Chapter 4

2071 Words
VINA NAKA-UPO lang kami sa likod ng sasakyan dahil may driver naman doon. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan. Walang ni isa sa amin ang nag-abalang magsalita. Pero nang sulyapan ko ito saglit ay nakita kung umiigting ang mga panga nito. Hindi ko alam kung dahil sa kasal na kami o dahil no choice itong katabi ako ngayon sa upuan. Hindi na ako nag-abalang magtanong bagkus ay ibinaling ko na lang tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan. Alam ko na hindi ito magiging maganda sa amin ang simula bilang mag-asawa, ngunit handa akong gawin ang lahat ng gusto ko, anuman ang mangyari. Pagdating namin sa reception ay parang medyo relaxed na ito, pero silent treatment pa rin siya sa akin. Nag-umpisa na kaming gawin ang ginagawa sa loob ng reception hall. Hanggang sa dumako sa pagsasayaw ng bride at groom, para kami ay kabitan ng mga pera, habang kami ay nagsasayaw. Sumayaw kami sa ilalim ng tugtugin sa kantang ‘Beautiful in White’ kahit nag alangan akong madikit dito nang malapitan. Iyon ang paborito kong kanta, ngunit hindi ito akma sa aming sitwasyon. Hindi ko siya naka-usap buong gabi. Pareho kaming nakikibahagi sa pagbati sa mga bisitang na imbitahan at bumabati sa amin pabalik. Kumakain ako ng desert ngayon at ito naman ay umalis saglit sa aking tabi, pero wala akong pakialam. Basta ako ay kakain tapos, pero mula sa aking peripherals vision ay nakikita ko siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan nito na dumalo sa aming kasal. Napagawi naman ang tingin niya sa akin, kaya agad kong binaling ang tingin sa iba. Nagkunwari akong napatingin kina mommy na masayang-masaya sa mga oras na iyon. Nang makita ko silang punong-puno ng saya, ay napangiti ako ng tunay na ngiti sa mga labi ko. Masaya sila ngayon at iyon lang ang mahalaga sa akin. NANG matapos ang okasyon na iyon ay umuwi na kami, kung saan daw namin gaganapin ang honeymoon. Kaya lalong nadagdagan ang kaba ko mula pa n'ong nasa simbahan palang kami. Huminto ang sasakyan sa isang penthouse at inalalayan niya akong makababa, dahil sa laki at bigat kasi nang gown ko ay mahihirapan talaga akong bumaba kung bakit naman kasi ito pa ang pinasuot ng lalaking ito sa akin. Pero sa gulat ko imbis na alalayan lang niya akong makalabas ng kotse ay binuhat niya ako, parang wala lang niya akong ipinasok sa loob ng penthouse. Sumara ang pinto sa likod namin at saka niya ako pabalang na binaba, muntik pa akong matumba. Mabuti na lamang at naagapan kong makahawak sa isang malaking vase na naroon. Masama ko itong tiningnan at magsasalita na sana ako para awayin ito nang iwan na niya ako basta roon. Napapailing na lamang ako nang mag-isa na lang ako sa sala. Mabilis kong inayos ang sarili ko at nag-poker face. Napaka walang modo pala ng isang iyon akala mo kung sinong mabait kina dad. Kaysa naman magkulaps ako sa sobrang inis sa lalaking iyon ay umakyat na rin ako sa isang silid na naroon umupo sa kama at saka hinubad ko na ang suot ko nang sa wakas ay nahubad ko na iyon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Pinunasan ko na rin ang make up ko sa mukha bago ako nagsuot nighties at humiga na sa kamang naroon. Mamaya ko na lang ito kukompruntahin sa ginawa nito sa akin kaina. Dahil napagod ako sa kasal at dahil sa pagod ay agad akong nakatulog ng mahimbing. REX NANG nakita ko siyang natutulog sa kama, I decided to let her have a peaceful sleep on our wedding night and then, bukas ay magsisimula na ang buhay namin bilang mag-asawa. Nagpasya akong kumutan ito. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha na ngayon ay mahimbing na natutulog habang humihilik. ‘Kababaeng tao, naghihilik.’ Napailing ako dahil sa paghilik nito. I wonder why she dyed her blonde hair to black. I actually prefer her blonde hair, it makes her look more hot especially with her signature lipsMAT'What are you thinking, Rex? You must be mad at that woman? But here you are praising that woman?' Kastigo ko sa aking sarili ng marealize ko ang aking mga pinagsasabi, kaya napatayo ako ng ayos. Lumabas na lang ako ng kwarto kaysa sa kung anu-ano pa ang isipin ko tungkol sa babaeng iyon. Kailangan kong isipin na ito ay tungkol sa paghihiganti ko. Hindi ko pwedeng masira ang mga plano ko, dahil lang sa kagandahan ng babaeng ito. Lahat ng taon ko sa pagpaplano ay ayokong mapunta lang sa wala. Kaya mas mabuting tanggalin ko na ang mga nararamdaman kong ito sa babaeng iyon. So I better get rid of my feelings for that girl dahil nakalipas na iyon. Before my plans are ruined. SAMANTALA, “Sa wakas ang dalawang iyon ay nagpakasal na, nakakatuwa, dahil lahat ay naaayon sa aking mga plano,” sabi ng isang taong nagkukubli sa dilim gamit ang kanyang itim na sasakyan. “Una sa lahat gusto kong magdusa ang babaeng iyon to the extent na maghihingi siya ng ‘Sana ay namatay na lang ako’ kapag nangyari iyon ako ang una-unang magsasaya sa kasawian niya. Tama nga ang kasabihan dapat kang Magsakripisyo ng isang bagay, para maabot mo ang iyong mga layunin sa buhay. “At ang kasal na ito ay simula pa lang para maging kalbaryo ang buhay mo Vina.” saad niya sa kanyang sarili na may kagalakan. “But before that, I need to celebrate to night, para sa mga susunod ko pang hakbang,” sabi ng isang estranghero nagkukubli sa dilim. VINA NATUTULOG pa ako sa kama ng biglang may nararamdaman akong malambot na kamay sa balikat ko at ginigising ako. “Ma'am, gising na po tanghali na,” narinig kong sabi ng isang babae. “What the f**k are you doing in my room?” Napasigaw ako sa inis ang ayaw ko pa naman ay ang gisingin ako kung hindi ko hinabilin, naramdaman kong medyo natakot sa akin ang babae pero hindi naman ito sumagot. “Ma'am, pasensya na po, pero pinapagising ka po sa akin ni Sir. Rex, hindi po ako pwede umalis dito na hindi ko kayo nagigising. Magagalit po sa akin si sir, ma'am, kaya kailangan n'yo na po talagang gumising, pasensya na po.” Sabi ng babae kaya napabuntonghinga ako sa inis. “Ugh, okay I'll be there in twenty minutes.” Inis na sabi ko at tumayo na higaan. “Ano pang hinihintay mo? I need my privacy stupid,” sabi ko kaya lumabas na ito ng silid ko. Tinignan ko ang oras at ilang minuto pa bago mag alas osto ng umaga kaya wala na akong nagawa kundi bumangon at maligo. Nang makababa ako ay nagulat ako sa nakita ko. Lahat kasi ng miyembro ng pamilya ni Rex ay nasa baba na ng ganitong kaaga at ang mas ikinagulat ko ay ang aura ni Rex na seryoso at mukhang galit itong nakatingin sa akin. Anong meron at lahat sila nandito sa penthouse na ito. Wala naman akong natatandaan na may okasyon ngayong araw na ito. Pero kahit na gan'on ang awra nito ay hindi pa rin makakailang ang gwapo nito ngayon. Siguro kung isa lang akong normal na babae like calm and all those stupid dotting girls, kikiligin na sana ako ngayon. But not me, I'm Vina Suarez at sanay na ako sa ganitong tao, pero never naman akong nagkandarapa dahil lang sa isang lalake. “Anong okasyon ngayon at nandito kayong lahat?” walang gana kung tanong nang makababa na ako. REX “ANONG okasyon ngayon at nandito kayong lahat?” walang galang na tanong nito nang makakababa ito ng tuluyan. “My family been looking at you. At bakit kabababa mo lang?” sabi ko with a stern voice. “Bakit kailangan nila ako makita? eh, nandoon naman sila sa kasal natin?” saad nito na walang anuman itong umupo sa tabi ko. Hindi man lang ito nag-abalang batiin sila mommy kaya biglang dumilim ang mukha ni mommy. Pero wala naman itong sinabi sa inugali ni Vina, pero alam kung mamaya ako nito makatitikim ng sermon kay mom. Habang si dad naman ay napapailing sa amin at si kuya heto at napapamaang sa inaasal ni Vina sa harapan namin. “I told you before you sleep last night na dadalaw dito sila mommy, kaya akala ko alam mo na darating sila ngayon.” Sabi ko naman at pinigilan ko ang aking sarili na 'wag masigawan ito. Pero parang wala itong narinig sa sinabi ko. Tumingin lang ito sa akin at nagmamaang maangan na parang hindi ko ito kinakausap. “Are you talking to me?” tanong niya. “Sino pa ba ang kinakausap ko? Inaantok ka pa yata para hindi mo malaman kung sino ang kausap mo o baka nanaginip ka pa ng gising. Umayos ka ng ugali mo nasa harapan tayo ng pamilya ko.” inis na sagot ko rito. Nauubos na ang pasensya ko rito. “Ha, ha, very funny.” Sabi niya habang tumatawang sarkastiko kaya nawalan na ako ng pasensya at na ipukpok ko ang kamay ko sa lamesa. “Terso, June!” tawag ko sa dalawang tauhan ni Dad at agad naman silang lumapit. “Yes boss?” sabay nilang sagot nang makalapit. “Dalhin ninyo nga ito sa albularyo at baka may sapi na, pahagupit n'yo sa latigo para mawala ang sapi nito,” sambit ko kina Terso. Sabay namang napadako ang tingin ng pamilya ko sa akin. Habang napanganga naman si mommy dahil pinatulan ko ang pang-aasar sa akin ni Vina. “Seryoso ka riyan?” sabi pa ni Vina at iniikot ang mga mata sa pag-aakalang nagbibiro ako. Technically wala namang nagseseryoso sa mga sinabi ko kaya para mapatunayan kong totoo ay sininyasan ko na sila Terso para bitbitin na nila ito. “But sir she's yo. . .” Magsasalita sana si June, pero tinaliman ko lang ito ng tingin. “Narinig mo ako, 'di ba? Go!” Sabi ko kaya walang nagawa ang dalawa kundi bitbitin si Vina na nanlalaki ang mga mata. “Don't you dare? Bitiwan ninyo ako.” Sabi nito pero hinihila pa rin siya nina Terso at June palabas ng sala. “Hey, let me go, bitawan ninyo ako, Rex, are f*****g out of your mind. I think ikaw dapat ang dinadala sa mental, you need an urgent check up.” She scream kaya lalo akong nainis dito hindi na talaga ito nagbabago ang taas pa rin ng tingin nito sa sarili, tss! “Wait. . .” sabi ko at napatigil sila sa pagbitbit kay Vina. “Bitiwan ninyo na siya. Sa susunod, matuto kang makipag-usap sa akin ng maayos kung nakasanayan mong makipag-usap sa iba na pabalang ay 'wag na 'wag mo iyan gagawin sa akin, lalo na sa harap ng pamilya ko, sasamain ka sa akin. Hindi ka uubra sa akin dahil sa susunod totohanin ko na ang banta ko,” seryoso kung sabi dito pero hindi ko maiwasang matawa ng lihim dahil sa mukha nito kanina. “What ever, hindi mo rin ako madadala sa mga susunod mong mga walang kwentang pagbabanta. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko kahit ang hindi pagkausap ko sa'yo ng seryoso. Hindi ba sabi mo–putol nito sa sasabihin sana niya at lumapit ito sa akin at may binulong. “Na, huwag kitang kausapin maliban na lang kung kailangan. So ano ba ang pinuputok ng butsi mo, idiot?” bulong nito at pagkatapos ay nakangisi itong umalis at pumunta sa kusina. Naisahan ako ng babaeng iyon, tss! Kung wala lang dito sina dad at mom, siguro kanina ko pa ito nasakal sa pagiging immature nito. Habang si Dad at kuya ay natatawang tumingin sa akin na nagsasabing; nakahanap ako ng katapat. “Don't tell me, na kaya mo lang siyang pinakasalan para lang pahirapan siya?” nagtatakang tanong ni mom sa akin kaya napabaling ang atensyon ko rito. “Calm your nerves my mom, may kailangan lang siyang bayaran sa akin,” sabi ko na may kahulugan. “Oh my God parang hindi ko na kilala ang anak ko, iyan na nga ang ikinatatakot ko kaya ayaw kung pakasalan mo siya, please just let her be! Di ba napatunayan. . . “Sorry mom it's too late, but don't worry, hindi ko naman siya papahirapan ng pisikal, just a little bit.” Pagpuputol ko sa sasabihin pa sana nito, habang nakangiti kay mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD