Chapter 19

1761 Words
REX POV NAKA-UPO ako ngayon sa upuan sa tabi ng kama ni Vina, habang hawak ko ang kamay nito at hinahaplos ko ang pisngi nito, habang ito ay natutulog. Nandito pa rin kami sa hospital, hindi ko muna ito pinalabas kahit sinabi na ng doctor na pwede ko na itong iuwi. Natutulog pa rin ito hanggang ngayon, dahil tinurukan ito kanina ng pampakalma, dahil nagwawala naman ito kanina. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako, nagising na lamang ako ng maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Vina na hawak ko, kaya napatingin ako dito at nakita kong gising na ito habang tulala parin kaya dinala ko ang palad nito sa aking labi at hinalikan ko iyon. “Vina?” Masayang tawag niya, pinindot niya ang isang button malapit sa kanya, agad namang pumasok ang doctor ng marinig nito ang tunog ng intercom. Sinuri niya ang t***k ng puso at temperatura nito. Hindi ako sanay na ganito ang ayos nito, kaya hindi ko napigilang mapaluha habang humihingi ng tawad sa kanya pero wala man lang itong respond. “Nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon, medyo mahina pa siya pero kumalma na, kailangan niyang kumain at uminom ng gamot para makapagpahinga. Bukas ay pwede ninyo na siyang ilabas, at puwede na siyang dalhin sa America para magpagamot doon upang tuluyan nasiyang magamot at gumaling.” sabi ng doktor. “Salamat Dr. Enriquez,” sabi ko dito. Maya-maya lamang ay dumating ang mga magulang ni Vina sa ospital at agad akong kuwenilyuhan ng ama nito, habang galit na galit na pinagsabihan siya ng mga ito ng malaman ang nangyari sa anak nila. “Bakit nagkaganyan ang anak ko anong ginawa mo sa kanya? Pinagkatiwala ko siya sa'yo, pero ano itong nangyari sa anak ko?” sabi ng mommy ni Vina, sabay yakap nito sa anak. “I'm sorry po, hindi ko po alam na may sakit si Vina, kung alam ko lang sana hindi ko na sana siya pinahirapan at sinisi sa pagkamatay ng kapatid kong si Stephanie.” Malungkot na saad ko sa mga magulang ni Vina. “A-anong ibig mong sabihin? Kapatid mo ang babaeng iyon na naging sanhi kung bakit nagkaganyan ang anak ko?” tanong ng ama ni Vina. “Opo, pero half sister ko po siya, hindi ko alam na biktima lang din si Vina sa lahat ng iyon. Kaya sana po ay mapatawad ninyo ako sa mga ginawa ko sa anak ninyo, nadala lang ako ng matagal ko ng galit kay Vina, pero kung alam ko lang hinding hindi ko gagawing maghiganti sa kanya.” Hindi ko na nalamayang lumuluha na pala ako. “Ngayon na nakaganti ka na sa anak ko, siguro naman ay patatahimikin mo na siya sapat na siguro itong kabayaran sa inaakala mong malaking kasalanan ng anak ko sa'yo. Ipahahanda ko na ang annullment paper ninyo sa lalong madaling panahon, pero ito lang ang sinisigurado ko sa'yo, walang kasalanan ang anak ko sa pagkamatay ng kapatid mo, biktima rin siya dito.” Seryosong saad nito kaya umiling ako. “Hindi po ako papayag na hiwalayan ang anak mo, ipapagamot ko po siya at babawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.” Determinadong saad ko kaya lumabas kaya lalo itong nagalit sa akin. “Sa tingin mo ba sa ginawa mo sa anak ko, ipagkakatiwala ko pa siya sa'yo? Hinding hindi iyon mangyayari.” Determinado ring saad ni Mr. Suarez at sinuntok niya ang mukha ko, hindi ako lumaban dito sa halip ay tinanggap ko ang galit nito dahil kasalanan ko naman ang lahat. Pumasok naman nang ward na iyon ang mommy ko, kaya inawat niya ang ama ni Vina. “Tama na iyan, balae, baka mapatay mo ang anak ko, ako na ang humingi ng pasensya sa mga nagawa niya sa anak mo, at hindi ko rin gusto iyon, pero nagawa lang naman iyon ni Forex, dahil hindi niya alam na walang kasalanan si Vina sa nangyari sa kapatid niya.” Pag-awat ni mommy sa ama ni Vina. “Alam mo ito balae?” hindi makapaniwalang saad ng ama ni Vina. “Yes at ilang beses ko ng pinagsabihan si Forex, kaya lang nabulag siya ng galit sa pagkamatay ng kanyang kapatid sa ama, kaya ako ng bahala sa kanya, kunin nyo muna si Vina at kapag okay na ang lahat ay pag-uusapan natin ang tamang gagawin para sa mga bata.” Sabi ni mommy kaya binitiwan na ako ng ama ni Vina. “Mom, hindi ako papayag na paghiwalayin ninyo kami ni Vina,” tutol ko kaya tiningnan ako ni mommy ng masama. “Sana inisip mo iyon bago ka nagpadala sa galit mo sa kanya, at saka sino bang nagsabi na pumapayag akong maghiwalay kayo, kailangan munang makapagpahinga at gumaling ang asawa mo. Saka ka na lang bumawi sa mga kasalanan mo sa kanya,” sabi naman ni mommy kaya napatingin kaming lahat kay mom. “Anong ibig mong sabihin balae?” naguguluhang tanong naman ng mommy ni Vina. “Hindi, desidido na akong magpawalang-bisa sila ng walang kwenta mong anak.” tutol naman ng ama ni Vina. “Hindi sainyo muna ang anak ninyo at walang maghihiwakay sa dalawa dahil mag-asawa na sila at kung hindi kayo papayag ay ako mismo ang magpu-full out ng ininves ko sa company ninyong nalugi na, kaya walang maghihiwalay dahil iisang pamilya na tayo, kaya dalhin ninyo muna sa America si Vina para makapagpagaling siya doon, at aasikasuhin muna ni Forex na linisin niya ang pangalan ng anak mo, at para naman maibalita na wala talagang kasalanan si Vina sa pagkahulog ni Stephanie. 'Di ba Forex?” sabi naman ni mommy at bumaling sa akin. Alam ko na ang ipinupunto nito, kaya wala akong nagawa kundi hayaan na lang muna na hindi ko makita at makabawi kay Vina. Tama si Mommy paano ako makakabawi kay Vina, kung malaya pa ang totoong pumatay sa kapatid ko at hindi pa malinis ang pangalan nito. Kaya umiiyak akong napatango para sumang-ayon sa mga kagustuhan ng mga magulang namin ni Vina. Wala namang nagawa ang mga magulang ni Vina, dahil sa totoo niyan ay wala na silang sulosyon para maisalba pa ang kompanya nila na ang tanging mga Clemente lang na may kakayahan para muling makabangon ang kompanyang pinaghirapan ng kanyang anak. Kaya ipinapangako ko na kapag naayos ko na ang dapat ayusin at kapag nalinis ko na ang pangalan ni Vina at kapag napagbayaran na ng totoong may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko ay babalikan ko si Vina upang bumawi sa kanya at humingi ng paulit ulit na tawad dito. Tuluyan na ngang umalis ang mga magulang ni Vina dalawang araw na ang nakakalipas, para maipagamot ito doon para gumaling na ito. kahit gustong gusto ko na pigilan siya sa pag-alis nito ay hindi pwede dahil nagkasundo na sila mommy na hindi ako pwedeng lumapit kay Vina hangga't hindi ko pa nahuhuli ang tunay na may kagagawan ng pagkamatay ng kapatid kong si Stephanie at hindi ko pa nalilinis ang pangalan ng asawa ko. Kaya gagawin ko ang lahat para mahuli ko lang ang totoong mga salarin sa pagkamatay nito at uumpisahan ko ang lahat sa pagpapaamin ko sa kaibigan ni Vina na si Cassie, kung bakit niya nagawa ito dahil malakas ang kutob ko na may alam ito o may kinalaman ito sa lahat na nangyari noon. Isang buwan na ang nakakalipas ay unti-unti ng nakakarecover si Vina, ayon na rin sa taong binayaran ko para magkaroon ako ng mata sa mga nangyayari kay Vina sa America. Pero natatakot akong baka kamuhian niya ako, kapag gumaling na ito dahil sa lahat ng nagawa kong pagkakamali dito para muling bumalik ang trauma nito ay alam kong imposibleng mapatawad pa niya ako. Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako, kung kinakailangan kong lumuhod sa kanya at araw-araw akong humingi ng tawad dito ay gagawin ko ito para maibalik lang niya sa dati ang lahat. Pagbabayarin ko rin ang kaibigan nitong si Cassie sa lahat ng ginagawa nito kay Vina, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ito mahanap. Pero hindi ako susuko at kapag nakita ko ito ay aalamin ko ang totoo kung bakit nagawa niyang ipaniwala sa akin na si Vina ang pumatay sa kapatid ko, kapag nalaman kong may kinalaman siya sa lahat ng ito ay patawarin ako ng Panginoon sa magagawa ko sa babaeng iyon. FLORANTE POV “I want to an annullment Rex as soon as possible" sabi ni Vina sa akin. “Pero bakit? Alam na ni Rex na wala ka talagang kasalanan sa pagkamatay ng kapatid namin.” Sabi ko naman sa kanya ng minsang dalawin ko ito sa America dalawang buwan na ang nakakalipas. “I know you had a deal with him, and you won so what is stopping you now, get him to annull me or I will do it my way and you guys won't like it.” She stated while me was surprised. “Paano mo nalaman?” Tanong ko. “Nandoon ako ng sabihin mo iyon noon ng nasa Korea pa lang kami ng minsang dumalaw ka sa amin. Kaya hindi mo na kailangang magsinungaling. Kailangan ko ng tulong mo kuya Florante at kailangan mo akong tulungan. At pagkatapos ay kailangan mo rin akong tulungan upang mahanap si Cassie, kailangan ko siyang pagbayarin sa lahat ng mga ginawa niyang kasinungalingan kay Rex,” sabi ni Vina habang nangangalit ang mga ngipin sa galit. “So, alam mo na rin na si Cassie ang nagbigay ng kuhang CCTV fotage na putol at nang gatong kay Forex para lalong magalit siya sa'yo?” tanong ko sa kanya kaya napatango ito. “So, alam mo na nagawa lang iyon ng katapid ko sa'yo dahil ang pagkakaalam niya na ikaw ang pumatay kay Steph? Kaya bakit kailangan mo pang hiwalayan siya?” sabi ko kaya napabuntong hininga si Vina. “Oo, at kung itinatanong mo kung bakit hihiwalayan ko si Rex, ay dahil ayaw ko na siyang makita pa, galit ako sa kanya, dahil mas pinaniwalaan pa niya si Cassie sa mga kasinungalingan nito kaysa sa tanungin niya muna ako at hayaang makapagpaliwanag sa kanya.” Galit na saad nito kaya ako naman ang napabuntong hininga. “Sige, tutulungan na kita.” pagsang-ayon ko. “Salamat!” sabi nito. “Huwag ka munang magpasalamat sa akin, hindi ko pa gagawin ang paghihiwalay ninyo. Hangga't hindi ko parin nalalaman ang totoong pagkamatay ni Stephanie, tutulungan kita, dahil pareho tayo ng hinahangad sa totoong pagkamatay nito at para narin malinis ang pangalan mo.” sabi ko naman dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD