Chapter 2

1591 Words
VINA “MISS Suarez, ano ang gagawin natin sa mga stock na bumababa?” tanong ni Mr. Zambales na isa sa mga major shareholders ko. “Naghahanap pa ako ng solusyon,” sagot ko. Kung hindi dahil kay Cassie ay hindi ko sasagutin ang tanong na iyon. Seryoso, hindi ko alam kung paano at bakit bumabagsak ang mga stock at pati na rin kung paano kabilis iyon nangyayari. Ito ay nagbibigay sa akin ng maraming sakit ng ulo. “Anong kalokohan ang ibinubulalas mo, hanggang kailan ka maghahanap ng solusyon? Mas mabuti pang maghanap ka na agad ng solusyon or else. . .” Si Mr. Harrison na isa sa hindi mapigil ang bibig sa kakatalak at pangunahing shareholder ng company ko. “Or else what? Mr. Clark Harrison. Anong gagawin mo? Pero 'wag mo ng sagutin ang tanong ko. All I want is you to sell all your shares and leave my company dahil hindi ko na kailangan ang service mo ngayon, meeting is over.” Matigas kong sabi at umalis na. Hindi ko na ito pinagpaliwanag pa. “Vina, wait!” Tawag ni Cassie ng makalabas ako sa conference room, kaya huminto ako. “Ano? I don't need you to counsel me right now, kasi wala ako sa mood.” Sabi ko sa mataray na boses. “No no, hindi 'yon ang gusto kong sabihin, uhm! Actually kailangan ko kasing magpaalam sa'yo, I hate to say this pero, kailangan kong umalis ng bansa for one weeks, iyan sana ang ipapaalam ko sa'yo.” She said na parang nagdadalawang isip. “WHAT!! Cassie, are you gonna ditch me now, I need you the most here. Saka ka naman aalis?” naiinis na sigaw ko rito. “Syempre hindi naman ako magtatagal. Isang linggo lang iyon. Pangako hindi ako magtatagal ng higit pa diyan, may importante lang kasi akong lalakarin.” Sabi niya. Huminga muna ako nang malalim bago ako tumango at tinanong ko ito ng “Okay, so kailan ka aalis at saan ka naman pupunta?” “Pupunta ako ng Paris, at bukas na ang alis ko.” Sabi niya. “Ano? Kailan mo pa ito pinaplano? Ang unfair mo.” Tanong ko. “N-Noong nakaraang buwan pa,” sagot naman nito at napakamot nang ulo. “At hindi ka man lang nag-abalang sabihin sa akin ang tungkol dito ng mas maaga?” sabi ko at naiinis na man ako dahil sa nalaman ko. “Hindi ko kasi noon sigurado kung pupunta ako o hindi,” “Hmmn! Sige, pwede ka ng umalis, pero 'wag mong pahabain ang pagkawala mo, kasi hindi ko magugustuhan iyon. Magagalit talaga ako sa'yo ng lubusan.” Sabi ko kahit masama pa rin ang loob ko pero wala naman akong magagawa. “Yes boss, thank you very much, pasasalubungan na lang kita.” Sabi nito sabay takbo palayo sa akin na para bang nag mamadali, kaya napailing ako. Nang mawala ito sa paningin ko ay bumalik ako sa opisina at doon ako nag iisip. Upang maghanap ng solusyon para malutas ang problemang kinakaharap ng kumpanya namin ngayon. “Oh God! Paano ko lulutasin ang problemang ito?” sa isip ko at napabuntong-hininga ng biglang tumunog ang phone ko. “Si Mom gosh, nalaman na ba niya? Damn!” Bulong ko huminga muna ako nang malalim bago ko iyon sinagot “Hello mom!” “Kumusta ka?” seryosong tanong nito kaya kinabahan ako. “M-mabuti naman po ako, na-stress lang ako ng kaunti.” Sagot ko at pinasigla ang boses ko. “Kailangan mo nang makauwi ngayon!” sagot naman ni daddy ito na ngayon ang kausap ko. Kaya lalo ako nagdudang alam na nila ang problema ko. “Dad, marami pa akong ginagawa. . . .” “Huwag ng maraming dahilan, Vina. Makinig ka na lang.” Pagpuputol naman nito sa sasabihin ko, kaya tumango ako kahit hindi nila iyon nakikita “Sige na, punta na ako.” Suko ko rito. Kahit 'di mababakas dito ang galit sa boses nito ay alam kung galit na ito dahil tinawag na niya ako sa aking pangalan. Hindi ko naman kasalanan ang buong pangyayari, nagtatrabaho naman akong mabuti. Naisip ko iyon, habang iniimpake ko ang aking bag at lumabas na nang opisina ko. “NASAAN si Dad?” tanong ko sa isa sa mga katulong ng makauwi ako sa mansyon. “Nasa library po, kanina pa po kayo hinihintay.” Sagot naman nito habang nagmamadali akong naglakad papunta sa library. I could hear the argument between the both of them, pero pumasok pa rin ako sa library. “Buti naman at nandito ka na ngayon, ano ito?” tanong ni dad sabay hagis sa akin ng dyaryo kaya tinignan ko ito kaya napatigil ako saglit. “Dad, hindi ko alam kung paano ito ipaliwanag sa'yo!” Sabi ko at inalis ko ang bara sa aking lalamunan. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, hindi mo alam kung paano ito ipaliwanag? Hinayaan kitang kunin ang kumpanya since I was sure na kakayanin mo. Pero nagkamali pala ako at ito lang makukuha kong kapalit. Hinayaan kita in your way kahit medyo hindi ko nagustuhan dahil may tiwala ako sa'yo. Kahit pati mga staffs ko noon ay nagrereklamo sa'yo ay binaliwala ko, because I trust you. But I pleaded with them to cope with you. And isa pa, bakit mo tinanggal si Harrison, are you out of your mind?” sigaw ni dad sa akin at galit na galit itong minura ako. “Honey, mag dahan-dahan ka lang naman, 'wag mo na sigawan ang bata.” Sabi naman ni mommy kay dad. “Hindi na siya bata, twenty four na siya para hindi ko pagalitan,” sabi naman ni dad kay mom kaya natahimik ito. Nang makabawi ako sa mga sinabi sa akin ni Dad ay nagsalita ako. “So sinumbong na pala ako ni Mr. Harrison sa'yo, his dead to me, I swear, I'm gonna ruin his life and his generation to come.” Galit na saad ko kay dad sa mataas na boses. “Aba't tinataasan mo na ako ng boses ngayon. Normal ka pa ba? Pinag-uusapan natin, kung paano natin aayusin itong gulo na ginawa mo at heto ka nag iisip kung paano mo sisirain ang buhay ng ibang tao at ang henerasyon niya, God, ngayon tingnan mo Vilma, bata pa bang matatawag ang anak mo?” baling naman nito kay mom. “Minsan, Vina, iniisip ko kung dapat ko na bang pagsisisihan na pinanganak ka ng mommy mo, ngayon ko lang napapatunayan na nagpapalaki pala ako ng isang demonyita na tulad mo. Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang ganitong pag-uugali. Sa tingin mo ba masaya ako sa ugali mo at sa tawag ng mga tao sa'yo na isang demonyita!” Sabi ni dad na hindi alam ang gagawin kung sasaktan ba niya ako o sisigawan ng sisigawan para mailabas nito ang galit sa akin. “Dad, I'm not a monster, okay and let these people say what they want to say. It's none of my business and stop letting your frustration on me. I'm getting sick of it already at naghahanap na ako ng solusyon sa problema ng kumpanya natin kaya 'wag mo na akong pagalitan, pwede.” Sambit ko sa kanya at inikot ko ang mata ko sa ere. Hindi ako apektado sa mga iisipin ng iba. “Saka Dad, paano tayo makapag-uusap ng maayos kung magagalit ka rin sa akin.” Dugtong ko pa rito. “Well at this time, I will make the way and you have no choice but to agree to what I want.” Sabi ni dad kaya napalaki ang mga mata ko sa tinuran nito. “Hell Dad! Hindi mo maaaring gawin ito. Ibinigay mo na sa akin ang pamamahala ng kumpanya!” Sigaw ko ulit kaya itinaas nito ang kamay niya at akma niya akong sasampalin dahil siguro sa pagtaas ko na naman dito ng boses. Pero nahawakan na iyon ni Mommy at pinakalma si Dad. “Pagod na ako sa kalokohan mo Vina, kaya ngayon makinig ka na sa akin. Maswerte kang nakatanggap ako ng proposal sa pamilyang Clemente para esave nila na ang company natin. Kaya sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong magpakasal sa anak nitong si Forex Clemente, because the contract marriage will not change it anymore. And my answer it's final, you will marry to him, either you like it or not.” Sabi ni dad habang ako naman ay natitigilan. “Bakit naman sila magpapadala ng marriage contract sa atin, I don't want to marry anyone else.” Sabi ko kaya napa-facepalm si dad at napakamot sa noo. “Can you see how stupid your daughter is. But well you have no choice kiddo. They also gave you an opportunity para pag isipan ito. I want your answer tomorrow or else I'll decide on my self.” Babalang sabi ni dad at naglakad na ito palabas na hindi man lang ako tinapunan na ng tingin. Binigyan naman ako ni mommy ng nagsusumamo na tingin, kaya napakamot ako sa batok ko at nagdadabog na umupo sa sopang naroon. “I'll see what I can do to change your dad's mind, if you don't want to marry now. But still look for a solution to all this.” Sabi ni mom at lumabas na rin ng library. Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko sa loob ng ilang taon na ako ang nasusunod sa lahat ng gusto ko. Pero sa isang iglap ay magbabago ang lahat ng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD