Chapter 11

1653 Words
VINA NAKAHIGA ako sa kama ko at iniisip ko kung gaano kasakit ang naramdaman ko ngayon. Binangungot kasi ako kagabi, isang masamang bangungot na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Hindi ko lang alam, kung paano ko iyon kinimkim ng mahabang panahon at itinago ang mga emosyong kaytagal kong dinadala. Itinago ko ito sa loob ng maraming taon. How I wish na hindi ko iyon mapanaginipan kung paanong nahulog si Steph sa mismong harapan ko. Pero ang akala ng iba ay ako ang pumatay dito. Pero alam ng Diyos na hindi ako ang tumulak dito. Sinubukan kong iligtas ito pero huli na ang lahat. Pero ngayon nakakatawang isipin na ako pa ang na bilanggo sa mga alala na hindi ko naman dapat nararanasan, wala naman magandang alala sa akin ang babaeng iyon., para ako ang magdusa ng kasalanan sa pagkamatay nito. Tapos ngayon, ay dumagdag pa si Rex sa bigat ng dinadala ko. Galit ito sa akin, sa hindi ko malamang kadahilanan, hindi ko maisip kung anong naging kasalanan ko rito? Gusto kong bumalik sa nakaraan para itama ang malaking kasalanang isinusumbat nito sa akin. Pero paano ko magagawa iyon kung wala naman akong idea, kung anong malaking kasalanan ang nagawa ko rito? Gusto ko nang umuwi, sa mga magulang ko at makipagdevorce na kay Rex. Pero paaano ako uuwi, nakabilanggo ako sa rehas na ginawa nito at pinagbabayaran ko ang kasalanang hindi ko naman matandaang ginawa ko sa kanya. Nalaman ko ito sa kanya noon ng isumbat sa niya sa akin nang umuwi itong lasing at binalak niya akong galawin, habang sinasambit nito na galit daw ito sa akin at malaki raw ang naging kasalanan ko sa kanya. Wala naman akong idea o alala na may nagawa ako rito. Maliban noong ilang beses ko itong pinahihiya sa aming klase noong high school pa lang kami. Dahil ilang beses itong nagtry na ligawan ako at dahil inis ako noon dito at dahil sikat ako noon sa school ay nahihiya akong magkaroon ng manliligaw na lampa at nerd at maging ang pagiging patpatin nito kaya binasted ko ito at pinahiya ko ito sa aming mga kaklase. Pero matagal na iyon, mga matured na kami, para itanim niya sa kanyang isipan ang mga nagawa ko noon dito. Kaya alam kung may mas malalim pang dahilan kung bakit ito galit na galit sa akin. Mabuti na lang at nakita kami ni Marie nang mapadaan ito sa aking silid. Kaya nagawa nitong pigilan ang pagtangkang pagsamantalahan ako nito. Kaya hindi na tuloy ang plano nitong pagsamantalahan ako. Mabilis naman itong natauhan kaya umalis ito sa aking silid habang yakap-yakap ako ni Marie na nanlalambot habang umiiyak. REX POV “SAAN ka pupunta?” tanong ko kay Vina, nang gusto na niyang umalis sa hapag kainan, pagkatapos ako nitong aluking kumain. Napansin ko na sa tuwing oras na para kakain sa almusal, tanghalian o hapunan at kapag ako ay kakain ay palagi siyang kumakain sa kusina o kaya naman ay hindi ito sasabay sa akin kumain. “Pupunta ako sa kusina at doon ako kakain.” Mahinahon niyang sagot sa akin. “At bakit doon? Bakit hindi ka ba makakain dito?” tanong ko. “Ayokong istorbohin ka,” sabi nito. “Tshh! Dalhin mo ang pagkain mo rito at dito ka kumain, kung hindi. . . “Or else what? Are you going to hit her, Forex Clemente?” narinig ko ang boses ni mommy habang papasok ito ng dinning. “Mom!” Sabi ko sabay paskil ko ng ngiti nang tumingin ako kay mommy. “Vina, my son his is trying to bully you again?” tanong nito kay Vina. Tumingin sa akin si Vina tapos bumalik ang tingin nito kay mommy. “No ma'am,” sagot naman nito kay mommy kaya nakahinga ako ng maluwag. “Bakit ma'am lang ang tawag mo sa akin iha, just call me mommy.” Saad naman ni mommy dito. “Pasensya na kung naging masungit ako noong nakaraan sa'yo, i didn't mean it!” Dugtong ni mommy sa sinabi nito kay Vina. “And you, son, say sorry to your wife!” Sabi ni mom habang binigyan ako ng masamang tingin nito. “Wala akong ginagawa mom,” sabi ko naman kay mommy at napasimangot. “Talaga lang ah!” Nagdududang sabi ni mommy at matamang tumingin ito sa akin. “Look son, kung hindi mo mahal si Vina, hindi pa huli ang lahat, pwede pa tayong mag-file ng divorce sa inyong dalawa?” sabi naman ni Mommy at pinandilatan niya akong tingin. “No mom, I-I love her and she loves me right honey? She was just claiming hard to get but our feelings is mutual, we both love each other right?” sabi ko kay Vina at nilapitan ko ito saka ko inakbayan at pinisil ko ng madiin ang balikat nito. Para ayunan nito ang sinabi ko, napagitla naman ito dahil doon/pero hindi ito umangal at mahina itong napatango para sang-ayunan ang mga sinabi ko. Alam kung na iilang ito at nasasaktan sa paghawak ko, pero wala ako pakialam. Ang importante ay sumunod ito at umayon sa gusto ko. “Totoo ba iyan, iha?” tanong ni mommy at pinakatigitigan si Vina kung magsasabi ito ng totoo. “Yes ma'am. . .I mean mommy. Totoo po ang sinabi ni R. . . Honey, ” Mabuti at hindi ito na utal sa pagsasalita, pero kinurot naman niya ako at pilit inaalis ang kamay kung madiing nakahawak sa kanya bago ito muling ngumiti kay mommy. “Sige, I would stay here for a month to confirm this relationship kung nagsasabi kayo ng totoo, but then I am famished, I need to eat, let's eat together!” Nakangiti nang sambit nito habang umuupo ito sa tapat ng kinauupuan ko. “Okay mom, honey tara let's eat daw, kaya umupo ka rito sa may tabi ko.” Sabi ko sabay hawak sa bewang ni Vina at dinala ko ito sa katabing kinauupuan ko. “So since you claim to be you are in love, kailan n'yo naman kami bibigyan ng mga apo?” tanong ni mommy kaya napaubo kami pariho ni Vina. “Mom!” tawag ko. “What?” nakamaang na sagot naman ni mommy sa akin. “Ayokong magkaanak ngayon si Vina.” sabi ko. “Bakit Vina, nasa tamang edad ka na rin naman?” nalulungkot na tanong ni mommy kay Vina at hindi ako pinansin. “But It's okay honey, I will not push you okay! Just have a lovely marriage and when you are ready you could tell me. I know this child thing is new to considering you are an only child.” Sabi ni mom kay Vina ng wala itong masabi. “So Vina, how do you deal with my son? Sana hindi ka niya ini-stress, bakit nga pala kayo umalis ng Isla? Hindi mo ba gusto ang environment doon, well at first I don't like it too, but I prefer this place than the villa you have good taste.” Nagsimula nang magdaldal si mommy kay Vina na parang close na close na sila habang si Vina naman ay pangiti-ngiti lamang. “Mom take it easy,” sabi ko pero hindi niya ako pinapakinggan at nagpatuloy siya sa diskusyon nila ni Vina at hindi ako pinapansin ng mga ito na parang wala ako sa tabi nila. “Mom stop giving her all your attention, I am your son and I am here!” Sabi ko habang nagkakandahaba ang nguso ko kakasalita. “Sobra-sobra na ang atensyon mo sa akin, kaya ngayon naman ay siya naman ang kailangan ng atensyon ko.” Sabi naman ni mom habang pinandidilataan niya ako ng mata. “Mom!” pagtatampo ko. VINA POV NASA hardin kami ni mommy Malia, habang nagkukwentuhan. She is one of a kind, just like my mom. No wonder the both of them were easy to cliche. Dumating si Rex sa hardin pagkatapos ng ilang oras. “I'm sorry but I need to borrow my wife for a minute, mom.” Sabi nito sabay hila sa akin papunta sa kwarto niya. “May problema tayo, isang buwan titira rito si mommy and within that time you have to stay in my room, I have told Marie to transfer all your clothes to my room.” “What?” bulalas ko. “Tama ang narinig mo at wala ka ng magagawa, kailangan mong magpanggap na maayos ang lahat sa pagitan nating dalawa.” Saad nito. “S-sige!” no choice kung pagpayag dito. “Very well, I will sleep on my bed and you on the couch!” Sabi nito kaya tumango na lang ulit ako. “Iyon lang bumalik ka na kay mommy at baka na iinip na iyon.” Sabi nito kaya lumabas na ako. Oh God! Bakit kailangan kong tiisin ang paghihirap na ito, bakit? KINAGABIHAN, papunta na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang boses niya. “At saan ka pupunta?” tanong ni Rex sa akin. “Sa kwarto ko!” sagot ko. “Anong sinabi ko sa'yo, kaninang hapon?” tanong niya habang nakatingin sa akin na parang pipigain ako hanggang sa mamatay. “I forgot sorry,” Sabi ko, tapos sumagi sa isip ko na sa kwarto niya ako matutulog. “Kaya sa kwarto ko ikaw pumunta at hindi diyan sa silid mo!” Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi pumasok sa silid nito. Maganda ang loob ng silid nito malawak din at malaki iyon. Kinakabahan ako kung ano ang mangyayari mamaya kapag pumasok na ito sa silid na iyon. Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo at doon na rin ako nagbihis ng damit. Kumuha ako ng unan sa kama at nilagay sa sofa, doon ako matutulog at sana makatulog ako ng maayos. Pero alam kung hindi ako magiging komportable sa silid na ito na kasama siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD