Chapter 3

1815 Words
VINA PABALIK-BALIK ako sa kwarto ko habang palakad-lakad nang halos isang oras sa kakaisip kung tatanggapin ko na lang ba ang proposal ng mga Clemente pero ayaw na niyang balikan pa ang isang taong ni sa panaginip ay ayaw na niyang makita pa. “Mag isip kang mabuting self, ” pasigaw kong sabi sa aking sarili. I was looking for a solution to all those mess pero wala akong maisip na ibang paraan. Maybe I need a shower, para makapag-isip ako ng maayos. Hinubad ko ang damit ko at pumasok sa bathroom, inayos ko ang bathtub at nagbabad ako saglit doon ng may pumasok na ideya sa aking isipan kaya napabangon ako. “Why the f**k are you stressing yourself Vina? You have known him naman since college. And you did many 'Beautiful' things to him. Bago mangyari ang malungkot mong nakaraan? You would marry him to solve your problem with your company. Then when your company recovers, you can divorce him pagkatapos mong mabawi lahat, right?” kausap ko sa aking sarili, ilang saglit lang akong nag isip at maya-maya lang ay napangiti ako sa aking na isip. Lumabas na ako sa bathroom at kumuha ng tuwalya at nagpunas ng katawan, pumunta ako sa drawer kung saan ko itinago ang aking telepono at kinuha ko iyon, para tawagan ang aking ama. “Hello, Dad?” “So, nakapag-desisyon ka na ba?” seryosong tanong ng aking ama sa kabilang linya. “Chill Dad, 'wag kang atat, pero sige pumapayag na ako. Pwede na kayo mag set ng meeting with Forex Clemente, but before that, gusto ko munang makausap ng sarilinan si Rex.” Saad ko. “Good okay, hindi 'yan problema pero, 'wag kang gagawa ng kalokohan o inisin ang mapapangasawa mo, because I know you. Sana ay bukal sa loob mo ang pagpayag mo. Sige na, I have to go, bye.” “Don't worry Dad, behave ako, I promise!” Saad ko bago ko binaba ang tawag. Wala ng atrasan ito. SAMANTALA; “Alam mo sa totoo lang natatakot ako para sa anak natin,” sabi ni Mr. Suarez sa kanyang asawa. “Darling, I know you care about our daughter very much and I know you want the best for her,” sabi ni Mrs Suarez sa kanya asawa. “Syempre, I want the best for her, you know I was actually scared that she wouldn't get any suitors. I was even trying to look for one before the incident happened. And the next we received a marriage contract from Clemente family. Kaya tuwang-tuwa ako ng malaman kung may tutulong sa atin sa kumpanya. Hindi lang kasi ito para pagsalba sa ating kumpanya kaya ako pumayag sa kasunduan. At alam mo ang ibig kong sabihin, honey. Alam ko rin na magiging mabuting asawa sa anak natin si Forex kilala ko ang batang iyon. Kaya lang ang inaalala ko kung magiging mabuting maybahay ba ang ating anak sa kanya.” Sabi ni Mr. Rowen Suarez sa asawa habang siya ay nabumuntong-hininga. “Don't worry my darling with time she will change, believe of that! Because love conquers all. So, common cheer up honey.” Pagpapagaan naman ng damdamin ni Mrs. Vilma Suarez sa kanyang pinakamamahal na asawa. “Sana nga, honey, sana nga, at sana magkagustuhan ang dalawa balang araw.” REX “I RECEIVED a call from Rowen and he told me that's daughter is agree for our proposal.” Sabi ni daddy habang hinahain ni mommy ang hapunan namin. “Really?” tanong ni mommy. “Of course,” sabi ni dad at tumingin naman sa akin si mommy. “Are you sure you really want to marry this girl, alam mo naman ang ginawa ng babaeng iyan sa bunso natin?” “Yes, mom. Hindi na magbabago ang desisyon ko.” Sagot ko naman dito. “So, Dad? Anong sabi ni Vina?” si daddy ang tinanong ko at ngumiti na lang ako kay mommy, dahil sa paraan ng tingin nito sa akin. “Well, sabi niya gusto ka niyang makausap na kayong dalawa lang,” sagot ni Dad. “Okay no problem I'll meeting her tomorrow, but Dad, gusto kong ikasal kami next month na. Kaya dapat paghandaan na natin ang kasal. And by the way, saan daw pala kami magkikita?” tanong ko habang kumukuha ng isang basong tubig para uminom. “Sa Brewery cafe, two blocks away from your school in college.” Sagot naman ni Dad, kaya tumango ako rito. “What wait Son, what with the rush, you guys are getting married after one month.” Sabat naman ni mommy na tutol sa sinabi ko. “Mom, magtiwala lang kayo sa akin, may dahilan ako sa lahat ng ito. Trust me, mom.” Sagot ko kaya wala na itong nagawa at pumayag na lang sa kagustuhan ko. “I NEVER expected na magkikita tayo ulit sa ganitong sitwasyon.” I said with my lovely smile. I won't lie but it seems I am falling even before I started. She looks so pretty and hot especially when she's on her signature lipstick. Pero hindi ako magpapaloko sa kagandahan nito ulit, never. “Yes, never expected that.” Sabi naman nito at nakangiti rin, pero may iba sa mga ngiti nito. Ngiting hindi mo dapat kalugdan. “So, ano ang balak mo sa kasal na ito?” tanong nito na nakataas ang kilay. “Well, I have a condition na siguradong magugustuhan mo.” Saad ko saka ngumiti ng matamis dito. “So, what is it?” “Well, sabi nga sa pamilya namin ang bride to be ay dapat magsuot ng our family ancestral gown, more like a wedding gown. You have to wear the gown my great grandmother wear, the same thing my mom wear and I can't be the one to change ito.” Sagot ko sa tanong nito. “Pero lumang tradisyon na iyon. Iba na ang panahon ngayon.” Naiinis na sagot nito sa akin. “Walang masama sa pagsusuot lang ng damit ng mga ninuno namin, meron pa naman siguro ang gumagawa ngayon sa panahong ito.” Saad ko na may ngiti sa labi. “Okay, I accepted.” Sabi nito na may halong pagkadismaya. “Thank you very much, I really appreciate it, Ina,” sabi ko. “Don't call me Ina, it's Vina, best friend ko lang ang pwede tumawag sakin sa palayaw ko, Fores the weirdo,” sabi naman nito at nalukot ang maganda nitong mukha. Well Rex the weirdo, iyong nickname na binigay niya sa akin n'ong collage kami and actually noong unang araw na nagkita kami ay binuhusan niya lang naman ako juice nito sa ulo, sabay tulak nito sa akin noon. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. “Sige, maghahanap ako ng magandang nick name para sa'yo, ayoko ngang tawagin ka sa tawag ng iba sa'yo,” sabi ko naman sabay ngiti ng matamis. “Arrgh! fine, ikakasal na tayo next month. But before that make sure my company is stable,” sabi nito na parang walang ibig sabihin ang kasal sa kanya. “Of course, I'll do that with immediate effect.” Sagot ko. “Okay, okay, pero sa ngayon dapat secret lang ang kasal natin, ayoko ng noisy press sa buhay ko ngayon.” Sabi nito kaya tumango ako. “Sure, no problem with that. Hindi ko rin naman gustong ipangalandakan na ikakasal ako sa'yo.” Sabi ko na may ngiting tagumpay. VINA AFTER ONE MONTH NGAYON ang araw na ako, ikakasal kami ni Rex. Mabigat man sa loob ko pero nakapag-desisyon na ako itutuloy ko na ito. Bumuntong-hininga ako at muling inayos ang damit pangkasal ko hindi naman pala ganoon kalala ang suot kong ancestral gown after some changes. Pero ang init sa katawan kaya konting tiis na lang at mamaya naman ay mahuhubad ko na ito. Nandito na kami sa simbahan at bumaba na ako sa bridal car habang inalalayaan ako ni dad, papuntang aisle. Wala akong nararamdamang excitement, kundi pagkabagot dahil gusto ko ng matapos agad itong kasal. Napatingin ako sa lalaking naghihintay sa akin sa altar and I must admit, hindi makakailang gwapo nga talaga ang mukong na ito. Pero hindi makakaila na napakamesteryoso ng lalaking ito ngayon ibang iba na rin kasi ito simula ng huli kaming nagkita na dati ay payat pa ito at nerd pa mag-ayos. Nakasuot ito ngayon itim na suit at maayos ang pagkakasuklay ng alon-alon nitong buhok. Matangkad rin ito at malaki na ang bulto ng katawan na may kayumanggi ang balat, pero makinis naman at lalaking lalaki na itong tingnan kaysa sa dati. Maamo man ang mukha nito, pero walang anumang emosyon ang makikita sa mga mata nito. Ngunit kahit gaano pa ito kagwapo at kayaman ay hindi ko ito magagawang magustuhan, siya pa rin ang dating nerd na nakilala ko noon na isang mahina at uto-uto. Madali namang pag-aralan na makisama siguro sa Forex na ito. Pero kung hindi kami magkasundo ay sasabihin ko na lang dito na kapag nakabalik na sa dati ang lahat ay pwede na kaming magdevorce pagkatapos ng isang taon. Kaya sana ay pumayag ito sa magiging kondisyon na gagawin ko, aba sa lagay na iyan siya lang dapat may kondisyon sa kasal na ito. Dapat meron din ako hindi pwedeng wala. Nang makalapit na kami ng tuluyan sa altar ay binigay na ako ni Dad dito na may ngiti sa labi at nakipag kamay sa lalaking nasa harap ko ngayon. Nanlalamig akong tinanggap ang kamay nito at iginaya ako nitong maupo sa harapan ng pari na magkakasal sa amin. Bakit ba ako nakararamdam ng ganitong damdamin? Ang buong seremonya ay natapos ng maayos. Nang nagdeklara ang pari, ng isang salita na magtatapos ng tuluyan sa aming kasal. “You may now kiss the bride,” saad ng pari, kaya humarap na ito sa akin. Sinalubong ako ng kanyang mapupungay na mga mata, kaya napalunok ako. Kasi ito ang unang halik na igagawad sa akin ng isang lalaki, kahit ganito ako never naman akong nagpakawala. Kaya umiwas ako ng tingin sa mga mata nito at hinintay na halikan niya ako. Pero nang hahalikan na sana niya ako, ay medyo ipinilig ko ang ulo ko kaya dumapo ang halik niya sa gilid lang ng bibig ko. Mabilis siyang tumalikod at sinamaan ako ng tingin. Mabuti na lang ay hindi napansin ng mga dumalo sa kasal ang iginawi namin nito, sinamaan ko rin ito nang tingin para same. Nagsimulang mag hiyawan at mag palakpakan ang mga naroon kakaunti man ang mga dumalo dahil private wedding iyon ay malakas pa rin ang palakpakan lalo na ang mga kaibigan daw nito. Pagkatapos ay tipid lang kaming ngumiting dalawa. Habang hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng simbahan. Mabuti na lang at wala ring paparazzi sa paligid. Tumutupad din pala ito ng usapan kaya magkakasundo seguro kami nito, sana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD