Sabi ko at tinapik ko ang balikat nito. “At wala dapat akong mabalitaang sinasaktan mo or pinapasama mo ang loob ni Vina. Kundi sasabihin ko ito kay mom. Ayaw mo naman sigurong masabon ka niya na walang banlawan, my little bro.” Pang aasar ko rito na ikinalukot ng mukha nito. “Sure, madali lang naman akong kausap.” Sagot naman nito sa akin kaya napangiti ako. ISANG oras lang ay nakabalik ako sa aking opisina sa company ko dito sa Korea sa isa pa naming branch na nandito at nandito ako ngayon sa office ko. “Arthur!” Tawag ko sa aking kanang kamay na si Arthur. “Yes, Master?” sagot naman agad nito sa dahil nakaupo lang ito sa sopang naroon sa office ko. “Mag-book ka ng hotel para sa akin, mukhang mag-i-stay ako dito ng isang linggo,” sabi ko rito. “I don't think that would be possible.” Sabi niya. “Bakit hindi?” tanong ko. “Pupunta ang mama mo, bukas ng hapon dito kaya walang tatao sa company ninyo sa Pilipinas.” Sagot naman nito. “So we have to leave tonight?” tanong ko at tumango naman ito. “Sige book my flight back to the Philippines.” Sabi ko habang tumatayo. Pumasok naman ang secretary ko at inayos nito ang desk ko. Naghahanda na akong umalis nang may nag-pop na message sa phone ko. Ipinadala ko na sa pinagkakatiwalaan kong detective dahil pinapahanap ko ito ng ebidensyang kailangan ko natanggap na raw nito ang pinadala ko. “Arthur may ipapadala pala ako sa'yo, kailangan mong imbestigahan ng maigi ang bagay na ito, bibigyan kita ng isang buwan para mahanap ang resulta.” Sabi ko habang inaabot ko ang susi ng sasakyan ko kay Arthur para ipagmaneho ako nito papuntang Airport. “Yes Master!” Sagot ni Arthur sa akin. “Okay pagdating natin sa Pilipinas ay asikasuhin mo na agad ito.” Sabi ko bukod pa kasi sa detective na hinire ko ay si Arthur ay isa ding magaling na magkalap ng mga ebedinsyang pinapagawa ko rito at hindi lang isang beses niya itong ipinamalas sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD