Chapter 5

1748 Words
VINA NANG makaalis ang mga magulang ni Rex ay saka lang ako lumabas ng kusina. Aakyat na sana ako sa taas ng kwarto ko nang biglang may tumakip na kamay sa bibig ko. Nagpupumiglas ako, kaya nabitiwan ako ng kung sino man ang gumawa niyon sa akin. Kaya lang ng lilingunin ko na sana ang pesteng gumawa niyon ay bigla na lang nito akong hinatak at hinila sa kung saan. “Let me go, sino ka? How dare you to touch me, remove your dirty hand of me.” Sigaw ko sa lalaking nanghila sa akin. “Shhhh! Miss. Vina, sorry, but now you have to follow me, inutusan lang ako,” sabi ng isang lalaki at dinala ako nito sa isang bahagi ng penthouse na ito. Nang makarating kami sa bodega ay tinali niya ako sa sirang kamang naroon. “Anong gagawin mo sa akin sino nag-utos nito sa iyo si Rex ba?” galit na tanong ko sa lalaki kanina, ngunit wala itong sinabi at ngumiti lang ito sa akin. “Sinusumpa ko kapag nakawala ako rito malalagot kayo sa akin. Kapag may ginawa kayong masama sa akin. Huhugutin ko ang mga eyeballs ninyong mag-amo at ipapakain ko sa mga aso.” Sabi ko habang naggagalaiti sa galit. “Lumabas ka na, ako na ang bahala sa kanya.” Seryosong saad naman ni Forex na kakapasok lang. “Ikaw? walang hiya ka, ano naman itong pakulo mo?” tanong ko at sinamaan ko ito nang tingin. “Parusa ko iyan sa'yo sa lahat ng ipinakita mong masamang asal sa mga magulang ko. So paano diyan ka na muna,” sabi lang nito at aalis na sana ito ng magtanong ako rito. “Ano ba talaga ang problema mo? At bakit ka pala nagbigay ng tulong sa kumpanya namin dahil ba para dito ang ikulong ako sa mabaho mong bodega?” seryoso kong tanong rito. “Gusto mo bang malaman?” tanong nito kaya na inis akong sinagot ito. “Of course! Magtatanong ba ako kung hindi ko gustong malaman, idiot.” Gigil kong saad. “Malalaman mo iyan sa tamang oras. But for now, enjoy your whole day in this storeroom, bye again, my wife.” Pagkasabi nito ay iniwan na niya akong nag-iisa sa bodega, kaya inis akong nagpapadyak sa kinauupuan ko. Ghad! Ang taong iyon ay sadyang nakakagigil nagtatanong ako ng ayos hindi man lang ako sinagot. Nag walk out na lang bigla ni hindi man lang nag abala pang tumingin sa akin. Ano ba itong pinasukan ko? Ibang iba na ito sa Forex na nakilala ko noon, ang Forex na mahina at walang alam lang kundi ang magmukmok sa isang tabi. Nagpumilit akong makawala sa pagkakatali ko, mahigpit talaga ang pagkakatali niyon kaya nasayang lang ang pagod ko. “Ah! Ang higpit, damn this stupid rope!” Napangiwi pa ako pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paggalaw ng mga kamay ko, hanggang sa mapagod na lang ako ay hindi ko pa rin magawang tanggalin ang tali sa kamay ko. Kapag nakaalis ako rito. I swear, gaganti ako sa ginawa nito sa akin ng Rex the weirdo na iyon. REX NAGSASABON ako nang katawan dahil naligo ako matapos kong puntahan si Vina sa bodega. Hindi ko lang maalis sa isip ko ito, nakakaramdam kasi ako ng awa ngunit pinigilan ko ang sarili kong maramdaman iyon. “Dapat lang iyon sa kanya para matotoo at 'wag maging bastos.” Kastigo ko sa aking sarili. Pero kahit anong isaksak ko sa kukote ko ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ito. “No, no, you don't have to feel pity for her, she caused you pain and she deserves more than this,” sabi ko na naman sa aking isipan. Napatigil ako sa pagsabon ng makarinig ako ng may kumatok sa pinto. “Sino kaya iyon?” tanong ko habang nagmamadaling nagbanlaw at lumabas sa bathroom at nagsuot ng robe. “Come in,” utos ko nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok naman ang isa sa mga tauhan ko. “Anong kailangan mo?” tanong ko. “Nawalan siya ng malay sir, anong gagawin ko sa kanya?” sabi nito. “Sige, ialis mo na siya doon sa bodega at dalhin mo rito sa kwarto ko, ngayon din.” utos ko rito. “Okay boss,” mabilis na pagsang-ayon nito sa utos ko at agad naman itong tumalima. FARRAH “I just can't believe Rex, can't do this.” Sabi ko sa asawa ko. “Siguro may mga dahilan siya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon,” sabi naman ng aking asawa. “Ngayon ko lang nakitang ganyan ang anak mo hindi naman natin siya pinalaking ganyan? Sinusundan na niya ang landas mo na hindi ko gusto noon pa man. Tama ng si Florante na lang ang tinatahak ang landas na ito, pero hindi ang pangalawa natin. Dati naman si Rex is so calm and a good boy with great personality and now seeing him like this is breaking me.” Nalulungkot na tanong ko. “Malaki na ang anak mo alam na niya ang ginagawa niya.” Sabi lang ng asawa ko. “I know and I'm happy, they to get married para magkaapo na ako pero huwag naman sa ganitong pagkakataon and not that woman. Akala ko kinalimutan na niya ang nakaraan? His doesn't deserve this, am a mother and I know how it feels of my son's feelings.” Sabi ko na may lungkot sa puso ko. Napabuntong-hininga naman ang asawa ko sa mga sinabi ko. “Calm down Farrah, he had his reasons. There is no way na hindi siya nag-iisip ng tama sa ganyan. This business world is just so complicated there is no way you won't get your hands. I know natatakot ka para sa anak natin, pero trust me alam niya ang ginagawa.” Sabi ng aking asawa na si Fernando. Pero hindi pa rin ako kumbinsido at napapanatag sa mga sinabi nito sa akin. “Don't even tell me that, I just saw him kung paano niya patulan ang babaeng iyon.” Sabi ko habang na iiling sa mga nasaksihan ko sa mag asawa kanina. Akala ko pa naman ay mahal ng anak ko ang babaeng iyon at nakalimutan na niya ang nagawa nito sa kanyang namayapang kapatid kaya ako pumayag na lang sa kagustuhan ng anak ko. “It's ok honey, I would talk to him, calm down honey, don't worry he's not gonna take my path.” Sabi naman niya sa akin at pilit akong pinapakalma. “Siguraduhin mo lang, kasi ayaw kung makitang nababalot ng galit ang ating anak.” Wala akong nagawa kundi ang magtiwala na lang sa aking asawa at batayan ang aking anak. ROWEN NAKARAMDAM ako ng discomfort, parang may nangyayaring mali. Kailangan kong tawagan ang pamilyang Clemente, para tanungin kung okay lang ang lahat. I didn't call my daughter, she won't pick her phone, dahil siguro nagtatampo pa iyon sa kanya, kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng bahay ng mga Clemente. “Hello?” “Hello kumusta ka? Napatawag ka balae?” sagot ng nasa kabilang linya. “Mabuti naman, tumawag lang ako para icheck kung okay lang ba ang mag-asawa?” tanong ko naman. “Okay lang sila, don't worry. Kailangan lang magpahinga ng mag-asawa kasi kararating lang nila galing honeymoon.” Masaya naman sagot ni Miss Farrah sa akin. “Hmmn! Okay, sana hindi nakakagulo si Vina sa inyo diyan?” “Hindi naman, mabuti naman siya at minsan may pagkamadaldal din pala itong anak mo.” Biro niya sa akin. “Thank God at okay lang pala ang lahat. Salamat at pasensya na sa pang-istorbo ko.” Nakahinga ako nang maluwag dahil sa mga narinig ko. “Hindi naman, ikaw pa e, pamilya na tayo ngayon, so quit the formalities.” “Sure! Salamat balae naappreciate ko iyan. So by the way, ibababa ko na itong telepono, salamat sa pagsagot, bye!” Paalam ko na rito kaya binaba ko na ang telepono pagkapaalam nito sa akin. Laking pasasalamat ko na wala palang nangyaring masama at mali lang ang kutob ko. VINA KAKAGISING ko lang at masakit ang buong katawan ko lalong lalo na ang mga kamay ko. Kaya napangiwi ako at bumangon sa pagkakahiga. Tinignan ko ang oras at alas sais na pala ng umaga. Lumingon ako sa gilid ko para lang makita ang lokong iyon na natutulog ng mahimbing sa tabi ko pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Ang kapal ng mukhang tumabi sa akin ng walang pahintulot. Gagantihan ko ang pesteng ito kapag ako nakawala rito, ngunit hindi pa sa ngayon dahil masama pa ang pakiramdam ko para gawin iyon. “At bakit ka ganyan makatingin sakin, six am na, nakahiga ka pa rin hanggang ngayon? Ano pang hinihintay mo dapat nasa kusina ka at naghahanda ng almusal o baka gusto mong maramdaman ulit ang galit ko ngayong umaga?” sabi nya sa akin. “At bakit mo ako kinakausap ng ganyan? Alalahanin mong may kasalanan ka pa sa akin. At saka, alam mo namang hindi ako marunong magluto, kaya bakit mo ako pinipilit magluto kung alam mong basura ang kakainin mo.” Galit na sabi ko at umusog ng kaunti. “Siyempre, alam ko ang tungkol diyan, kaya nga gusto kong matuto kang magluto. Pero deskarte mo na lang muna iyon kung paano sa ngayon.” Sabi niya kaya na inirapan ko ito. “Alam mo, hindi mo ako mapipilit na labag sa kalooban ko, kaya bahala ka riyan.” Sabi ko at nagtalukbong ng kumot. “Talaga? Tingnan natin kung makaangal ka pa sa gagawin ko sa'yo!” Sabi niya sabay ngisi at sabay hila ng kumot at tinitigan ako nito ng nakaluluko at maya-maya lang ay binuhat ako nito. “Ahhh! Put me down, ano ang binabalak mo?” sabi ko habang nagkakakawag para bitawan niya ako. “Huwag kang malikot kundi mahuhulog ka, sige ka!” Babala nito ngunit mas lalo ko pang nilakasan ang paggalaw ko. At iyon na nga ang nangyari tuluyan na niya akong nabitiwan. Mabuti na lang at nasa kama pa kami kundi sa sahig lalapat ang likod ko. Ngunit sa kasamaang palad ay nadaganan niya ako kaya magkaharap kami ngayon at ang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa. Ilang segundo kaming nagkakatitigan, kaya napalunok ako ng laway. Dahil sa ayos naming dalawa may naramdaman din akong isang bagay na tumutusok sa may malapit sa puson ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD