Chapter 7

2187 Words
VINA POV PAGKABABA namin ng eroplano nakaramdam ako ng pagod dahil sa byahe. “Hindi mo ba dadalhin ang mga bagahe mo?” Sabi ni Rex sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Nagdesisyon akong tumingin na lang sa paligid ko, kaysa sagutin ito. Nalaman kong nasa isang isla kami ang ganda rito. Sa palagay ko magiging masayang bakasyon ang mararanasan ko dito, ang ganda ng tanawin sa isla and I love it, but hindi ko ito aaminin o ipakita sa taong ito. Hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawa nito sa akin. Pagbabayarin ko siya ng sampung ulit sa ginawa niya. Maghintay lang siya at tingnan kung paano ko siya sisingilin. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit kaya napangiwi ako. “Alam mo naman na kinakausap kita e, bakit hindi mo ako pinansin huh!” galit na sabi niya habang may nakamamatay na tingin. “Leave me alone, I'm not ready for any argument, can't you see I'm trying to have a please the view, let me be.” Sagot ko naman dito, habang pinipilit kong tanggalin ang kamay nito sa braso ko. “Tss! Ina, naalala mo ba sinabi ko sa'yo na pahihirapan kita. Para matuto ka ng leksyon.” Sabi niya at mas lalo panghinigpitan ang pagkakahawak nito. “Stop calling me Ina!” Sabi ko sabay bawi ko ng braso ko sa kanya ginamitan ko na nang buong lakas para mabitiwan niya ako. “I can only say one thing, Ina or Vina, whatever your name is. I will destroy your self-esteem all you have. I will make sure if I remove it from your body,” sabi nito at ngumisi ng nakakaloko. “You can never break me!” Sabi ko, nginisihan lang ako nito. At suminyas na siya sa isa niyang utusan na dalhin na ang mga bagahe namin sa Beach house. “THIS is Minda, siya ang naka-assign na magturo sa'yo kung paano magluto ng maayos. At magtuturo rin sa'yo kung paano gumawa nang mga gawaing bahay.” Sabi ni Rex, sabay turo sa isang matandang babae. “Where's my room?” kaswal na tanong ko at hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kailangan kong magpahinga pagod ako at masakit pa rin ang katawan ko, dahil sa magdamag akong nakatulog ng nakaupo sa bodega habang nakatali doon. Napapailing na sininyasan na lamang ni Rex ang katiwala na dalhin ako sa taas ng bahay na iyon. Ipinakita sa akin ni Minda ang kwarto ko na nasa second floor, kaya pagbukas ko ng pinto ay napaamoy ako, hmmn! I like it in here just my taste. Tinulungan ako ni Minda na ayusin ang mga damit ko sa wardrobe at nang matapos kami ay saka lang ito nagsalita. “Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako, through intercom,” Sabi niya at umalis na. Iyon lang ang salitang sinabi niya simula nang makarating ako rito. Pero wala akong pake mas gusto ko nga iyon. Nakakapanibago ang atmosphere ng bansang Korea dahil kahit na may araw ay hindi naman mainit sa balat. Matapos akong makapagpahinga ay napagdesisyonan kong maligo muna bago ako matulog. “We were having our lunch at the dining table. But by the way, your dad called me when you were taking your nap.” He said and loudly voice kaya naalimpungatan ako. Nang makarecover ako sa pagkakagising ay napairap ako rito. Hindi ba ito marunong kumatok at basta-basta na lang pumasok ng walang pahintulot ko. I rolled my eyes again, can't this guy let me be for once. “Bakit?” tanong ko. “Aba ewan ko, gusto ka raw niya maka-usap kaya tawagan mo raw siya.” Sabi nito at tahimik na pinagmasdan ako. “This is hilarious, ginising mo lang ako dahil diyan,” sabi ko at nagsalubong ang kilay nito. “Anong gusto mong gawin ko hindi sabihin sa'yo na hinahanap ka niya, para ano mapasama ako sa daddy mo?” galit na sabi nito sa akin. “What ever! Ngayon nasabi mo na iyan, puwede mo na ba akong iwanan at asikasuhin ko lang ang sarili ko.” Mataray na tanong ko sa kanya. “'Wag na 'wag mo akong mautus-utusan, ikaw na nga ang ginising para sabihin na kumain. Nagtataray ka pa. So get up and fix yourself, kapag hindi ka pa bumaba after ten minutes. Uubusan ka namin ng foods.” Saad nito at iniwan na akong naiinis. Kahit kailan talaga ang mukong na iyon ang hilig na bwisitin ako. Argh! SAMANTALA, buong gabi hindi makatulog si Farrah, gusto niyang kausapin ang kanyang anak at pati na rin si Vina, tatawagan niya sana ito. Pero pinigilan siya ng kanyang asawa na kailangan daw nilang magpahinga saglit. Pagkatapos ng napakahabang byahe ay tama namang pagod ang mga iyon. She was worried sick about Vina, kaya hindi pa rin ito nakatiis ay tinawagan pa rin niya ang kanyang anak. “Magandang umaga mommy, napatawag ka?” “Morning din anak, kumusta na kayo diyan?” sagot naman niya sa anak. “Mabuti naman mommy!” “Kumusta si Vina?” “Mabuti naman siya mommy!” parang antok pa ito dahil sa tono ng boses nito. “Hmmn! Okay, siguraduhin mong tawagan mo ako kapag gising na siya, gusto ko siyang makausap. Okay!” bumuntong hininga ang ginang. “Oo naman, mommy!” “Oh! Sige hindi na kita kukulitin pa, tulog ka pa ulit bye!” Napabuntong-hininga siya habang nakatapat pa rin ang telepono sa kanyang tainga. “Are you now satisfied?” Nagulat siya nang marinig ang boses ng kanyang asawa. “You scared me,” sumbat ng ginang at masama niyang tiningnan ang kanyang asawa habang nakahawak ito sa kanyang dibdib. “NGA pala may pupuntahan tayo bukas.” Sabi nito habang kumakain kami nang tanghalian. “Saan?” tanong ko. “None of your business, ang kailangan mo lang gawin ay magbihis at siguraduhin mong, matatakpan ang pasa mo sa palapusuhan.” Sabi niya sabay tingin nito sa kamay ko. Napatingin naman ako roon, ngayon ay pinoproblema nito ang pasa ko sa palapulsuhan na kagagawan nito. “What ever! Tapos na ako kumain.” Sabi ko na lamang dito at tumayo na sa upuan. “At saan ka naman pupunta?” “Kailangan kong maglibot-libot dito sa bahay mo, masama ba.” mataray kong sagot sa tanong nito. “Ask Minda to show you the house, wala ako time para itour ka rito.” Sabi niya sabay walk out nito. Bakit kailangang lagi niya akong winu-walk out-an? 'Di ba pwedeng ako naman ang mag walk out sa pagkakataon na ito? “I would love to be alone?” pasigaw na sabi ko rito pero wala na itong pakialam na tuluyang umalis sa kusina. Narating namin ang garden nitong bahay. Grabe ang ganda talaga rito kung sa iba't ibang sitwasyon siguro ay gugustuhin ko ng ditong tumira. Pero hindi ako pwedeng mawili rito. Kailangan kung makagawa ng paraan para matakasan ang mokong na iyon. Namimiss ko nang gumala na walang nakabuntot sa akin. Sinamahan pa rin kasi ako ni Manang Minda sa pag ikot-ikot sa magandang bahay na ito. Kaya hindi ko na panindigan ang maglibot ng mag isa. Pero sinubukan ko pa ring pakiusapan si Manang Minda na iwanan akong mag-isa na sinang ayunan naman agad nito. “Okay ma'am.” Sabi niya habang bahagyang yumuko at umalis. Umupo ako sa bench na naroon sa maganda ang garden na may mga paru-parong naglalaro sa garden kaya naging maganda ang tanawing aking nakikita. KANINANG umaga pumasok si Rex sa kwarto ko, pumasok siya para ipaalala na bago mag before seven pm ay gumayak na raw ako dahil may pupuntahan daw kami. Isasama daw niya ako sa isang business masquerade party, hindi niya ako binigay ng maraming detalye pero sumang-ayon din ako at wala naman akong magagawa. Sinuot ko ang gown na nilatag ni manang Minda sa kama ko at sa tulong ng make-up artist na tinawag ni Rex ay nakapag ayos ako nang mas maaga-aga. At Least may taste siya pagdating sa fashion, at ang ganda ng pagkaka make-up sa akin ng kinuha nitong make up artist. I wear my mask, kaya medyo may pagka-mystery ang look ko na bumabagay sa gown na suot ko. Pagbaba ko ay nandoon na si Rex na naghihintay sa akin ang inip na mukha nito ang bumungad sa akin, ngunit ang pagsermon sana nito ay na bitin sa ere at napatulala itong nakatingin sa akin. Itinago ko sa sarili ko ang puna ko rito ng makita ko siya ngayon. He was wearing a dark wine tuxedo that suited him well he paired with black Italian shoes. So he looked even more handsome because of what he was wearing. “Lets go! Ano pang tinutunganga mo riyan?” saad nito ng makabawi sa pagkatulala, inirapan ko na lamang ito at sumunod na dito nang mauna nitong lumabas ng bahay. Medyo na late kami ng nakarating sa venue, sumakay pa kasi kami ng bangkang de motor. Kaya late kaming nakarating tumabi sa akin si Rex at nagsimula na kaming maglakad papasok sa isang sikat na hotel dito sa Seoul. “Oh my poor Rex, I never knew you would make it to the venue, am so happy to see you.” Sabi ni Old lady Jang. I actually hate this woman right from the beginning, Isa siyang ahas sa green grass at lola din ni Agatha na kaagaw ko noon kay Rex, pareho silang may dugong ahas nananalaytay the old woman ay tuso pa rin gaya ng dati, magaling mag pretend. Laging nagbabalak ng hindi maganda sa kapwa. “I'm sorry for not being able to call you on I was busy!” sagot naman ni Rex at nilingon ako. “At sino naman siya?” tanong ni Lady Jang at tumingin din sa akin “She's just my date!” Sagot ng lalaking ito. “Good evening Lady Jang!” Sabi ko habang nagtatagis ang mga bagang ko and she made a fake smile, she's so disgusting. “You look pretty!” Sabi nito habang binibigyang diin ang salitang pretty pero ang mukha ay may pagka-disgusto. “Thank you, ma'am at maganda ka rin naman kahit medyo may wrinkles ka na.” Sabi ko and she beamed a smile. “I'm sorry lady Jang, but we have to go meet another guest.” sabi ni Rex. “Oo naman, pero huwag mong kalimutang bisitahin ako kapag may time ka sa mga susunod na araw,” Sabi naman ng matanda at muli akong sinulyapan. “Yes, Lady Jang!” sabi ni Rex sabay hawak sa mga kamay ko at hinihila na ako palayo sa matandang hukluban na iyon. “I told you to be in your behavior, what the hell did you just display uh?” Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko pagkaalis namin sa tabi ng matandang iyon. “She started it first and I am also in my best behavior.” Sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya at nakahalukipkip ang mga kamay ko sa ilalim ng dibdib ko. “Kahit kailan ka talaga napaka tak—bago pa niya makumpleto ang kanyang ibabatong salita sa akin ay may tumawag sa kanya. “Mr Forex Clemente,” Sabi ng isang babaeng nakamaskara rin pero kahit gan'on ay nakilala ko pa rin ito. Anong ginagawa niya dito? Damn, she came to represent our company, looking at Cassie made me realize I had a foolish mistake, I need to call it later at kakausapin ko ito. I need to tell her para malaman niyang asawa ko na si Rex, baka isipin nito naglilihim na ako sa kanya, nakalimutan ko palang ibalita ito sa kanya, kaya alam kong magagalit siya, pero at least magkakaroon ako ng kakampi. Para sa mabilis na solusyon para maalis ako rito at makatakas muna kay Rex. “Miss Cassie, it's so nice to meet you!” sabi ni Rex habang iniabot niya ang mga kamay nito para makipag kamay kay Cassie at malugod naman iyong tinanggap ng huli. “I am also happy to see you here and I hope, we'll be looking forward for a collaboration for the upcoming projects that is going on.” Saad naman ni Cassie, teka anong narinig ko, gagawa ng collaboration project together at hindi ko alam iyon? Bakit hindi niya sinabi sa akin? I thought again! Maybe she did tell me but I wasn't paying attention to it or the project is just a new one. “This is my date tonight.” Pakilala sa akin ni Rex at inilapit ako sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa bewang ko. Masakit iyon kaya hinampas ko ito nang palihim at napangiwi ako pero hindi man lang niya ako binitawan. “I'm Cassie Dela Merced, and you are?” sabi nito habang iniunat niya ang kamay para makipag-kamay sa akin. “It was nice to meet you!” I just said those words casually to her, at napatigil eto. Nakilala kaya niya ako? I pray na 'wag siyang magdulot ng eksena rito. “Parang pamilyar ang boses mo?” sabi nito habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD